Share

𝕬𝖗𝖙 𝖔𝖋 π•―π–Šπ–˜π–™π–Žπ–“π–ž
𝕬𝖗𝖙 𝖔𝖋 π•―π–Šπ–˜π–™π–Žπ–“π–ž
Author: Juanmarcuz Padilla

Art of Destiny : Panimula

INTRODUCTION: Pangungulila

Sa dalawang magkaibang dako, may magkaibang puso na naghihintay, umaasa at nananabik na magkitang muli... Malulunasan ba pareho ang mga sugat ng panahon at oras??

β€”β€”β€”β€”β€”

One night of a full moon.

Makikita ang isang taong nakaupo sa isang bangkong kawayan. Nagiisa lang ang person. Walang balak mag-ingay, magsalita o sumigaw.

Nakapako lang ang mga mata niya sa galaw ng dagat. Pinagmamasdan nito din ang tila kristal na tubig na tinamaan ng liwanag ng buwan.

Matiyaga nitong pinakikinggan ang mga tila awit ng hampas ng alon sa pampang.

Mayamaya ay saglit nitong ginalaw ang mga nangangawit na paa dahil sa tagal ng pagkakaupo.

Pinaglagutok din nito ang mga daliri sa kamay na parang namanhid na din. Masaya nitong binilang habang pinakikinggan iyon hanggang sa huling lagutok.

Di pa nakuntento ay isinunod nito ang mga daliri sa dalawa nitong paa.

Nakaramdam ito ng ginhawa matapos gawin ang mga iyon. Naginat pa ito at pinaglagutok din ang likod sa sarili nitong pamamaraan.

Mayamaya ay naalala nito ang isang tasang kape na noon ay malapit na ding lumamig.

Hindi nito maintindihan ang sarili kung bakit tila gustong gusto nitong umupo doon tuwing gabi o takipsilim. Paborito nitong pagmasdan ang namumulang kalangitan tuwing hapon. Parang nalilibang ito sa kakapanood ng ganoong uri ng tanawin.

Kumbaga, doon na ang naging favorite place nito.

Paborito niyang tingnan ang sunset. Para sa kaniya ay may ibig itong ipahiwatig. May mga mensaheng nais i-portrayed.

Hindi na rin mabilang na minsan may parang vision na bigla na lamang papasok sa isipan niya.

Para iyong isang alaala na bigla na lamang mabubuo sa isip niya.

Sinulyapan niya ang hawak na isang tasang kape. Ilang higop na lang at mauubos na ito.

Sunod-sunod niyang nilagok ang laman ng hawak na tasa.

Matapos sairin ang kape ay nagsindi ito ng isang stick ng Marlboro black.

Ito ang paboritong sigarilyo na lagi nitong binibili. Bukod sa may menthol ito, ay okay sa kaniya ang lasa nito.

Matapos ang matagumpay na pagsindi ay sabik hinihithit nito iyon. Pagkatapos ay bumuga ng makapal na usok nang paulit-ulit.

Muli na naman nitong tinapon ang sulyap sa laot. Parang may isang bagay kasi na bumabalik sa isipan niya tuwing nakikita niya ang dagat. Isang bagay na parte ng nakaraan niyang maaring nawala sa memorya niya.

Matapos ang ilan pang buga-hithit ay nakarinig ito ng ilang beses na tawag sa pangalan nito.Mahina lang sa umpisa ngunit lumakas sa katagalan ng kaniyang pagsagot.

Boses babae iyon at parang nagmamadali.

Paulit-ulit niyong tinatawag ang pangalan ng lalaki dahilan para lumingon ito.

β€”β€”β€”β€”

Mula sa itaas ng terrace ng Mansion Del Valle ay nakikita ng isang magandang babae ang buong palibot ng malapalasyong hacienda ng angkan niya.

Makikita mula roon ang nagagandahang orchidial plantation at mga imported na bulaklak na nagsisisulputan lang at nagpapaligsahan sa kulay, bango, at ganda sa mga mata ng nakakakita at makakakita pa.

Subalit sa kabila na pagiging kaakit-akit ng paligid, lahat ay larawan ng emptiness at longing. Lahat ay kagaya pa din ng mga ordinaryong tanawin na wala naman itong pakialam.

Mahigit Isang taon na ang naganap. Isang taon nang mula nang mawala sa piling nito ang lalaking una nitong minahal.

Isang taon ng kaytagal na paghihintay na muling makabalik at makita ang lalaki.

Isang taon nang umaasa na isang araw ay makikita nito muli ang minamahal, nakangiting lumalakad papalapit rito habang pinagmamasdan.

Isang taon na sanang magkaroon ng isang masayang pamilya kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon.

Muli, ay nag uunahan na namang maglandasan ang mga luha sa mga mata ng babae.

Muli na naman niyong pinadilim ang mga paningin nito.

"Shit!" malakas na mura ng babae matapos pahirin ang sariling luha.

Hanggang kaylan ang puso nitong magiging ganito?

Hanggang kaylan ito itutortured ng sakit ng pagkawala ng isang taong sobrang napakahalaga rito.

"Nasaan ka na ba kasi?"

Tinangay lamang ng hangin ang mga sinabi ng babae na lalong nagpalamig ng nararamdaman nito.

Balewala rito ang napakaganda at kahanga-hangang paglubog ng araw sa kanluran.

Sa pagaagaw ng liwanag at dilim ay nakalikha iyon ng pagsasanib ng dalawang kulay, ang dilaw at pula na kapwa dumisenyo ng isang pambihirang repleksiyon dumagdag sa lalong ikakamangha ng makakakita.

Puwera nga lamang sa nilalang na ito, na hindi batid ang bagay na hatid ng tanawing iyon.

Sumapit na naman ang gabi. Lilipas na naman ang isang araw na paghihintay.

Bukas na naman ulit!

Bagay na nakakasawa na!

Pero hangga't humihinga ito, ay patuloy nitong ipapangako sa sariling hihintayin ang umagang iyon.

Ang umaga ng pagbabalik ng lalaking minamahal...

At naniniwala na malapit na iyon...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status