Tama nga si Dominic. Hindi solusyon ang pakikipagiwalay ni Hazel rito para makaalis sa masasahol niyang pamilya, dahil wala naman talaga siyang puwang sa mga ito.
Nilapitan siya ng kanyang nobyo at mahigpit na pinulupot ang daliri sa kanyang palapulsuhan. “I’ll send her away when she recovers, okay?” mahina nitong usal, sinubukan siyang aluhin. Pinanlisikan niya ito ng tingin, at binawi ang kamay. “I-Ikaw…” Lumukot ang mukha nito. Sa halip na sagutin ito ay pinili niyang talikuran. Maingay na pumagting ang takong sa sahig, aroganteng umalis kagaya niya. Pumitik sa galit ang gilid ng sentido ni Dominic. Hindi n’ya matanggap na ikinansela ni Hazel ang kasal nila. Parang kalokohan, kasi saksi ang lahat kung gaano siyang minahal nito. Sinapo niya ang noo sa gayong isipin, ni hindi niya hinabol ang nobya at madabog na sinara ang pinto. …. Nang marinig ng mga empleyado sa labas ang ingay sa opisina ng boss ng mga ito ay nagsimula ang bulong-bulungan. Nagulat ang buong mundo dalawang taon ng nakalilipas noong biglang inagaw ni Hazel si Dominic kay Amelia pero ngayon na bumalik si Amelia ay biglang sumibol ang walang kamatayan na suporta ng lahat dito. Kulang na lang ay bumuo ng sariling fan club ang mga ito. “Sa wakas bumalik na si Miss Amelia! Nararapat lang iyan sa bruha!” bulong ng isa. “Tama ka, gurl! Pwersahan niyang pinaalis si Miss Monteverde noon kaya dapat lang na bawiin nito ang ninanakaw ng bruha.” Huling-huli ng tainga ni Hazel iyon nang sandali siyang dumaan. Pati sa opisina ay parang si Miss Minchin ang turing sa kanya. Mabilis na tumahimik ang dalawa at binaba ng dalawa ang ulo nang nilapitan niya. Umiigting ang panga niyang kinabig ang panga ng isa at pinilit na iangat. Nawala ang angas ng dalawa nang masalubong ang matatalim niyang mga mata. “M-Ma’am—” “Ich! Kailan pa nagbago ang career niyo? Enjoy na enjoy pa kayo sa pagmamarites sa akin ha.” Tinakasan ng kulay ang mukha nito. “H-Hindi. Hindi po…” Madiin niyang pinisil ang panga nito, pinakita kung gaano siya nayamot saka inikot ang paningin sa kabuuan ng secretariat. Mistulang asong ulol na yumuko ang lahat, ni isa ay di tinangkang huminga. Mabilis siyang lumabas ng company building matapos maghasik ng lagim sa loob, subalit nagkataon na nasalubong niya si Ameliá Monteverde. Sopistikada itong bumaba sa makintab na kotse. Si Drake Roxas, na personal assistant ang personal na bumukas ng pinto at may inabot itong paper bags sa lalaki. Nag-shopping na naman ang gintong bebe. “Please, kindly distribute these to all the employees.” Nagpapabango na naman ng pangalan nito sa lahat. Umaasta na parang asawa ni Dominic. Pambihira! Magalang naman na kinuha iyon ni Drake. “Maraming salamat po, Madam.” Banayad itong tumango, umikot pero saktong nagsalubong ang tingin nila. Bahagyang nanliit ang mga mata niya. Napanganga sa simula si Amelia pero kumalma ito, pekeng ngumiti at nilapitan siya. “Hazel…” Nagpapakitang tao na naman bilang isang mapagmahal na ate. Sabi ng pamilya Monteverde ay mas nauna itong pinanganak kaya dapat niyang ituring na nakakatanda sa kanya. Nagpapalambing para ipakita sa iba na mabait ito pero na sa mga mata na nilalait siya. Banayad itong nagsalita. “Ikaw nga ang fiancée ni Dominic pero ako ang hinahanap para samahan siya. Sa tingin mo, sa aling posisyon ka ba niya ilalagay?” Nang-uuyam siyang tumawa. “Anong paki mo? Lulugar ako kahit saan ko gusto sa pamilya Juarez! Pero ikaw, bukod sa paglalandi mo, kunwari pupunta ka rito para tulungan siya, may pwesto ka ba talaga sa pamilya niya?” Bahagyang umasim ang mukha nito. Napuno ng lason ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Obviously, walang posibilidad na tatanggapin ito ng matatanda ng pamilya Juarez. Kasi peke ito. Her reaction made Hazel very satisfied. Masakit siyang pinagkatitigan nito. “H’wag kang makampante, hangga’t nandito ako ay