Share

Chapter 8

Chapter 8

"Hmm... Ang talino mo talaga. Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko habang nakatuon ang tingin sa device na 'to.

"Oo ako." sabi niya.

Gulat akong napatingin sa kaniya. Siya ang gumawa nito? Naks! Galing ah. Ang galing galing!!

"Talaga? Ang galing mo naman!" proud kong sabi sa kaniya.

"Actually, Wala pang zombie apocalypse, Nagawa ko na yan."

Gulat ulit akong napatingin sa kaniya. Wala pang zombie apocalypse, Nagawa na niya 'to? Saan naman niya nakuha yung idea na yon? I mean, Mahirap gumawa ng ganitong nga bagay tapos huwaw!

"Halos ang dami ko nang naimbento na mga gamit and devices pero naisip ko, Why not na gumawa ako ng kakaiba hindi ba? So naisip ko yan."

Pumalakpak ako. Naks galing talaga! Pahinging brain cells mo ohhh.

"Ehh yung sa formula? Makakaligtas pa ba tayo dito?"

Makikita ko pa ba ang pamilya ko?

"Nagre-research pa kami ng AB negative type na dugo. Sobrang rare ng dugo na yun kaya medyo mahirap din." sabi niya saka nagpipindot sa laptop niya.

Hindi ko masyadong maintindihan ang nakalagay sa laptop niya. Masyadong scientific kaya nakakamatay ng brain cells. Nakakalito din. Hindi naman ako sanay na makakita ng ganun. Actually, Sa mga palabas ko lang nakikita yung ganun tapos ngayon, Nakikita ko na siya, As in live. Wooow.

Halos mapatalon kami ni Caleb sa gulat nang biglang may kumatok. Biglang pumasok si Lukas na may dala-dalang chichiriya.

"Hi guys! Wazzup!" nakangiti niyang saad saka nahiga sa kama.

Magkakalat pa 'tong isang 'to.

"Anong ginagawa niyo?"

"Wala." simpleng sabi ni Caleb.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at patuloy pa din sa pagta-type sa laptop at patuloy pa din sa pagkain si Lukas.

"Ehh bakit kayong dalawa lang yung nandito?" tanong niya habang tinitingnan kami ng nakakaloko.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Caleb saka tumingin kay Lukas. Ano daw?

"May tinanong lang siya." simpleng sagot muli ni Caleb.

"Hmm, Sabi mo eh." sabi niyang muli.

Nakatulala lang ako sa device na hawak ko. Baka bigla 'tong tumunog ha? Hindi ako ready. Ayoko pang makipagbakbakan sa mga zombie. Di pa ako ready, Hindi pa kami ready, Wala pang ready charot!

"Shit!" pagmumura ni Caleb.

Gulat kaming napatingin ni Lukas sa kaniya. Aniyare?

"Bakit?" tanong ni Lukas saka dali-daling tumingin sa laptop ni Caleb.

"Aray naman!" sabay hampas ko sa braso ni Lukas.

Nadadaganan niya ako haler!

"May paparating." sabi niya.

"Zombie?" Lukas

"Bagyo?" ako

"Delubyo?" Lukas

"Ayuda?" ako.

Napasampal na lang si Caleb sa noo dahil sa pinagsasabi namin ni Lukas. Eh ano bang paparating? Magbigay kaya siya ng clue para hindi kami pahirapan dito aber!

Isinara niya ang laptop niya saka lumabas kaya sumunod kaming dalawa ni Lukas sa kaniya. May ibinulong si Caleb kay Klarence at kay Zach. Baka nga may paparating na bagyo. Sayang, Wala sigurong magbibigay sa kanila ng rel—

"KLARENCE!!" sigaw ng isang...

Babae?

Hindi naman 'to bagyo. Hindi rin delubyo at hindi rin 'to ayuda. Pinasadahan ko siya ng tingin at ang haba ng buhok niya, Ang kinis at ang puti ng balat niya, Matangkad siya at singkit ang mga mata. In short, Maganda.

Wait, Maganda din naman ako dzuhh.

Nanlaki na lang ang mata ko nang bigla niyang yakapin si Klarence. Nanlaki din ang mga mata ni Klarence saka tumingin sa akin. Umiwas naman ako ng tingin.

