Home / Romance / Zillionaire’s Bride in Revenge / Chapter 5: She’s Important to them

Share

Chapter 5: She’s Important to them

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-09-05 16:47:04

Huminto sa pagnguya si Hazel, kinuha ang tissue at niluwa doon ang bubble gum. “Mas pinaniwalan niyo siya kesa sa akin maski na sabihin niyang kinamumuhian niya ako. Kung mas mahalaga siya sa inyo, bakit nagsayang pa kayo ng effort para mahanap ako? Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko kaya iba-block ko na kayo!”

“Hazel Xaviera! Pwede ba rumispeto ka naman? Tigilan mong magalit tuwing pinag-uusapan ulit natin ito!” Nasa tono na ang galit.

Pabalik-balik na parang sirang plaka ang topic na ito at napupuno na siya sa iritasyon.

“Pinalalampas kita dati, pero iba na ngayon. May malubhang karamdaman si Amelia. Maniwala ka!”

“Ano ba’ng kinalaman doon sa pagpo-postpone ng kasal namin ni Dominic sa sakit niya?! Tapos mandatory ba talaga na palagi nasa tabi nito ang fiancée ko?” singhal niya.

Kahit na wala siyang paki sa kanyang nobyo ay di niya maitago ang matinding galit. Kaso di niya magawa maging sarkastiko sa magandang asal ng mga taong umiikot sa kanya.

“Natural na ganoon ang turing ni Dominic sa kanya dahil kasabay silang lumaki at masyadong independent si Amelia sa kababata niya.” Mas lalo itong nagalit pero biglang pinaklama ang sarili. “H’wag kang mag-aalala kasi ikaw pa rin ang pakakasalan niya sa huli. Pwede bang magpokus muna tayo sa sakit ni Amelia?”

Talagang sinusubukan ng mga ito ang pasensiya niya. Hindi lang nitong tinuring na baby ang pekeng anak, gusto rin na pigilan siya at maging sunod-sunuran sa mga ito.

Bwesit!

Nagsalita ulit si Claudia nang di siya umimik. “Naiintidihan mo ba ako?”

Uh-ha, ang lakas naman ng apog nito para i-brainwash siya at sundin ito. Bumuga siya ng hangin, nababagot na siyang pakinggan ito kaya pinatay niya ang tawag at pinindot ang ‘block’. Matagal na niyang b-in-lock ito, mahaba na nga ang listahan ng blocklist niya pero patuloy pa rin sa pagpalit ng sim para bwesitin siya.

….

Arya Residence Tower, BGC

Saktong pag-apak niya sa lobby ng condominium ay agad niyang nakita si Charlotte Romano. Nakaupo ito sa sofa ng lobby, inaabala ang sarili sa pag-ii-scroll sa socmed habang hinihintay siya. Matulin pa sa kidlat itong tumayo nang mapansin siya at sinugod s’ya ng yakap.

“Mamma mia! ‘Wag mong hayaan ang puso mong sirain ng mga lalaking wala namang value sa buhay mo, baby. Ipapakilala kita sa old-money men ko bukas. Gusto mo, mala-mafia ang dating? Mamili ka lang.”

“Okay,” tinatamad niyang tugon.

Gusto lamang siyang i-comfort ni Charlotte pero parang wala itong ganang mabuhay. Kumalas ito at pinasadahan ng tingin ang kaibigan mula paa hanggang ulo. Napanganga siya ng makita ang manstya ng dugo sa damit nito.

“Oh, santo cielo! Nasaktan ka ba? Saan?”

Binaba ni Hazel ang tingin sa damit at may ilang patak ng dugo doon. “Hindi ito sa akin.”

“Eh, kanino?

“Ah, malamang kay Amelia o kay Dominic.”

“W-What?”

“Binugbog ko silang dalawa kanina.”

Namulagat ito sabay taas ng mga kilay. Kakakita niya lamang sa dalawa sa hospital tapos ngayon tanghali ay nabugbog na ng kaibigan niya. Syempre na-impress siya kaya binigyan agad ng thumbs up ang bestfriend.

“Sadyang pinagpala talaga tayo, kagaya mo akong hot-tempered na madaling makakagawa ng gulo kaya sisiw lang tuwing paparusahan ang mga bastardo at maharot.”

Sayang lang pala ang pag-aalala niya na baka umiyak ito kapag malaman na nagbalikan ang dalawa, pero kagaya niya ay pinili nitong parusahan ang dalawa. Natutuwa siya sa pambubugbug ka-ek-ekan nito. She felt relieved after she learned this move.

