Share

KABANATA 21

CHAPTER 21

NAPANSIN ko ang palihim na mga sulyap ni Gieselle sa amin habang kumakain. Ang OA ko na tuloy gumalaw. Ang arte-arte  ng aking galawan at mukhang nagpapa-cute pa kay Arken.

Nalungkot ako nang nagpaalam na si Gieselle. Naramdaman ko ang kawalan nang nakaalis na ito. Iba na nga talaga ang takbo ng mga buhay namin. May kanya-kanya na kaming priorities. Dati, kung nagkikita kami ay puro shopping, bar hopping o ‘di kaya’y bakasyon ang nasa isip. Ngayon ay may Eli na akong dapat unahin.

Hindi pa ako inaantok kaya nanatili muna ako sa gilid ng pool sa likod-bahay. Inilubog ko ang paa sa tubig at nakaramdam ng ginhawa dahil sa lamig na hatid nito. Sinamantala ko ang pagkakataon na mapag-isa habang kasama ni Papa si Eli. Sa dami ng mga nangyari na nakapagpabago ng aking buhay ay sasakit lang ang aking ulo kung lahat ng mga tanong ay hahanapan ko ng kasagutan. Inihilig ko ang ulo sa hawakang bakal na nasa aking tabi at ipinikit

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status