Niyuko ko si Ben nang bigla niyang hilahin ang damit ko. Bakit ba ang hilig hilig nitong manghila ng damit?

"Bakit?" bulong ko sa kaniya.

"Gusto ko ng mochi." sabi niya.

Tumango ako saka siya sinamahan sa kusina. Dumaan kami sa tapat nina Klarence at naramdaman ko ding tiningnan niya ako pero hindi ko siya pinansin. Teka? Ba't ko siya papansinin? Baka nga kakilala niya yung babae.

Teka, Nagseselos ba ako? Wait, Bakit ako magseselos? Kami ba ha kami? May label ba kami? Dzuhh, Mas maganda pa ng ako dun sa babaeng ana'y linta kung makayakap sa kaniya eh. Lamang pa nga ako ng tatlong paligo sa kaniya.

"Gusto mo pa?" tanong ni Ben sa akin.

Ay huwaw! Siya yung nag-aalok. Nahiya naman ako.

"Sige lang, May banana milk pa ako noh!" sabi ko saka muling uminom ng banana milk.

"Naubos mo na yung isang box." sabi ko saka itinapon sa basurahan ang lalagyan ng mochi.

Humawak siya sa braso ko saka kinuha yung laruang robot niya. Napatigil ako nang tumigil siya saglit.

"Bakit?" tanong ko nang mapansing hindi siya naglalakad.

"Ahh, Ehh, Ang sakit ng paa ko Ate Bella eh."

Napailing na lang ako saka siya binuhat. Laki-Laki mo na tapos papabuhat ka pa. Ako nga dapat yung binubuhat mo eh.

Naupo ako sa tabi ni Lukas na busy sa pagkain ng sandwich. Nakakalong sa lap ko si Ben habang naglalaro ng laruang robot niya. Ngayon, Alam ko na kung sino ang may pinakamadaming nakakain dito sa barkadahan.

Hindi man lang tumataba 'tong si Lukas. Ang dami-dami niyang kumain pero ang ganda ganda pa din ng katawan niya. May mini gym naman dun sa bahay nina Klarence pero hindi ko naman siya madalas na nakikitang nagwo-workout dun.

"Pa'no mo nalamang nandito kami Fiona?" tanong ni Aiden dun sa babae.

Ahh, So Fiona pala ang pangalan niya. Edi wow.

"Oh, Narinig ko kasi yung kanta dun sa bar kaya napagtanto ko na may mga tao don. Sinundan ko yung sasakyan niyo kaso hindi ko naabutan. You're driving so damn fast! And then, Nakita ko na nakapark diyan sa labas yung mga sasakyan kaya ayun." sagot nung Fiona.

Sa susunod, Sa loob niyo na ipark ang sasakyan niyo.

"Oh, Hi Ben! Do you miss me baby?" tanong niya kay Ben.

Malamig lang siyang tiningnan ni Ben saka muling ibaling ang atensyon sa laruang robot niya.

HAHAHA, Gusto kong tumawa.

"Oh Hi!" bati nung Fiona sa... Akin?

Sorry, Di tayo close.

"Hi." plastikan time.

"I'm Fiona and you?" mataray niyang tanong sa akin.

Aba! Sinusubukan ng babaeng impaktang 'to ang kamalditahan ko ah.

"Bella." sabay nagpilit ng ngiti.

Shocks! Di ko keri.

"Let me introduce you myself..."

Wala akong pake sa sarili mo.

"I'm Fiona and i'm Klarence 's Girfrie—"

"Oh, Shut the fuck up Fiona." saad ni Klarence.

Magsama kayong dalawa.

"Why babe. Ayaw mo bang magpakilala ako kay Bella? I mean, We're gonna live in one house and—"

"What?" gulat na tanong ni Klarence.

"Yes babe! I'm also a human!"

Hindi siguro 'to nainform na mukha siyang zombie.

"Sa kabilang kwarto ka."

"NO! Dati natutulog tayo sa iisang—"

"What the! Can you just shut up your fvcking mouth?!" naiinis na sambit ni Klarence.

