Share

Chapter 9

Chapter 9

Lukas's POV

"Hoy Lukas tangina ka!" pagmumura sa akin ni Dan habang patuloy na tinutuyo ang sarili niya. 

Ayan, Hindi kasi kaagad maligo. Ako tuloy nagligo sa'yo. 

"Sinabi ko naman sayong maligo ka!"

Ambaho mo! Nahahawaan ako ng germs mo. Eeww... 

"Maliligo ako gago! Wala pa lang tubig. Inubusan mo ako hangal!" sambit niya habang dinuduro-duro ako. 

Nakita namin si Klarence na mukhang bad mood pa din dahil sa kasama niya si Fiona. Naks! May chicks hehehe. Hindi man lang nag-alok. Kung ayaw niya kay Fiona, Sana nagsabi siya sa akin. Bibigyan ko siya ng ka-chat. 

Marami pa naman akong ka-chat. Ang se-sexy mga pre! 

"Maligo ka na nga! Bilisan mo." sabi ko kay Dan. 

"Takte!Wala ngang tubig diba? Hoy Caleb. Papasukin mo ko diyan. Nagpi-pipti-pipti buhay ko dito!" sigaw ni Dan sa may pinto ng kwarto ni Caleb. 

Ilang segundo pa bago namin marinig ang sagot ni Caleb. 

"Mga alipunga kayo! Masisira ang buhay ko sa inyo. Wag kayong papasok dito!" pakinig naming sigaw ni Caleb mula sa loob. 

Isa pa yung si Caleb, Madami din sigurong chicks yon kaya palaging nakatuon ang sarili sa laptop niya. 

"Eh saan kami matutulog mamaya? Utak mo tol nasa talampakan!" sigaw ko. 

"Hoy gago! Talampakan mo nasa ulo!" sigaw niya pabalik.

Ay teka! Minamaliit niya ba yung kagwapuhan ko? Yun na yata ang pinakamalaki niyang pagkakamali sa buong talambuhay niya. 

"Oh tol! payag ka nun? Talampakan mo daw nasa ulo HAHAHA." pang-aasar ni Dan

"Grabe kayo! Parang hindi mga kaibi--"

"Oy Zach!" tawag ni Dan kay Zach kaya napalingon din ako kay Zach na kagagaling lang sa kwarto kung saan pumasok si Bella kanina. 

Wait ,asan si Bella? 

"Asan si Bella lods?" tanong ko sabay akbay sa kaniya. 

Aakbay din sana si Dan kay Zach pero agad kong hinawi ang kamay niya. 

"Problema mo?" takang tanong ni Dan.

"Huwag kang humawak kay Zach! Hindi ka pa naliligo. Madami kang germs!" sabi ko habang bahagyang inilalayo si Zach sa kaniya. 

Eewww, Maligo ka muna. Yikes. 

"Nahiya naman ako sa'yong isang linggong hindi naligo at nagmukmok sa kwarto dahil lang sa natalo kita sa ML. Ulol!"

Ay, Nanlalaglag amputs. 

"Wag mo nang ibalik ang nakaraan tol. Pass is pass. Never been back. When BTS have comeback. Bella will say, Aba! Welcome back!"

"Hoy gago. Lagot ka dun HAHA," 

Lagot daw ako eh tinatawanan niya din. Tsaka, Totoo naman. Army si Bella Bwahahaha. 

Kaibiganin niya pa kaya ako kung malaman niyang jowa ko si Jungkook AHAHAHAHA. 

Syempre, Si Jungkook nagkagusto sa ken Mga master. 

"Tulog na si Bella." sambit ni Zach. 

Gulat kaming napatingin sa kaniya. Si Dan ay napatakip pa ang kamay sa bibig niya at gulat na gulat din. 

"Hala, Anong ginawa niyo ni Bella?"

"Tol what the fvck, The fvck?!"

"Gagi, What the fvck lang yun." pagtatama ko kay Dan. 

Gago, Hindi marunong sa grahams. 

"What the fvck lang ba yun?"

"Oo Dandararandandan, What the fvck lang yon!"

"Ah, sige, sige. Ulit."

Okay, Take 2!

Lights! Camera! Aaaacccttion!!! 

"Hala! Anong ginawa niyo ni Bella?"

 Gulat na napatingin kami ni Dan habang si Dan naman ay napatakip sa bibig niya at halatang hindi makapaniwala. 

"Tol, What the fvck!"

"Ayan, Ganiyan. Apir!"

Umapir naman sa akin pabalik si Dan. Ayan, Good Dog. 