walang mangyayaring kasalan sa pagitan niyo!” Ngumisi siya na parang si Joker. “Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo, at wala naman talaga akong balak na pakasalan siya. He’s just a mere tool to me!” Simula’t sapol alam niyang si Amelia lang ang nasa puso ng kanyang fiancée. Matagal na niyang balak makipaghiwalay rito pero hindi pumapayag ang angkan nito. Sa ngayon ay tinuring niya na parang accomplishment lang ito sa kanyang buhay. Natuod ito. “W-What do you mean?” Akala siguro nito na mahal niya ang lalaki. Gumawa pa siya ng malaking eskandalo noon para maagaw rito, pero ngayon nagbago siya, wala ng pakialam. “Akala ko ba mataas ang Intelligence Quotient mo? Makakahanap agad ako ng iba sakali mang mawala ko siya. Natuklasan ko na mas willing siyang magpakasal sa’yo kesa sa akin, ni hindi niya nga ako mabigyan ng engranding kasal.” Umabot na sa limitasyon ang pasensiya ni Amelia, umaapoy na ito sa galit. Natuwa si Hazel sa tuluyang pagkawala ng pagiging malambing nito. Nagmumukha siyang kontrabida ngayon pero nakalimutan ata nito kung gaano siya minaltrato noon. Tinirik niya ang mga mata, saka tinalikuran ito. Pero bigla nitong hinablot ang palapulsuhan niya. “Hazel, bumalik lang ako para magpakonsulta sa doktor,” kumikinang ang mga mata nitong lahad, “wala akong balak na sirain ang relasyon niyo ni Dominic. Please, don’t misunderstand me, okay?” “Bitawan mo kung gusto mo pang may ulo ka papasok sa loob.” Nayayamot siya na hinahawakan ng bruha. Sinubukan niyang bawiin ang kamay pero bigla itong sumiplang at nakalupasay na sa lupa. Ang tunog ay parang mga niyog na bumagsak sa lupa. Iiwanan niya sana pero biglang umalingaw-ngaw ang boses ng pamilyar na lalaki. “What the hell are you doing. Hazel Xaviera?!” Wala siyang dapat na ipagtataka dahil sinandya ni Amelia na bumagsak sa lupa dahil paparating ang irog nito. Binaba niya ang tingin, inoserbahan ang katangahan nito, saka napansin sa gilid ng mga mata ang malapit na fountain. Umangat ang dulo ng labi niya, mala-demonyo siyang ngumisi, sinugot ito at hinila ang buhok ng babae. “Ano’ng ginagawa mo? Ahh!” hiyaw nito. She doesn't care! Mayamaya’y natagpuan niya ang sarili na nilulunod ito sa fountain. Sapilitang nilublob ni Hazel ang ulo ni Amelia sa tubig at nauubusan siya ng hangin. Kaunti na lang ay tatakasan na siya ng huwesyo. Parang mababaliw siyang lumalaban. Kaso lalong nilakasan ni Hazel ang paglublob dito. Tutal umaakto itong masama siya at balak siyang akusan, kaya mabuti pang tutuhanin niya. Ano pa ba ang point ng pag-a-acting nito? “Ahh, help…” hikbi nito, sumisigaw ng tulong tuwing hihilain niya paakyat ang ulo. Nagtatagumpay na sana siya pero may humatak at malakas na tumulak sa kanya.Huminto sa pagnguya si Hazel, kinuha ang tissue at niluwa doon ang bubble gum. “Mas pinaniwalan niyo siya kesa sa akin maski na sabihin niyang kinamumuhian niya ako. Kung mas mahalaga siya sa inyo, bakit nagsayang pa kayo ng effort para mahanap ako? Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko kaya iba-block ko na kayo!” “Hazel Xaviera! Pwede ba rumispeto ka naman? Tigilan mong magalit tuwing pinag-uusapan ulit natin ito!” Nasa tono na ang galit. Pabalik-balik na parang sirang plaka ang topic na ito at napupuno na siya sa iritasyon. “Pinalalampas kita dati, pero iba na ngayon. May malubhang karamdaman si Amelia. Maniwala ka!” “Ano ba’ng kinalaman doon sa pagpo-postpone ng kasal namin ni Dominic sa sakit niya?! Tapos mandatory ba talaga na palagi nasa tabi nito ang fiancée ko?” singhal niya. Kahit na wala siyang paki sa kanyang nobyo ay di niya maitago ang matinding galit. Kaso di niya magawa maging sarkastiko sa magandang asal ng mga taong umiikot sa kanya. “Natural na ganoon ang turin