"Ahh Ben, Dun muna tayo sa loob. Inaantok ka na." sabi ko kay Ben nang mapansing inaatok na siya.

Binuhat ko siya para dalhin sa kwarto niya pero pinigilan ako ni Fiona.

Ay! Epal ka teh?

"Let me."

"No! I want ate Bella, Not You!" sabay yakap ng mahigpit sa akin ni Ben.

Owss.

"Hayaan mo na siya Fiona." sabi ni Zach.

"Okay. Sleep well baby." sabi ni Fiona saka hinalikan sa pisngi si Ben.

Agad namang pinunasan ni Ben ang pisngi niya gamit ang damit niya.

"Eeww."

Dali-Dali ko nang dinala si Ben sa kwarto. Baka kung ano pa ang magawa niya kay Fiona HAHAHA. May pagka-maldito din 'tong si Ben katulad ng kuya niya.

"O sige na, Matulog ka na." sabi ko habang kinukumutan siya.

"Tabi ka sa akin." sabi niya.

Tinuro ko ang sarili ko. Ako? Ayieee sweet naman.

"Sige, Sige."

Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. Niyakap niya din ako pabalik. Awittt!!!

==

Zach's POV

"So babe, Sa'yo ako tatabi mamaya." nakangiting saad ni Fiona habang nakayakap sa braso ni Klarence.

Tsskk, Hindi pa din siya nagbabago. May pagkamalandi pa din.

"No." malamig na saad ni Klarence na mukhang kanina pang naiirita kay Fiona.

Napangisi naman ako sa inasta ni Klarence. Sino nga ba naman ang hindi maiirita.

"But why?!"

Hindi talaga papatinag 'tong si Fiona hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Hindi mo siya masasabing simple dahil nasanay siya sa marangya at mala-reynang buhay. Matagal na niyang gusto si Klarence. Si Klarence lang talaga ang aayaw sa kaniya.

Hindi siya katulad ni Bella.

Si Bella kasi yung tipo na hindi sobrang yaman hindi kagaya ni Fiona. Mayaman din sila pero napaka-simple niyang babae.

She's beautiful inside and out.

"Katabi ko si Ben."

"Edi si Zach muna ang katabi niya."

Muntik ko nang maibuga ang juice na iniinom ko nang marinig ang pangalan ko. Excuse me? Nanahimik ako dito oh.

"Ba't ako nasali diyan?" inosente kong tanong.

Inirapan na lang ako ni Fiona.

Kung ako lang siguro si Bella, Baka kanina pang nasapak itong si Fiona.

"Please babe... Magkatabi din naman tayong matul—"

"Can you please zip your mouth?! Shit. Oo magkatabi tayong matulog dati pero huwag kang magsalita na parang may nangyari pang iba bukod sa nagkatabi tayo Fiona. So Shut up!" naiinis na sambit ni Klarence.

"Fine. Then saan ako matutulog?" tanong ni Fiona nang makalas ang pagkakahawak niya sa braso ni Klarence.

"Sa sahig."

"WHAT?!"

"Why?" taas-kilay na tanong ni Klarence kay Fiona.

Tss, Kung normal lang sa panahon ngayon, Sigurong nage-eskandalo na dito dahil ang sa pagtulog ni Fiona sa sahig.

"May latag naman dun." sabi ni Lukas habang nginunguya ang pagkain sa bibig niya.

"Oo nga naman at saka si Bella nga nakakatulog kahit sa sahig eh." singit pa ni Aiden.

That's Bella, Simple at walang arte.

"Oh! Bella. Dapat siya yung matulog sa sahig! Siya yung bago dito. Kakikilala niyo pa lang sa kaniya 'di ba? Huwag siyang umastang prinsesa duh, Dapat siya ang sa sahig at hindi ak—"

"Sige, Ayos lang. Ako na sa sahig."

Lahat kami ay literal na nagulat nang makitang nakatayo si Bella sa may pinto kung saan niya pinatulog si Ben. Nakayuko siya habang binabanggit ang mga salitang binitawan niya. Maging si Klarence ay halos mapatalon sa gulat habang si Lukas naman ay napatigil sa pagnguya.

