Share

KABANATA 20

CHAPTER 20

MAHIMBING pa ang tulog nilang dalawa ni Eli nang dahan-dahan akong bumangon. Pagkatapos ng nangyari kagabi’y wala akong mukhang maihaharap kay Arken. Hindi lang isang simpleng halik ang pinagsaluhan namin kung hindi ay malalim at matagal. Wala kaming malinaw na relasyon kung ano kami sa labas ng pinermahang marriage contract. Ayokong sa akin din manggaling ang paksang iyon kung mapag-uusapan man. Kahit naibigay ko ang sarili sa kanya nang hindi sinasadya ay may delikadesa pa rin naman ako kaya hindi ko gustong ako ang gagawa ng paraan na mapalapit sa kanya.

Umiinom ako ng kape nang may nag-door bell. Lumabas ang katulong mula sa kusina at nakita ako sa dining area.

"Ma'am, may tao po yata."

"Pakitingnan kung sino iyon. Huwag mo lang papapasukin kung hindi mo kilala. Baka kasi isa na naman sa mga reporters 'yan."

Hindi nagtagal ay pumasok ulit ang kasambahay.

"Ma'am, hindi po talaga nagpapigil, nagpumilit po talaga siyang pum

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status