Chapter 18
Bella's POV
"Fiona, Alam mo din sana na masakit sa akin ang pagkawala niya." Sabi ni Aiden na umiiyak na din.
Gustuhin ko mang umawat sa kanila ay hindi ko magawa.
"Oo alam ko. Kahit naman siguro sino masasaktan kung sila ang nasa kalagayan mo. Pero Aiden! It's fvcking three years! Tatlong taon na yan—"
"Oo tatlong taon na! Tatlong taon na Fiona pero masakit pa din. Sobrang sakit." Mas napaiyak si Aiden dahil dun.
"Alam kong masakit Aiden. Kaya ba ayos lang na masaktan din ako?"
Hindi nakaimik si Aiden dahil dun. Lahat ng kasamahan namin at nakatingin lang sa kanilang dalawa. Para kaming nanonood ng live movie.
Alam ko na nasasaktan din ng sobra si Aiden pero mas nasasaktan pa din si Fiona kumpara sa kaniya. Kitang-kita iyon sa mukha niya. Lalo na at babae siya, Mas madali siyang masaktan.
"Hindi pa ba sapat sa 'yong sabihin kong mahal kita?" mas mahinahong saad ni Aiden ngayon.
"Mahal mo ako, Oo. At mahal din naman kita. Pero... Pero... Pero mahal mo din siya."
Nabalot na naman ng katahimikan ang buong bahay. Parang ang layo na nilang dalawa sa Aiden at Fiona na kilala ko. Parehas silang malakas pero dito, Ang hina nila pareho.
Nakakatakot. Nakakatakot na baka isang araw, Maramdaman ko din yang ganiyan.
"Simula nang maging tayo Aiden ay alam kong mahal mo pa din siya. Kitang-kita ko yun sa'yo. Kaya nga mas ginugusto kong magkwento ka sa akin kaysa sa ako ang magkwento sa'yo. Para sa ganung paraan, Alam ko ang nasa kalooban mo. Pero patagal ng patagal... Pasakit din ng pasakit Alam mo ba yun?"
Fiona...
"Oo, Nung naging tayo ay inaamin kong mahal ko pa din siya. May kaunting nararamdaman pa din ako kay Lexi kahit papaano. Pero tangina Fiona, Namatay siya sa mga kamay ko. Hindi ko siya naprotektahan." Humagulhol si Aiden kaya mas napalakas ang iyak ni Fiona.
Ngayon ko lang nakita na umiyak at humagulhol si Aiden. Never kong na-imagine na makikita ko silang dalawa na ganito.
"Kaya nga p-pinipilit kong maprotektahan ka. P-Pinipilit ko na maiparamdam sa'yo n-na, Ikaw pa lang ay sapat na. P-Pero hindi ko naman napapansin na, N-nasasaktan na pala kita. Ang d-dami kong p-pagkukulang sa kaniya at ayokong magkulang s-sayo, Kaya nga pinipilit kong tibayan ang loob ko para sa'yo." Humihikbing saad ni Aiden.
Hindi nakatugon si Fiona sa kaniya. Napaupo na lang siya at napatakip sa mukha gamit ang dalawang palad niya habang humihikbi. Alam kong gustong lumapit ni Aiden sa kaniya para yakapin siya pero natatakot itong baka ipagtabuyan lang siya nito.
Iniisip niya ang mararamdaman ni Fiona sakaling lumapit siya.
"Alam ko na sa simula pa lamang ay baka hindi ako maging mabuting boyfriend sa'yo. Kasi kay Lexi pa lamang ay alam kong nagkulang na ako. Mahirap... Napakahirap sa akin na makita kang nagkakaganiyan. Hindi ko dapat pinaparamdam sa'yo yan kasi hindi mo deserve na masaktan!" sabi ni Aiden nang tumigil siya sa paghikbi.
"Ikaw na mismo ang nagsabi Aiden, Na huwag nating pilitin ang mga bagay na hindi natin kaya." Sabi ni Fiona.
"Ayun na nga. Ayun na nga ang sinasabi ko... Ang ibig kong sabihin."
Napaayos sa pag-upo si Fiona. "Isang tanong, Isang sagot, Aiden. P-Pinilit mo lang bang mahalin ako?" tanong nito.
Lahat kami ay napatingin kay Aiden na diretsong nakatingin sa mga mata ni Fiona at halata na nagulat din siya sa tanong nito.
"S-Syempre, H-Hindi. K-Kasi, Mahal kita Fiona. Putangina, Mahal na mahal kita." Sabi nito.
"At mahal din kita Aiden. Pero sana naman ay naging aware ka sa pwede kong maramdaman kung sakali mang makita kitang ganun." Sabi ni Fiona.