"Umiyak siya. Utak niyo madumi pa sa kanal."

"Sensya na lods. Yung kanal ko, Kanal ng Japan." taas-noo kong sambit. 

"Tss. Asan si Bella?" walang emosyong tanong ni Klarence 

"Nandun sa kwarto. Tulog .Katabi ni Ben."

Tumango-tango naman si Klarence. 

"Hi guys! Pwede ba ako muna ang magluto ngayon?" malambing na tanong ni Fiona. 

Try mo lutuin sarili mo. De, joke lang. Baka ako ang lutuin nito. 

"Ah! Naku, Si Bella kasi ang magluluto mamaya. Masarap yun magluto Fiona!" sabi ko. 

"Masarap din naman akong magluto ah!" mukhang naiinis na siya. 

"Ah, talaga? Di ko knows." sabi ko. 

Nag-walk out na lang siya at sumunod kay Klarence sa loob ng kwarto nina... 

Naku, Andun si Bella. 

Baka kung ano ang pagsasabihin nitong si Fiona. Ang tabas pa naman ng dila non. Kaagad kaming sumunod nina Zach at Dan sa loob. Mamaya kung ano-anong pagsasabihin non. 

Mayaman naman talaga sina Fiona, Di hamak nga lang na mas mayaman sina Klarence. Si Klarence ang pinakamatalino at magaling sa lahat pero hindi siya mayabang. Ang pinagkaiba lang nila ni Caleb, Sadyang iba ang utak ni Caleb pagdating sa Science and Biology. 

Ako, Pinakagwapo sa aming lahat. Gwapo naman talaga ang ambag ko. 

"Oy, Teka nga, Teka nga. Ba't ba tayo susunod?" takang tanong ni Zach

"Si Lukas ang nauna oy! Siya ang tanungin mo wag ako. Siya ang pinaka tsismoso dit--"

"ABA! HINDI KA TALAGA LILIGO?!" sabay buhat ko sa kaniya papuntang banyo at saka siya sinarhan. 

"TAENAMO! MAPAPATAY KITANG HAYOP KA." sigaw niya mula sa loob. 

"Sus! Wag kang mag-alala, Ako na ang kukuha ng mga damit na isusuot mo!" sigaw ko pabalik saka umalis. 

"Hoy gago! Lagot ka don mamaya." natatawang saad ni Zach. 

Don't worry. Kiss ko na lang siya. 

"Heh! Ikuha mo nga yun ng damit." utos ko kay Zach.

"Teka, Ikaw ang nangakong ikukuha siya ng damit ah? Ba't ako?" 

"Kukuha ka o sasapakin kita?" may halong pagbabanta kong sabi sa kaniya.

"Ikukuha mo siya o PAPATAYIN KITANG HAYOP KA?!"

"Hehe, Eto naman, Di mabiro. Siyempre. Kukuha na." sabi ko sabay katok sa kwarto kung nasaan si Caleb. 

"Pahiram muna ng brief mo Zach,"

"ANAK NG--TANGINA MO LUKAS! HUDAS KA!" 

Saktong pinagbuksan ako ng pinto ni Caleb kaya nakapasok ako bago pa man ako malintikan kay Zach. 

Hinanap ko agad ang lalagyan slash bag ng gamit ni Dan. 

"Taena tol! Thomas and Friends na brief putangina HAHAHAHAHAHA. YAWA TOL HAHAHAHAHA."

"ANO?!" tiningnan ni Caleb ang hawak kong brief ni Dan. 

"Anak ng BWAHAHAHA."

"HAYOP LAGOT KA DON HAHAHAHA."

"GAGO! ISA KA DEN HAHAHAHA."

Tumawa lang kami ng tumawa hanggang sa narinig ko ang sigaw ni Dan mula sa CR. Dali-Dali akong pumunta don. 

"Wait baby, I'm coming!" malambing kong saad. 

"Baby your face!"

"Ang sungit sungit mo naman!..." sabay lagay ng damit niya sa ibabaw ng lamesa malapit sa pinto ng Cr. 

"...Huwag kang mag-alala, Hindi ko ipagsasabing Thomas and Friends ang design ng Brief mo.

"WHAT THE--! FVCK YOU! GO TO HELL LUKAS!"

"Ang sweet mo talaga baby, You're welcome HIHIHI."

==

Ngayon ay nagtitipon-tipon kami sa kwarto ni Caleb. Mukhang magbobotohan na sila tungkol sa pinakagwapong nilalang dito sa barkadahan. 

Tsk, Tinatanong pa ba yan? 