Hindi naman masamang tao si Hazel, nawawalan lamang ito ng pasensiya tuwing magloloko ang white lotus na pekeng anak ng mga Monteverde.

“Mabuti pa’ng ililibre kita ng samgyup bilang gantimpala. Tara, kumain muna tayo!” yaya ni Charlotte.

Tumango si Hazel. “Um-absent ka ba o nag-leave para pumunta rito, Lottie?”

“Hindi! Nag-early out lang para yayain kang kumain sa labas at makipag-marites. Pero babalik din naman ako after ng dinner,” paliwanag nito.

Lumabi siya. Malamang nag-aalala ito na baka malulungkot at iiyak siya matapos malaman ang pagtataksil ng nobyo niya bago ang kasal nila. Hinila nito ang braso niya at ilang sandali ay nasa Korean-style restaurant na sila.

Sumalpok ang kilay niya habang isa-isang nilalagay ang gulay sa kumukulong sabaw. “Next time, h’wag na tayong kumain dito. Nauubos lang ang oras ko sa pagluluto rito. Kakain ba tayo o magluluto na lang?”

“Hay, ang tamad mo talaga, beshy!”

Mas gusto niya kasi sa fine dining restaurant na matagal matapos kumain dahil niluluto pa ng chef ang menu.

“Na-miss ko lang ang restaurant sa Pasay. Ang sasarap ng European cuisine doon. Ha… lalo na ang steak!”

“Oh, shut up! Tumikim ka rin minsan ng Asian foods ‘no? Oh ayan, kainin mo.” Nilapag nito ang isang hiwa ng pork belly sa lettuce niya. “Ibalot mo d’yan at kainin mo. Promise, makakalimutan mo talaga ang pangalan mo.”

Tahimik niyang kinain ‘yon.

“So, what are you planning right now?” Mayamaya’y tanong nito.

Biglang nawala ang lasa ng kinakain niya nang muling maalala ang ang fiancée o sabihin nating ex niya.

“We canceled our wedding.”

Huminto ito. Nalaglag ang hawak na chopstick. “Papayag ba ang dalawang angkan niyo?”

“Hindi ko na kailangan ng approval nila.”

Tinikom nito ang bibig. Ang totoo n’yan ay hindi siya pumapayag sa engagement na ito. Matapos malaman ng mga Juarez na hindi totoong anak si Amelia ay pinakansela ng mga ito ang kasunduan ng kasal. Natakot ang pamilya niya dahil nakasasalay ang kompanya nila sa kompanya nito. Kaya hayun, pinag-usapan ng mga magulang niya na siya ang magpapakasal sa lalaki.

Malaking bonus din noong biglang pinagtanggol siya ni Dominic noong nag-away sila ni Ameliá. Minahal siya nito at tinuring na mahalagang hiyas matapos mawala ng pekeng babae. Pero may iba pala itong binabalak.

Parang gusto siyang gamitin ng lalaki kaya hayun sinikap niya na huwag mahulog ang loob dito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Zillionaire’s Bride in Revenge    Chapter 83: Disbelief

    Napabuntong hininga si Claudia nang pinagmasadan ang unti-unting humihina si Amelia."Her condition is getting worse and worse. I don't know how she's managed these past two years," aniya."She'll be fine. Matapang si Amelia, malalampasan din niya 'yan," ani Lucas. Iyan lang magagawa niya dahil hindi naman siya magaling mang-alo ng iba.Tumango si Claudia. "Kausapin mo muna si Lucas. Kukuha lang ako ng makakain ni Amelia," aniya kay Shaira.Nahihiyang napabaling si Shaira sa lalaki. "I'm sorry. Gusto sana kitang samahan dito sa hospital noon pero hindi ako pinayagan ni Kuya. Galit na galit siya."Bahagya itong napangiti. "Okay lang iyan. Ba't ka pala naparito ngayon?" Napasulyap ito sa oras. Mag-aalas dose na pala ng tanghali."I ran to Hazel," sabi niya."Si Hazel? Nakita mo siya... nasaan ba siya?" Tinutok ni Lucas ang buong atensyon sa dalaga nang sandaling narinig niya ang pangalan ng kapatid, pero hindi matago ang lumilitaw na in

  • Zillionaire’s Bride in Revenge    Chapter 82: Scheme

    Magkasabay na lumabas si Shaira at Richard palabas ng opisina ni Hazel. Madilim ang mukha ng lalaki, nagyeyelo ang buong katawan at tila masasakal ang sinumang tumitig dito. Makapal ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Nang maramdaman ni Shaira ang peligro ay maingat niyang nilapitan ito.“Kuya… siya ba ang may-ari ng studio na iyon? That can’t be right, huh.” Sumalpok ang kilay niya, ayaw talagang maniwala. “No way na siya ang may-ari. Nagpapanggap lang siya ‘di ba?”Noong lumabas siya sa opisina nito kanina ay sandali niyang ginala ang mga mata. Maraming empleyadong nagtatrabaho doon, siguro aabot ng isang dosina. For what was supposed to be a “small studio,” it actually seemed quite well-established.Pero kinukulit siya ng tanong: kung saan ito kumukuha ng pera.

