CHAPTER 24
AKALA ko pagkatapos ng tanghalian ay aalis na kami pero nagkamali ako at alam ko ang dahilan ni Arken, walang iba kung hindi si Nicolle. Hindi na ako nangahas pang sumali sa kanilang usapan dahil hindi rin naman ako maka-relate. Puro mga past experiences nila, mga childhood memories at sa ayaw at sa gusto ko’y hindi ako kasali sa mga alaalang iyon.
Kung alam ko lang sana na ganito, dapat pala ay nauna na kami ni Eli sa isla at hayaan na lang si Arken kung kailan siya susunod sa amin. God knows kung ano ang gagawin nila, sila ni Nicolle.
"You okay?" tanong ni Ate Leanne na kadarating pa lang sa garden kung saan ako kasalukuyang naglalagi.
"Opo," tipid kong sagot na may kasamang ngiti.
"Matagal na hindi nagka-usap at nagkasama sina Arken at Nicolle kaya marami ang kanilang napagkukuwentuhan," paliwanag niya. Tango lang ang isinagot ko. Wala rin naman kasi akong maisip na sasabihin.
"Your not jea
CHAPTER 25 NAGISING ako dahil sa boses ni Arken. Siguro’y importante ito dahil tumawag ng ganito kaaga. Dalawang linggo na rin ang lumipas nang bumalik kami rito sa isla at malamang ay kinakamusta na siya ng kanyang daddy o ‘di kaya’y ni Ate Leanne. “Ayos lang ba kung bibiyahe kang mag-isa?" narinig kong tanong niya sa kausap. Sino ang bibiyahe at saan pupunta? Napapraning na naman ako at kung ano-ano na ang naiisip. Ganito siguro talaga kung alam mong napipilitan ang isang tao na pakasalan ka. Kusa kang nakararamdam ng insecurities. Sinubukan kong umakto na parang wala lang ang lahat, mula sa pagpunta namin sa kanila, pagpapakilala niya sa akin sa kanyang pamilya at ang muling pagkikita nila ni Nicole. Mas bumabagabag sa akin ang huli. Paano kung biglang maisipan ni Arken na hiwalayan ako dahil nandiyan na si Nicole? Paano na ang anak namin? Hanggang tabas na lang ako ng tela pagdating sa shop at hindi masimulan ang tatahiing
CHAPTER 26WALA akong maisip na paksa sa loob ng sasakyan habang pabalik na kami ng bahay. Panaka-naka kong sinusulyapan si Arken habang seryosong nagmamaneho at nakatuon lang ang mata nito sa daan. Habang malalim akong nag-iisip ng pangpalipas oras ay mas lalong nadadagdagan ang aking kaba.Sumagi sa aking isip ang mga nangyari sa restaurant kanina. Inaamin kong nakahuhulog nga ng loob ang kanynag ginawa at hindi lahat ng lalaki’y may ganoong kakayanan na pasayahin ang kanilang asawa. Sumikdo ang kirot sa dibdib ko nang maalalang parte lang pala iyon ng pagiging nanay ko kay Eli.Tahimik akong bumaba ng sasakyan nang makarating na kami ng bahay. Tahimik namang siyang sumunod sa akin at sinalubong kaagad kami ng mano at halik mula kay Eli.“Kanina ko pa po ‘yan pinapatulog, ate, pero sabi niya ay hihintayin daw kayo.” Sumulyap si Jela sa aking likuran kung saan nakatayo si Arken.“Mama, gusto ko lang naman po kasing ma
CHAPTER 27HINDI kami nagkikibuan ni Arken simula nang nagkasagutan kami. Ayoko ring lunokin ang pride dahil hindi ko naman kasalanan ‘yon. Ngunit sa araw na ito’y nakatanggap ako nang hindi inaasahang tawag."Talaga? Seryoso?!" excited kong tanong sa kausap sa cellphone. Tumawag si Gieselle dahil nandito siya sa isla at kasali sa pictorial nina Steve. Maging ang aming manager na si Mother Chelsea ay sumama sa kanila. Mabilis kong isinarado ang shop at nagmamadaling tumulak kung saan sila tumutuloy. Mahigpit na yakap ang isinalubong niya sa akin habang lumuluha naman si Mother Chelsea na humarap sa akin."Lokaret kang bata ka," maktol nito, "mag-aasawa ka lang pala bakit hindi ka nagpaalam ng maayos?""Biglaan po kasi, Mother," pagdadahilan ko.Niyakap na lamang niya ako ng mahigpit at wala ng sinabi pa."Puwede ka pa rin namang bumalik sa pagmo-model. Tatanggapin pa rin kita, Paloma, dahil marami pa ring naghahanap sa'yo," pakiu
CHAPTER 28 PARTE ng aking panaginip ang mainit na tagpo sa pagitan namin ni Arken. Kahit malamig ang umaga ay pinagpapawisan ako sa panaginip na 'yon. Dahan-dahan akong gumalaw para bumangon pero may mabigat na nakadagan sa aking hita. Mainit ito, gayundin ang tumatama sa aking kanang balikat. Kung hindi ako nagkakamali ay hininga ito ng isang tao. Nilingon ko ito at nanlaki ang matang nakatunghay sa guwapong mukha ni Arken. Saka ko lang napagtantong hindi panaginip ang mga tagpong iyon kung hindi ay totoo talagang nangyari. Ang pagtatalo namin ay nauwi sa mapusok at nakasasabik na halikan. Nasapo ko ang noo dahil sa katangahang nagawa. Gumalaw ang aking katabi at pinulupot nito ang braso sa aking baywang saka hinila palapit sa kanya. Isiniksik pa niya lalo ang mukha sa aking leeg tila takot na mawala ako. Hinintay ko munang lumalim ulit ang kanyang paghinga, indikasyon na bumalik ito sa mahimbing na tulog, bago ko dahan-dahang inalis ang nakapulupot niyang b