"Bakit? Anong chika?" tanong ko.

Biglang pumasok si Zach at Bella. Humihikab-hikab pa si Bella at bahagyang nakapikit. Halatang kagigising lang. Si Zach naman ay nakaakbay kay Bella. 

"Ay naks! May paakbay!" sigaw ko. 

Sumipol-sipol pa ako. 

"Gago!" si Dan,

"Tarantado!" sigaw ko pabalik. 

Napatingin sa amin ang magkausap na si Klarence at Caleb. Napaawang bigla ang bibig ni Klarence nang makitang nakaakbay si Zach kay Bella.

Ohhh, I smell something fishy. 

Si Dan, Amoy fish. 

"Siguraduhin mo Caleb na hindi kagaguhan yang sasabihin mo." seryosong sabi ko kay Caleb habang tinuturo-turo pa siya.

Aba! Baka minsan lang ako magseryoso. 

"Hindi ako katulad mo. Tado!"

"What! Sinong Tado? Pinagpalit mo na ako?!" naiiyak kong sambit kay Caleb. 

Akmang susuntukin na niya ako nang seryoso siyang tingan ni Klarence dahilan para umurong siya. Ayan, Makuha ka sa tingin. 

"Aw, It really hurts." sabay hawak ko sa dibdib ko. 

"Lukas, Tarantado na, Gago pa." bulong ni Dan. 

Asus! Thomas and Friends lang brief mo, Yieee. Don't worry, Di ko ipagsasabi. HAHAHAHA 

==

Bella's POV

Humihikab-hikab pa akong lumabas sa kwarto kung saan ako natulog katabi si Ben. Mas nauna pang nakapunta sa kwarto ni Caleb si Ben kaysa sa akin. Nakaakbay sa akin si Zach ngayon. 

Wala daw akong kawala sa kaniya ngayon dahil natalo niya ako sa chess. Ang duga naman niya! Hindi naman ako marunong non pero pinaglaro ako. Tuturuan daw niya ako. At dahil medyo tamad ako, Sinabi kong marunong na ako, Ayun! Talo ako. 

Kung ano-ano pang katarantaduhan ang pinagsasabi ni Lukas nang makita nila kami ni Zach. Napaurong na lang ang paningin ko nang makita ko ang seryosong mga mata ni Klarence na nakatitig sa amin ni Zach. 

Pamatay. 

Umupo kami ni Zach sa kama ni Caleb habang si Ben naman ay nakaupo sa lap ko. Biglang pumasok si Aiden sa kwarto ni Caleb na pawis na pawis at medyo maalikabok ang damit. 

"Hayop! Aiden saan ka ba galing? Kanina ka pa naming hinahanap." sabi ni Dan. 

Kanina pang masama ang aura ng mukha ni Dan dahil ni Lukas. Ipaghiwayan ba naman na Thomas and Friends ang brief niya. 

"Lintek!..." uminom siya ng tubig "Si Fiona kasi, Ang daming arte. Sa akin pa pinaayos yung kwarto eh babalik na naman tayo mamaya sa bahay nina Klarence tanginang yan."

"Omg! Sayang pawis mo 'tol!" singhal ni Lukas. 

Napairap na lang si Fiona sa mga sinabi ni Aiden. 

"Okay, So Ganito..." diretsong humarap sa amin si Caleb at Klarence. 

"Wala nang Golden Blood type dito sa Pilipinas. Ayon sa research namin, 2003 pang namatay yung may-ari ng Blood type na yun. Sa ibang bansa na lang meron nun kung, Meron pa nga."

"Ibig-sabihin, Hindi na natin magagawa yung formula?" tanong ni Zach.

Oo nga ano? Paano yun kung hindi na nila magawa yung formula? Edi end of the world na ba talaga? 

"Ah, Hindi ko pa ma-explain sa ngayon. Magre-reasearch pa ako."

Tumango kami sa sinabi ni Caleb. 

Sana, Sana makahanap na kami ng Golden Blood type na dugo. 

==

"Zach, Paabot nga nung repolyo." sabi ko kay Zach habang hinihintay na kumulo ang niluluto kong pansit.

Buti na lang at may nakita kaming tindahan ng repolyo sa hindi kalayuan. Laking pasasalamat ko na lang at hindi pa ganoong nabubulok yung repolyo.

"Eto oh." sabay abot niya sa akin ng lalagyan kung saan nakalagay yung repolyo.

Si Ben naman ay nakatitig lang sa aming dalawa ni Zach. Nakaupo siya sa stool at nakapatong ang ulo sa mga kamay niya.

