All Chapters of CLUMSY (Tagalog): Chapter 21 - Chapter 30
48 Chapters
KABANATA 20
CHAPTER 20MAHIMBING pa ang tulog nilang dalawa ni Eli nang dahan-dahan akong bumangon. Pagkatapos ng nangyari kagabi’y wala akong mukhang maihaharap kay Arken. Hindi lang isang simpleng halik ang pinagsaluhan namin kung hindi ay malalim at matagal. Wala kaming malinaw na relasyon kung ano kami sa labas ng pinermahang marriage contract. Ayokong sa akin din manggaling ang paksang iyon kung mapag-uusapan man. Kahit naibigay ko ang sarili sa kanya nang hindi sinasadya ay may delikadesa pa rin naman ako kaya hindi ko gustong ako ang gagawa ng paraan na mapalapit sa kanya.Umiinom ako ng kape nang may nag-door bell. Lumabas ang katulong mula sa kusina at nakita ako sa dining area."Ma'am, may tao po yata.""Pakitingnan kung sino iyon. Huwag mo lang papapasukin kung hindi mo kilala. Baka kasi isa na naman sa mga reporters 'yan."Hindi nagtagal ay pumasok ulit ang kasambahay."Ma'am, hindi po talaga nagpapigil, nagpumilit po talaga siyang pum
Read more
KABANATA 21
CHAPTER 21NAPANSIN ko ang palihim na mga sulyap ni Gieselle sa amin habang kumakain. Ang OA ko na tuloy gumalaw. Ang arte-arte  ng aking galawan at mukhang nagpapa-cute pa kay Arken.Nalungkot ako nang nagpaalam na si Gieselle. Naramdaman ko ang kawalan nang nakaalis na ito. Iba na nga talaga ang takbo ng mga buhay namin. May kanya-kanya na kaming priorities. Dati, kung nagkikita kami ay puro shopping, bar hopping o ‘di kaya’y bakasyon ang nasa isip. Ngayon ay may Eli na akong dapat unahin.Hindi pa ako inaantok kaya nanatili muna ako sa gilid ng pool sa likod-bahay. Inilubog ko ang paa sa tubig at nakaramdam ng ginhawa dahil sa lamig na hatid nito. Sinamantala ko ang pagkakataon na mapag-isa habang kasama ni Papa si Eli. Sa dami ng mga nangyari na nakapagpabago ng aking buhay ay sasakit lang ang aking ulo kung lahat ng mga tanong ay hahanapan ko ng kasagutan. Inihilig ko ang ulo sa hawakang bakal na nasa aking tabi at ipinikit
Read more
KABANATA 22
CHAPTER 22 HILAW akong ngumiti dahil sa kanyang tanong at ang pangit ko sigurong tingnan. ‘Kalma self, baka ma-lose thread ang garter ng panty at bra mo.’"Ano bang pinagsasasabi mo?" Tila isang dalagitang nagpapabebe at nagpapa-cute sa kanyang crush."Paano ka nga ba niligawan ng Steve na iyon at siya lang ang naging boyfriend?" pagkompleto niya sa tanong.Then reality slaps me. ‘Umasa ka pa, self, kaya nga-nga ka tuloy’, lihim kong pang-aaway sa sarili. Akala ko pa naman kaya siya nagtanong ay dahil may balak siyang umakyat ng ligaw. Assume pa ako ng assume, na sa simula pa lang ay si Eli lang naman ang dahilan ng lahat ng ito."Kaya nga isang pagkakamali si Steve sa buhay ko. Simula nang niloko niya ako sinabi ko na sa sariling kahit kailan ay wala ng ibang lalaki ang makapapasok dito sa aking puso at buhay kung hindi si Eli lang," bawi ko sa hiyang naramdaman kanina.