Ang iba naman ay walang imik. Lahat kami ay gulat na nakatingin kay Bella.

"No yo—" pinutol ni Bella ang sasabihin ni Dan.

"H-Hindi, Tama si Fiona. Kakikilala niyo pa ang sa akin. D-Dun na lang ako sa sahig matutulog mamaya." sabay angat ng tingin niya sa amin saka nagpilit ng ngiti.

Tiningnan ko ang mga mata niya at bakas na bakas doon ang lungkot at hiya. Ang tapang niya sa totoo lang.

"See babe? Siya na lang daw ang tutulog sa sahig."

Hindi pinansin ni Klarence ang nagsalitang si Fiona bagkus ay nakatitig pa din siya kay Bella na hindi man lang siya matingnan ngayon.

"Ahh, Dun muna ako sa kwarto ni Ben." sabay turo ni Bella sa may pinto at tinungo ito.

Agad ko siyang sinundan. Alam kong anumang oras ay papatak na ang mga luhang gustong-gusto nang pumatak kanina pa.

"Shh, Don't cry." pagpapatahan ko sa kaniya habang yakap-yakap siya.

"T-Tama naman siya. Mas nararapat akong matulog sa sah—"

"No, Hindi ka matutulog sa sahig. Sa tabi kita matutulog mamaya." sabi ko sa kaniya.

Hindi ko siya hahayaang makita na sa sahig matutulog. Hindi kakayanin ng konsensya ko.

"P-Pero—"

"Walang pero pero. Sa'kin ka tatabi mamaya."

==

Lukas's POV

"So wazzup mga ka vlogger vlogger." saad ko sa device ni Caleb dito sa kwarto.

Namamatay ang mga brain cells ko kapag nakikita ko ang mga terms sa laptop niya. Pwede namang mabuhay nang hindi binabasa yan.

"Mukha kang tanga." sabay bato sa akin ng unan ni Dan.

"Maligo ka na nga!" sabay bato ko pabalik sa kanya.

Hindi pa siya naliligo.

"Hindi pa naman ako mabaho ah," sabay amoy niya sa damit niya.

Siyempre mabango yan, Alagang downy yan eh.

"Require bang maging mabaho bago maligo?" tanong ni Caleb.

Kapag nakikita kong nakatitig si Caleb sa laptop niya, Nanakit ang ulo ko.

"Medyo?" satsat ni Dan.

Ako kahit di maligo, Mabango pa din.

"Naaawa ako kay Bella tsskk." sabay kagat ko sa mochi ni Bella.

Dalawang mochi lang naman ang kinuha ko. Baka magalit siya sa akin.

"Masyadong ano si Fiona." sabi ni Caleb

"Masyadong ano?" tanong ko

"Ano..." Hindi pa din mawala ang tingin niya sa laptop niya.

Nawa'y huwag manlabo ang mga mata mo~

"Ano?" tanong ni Dan.

"Pwede bang magsi-alis kayong mga pvta kayo? Panira kayo ng moment. Hala alis alis!"

Ay grabe! Parang hindi kaibigan. Itinulak niya kami palabas saka sinarhan ang pinto. Tawa lang ki tawa si Dan.

"Hoy! Pabalikin mo kami diyan!" sabay katok naming dalawa ni Dan sa pintuan niya.

"Lumayas kayo!" pakinig naming sigaw ni Caleb mula sa loob.

Mas lalong lumakas ang tawa ni Dan.

"Nagse-search ka ba ng chicks pre? Pa-share naman oh! Huwag kang magsolo! Share your blessings." sigaw ko.

"Pvta masisira ang buhay ko dahil sa inyo!" Muling sigaw ni Caleb mula sa loob.

HAHAHA. Ano kaya ang itsura niya ngayon? HAHAHA.

"Ikaw!" sabay turo ko kay Dan dahilan para tumigil siya ng pagtawa.

"Ano?"

"Maligo ka na!" sabay buhos ko sa kaniya ng mineral water na galing sa ref.

Wohooo!!!

"Anak ng depvta naman oh!"

--

A/N: NAKAKAHIYA NAMAN SA INYO.  AKO NA NGA LANG SA SAHIG! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status