Pak! Tama ka dun Fiona.
Dapat ay simula pa lamang ay naka'y Fiona na ang atensyon niya.
"Sana simula pa lang, Pinilit mo nang kalimutan si Lexi kasi nakaraan na siya. Ako na yung ngayon. Yun, Yun Aiden... Yun ang dapat mong ipinilit kasi yun yung DAPAT."
Tama ulit si Fiona dun. Yun din yung ibig kong sabihin.
"I-Im sorry, Nagkulang ako." Sabi ni Aiden.
"Aaminin ko Aiden, Totoong nagkulang ka... Pero alam ko rin sa sarili ko na nagkulang ako. Kasi alam mo kung bakit?... Kasi hindi mo naman siya hahanap-hanapin kung naging sapat ako sa'yo. Tama ako hindi ba? Kasi kung naging sapat ako sa iyo sa simula pa lamang ay ako na ang bubuo sa iyo. Pero anong nangyari? Kulang pa din ako."
Tama! Tama!
"Dapat talaga ay sa simula pa lamang, Inalam ko na na dapat sa isang relasyon, Kailangan mong nagsakripisyo. Pero... Ito na ba yung naging kapalit ng sakripisyo ko? Alam mong wala pang Zombie Apocalypse ay pinagkasundo na kami ni Klarence upang ipakasal. Yun yung tanging paraan para maisalba ang kompaniya namin at mas mapalawig pa ang pagkakaibigan ng pamilya namin."
Hindi ko alam pero parang nasaktan ako sa mga sinabi ni Fiona. Mabuti na lamang at naramdaman ko ay kamay ni Klarence na mahigpit na humawak sa mga kamay ko. Napatingin ako sa kaniya at sinalubong niya ako ng matamis na ngiti.
Kitang-kita mo sa mga mata niya na alam niya yung nararamdaman ko.
"Isinuko ko yung nararamdaman ko para sa kaniya kasi alam ko at kitang-kita ko na mahal niya si Bella. Nasaktan ako dun kasi pakiramdam ko ay wala nang magmamahal sa akin. Pero dumating ka at ipinakita mo na i deserve to be loved." Pagpapatuloy pa nito.
"Hanggang ngayon ay iniisip ko kung paano magpapaliwanag sa mga magulang namin na iuurong namin yung pinagkasunduan nila dahil si Bella ang mahal niya at hindi ako. Tapos ikaw ang mahal ko at hindi si Klarence. Si tingin mo ba ay ikaw lamang ang nahihirapan?" saad pa ni Fiona.
"Ako na ang bahala dun." Sabat ni Klarence.
"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila." Sabi pa niya muli saka ako kinindatan.
Tusukin ko mga mata mo.
"Kung inaakala mong balewala ka sakin Fiona, Hindi. Mahal kita kaya mahalaga ka." Sabi ni Aiden.
"Alam ko yun. Ganun din naman ako, Aiden."
Sandaling katahimikan na naman ang bumalot sa scenery dito sa loob.
"Mag-ayos na tayo please?" pagmamakaawa ni Aiden.
Dahan-Dahang tumango si Fiona kaya napangiti kaming lahat at napahinga ng maluwag.
Sa wakas. Mabuti at nagkaayos na din sila. Akala ko ay hahaba at hahaba pa ang sagutan nilang dalawa. Mabuti na lamang at si Aiden na din ang nakipag-ayos. Kung walang nag-first move sa kanila, Baka hanggang sa katapusan pa ng pandemya ang pag-aayos nila.
Biro lang...
Pero ang kasiyahan pagkatapos ng pangyayaring iyon ay naputol nang makarinig kami ng mga putok ng baril mula sa labas. Agad na naalarma sina Klarence at ang iba pa niyang kasamahan. Si Ben naman ay nagtatakbo patungo sa akin dahil sa gulat sa mga nangyari.
Isa lang ang maaaring may pakana ng pagpapaputok ng baril na yun. Walang iba kundi si...
Dr. Wilson...