“Stop it, you bitch!” umuusok na sigaw ni Dominic nang sinugod ang nobya. Hindi niya kayang makitang sinasaktan ang minamahal niya.Kumikirot ang dibdib ni Amelia, halos mawalan siya ng hininga habang winawasiwas ang kamay.Hinatak ni Dominic si Hazel at malakas na tinulak dahilan para mabitawan nito si Amelia.Sumisikip ang dibidb niya nang makitang basang-basa ito at habol ang hininga. “O-Okay ka lang ba, Amelia?”Umubo ito at niyakap ang sarili. “O-Okay… huhuhu!” Umiyak ito imbes magsalita saka masyadong masakit ang katawan nito.Binato niya ang nakakalasong titig sa fiancée.Madilim ang mukha ni Hazel na humakbang palapit sa babae at walang pagdadalawang isip na inapakan ang paa nito. Nilakasan niya at sinuguradong madurog iyon.Humiyaw ito ng malakas.“Hazel!” Dumagundong ang galit na boses ni Dominic at tinulak muli ang nobya.Humugot ng malalim siya na hininga at hinampas ang maliit na bag pero mabigat sa nobyo at nasapol ito sa ulo. Napamulagat ito at naninggas sa galit. Hin
Tama nga si Dominic. Hindi solusyon ang pakikipagiwalay ni Hazel rito para makaalis sa masasahol niyang pamilya, dahil wala naman talaga siyang puwang sa mga ito.Nilapitan siya ng kanyang nobyo at mahigpit na pinulupot ang daliri sa kanyang palapulsuhan. “I’ll send her away when she recovers, okay?” mahina nitong usal, sinubukan siyang aluhin.Pinanlisikan niya ito ng tingin, at binawi ang kamay. “I-Ikaw…”Lumukot ang mukha nito.Sa halip na sagutin ito ay pinili niyang talikuran. Maingay na pumagting ang takong sa sahig, aroganteng umalis kagaya niya.Pumitik sa galit ang gilid ng sentido ni Dominic. Hindi n’ya matanggap na ikinansela ni Hazel ang kasal nila. Parang kalokohan, kasi saksi ang lahat kung gaano siyang minahal nito. Sinapo niya ang noo sa gayong isipin, ni hindi niya hinabol ang nobya at madabog na sinara ang pinto.….Nang marinig ng mga empleyado sa labas ang ingay sa opisina ng boss ng mga ito ay nagsimula ang bulong-bulungan. Nagulat ang buong mundo dalawang taon
Hazel hates her fiance, looking like a god, which is awfully handsome right now. He looks ethereal! Kung ibang tao siya ay malamang napanganga na siya at naging hugis puso na ang kanyang mga mata. Sino ba ang hindi mapapa-head over heels sa gwapong lalaking ito na tila hinugot sa men’s magazine at parang kakambal ni Hermes, greek god of the messengers. Side profile palang ay maglalaway ka na.Halatang hindi ito natulog noong biniyayan ng gwapuhan ni Lord ang lahat. May lahi kasi itong Maltese, Espanyol at Filipino. Pinaghalo-halo ang lahi nito kaya nakabuo ng kaaya-ayang uri. Parang palagi itong nagsa-sun bathing sa pagiging moreno, light brown ang mga mata nito na may makakapal na kilay, matangos ang ilong at matataas ang cheekbones, hugis oval ang mukha at may katamtaman laki na bibig. Lalo itong gumagwapo kapag ngumiti at lumabas ang dimples. Medium mullet ang hairstyle nito at palaging nahahati ang bangs. Kaso taliwas ang mukha nito sa ugali nito.Binilisan ni Dominic ang pagsasa
“Slay queen, you’re so gorgeous! This gown is so ethereal, parang kang bumaba mula sa Mt. Olympus. Bagay na bagay sa’yo, besh!” Pumalakpak ang stylist na kinataas ng kilay ni Hazel. “Tsk!” naiinis siyang pumalatak, saka tiningnan ang sarili sa full-length mirror ng boutique. Nagtagis ang kanyang panga ng makita ang balinkinitang katawan na suot ang traje de boda. Para sa kanya ay mas kamukha niya si Cinderella na nawalan ng glass slipper matapos layasan ang prince charming niya. She hates fluffy things like this fvcking fluffy skirt, but somehow she’s happy to wear this wedding dress. Magkahalo ang emosyon niya, matutuwa ba s’ya o maging malungkot sa kahinatnan ng arrange marriage na ito.Kahit wala siyang make up ay maganda at nakakaakit pa rin siya. Kaya kinikilig at walang hanggan ang pagpupuri sa kanya ng binabae niyang stylist, ito rin ang may-ari ng ng luxury boutique kung saan siya ngayon.“Wait lang… ‘di ba sumama si Sir Dominic? Ugh, tragic. He won’t even see the ethereal