Read more
KABANATA 23
CHAPTER 23"GIE, salamat sa pagsama kay Paloma," baling nito sa kasama ko.Halos hindi ako makasabay sa malalaking hakbang ni Arken palabas ng bar. Maingay pa rin ang buong paligid pero wala na akong balak magtagal, lalo't halatang-halata sa mukha niya ang galit at inis.Halos paliparin na niya ang sasakyan habang pauwi kami ng bahay. Hindi na mabilang kung ilang beses akong nauntog sa bawat lubak na madaanan. Nanatili akong tahimik at walang planong magsalita. Nakapapanis ng laway ang ganito pero bahala siya sa buhay niya."What do you think your doing?" tiim-bagang niyang tanong sa akin."I just wanted to go out," sagot ko. Pilit pinapatatag ang boses kahit natatakot na ako."Go out? Sana’y sinabi mo sa akin." Alam kong matindi ang kanyang pagpipigil na hindi ako masigawan.Hindi ako kumibo hanggang sa makapasok na kami sa gate. Tinanggal ko kaagad ang seatbelt at padabog na isinarado ang pinto ng kotse. Nagmartsa ako papasok
Read more
KABANATA 24
CHAPTER 24  AKALA ko pagkatapos ng tanghalian ay aalis na kami pero nagkamali ako at alam ko ang dahilan ni Arken, walang iba kung hindi si Nicolle. Hindi na ako nangahas pang sumali sa kanilang usapan dahil hindi rin naman ako maka-relate. Puro mga past experiences nila, mga childhood memories at sa ayaw at sa gusto ko’y hindi ako kasali sa mga alaalang iyon.Kung alam ko lang sana na ganito, dapat pala ay nauna na kami ni Eli sa isla at hayaan na lang si Arken kung kailan siya susunod sa amin. God knows kung ano ang gagawin nila, sila ni Nicolle."You okay?" tanong ni Ate Leanne na kadarating pa lang sa garden kung saan ako kasalukuyang naglalagi."Opo," tipid kong sagot na may kasamang ngiti."Matagal na hindi nagka-usap at nagkasama sina Arken at Nicolle kaya marami ang kanilang napagkukuwentuhan," paliwanag niya. Tango lang ang isinagot ko. Wala rin naman kasi akong maisip na sasabihin."Your not jea
Read more
KABANATA 25
CHAPTER 25 NAGISING ako dahil sa boses ni Arken. Siguro’y importante ito dahil tumawag ng ganito kaaga. Dalawang linggo na rin ang lumipas nang bumalik kami rito sa isla at malamang ay kinakamusta na siya ng kanyang daddy o ‘di kaya’y ni Ate Leanne. “Ayos lang ba kung bibiyahe kang mag-isa?" narinig kong tanong niya sa kausap. Sino ang bibiyahe at saan pupunta? Napapraning na naman ako at kung ano-ano na ang naiisip. Ganito siguro talaga kung alam mong napipilitan ang isang tao na pakasalan ka. Kusa kang nakararamdam ng insecurities. Sinubukan kong umakto na parang wala lang ang lahat, mula sa pagpunta namin sa kanila, pagpapakilala niya sa akin sa kanyang pamilya at ang muling pagkikita nila ni Nicole. Mas bumabagabag sa akin ang huli. Paano kung biglang maisipan ni Arken na hiwalayan ako dahil nandiyan na si Nicole? Paano na ang anak namin? Hanggang tabas na lang ako ng tela pagdating sa shop at hindi masimulan ang tatahiing
Read more
KABANATA 26
CHAPTER 26WALA akong maisip na paksa sa loob ng sasakyan habang pabalik na kami ng bahay. Panaka-naka kong sinusulyapan si Arken habang seryosong nagmamaneho at nakatuon lang ang mata nito sa daan. Habang malalim akong nag-iisip ng pangpalipas oras ay mas lalong nadadagdagan ang aking kaba.Sumagi sa aking isip ang mga nangyari sa restaurant kanina. Inaamin kong nakahuhulog nga ng loob ang kanynag ginawa at hindi lahat ng lalaki’y may ganoong kakayanan na pasayahin ang kanilang asawa. Sumikdo ang kirot sa dibdib ko nang maalalang parte lang pala iyon ng pagiging nanay ko kay Eli.Tahimik akong bumaba ng sasakyan nang makarating na kami ng bahay. Tahimik namang siyang sumunod sa akin at sinalubong kaagad kami ng mano at halik mula kay Eli.“Kanina ko pa po ‘yan pinapatulog, ate, pero sabi niya ay hihintayin daw kayo.” Sumulyap si Jela sa aking likuran kung saan nakatayo si Arken.“Mama, gusto ko lang naman po kasing ma
