“Stop it, you bitch!” umuusok na sigaw ni Dominic nang sinugod ang nobya. Hindi niya kayang makitang sinasaktan ang minamahal niya.
Kumikirot ang dibdib ni Amelia, halos mawalan siya ng hininga habang winawasiwas ang kamay. Hinatak ni Dominic si Hazel at malakas na tinulak dahilan para mabitawan nito si Amelia. Sumisikip ang dibidb niya nang makitang basang-basa ito at habol ang hininga. “O-Okay ka lang ba, Amelia?” Umubo ito at niyakap ang sarili. “O-Okay… huhuhu!” Umiyak ito imbes magsalita saka masyadong masakit ang katawan nito. Binato niya ang nakakalasong titig sa fiancée. Madilim ang mukha ni Hazel na humakbang palapit sa babae at walang pagdadalawang isip na inapakan ang paa nito. Nilakasan niya at sinuguradong madurog iyon. Humiyaw ito ng malakas. “Hazel!” Dumagundong ang galit na boses ni Dominic at tinulak muli ang nobya. Humugot ng malalim siya na hininga at hinampas ang maliit na bag pero mabigat sa nobyo at nasapol ito sa ulo. Napamulagat ito at naninggas sa galit. Hindi s’ya nagsayang ng oras, sinipa niya ulit ang paa ni Amelia, inapakan at dinurog ng maraming beses saka pinompyang. Napuno ng luha ang mukha nito, nahirapan huminga at namaga ng mga paa. Sa wakas ay nagawang hatakin palayo ni Drake si Hazel. Lukot na lukot ang mukha ni Amelia na inaanda ang kirot sa paa nang inangat ang tingin sa lalaki. “Dominic…” Napuno ng pagkamuhi ang ekspresyon ng binata. Umuusok ang ilong na sinigawan si Drake na hawak-hawak ang nobya. “Take her away. Now!” Pumiglas si Hazel pero wala siyang balak pakawalan ng lalaki. “Miss Trevisan, let’s go first!” pamimilit nito. Kahit nasa puder na siya ng mga Monteverde ay ang lumang apelyido niya pa rin ang tinatawag ng lahat sa kanya. Naaasar siya ng husto! “Nasaan ang bag ko? Kunin mo!” Nasa tabi pala ni Domenic ang bag niya na ginami niyang pangsampal dito kanina. Hinablot nito at tinapon sa kanya. Agaran naman nasalo ng alalay nito at sinilid sa braso niya. “Okay, okay, madam, nakuha ko na ang bag mo at umalis na tayo.” Natuldukan ang magulong eksena sa pagkaladkad sa kanya ng assistant ng nobyo niya patungong sasakyan. Balak sana nitong ihatid siya pero sinampal niya ito at tinulak palayo. Wala siyang balak na isa sa tauhan ni Dominic ang magda-drive para sa kanya. Tila may umuugong na bubuyog sa ulo ni Dominic dulot ng paghampas ng nobya niya, at wala siya sa tamang katinuan para mangatwiran. Nang makahuma ay una niyang nakita si Amelia. Nakaupo sa semento, tila dinumog ng pitong demonyo sa gulo ng buhok at namamaga ang mga paa. Lalong sumiklab ang galit niya para sa kanyang nobya. Pinungko niya ito na parang bride sabay sabi ng, “don’t worry, I’ll take you right away to the hospital.” Tumango ito, at lalong umiyak. Pumaskil ang kaawa-awa nitong mukha. Inutusan niya si Drake na magmaneho ngunit noong sinipat nito ang lugar kung saan naka-park ang sasakyan ay wala na roon. Kinamot nito ang batok. “Kinuha ni Miss Trevisan ang sasakyan niyo, boss.” Sa bilis at magulong pangyayari ay binalak lamang niya na ihatid ang nobya ng boss niya pero sa huli ay kinarnap pala nito. Kulang na lamang ay bumuga ng apoy si Dominic sa tindi ng galit. Dismayado ang alalay nito. Namulsa sabay sabi ng, “pupunta na lang ako sa basement para kumuha ng bago, hintayin niyo ko rito, boss.” Binagsak niya ang balikat matapos nitong umalis. Sa kabilang daku naman, tinapik ni Hazel ang daliri sa manebela habang hihintay na maging berde ang traffic light. Naistorbo siya nang nag-vibrate ang cellphone sa loob ng bag. Tinirik niya ang mga mata sabay hablot ‘nun. Tumatawag ulit ang butihin niyang biological mother. “What do you want Claudia Monteverde?” anas niya, nasa ilalim