CHAPTER 29 MAAGANG umalis si Arken dahil kailangan siya sa site ng ipinapagawang resort. Hindi na kami nagpang-abot kaya nag-almusal akong mag-isa bago pupunta sa pictorial nina Gieselle. Lalabas na sana ako nang makasalubong si Jela. "May bisita po kayo. Pinapasok ko na po at nandiyan sa sala. Magandang babae po, Ate." Hindi ko inaasahang ganito kaaga sisirain ni Nicolle ang araw ko. Siya ang bisitsng tinutukoy ni Jela. "Ano bang kailangan mo?" Ipinahalata kong hindi ko nagustuhan ang pagpunta niya rito. "Dinadalaw ka." "Ako o ang asawa ko?" deritsong tanong ko. Ayokong makipagplastikan sa kanya lalo’t halata naman kung sino ang kanyang sadya. "Asawa mo lang sa papel," pagtatama niya. Ano pa nga bang aasahan ko? Pupunta siya rito para makipagkaibigan sa akin? Siyempre hindi, lalo na kung pagbabasehan ang namagitan sa kanila ni Arken noon. "Wala na siya rito. Maagang pumunta sa trabaho," sa halip ay sagot ko.
CHAPTER 30 ANG bigat ng aking pakiramdam kinabukasan. Parang ayaw kong gumising at humilata na lang sa kama buong araw. Pagod na pagod ako. Hindi lang isang beses akong inangkin ni Arken kagabi, nasundan pa ito ng ilang beses sa buong magdamag. Pero wala na siya sa aking tabi ngayong umaga at pumasok na raw sa trabaho ayon kay Jela. Kailangan ko na rin sigurong bisitahin ang shop at simulan ng tahiin ang ilang naka-pending na orders. Naglinis muna ako sa shop bago nagsimulang magtabas ng mga tela. Wala pang halos isang oras ay may pumasok ng customer. "May ipapatahi po ba kayo? Hindi pa po ako tumatanggap ng mga orders ngayon dahil marami pa akong tinatapos," sabi ko at hindi na tiningnan ang pumasok. "Bakit? Ganyan ka ba kaabala sa pakikipaglandian kay Arken para hindi matahi ang mga orders ng customers mo?" Nag-angat ako ng tingin sa customer. Mukha ni Nicolle na nakataas ang kilay ang sumalubong sa akin. Padabog kong inilapag ang gunting at telang
CHAPTER 31TILA sasabog ang aking ulo dahil sa dami ng tanong na gusto kong ibato kay Arken nang magkita na kami sa bahay pagsapit ng gabi. Hindi na normal ang aking paghinga gawa ng pinipigil na galit. Naglalaro sa aking gunita ang ginawa nila ni Nicole buong araw."Hindi na kita nasundo kasi nagkaproblema sa sight," hinging paumanhin niya habang lumalapit at hinalikan ako sa noo.Hindi ako sumagot. Busangot na mukha lang ang naging tugon ko. Anong klaseng problema? Design para sa malanding kagaya ni Nicolle? Umalis ako sa kanyang harapan na walang kahit na anong sinabi. Nadaanan ko si Eli sa sala na nanonood ng TV. Nang makita niya ako’y lumapit ito sa akin at nagmano.Padabog kung inilapag ang bag na dala at dumiretso sa banyo para makaligo na. Habang nasa loob ng banyo ay pinag-isipan ko kung tama bang tanungin ko si Arken kung ano ang ginawa niya buong araw pero baka naman ay sumusobra na rin ako at hindi na resonable sa kanya. Ang sarap i-umpo
CHAPTER 32KUNG hindi pa ako pinuntahan at ginising ni Eli ay tatanghaliin na naman ako sa pagbangon. Ginising niya ako para sabay kaming kumain ng agahan at pinaunlakan ko naman kahit inaantok pa ako't mabigat ang pakiramdam. Lately, madalas kong maramdaman ang pagiging takaw sa tulog, marahil ay bunga ng ilang gabing maraming iniisip. Dinagdagan pa ni Arken na wala na yatang planong umuwi rito sa bahay at hindi pa nagpaalam ng maayos."Mama, I feel so alone kaya I want to have breakfast with you. Si Papa?" Binato na nga niya ako ng tanong na hindi ko alam ang sagot."He's in the office, anak. He got plenty of works to do kaya hindi siya nakauwi kagabi," pagsisinungaling ko sa bata. Ang bigat sa dibdib na kailangan kong magsinungaling para pagtakpan ang kagaguhan ni Arken."Pero uuwi naman po siya mamaya, 'di ba?" Nadudurog ako habang pinagmamasdan ang bata.Nagpalipas muna ako ng ilang sandali bago sumagot. Pinuno ko ng hangin ang dibdib para pal