THIRD PERSONWalang salitang namutawi mula sa labi ni Azalea habang sakay sila ng itim na SUV na dumaan sa isang pribadong daan papunta sa Villa Magallon.Sa buong biyahe, naroon lang siya sa sulok ng likurang upuan, nakatingin sa bintana, tahimik na pinagmamasdan ang mga taniman, punong kahoy, at mga bakod na tila palatandaan ng limitadong mundo ng mga taong may kapangyarihan.Hindi pa din siya makapaniwala na nangyayari ito ngayon sa kanya. Dati lang ay hirap na hirap siyang maka-survive sa pang-araw araw, pero ngayon… tila ba’y nasa isang magandang panaginip siya.Pagdating nila sa harap ng gate, awtomatikong bumukas ito. May mga tauhang nakaitim na uniporme ang nagbigay-galang habang dahan-dahang pumapasok ang sasakyan sa mahabang driveway.“You okay?” tanong ni Mister Nicolaus mula sa passenger seat.Tumango siya, kahit hindi siya sigurado kung totoo.Pagbaba ng kotse, tila bumigat ang hangin sa paligid. Ang Villa ay mas malaki kaysa sa na-imagine niya—isang mansyon na tila kinopy
Terakhir Diperbarui : 2025-04-26 Baca selengkapnya