All Chapters of Moonlight Serenade : Chapter 21 - Chapter 30
91 Chapters
Chapter 19
Inikot niya ang ballpen bago nilapat sa papel at nagsulat. Nakikinig siya sa professor at tinatala ang mga importanteng detalye. Tungkol sa tree crop production ang tinatalakay nito na siyang interesante sa kaniya."Paborito nating putulin ang dahon ng halaman at pagpira-pirasuhin ito, pero hindi natin alam na ito ay masama."Inilipat ng professor ang power point sa susunod na slide. Isang animated picture ng photosynthesis."Walang tao ang may kakayahang gumawa ng pagkain mula sa init ng araw. At wala pa ring machinery ang kayang gayahin ang komplikadong proseso nito.Ang function ng green leaves o berdeng dahon ay mag-convert ng light energy into food energy. Kaya hindi dapat pinaglalaruan ang dahon ng mga halaman."Pinakita pa ng Professor ang mga picture ng tree farms, rolling hills, cogonal hillsides, at forested hillsides.Umikhim ang Professor. "Bibisita tayo sa specializ
Read more
Chapter 20.1
Madilim-dilim ang paligid kahit alas-cinco pa lang ng hapon. Marahil ay dahil 'yon sa papasok na Low Pressure Area na ngayon ay nasa timog-silangang bahagi ng Samar. Inaasahan na lalabas ang LPA sa Philippine Area of Responsibility sa weekend, ayon sa News.Ilang minuto pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Mabigat ang bagsak niyon pero hindi nagpatinag si Jewel. Determinado siyang naglakad sa ilalim ng mabagsik na ulan at pabugso-bugsong hangin.Dumadagundong ang kulog at ilang segundong nagliwanag ang kidlat sa kalangitan. Napalunok siya at nagpatuloy sa paghakbang.Pinuntahan niya ang faculty office para makita si Gideon pero sinabi ng faculty staff na wala roon ang hinahanap niya. At malamang ay nasa Agriculture building.Bumuntong-hinga siya at pumasok sa gusali. Isinara niya ang payong at isinabit sa umbrella section na nasa gilid ng entrada. Niyakap niya ang sarili at naglakad papunta sa elevator. Sumakay
Read more
Chapter 20.2
Minura niya ito. "Shut up, you freak! I don't need you!"Humikbi siya at nanlalabo ang paninging bumaba sa hagdanan. Binilisan niya ang pagbaba nang marinig niya ang yabag ni Gideon na humahabol pa rin sa kaniya.Pagbaba sa 6th floor ay may tumawag kay Gideon. Nagpatuloy siya sa pagbaba hanggang maabot niya ang 1st floor. Hingal siyang huminto at lumingon sa likuran. Wala si Gideon. Malamang nasa 6th floor pa ito at kausap ang babaeng tumawag dito.Inis niyang pinahid ang basang pisngi at kunot ang noong naglakad papunta sa entrada."Jewel Laine."Nahigit niya ang hininga. Napalingon siya sa elevator. Mula sa bukas na pinto ng elevator ay humakbang palabas si Gideon. Madilim ang awra nito habang humahakbang papalapit sa kaniya."I'm talking to you, Jewel Laine. Don't make me chase you."Nanlaki ang mga mata niya at walang pagdadalawang-isip na tumakbo palabas ng
Read more
Chapter 21.1
Linggo. Kakatila pa lang ng ulan at puno pa ng hamog ang kakahuyan sa tapat ng College of Technology. Tahimik siyang naglalakad sa harapan ng Treesury-isang maliit na kakahuyang nagsisilbing entrada sa former SHS Department Area. Gusto niya sanang pumasok sa loob para bisitahin ang parte ng UDM kung saan siya nag-aral ng Senior High. Kaso nakita niyang nakasarado ang tarangkahan sa gitna ng maliit na kakahuyan. Dumiretso na lang siya sa tuwid at sementadong daanan pabalik sa dormitoryo. Pero ilang hakbang pa lang ay nahinto siya nang makita sina Tiara, Gabbi, at Hazel. Nagtatawanan ang mga ito habang tumatakbo papunta sa gawi niya. Ang mas nakakagulat ay nasa likuran ng mga ito si Simoen. Hingal na huminto sa harap niya ang tatlong kaibigan. Bigla na lang siyang hinila ni Tiara sa gilid."Are you and Simoen..." sabi nito."No," tanggi niya."No?""Yeah. Ba't nandito 'yan?" tanong niya saka saglit na lumingon kay Simoen.Humalukip
Read more
Chapter 21.2