ang pagkamuhi. “Umuwi ka ngayong gabi sa mansyon. May sasabihin lang akong importante,” agaran nitong sagot. Kumuha siya ng chewing gum at sinubo. “Alam mo namang busy ako. Wala akong panahon sa mga ganyan.” Wala rin namang kabuluhan ang sasabihin nito. Bumakas sa boses nito ang inis. “Palagi ka na lang busy! Ano ba’ng ginagawa mo?! Ni hindi ka nga makadalaw sa fiancée mo!” Meron silang tinatawag na ‘love-hate relationship’ simula nang maging bahagi siya ng pamilya nito. Tinagurin din siyang villianess ng lahat. Kahit kailan ay di niya makakasundo ang Mommy niya. “Ba’t di si Amelia ang yayain niyo? Pabalikin niyo siya at ipakasal at gawing yaya ni Dominic!” Naghari ang nakakabinging katahimikan matapos niyang masalita. Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang gusto nitong pag-usapan nila. Two years ago, nagkaroon sila ng matinding pag-aaway ni Amelia. Kung hindi ito tumakas ay malamang nasa kulungan na. Ngayon na bumalik ito ay biglang natakot ang angkan ng mga Juarez at Monteverde na baka gagawa ulit siya ng eskandalo. Ngayon na alam na ni Hazel na bumalik si Amelia ay hindi na nagpapanggap si Claudia at lumabot ng bahagya ang boses niya. “Pwede ba’ng kalimutan na natin ang masakit na nakaraan? Matagal na ang aksidenteng iyon. Don’t keep holding onto it!” Makulimlim ang panahon. Kaunti na lang ay babagsak na ang ulan. Kagaya ng nasa puso niya ang panahon sa labas. “Madam Monteverde, muntik na akong bawian ng buhay sa aksidenting iyon. Apat na taon ng nakakaraan. Kakalimutan ko na lang ba ang naging hitsura ko noong dinadala nila ako sa hospital? At kakalimutan ko na lang ba ang taong tumangkang patayin ako?” Dalawang buwan siya sa hospital, hindi magalaw ang katawan, desperada, walang kakampi at ang mastermind ng aksidenteng iyon ay si Amelia. Pinatanggal nito ang brake, mabuti na lamang ay binangga niya sa puno at hindi siya napuruhan. Wala siyang matibay na ebidensya kaya hindi ito nakulong at pinili mag-exile sa Serbia. Natatakot ito na baka mawalan ng papel sa pamilya Monteverde dahil dumating ang tunay na anak. Sinadya nitong maaksidente siya para pigilan ang pagbabalik niya sa kanyang pamilya. The audicity of her bitch biological mother! Ini-insist nito na kalimutan niya ang lahat ng iyon! “Hindi siya ang gumawa ‘nun. Kaya pakiusap, h’wag mo siyang kamuhian!”Huminto sa pagnguya si Hazel, kinuha ang tissue at niluwa doon ang bubble gum. “Mas pinaniwalan niyo siya kesa sa akin maski na sabihin niyang kinamumuhian niya ako. Kung mas mahalaga siya sa inyo, bakit nagsayang pa kayo ng effort para mahanap ako? Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko kaya iba-block ko na kayo!” “Hazel Xaviera! Pwede ba rumispeto ka naman? Tigilan mong magalit tuwing pinag-uusapan ulit natin ito!” Nasa tono na ang galit. Pabalik-balik na parang sirang plaka ang topic na ito at napupuno na siya sa iritasyon. “Pinalalampas kita dati, pero iba na ngayon. May malubhang karamdaman si Amelia. Maniwala ka!” “Ano ba’ng kinalaman doon sa pagpo-postpone ng kasal namin ni Dominic sa sakit niya?! Tapos mandatory ba talaga na palagi nasa tabi nito ang fiancée ko?” singhal niya. Kahit na wala siyang paki sa kanyang nobyo ay di niya maitago ang matinding galit. Kaso di niya magawa maging sarkastiko sa magandang asal ng mga taong umiikot sa kanya. “Natural na ganoon ang turin