A/N: HI! THIS IS ME, THE AUTHOR OF THIS STORY. SALAMAT SA INYO, SA PAGBABASA NITONG STORY KONG ITO. I REALLY TREASURED THIS STORY DAHIL ITO ANG PINAKAMAHABA KONG STORY AS OF NOW AT SOBRANG TUWANG-TUWA AKO NA NATAPOS KO NA ITO AT SALAMAT NG MARAMI SA MGA MAGAGANDA NIYONG FEEDBACKS. NAGPAPASALAMAT AKO SA SUPORTA NG PINSAN KO, HAHA, SHOUT SA'YO AT SA MGA KAIBIGAN KO NA ANDIYAN SA TABI KO KAPAG NAHIHIRAPAN AKO KASI WALANG IDEA MINSAN. NGAYONG NATAPOS KO NA ITO, SANA AY MATUWA KAYO KASABAY NG PAGIGING MASAYA KO DAHIL SA WAKAS, MAY NAIBAHAGI NA NAMAN AKONG PANIBAGONG ISTORYA. MARAMING SALAMAT SA INYO, MAHAL KO KAYO!!💜 -Iamawriter Epilogue Catherine's POV When they say ‘Love’, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang salitang ‘Sweetness’ at ‘Pain’. Bakit sweetness? Kasi kapag nagmam
Chapter 54Catherine's POV“Isa pa. Oh pak!” saad ng photographer.Ngayon ang photoshoot namin ni Lukas para sa kasal namin. Damn, i can’t wait. It feels like the best day of my life. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya at mapag-isa ang puso naming dalawa.Hinawakan ni Lukas ang bewang ko. Kaagad na kumalabog ang puso ko dahil sa mga hawak niya. Suot ko ngayon ang kulay pulang gown na napakahaba habang siya ay naka tuxedo. Argh! He’s so hot. Hindi ko akalaing magiging hot siya kagaya nito.“Okay, one more. One more. Oh, pak! Good shot!” sabi ng baklang photographer sa amin.Nakailang shot na din kami. Mula sa garden, sa pond at kung saan-saan pa. Akala ko nung una, madali at mabilis lang pero hindi pala. Ang dami kong susuotin.“Okay, this is enough for today. Ang gaganda ng mga kuha. Grabe, excited na ako para sa kasal ninyo.” Wika ni Bading.&nbs
Chapter 53Catherine's POV“Sinabi ko naman sa’yo, ako na ang maglilinis nitong kalat namin.” Sabi ni Lukas habang pinupulot ang mga bote.Kanina pang umalis ang mga kaibigan niya. Si Fiona ang nagmaneho ng van. Hindi naman sila gaanong nalasing dahil alam nilang may pupuntahan sila bukas.“Hindi, ayos lang. Ikaw, magpahinga ka na kaya? May pupuntahan ka pa bukas kasama sila, di’ba?” saad ko habang pinupunasan ang lamesa.“Tayo, Catherine. Tayo. Kasama ka bukas. Ayokong mag-isa dun dahil siguradong kasama din nila ang mga shota nila eh. Ikaw, sasama ka sa akin. Shita kita eh.” Saad pa niya.Agad na namula ang pisngi ko nang tawagin niya akong shota niya. Bakit ba ako kinikilig? Hayst.“S-Sige. Tapos na din ‘to, maglilinis lang ako ng katawan tas matutulog na tayo.”“Hindi ka ba gutom?” tanong niya at umiling naman ako. &nbs
Chapter 52Catherine's POVIsang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sa akin na nakatakda akong ikasal kay Lukas. Jusko Lord, oo nga po at gwapo, mayaman, ‘di ko lang sure kung mabait, si Lukas pero ba’t naman kasal kaagad?Sinabi din nila sa akin na sa bahay ni Lukas ako mamamalagi at titira. In fairness, ang laki ng bahay NIYA. Yes, yes, yes! Niya, sa kaniya. Gara, may pabagay kaagad. Well, mayaman naman di Lukas eh.“Hey honeybunch. Anong gusto mong kainin para mamaya?” tanong sa akin ni Lukas. Simula nang maging kami ay honeybunch na ang tawag niya sa akin. Kairita ‘tong lalaking ‘to.“Anong honeybunch? Sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya bago siya pandilatan ng mga mata. Naupo naman siya sa tabi ko.“Hindi mo pa ako sinasagot, nasa sapak ka na kaagad. May gusto ka bang kainin?”“Para sa hapunan?” tanong ko at tumango naman si
Chapter 51Catherine's POVHalos iisang oras pa lang ata akong nakakaidlip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang kakatok? Bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko eh—teka, tapos na ba ang party sa baba?Tumingin ako sa sarili ko, ganun pa din ang suot ko habang yakap-yakap ang blazer ni Lukas. Kaagad ko itong inilayo sa akin. Damn, bakit ko ba ‘yun yakap-yakap? Sino bang naglagay nito sa akin at yakap ko ‘to?“Sino ‘yan?” tanong ko saka mabilis na inayos at sinuklay ang buhok kong saburang dahil sa pagtulog ko. Bwisit. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hindi ko man lang ‘yun napansin.“Hey, Catherine. Bilisan mo diyan, may ipapakilala kami ng papa mo, mahalaga ‘to.” Sigaw ni mama.“Inaantok na ako ma, hindi ba pwedeng bukas na lang?” tanong ko para makalusot.
Chapter 50Catherine's POVIsinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.