"Matagal pa ba?" tanong niya

"Konti na lang." sabi ko.

Naupo muna ako sa tabi niya habang hinihintay na kumulo ang gulay para mailagay na namin yung bihon.

"Kapag yan hindi maasim, Salamat na lang sa lahat-lahat." sabi ni Ben na ikinatawa ko.

"AHA! Hey wazzup mga bro's. Anong niluluto niyo ba? Is that masarap ba mga bro?" tanong ng kararating lang na si Lukas.

Akala mo hindi ko alam na hindi ka kumuha ng dalawang mochi ha?

"Kapag natapos na tayong kumain, Uuwi na daw ulit tayo sa mansion nina Klarence." sabi pa niya habang sinisilip ang kawali.

"Hoy! Huwag mo ngang tingnan yan. Baka hindi na sumarap," sabat ng isa pang kararating lang na si Dan.

"Anong ibig mong sabihin? Na hindi ako masarap? Tol, Maalindog pa ako. Atleast, Hindi Thomas and Friends ang brief ko."

Bahagya naman akong natawa sa tinuran ni Lukas. Kahit kailan talaga HAHAHAHA.

"Nahiya naman ako sa Ben 10 mong brief."

Nasamid si Zach sa iniinom niyang tubig dahil hindi na niya mapigilan ang pagtawa. Natawa na din ako habang si Ben naman ay seryoso ang mukha.

Mukhang dahil nabanggit yung pangalan niya sa brief ni Dan.

"Wala pala kayo eh." sambit ni Ben.

"Bakit? Ano ba ang design ng brief mo?." tanong ko sa kaniya.

"Baka barbie." nagtawanan si Dan at Lukas.

"Calvin Klein." sabi ni Ben habang tumataas-baba ang kilay.

==

"Sa akin sasabay si Bella." sabi ni Klarence habang inilalagay ang mga pagkain sa likod ng kotse niya.

Ito pa din yung kotseng ginamit namin nung kumuha kami ng pagkain.

"Sa amin na lang. Luwag pa naman. Tsaka, Isa pa, Sa inyo sasabay si Fiona. Sa amin na lang sasabay si Bella." sabi ni Zach saka isinara ang pinto ng bahay na tinuluyan namin.

"Kanino ba palaging sumasama si Bella ha? Di'ba sa akin? Edi sa akin siya sasabay" saad ni Klarence saka niya inirapan si Zach.

"But Babe—" pinutol ni Klarence ang sasabihin ni Fiona.

Higad ka teh? Masyadong talande?

"Stop calling me Babe."

"Okay, Baby then—"

"Shut up!"

"Klarence! May bata." sabi ko

"Sa amin ka na sumabay Bella." sabi ni Zach saka ako hinila papunta sa sasakyan niya.

"I said no." saka din ako hinila ni Klarence.

Easy, Hindi ako walis tambo para pag-agawan. Ayun eh, Kung masipag kayo.

"Teka, Teka—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Zach.

"Ano ba naman Klarence? Si Fiona, Sasakay sa'yo."

"Sa'yo siya sasakay."

"Huh? No!" sabay padyak ni Fiona ng mga paa niya.

"Aray, Nasasaktan na ak—" hindi na naman natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Zach.

"Ano bang problema mo tol?" seryosong tanong ni Zach kay Klarence.

Mukhang nagkakainitan na dito Jusko. Hindi na healthy 'to. Kakakain pa naman namin ng pansit.

"Hoy tama na yan." awat ni Aiden.

"Anong problema ko? Wala akong problema. Ikaw itong may problema."

Nagtitigan sila. Yung tipong isang kalabit lang ay magsusuntukan na. Ako naman 'tong si walang magawa kundi pagsabihan na lamang sila. May Zombie Apocalypse na nga tapos ngayon pa nila naisipang mag-away? Jusko naman.

May bata pang nakatingin sa amin. Buti na lang at buhat-buhat siya ni Lukas.

"Teka lang Klarence ha. Sinabi ko lang naman na dapat sa amin sumakay si Bella dahil sa inyo sasakay si Fiona. Ano bang mahirap intindihin dun?"

Oo nga naman.

"Oh di sige. Magsama kayong dalawa" sabay tulak ni Klarence sa akin papunta kay Zach kaya napasubsob ako sa dibdib niya.

Ay shet. Ang tigas. 

=========

A/N:

Favorite ko 'tong chapter na 'to dahil ni Lukas. HAHAHAHA. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jing M. Voluntate
super ganda ng story,nkakagoodvibes,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status