  • Zillionaire’s Bride in Revenge    Chapter 81: Bad People

    Tumayo si Richard Buencamino matapos sabihin iyon, hindi siya nagpaapekto kay Hazel. Akma siyang aalis nang nag-alinlangan siyang inirapan ng dalaga. Saglit, tila may gusto itong sabihin, pero matapos ang mahabang sandali ay hindi ito umimik.Naalala ni Shaira na ang mga babae katulad ni Shaira—kapag nilahad niya na may anak sa labas si Lucas— ay siguradong aakusahan ang ibang tao na gumagawa lang ng storya para manggulo. Natural na ang pagiging kontrabida nito.People teach people to become bad.Teach someone once, and they’ll repeat it.“Ano pa ba ang gusto mong sabihin, Miss Monteverde?” basag katahimkan nito nang mapansin siya.Lumabi siya. “Wala,” pakli niya sa mahinang boses. “I just think that if Shaira really likes Lu

  • Zillionaire’s Bride in Revenge    Chapter 80: No Need

    Yes, Hazel didn’t need it all. Otherwise, why would she dare to be so arrogant— to completely ignore the warning given by the Monteverde family?“Shaira!” sigaw ni Richard, mabababa pero mabigat. Pinabalik ng madilim nitong tono sa tamang huwesyo si Shaira. Kumurap siya at muling nasalubong ang mga mata ni Hazel. Sumikip ang dibdib niya at tila kinapos siya ng hininga.She was mortified, uncertain if she could earn her forgiveness today. Ngunit bago siya makapagsalita ulit ay inunahan siya nito.“Mr. Buencamino, kung ayaw ng kapatid mo, hindi ko naman siya pinilit.” Malamig ang tono nito, nakakainsulto na. “This kind of reluctant apology— and you still expect me to forgive her? Tapatin mo nga ako, papatatawarin ko ba siya o hindi?”The question dripped with i

  • Zillionaire’s Bride in Revenge    Chapter 79: Stunned

    Nakatulala si Richard, pero malayo siya kay Shaira, dahil hindi pa ito nakakikita ng ganitong eksena ng ilang taon. Bigla siyang nagkaroon ng matinding pagdududa sa katauhan ni Hazel. Sino ba talaga ito at bakit may kakayahan itong pagalitin si Killian Trevisan pero huli ay mahuhulog lang sa paghahanap ng trabaho.Inirapan niya si Shaira na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin at wala siyang mgagawa kundi ibaba ang boses. “Shaira was ignorant last time, I brought her to apologize to you.”Inangat ni Hazel ang mukha at mataman na tinitigan si Shaira. “Ah, talaga?” malamig niyang untag.“Oo.” Tumango ito. Nakasapok ang kilay ni Richard na sinipa ang nakatulalang kapatid. Sa lakas ng sipa ay natumba ito sa carpet. Inangat nito ang ulo at saktong nasalubong ang tingin ni Hazel. Nangin

  • Zillionaire’s Bride in Revenge    Chapter 78: Honorable Guests

    Qiao Xingye came out of the conference room after the meeting, and Yang Tingting stepped forward: "Boss, big deal." "What's the big deal?" "Someone wants to kill you all." Qiao Xingye raised his eyebrows and glanced at Yang Tingting. Yang Tingting: "The Liang family is now sending a message to all large and small companies, no one needs to hire you, and we have also received news here." Qiao Xingye: "......" Hearing this, a hint of chill flashed in his eyes. His eyes narrowed slightly, and the corners of his mouth raised a smile little by little, "Heh, okay." "Then do you want to fight back?" Yang Tingting knew Qiao Xingye's identity in the Liang family and felt that the Liang family had really done too much. This is true for his daughter, and he knows without thinking about it, it is entirely because of that adopted daughter. What kind of family is this in order to kill his own daughter so much for his adopted daughter? It's simply hateful! Qiao Xingye: "Fight back, don't

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status