Read more
KABANATA 27
CHAPTER 27HINDI kami nagkikibuan ni Arken simula nang nagkasagutan kami. Ayoko ring lunokin ang pride dahil hindi ko naman kasalanan ‘yon. Ngunit sa araw na ito’y nakatanggap ako nang hindi inaasahang tawag."Talaga? Seryoso?!" excited kong tanong sa kausap sa cellphone. Tumawag si Gieselle dahil nandito siya sa isla at kasali sa pictorial nina Steve. Maging ang aming manager na si Mother Chelsea ay sumama sa kanila. Mabilis kong isinarado ang shop at nagmamadaling tumulak kung saan sila tumutuloy. Mahigpit na yakap ang isinalubong niya sa akin habang lumuluha naman si Mother Chelsea na humarap sa akin."Lokaret kang bata ka," maktol nito, "mag-aasawa ka lang pala bakit hindi ka nagpaalam ng maayos?""Biglaan po kasi, Mother," pagdadahilan ko.Niyakap na lamang niya ako ng mahigpit at wala ng sinabi pa."Puwede ka pa rin namang bumalik sa pagmo-model. Tatanggapin pa rin kita, Paloma, dahil marami pa ring naghahanap sa'yo," pakiu
Read more
KABANATA 28
CHAPTER 28 PARTE ng aking panaginip ang mainit na tagpo sa pagitan namin ni Arken. Kahit malamig ang umaga ay pinagpapawisan ako sa panaginip na 'yon. Dahan-dahan akong gumalaw para bumangon pero may mabigat na nakadagan sa aking hita. Mainit ito, gayundin ang tumatama sa aking kanang balikat. Kung hindi ako nagkakamali ay hininga ito ng isang tao. Nilingon ko ito at nanlaki ang matang nakatunghay sa guwapong mukha ni Arken. Saka ko lang napagtantong hindi panaginip ang mga tagpong iyon kung hindi ay totoo talagang nangyari. Ang pagtatalo namin ay nauwi sa mapusok at nakasasabik na halikan. Nasapo ko ang noo dahil sa katangahang nagawa. Gumalaw ang aking katabi at pinulupot nito ang braso sa aking baywang saka hinila palapit sa kanya. Isiniksik pa niya lalo ang mukha sa aking leeg tila takot na mawala ako. Hinintay ko munang lumalim ulit ang kanyang paghinga, indikasyon na bumalik ito sa mahimbing na tulog, bago ko dahan-dahang inalis ang nakapulupot niyang b
Read more
KABANATA 29
CHAPTER 29 MAAGANG umalis si Arken dahil kailangan siya sa site ng ipinapagawang resort. Hindi na kami nagpang-abot kaya nag-almusal akong mag-isa bago pupunta sa pictorial nina Gieselle. Lalabas na sana ako nang makasalubong si Jela. "May bisita po kayo. Pinapasok ko na po at nandiyan sa sala. Magandang babae po, Ate." Hindi ko inaasahang ganito kaaga sisirain ni Nicolle ang araw ko. Siya ang bisitsng tinutukoy ni Jela. "Ano bang kailangan mo?" Ipinahalata kong hindi ko nagustuhan ang pagpunta niya rito. "Dinadalaw ka." "Ako o ang asawa ko?" deritsong tanong ko. Ayokong makipagplastikan sa kanya lalo’t halata naman kung sino ang kanyang sadya.   "Asawa mo lang sa papel," pagtatama niya. Ano pa nga bang aasahan ko? Pupunta siya rito para makipagkaibigan sa akin? Siyempre hindi, lalo na kung pagbabasehan ang namagitan sa kanila ni Arken noon. "Wala na siya rito. Maagang pumunta sa trabaho," sa halip ay sagot ko.
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status