“Stop it, you bitch!” umuusok na sigaw ni Dominic nang sinugod ang nobya. Hindi niya kayang makitang sinasaktan ang minamahal niya.Kumikirot ang dibdib ni Amelia, halos mawalan siya ng hininga habang winawasiwas ang kamay.Hinatak ni Dominic si Hazel at malakas na tinulak dahilan para mabitawan nito si Amelia.Sumisikip ang dibidb niya nang makitang basang-basa ito at habol ang hininga. “O-Okay ka lang ba, Amelia?”Umubo ito at niyakap ang sarili. “O-Okay… huhuhu!” Umiyak ito imbes magsalita saka masyadong masakit ang katawan nito.Binato niya ang nakakalasong titig sa fiancée.Madilim ang mukha ni Hazel na humakbang palapit sa babae at walang pagdadalawang isip na inapakan ang paa nito. Nilakasan niya at sinuguradong madurog iyon.Humiyaw ito ng malakas.“Hazel!” Dumagundong ang galit na boses ni Dominic at tinulak muli ang nobya.Humugot ng malalim siya na hininga at hinampas ang maliit na bag pero mabigat sa nobyo at nasapol ito sa ulo. Napamulagat ito at naninggas sa galit. Hin
Tama nga si Dominic. Hindi solusyon ang pakikipagiwalay ni Hazel rito para makaalis sa masasahol niyang pamilya, dahil wala naman talaga siyang puwang sa mga ito.Nilapitan siya ng kanyang nobyo at mahigpit na pinulupot ang daliri sa kanyang palapulsuhan. “I’ll send her away when she recovers, okay?” mahina nitong usal, sinubukan siyang aluhin.Pinanlisikan niya ito ng tingin, at binawi ang kamay. “I-Ikaw…”Lumukot ang mukha nito.Sa halip na sagutin ito ay pinili niyang talikuran. Maingay na pumagting ang takong sa sahig, aroganteng umalis kagaya niya.Pumitik sa galit ang gilid ng sentido ni Dominic. Hindi n’ya matanggap na ikinansela ni Hazel ang kasal nila. Parang kalokohan, kasi saksi ang lahat kung gaano siyang minahal nito. Sinapo niya ang noo sa gayong isipin, ni hindi niya hinabol ang nobya at madabog na sinara ang pinto.….Nang marinig ng mga empleyado sa labas ang ingay sa opisina ng boss ng mga ito ay nagsimula ang bulong-bulungan. Nagulat ang buong mundo dalawang taon
Hazel hates her fiance, looking like a god, which is awfully handsome right now. He looks ethereal! Kung ibang tao siya ay malamang napanganga na siya at naging hugis puso na ang kanyang mga mata. Sino ba ang hindi mapapa-head over heels sa gwapong lalaking ito na tila hinugot sa men’s magazine at parang kakambal ni Hermes, greek god of the messengers. Side profile palang ay maglalaway ka na.Halatang hindi ito natulog noong biniyayan ng gwapuhan ni Lord ang lahat. May lahi kasi itong Maltese, Espanyol at Filipino. Pinaghalo-halo ang lahi nito kaya nakabuo ng kaaya-ayang uri. Parang palagi itong nagsa-sun bathing sa pagiging moreno, light brown ang mga mata nito na may makakapal na kilay, matangos ang ilong at matataas ang cheekbones, hugis oval ang mukha at may katamtaman laki na bibig. Lalo itong gumagwapo kapag ngumiti at lumabas ang dimples. Medium mullet ang hairstyle nito at palaging nahahati ang bangs. Kaso taliwas ang mukha nito sa ugali nito.Binilisan ni Dominic ang pagsasa
“Slay queen, you’re so gorgeous! This gown is so ethereal, parang kang bumaba mula sa Mt. Olympus. Bagay na bagay sa’yo, besh!” Pumalakpak ang stylist na kinataas ng kilay ni Hazel. “Tsk!” naiinis siyang pumalatak, saka tiningnan ang sarili sa full-length mirror ng boutique. Nagtagis ang kanyang panga ng makita ang balinkinitang katawan na suot ang traje de boda. Para sa kanya ay mas kamukha niya si Cinderella na nawalan ng glass slipper matapos layasan ang prince charming niya. She hates fluffy things like this fvcking fluffy skirt, but somehow she’s happy to wear this wedding dress. Magkahalo ang emosyon niya, matutuwa ba s’ya o maging malungkot sa kahinatnan ng arrange marriage na ito.Kahit wala siyang make up ay maganda at nakakaakit pa rin siya. Kaya kinikilig at walang hanggan ang pagpupuri sa kanya ng binabae niyang stylist, ito rin ang may-ari ng ng luxury boutique kung saan siya ngayon.“Wait lang… ‘di ba sumama si Sir Dominic? Ugh, tragic. He won’t even see the ethereal