Bumuntong-hinga siya at naunang pumasok sa Specialized building. Nasa first floor ang canteen, second floor ang locker room, habang nasa 7th floor ang function hall.Wala pa sa kalahati ng populasyon ang nasa loob kaya malaya siyang nakakagalaw. Mabilis siyang pumila para maka-order at makaalis agad ng canteen. Sigurado siyang ilang minuto pa ay mapupuno na naman ang canteen. At may isang tao siyang iniiwasan lalo ngayong nasa iisang mesa lang sila ni Simoen.Hindi rin nakakatulong ang titig nito sa kaniya. Kahit sumusubo ay nakatitig pa rin ito kaya halos hindi niya nagagalaw ang pagkain.Nabigla siya nang magsalita si Tiara. "Hey, boy, pakainin mo naman ang friend namin."Nakahinga siya nang maluwag nang mawala sa kaniya ang titig ni Simoen at napunta kay Tiara. Ngumiti ito. "Kung gusto mo, susubuan ko siya."Nanlaki ang mga mata ni Tiara at napatingin sa kaniya. Bago pa man ito makaimik ay m
Read more
Chapter 22
Wala si Gideon sa silid-aralan nito nang pumasok sila sa loob. Kanina pa sila naghihintay pero walang pumasok na Professor. Kung hindi pa niya pinigilan si John Drail sa paglabas-masok ay talagang magsisialisan ang mga ka-block niya.Kanina pa nga niya hawak ang Iphone at nababagot na siya sa kaka-browse sa Facebook. In-exit niya ang app at tiningnan ang Homescreen. Lumukso ang interes niya nang mapatingin sa logo ng Bokipad.'Let's try this app.'Binuksan niya 'yon at hinanap ang profile ng favorite writer niya. Pumili siya ng isang erotic romance story at binasa. Nasa kalahati na siya ng Chapter 15 nang biglang tumili si Madeline — ang block President."Omg! Sorry guys! May tinext pala si Prof Gideon na tatlong activity!"Natahimik ang loob at napatingin ang lahat kay Madeline."Ba't di mo sinabi, Mad?""Naman. Akala ko free time. Tss."
Read more
Chapter 23
"Busy ka ngayon?" tanong niya. Nag-iwas din siya agad ng tingin.Ngumiti si Simoen at namumungay ang mga matang pinasadahan ng kamay ang buhok. "I have a practice. Pero nagustuhan mo ba ang binigay ko?" bulong nito.Tumango siya. Napalunok at pinaglaruan ang sariling manggas ng uniporme. "Yeah. But don't expect that I'll forget what you've done. I invited you here... to ask you something."Langong ngumiti si Simoen at sumandal sa dingding ng Science and Technology building. Naisip niyang dalhin ito sa flower garden dahil hindi matao at tahimik.Huminga siya nang malalim. "May pininta ka na mas malaki sa binigay mo nang isang araw?""Matagal na. 2 years ago.""2 years ago," bulong niya. "Nasa'n na ngayon ang portrait?"Ngumiti si Simoen at tumingala. "Nawala, Laine. Limang buwan kong pininta ang portrait. Inilagay ko rito sa flower garden para sana sopresah
Read more
Chapter 24
"Wala pa rin si Prof Gideon, Prof Elise?"Marahang umiling si Elise. "Wala pa, e. Nag-text siya kahapon na stranded siya sa Mandaue. Narinig ko naman sa radyo kaninang umaga na bumigay 'yong underground canal sa isang parte sa Consolacion. Bumaha. Inaayos pa ng otoridad." Bumuntong-hinga ito. "Don't worry. Baka mamaya o bukas, makakabalik na si Gideon, iha.""Iha?"Tumawa bigla si Elise. "Sorry, sorry. Sige na, patapos na ang lunch break.""Okay, Prof. Thanks."Agad siyang umalis ng Faculty, bumaba sa hagdanan, at malalaki ang hakbang na lumabas sa Administrative building.Last week pa wala si Gideon. Martes na ngayon, at ilang araw na niyang iniinda ang anxiety attack na nararamdaman niya tuwing nakakasalubong si Simoen o di kaya'y si Sheena sa hallway.Nagpapasalamat na lang siya at hindi pa kumakalat ang balitang kasal na siya. Hindi nga lang niya alam kung ma
Read more
Chapter 25.1
Dahan-dahan niyang pinasadahan ng daliri ang nagulong buhok. Kumikirot ang anit niya at namamaga ang pisngi niya sa lakas ng sampal ni Sheena kanina. Quits lang yata sila. Nakikita niya mula sa kinauupuan ang namumulang marka ng palad niya sa pisngi nito."You!" ani Sheena. "You can't get away with this!" Inis itong tumili. "May exam pa ako sa Physics!""Ms. Marquez, hush a little okay? Tatawagan ko pa ang magulang mo."Sabay silang napatingin ni Sheena sa Guidance Counselor. "You shouldn't call my parents!" hysteria ni Sheena."They shouldn't be here, Mrs. Policarpio. You shouldn't call them," pigil ang hiningang sambit niya.Kung papupuntahin sa UDM ang mga magulang ni Sheena, malamang ay tatawagan din nito ang mga magulang niya. Hindi niya gustong magpunta sa UDM ang Mama at Papa niya dahil siguradong hihilain siya ng mga ito pauwi sa Mansiyon. Hindi pa niya nakakausap ang mga 'to matapos malaman ang sikretong pagbabasa niya ng erotica.
Read more
Chapter 25.2
Umirap siya at sumimangot. "Fine. Si Sheena."Pinatunog nito ang dila. "I see. It's good to know that it wasn't you who started the fight."Nanlaki ang mga mata niya. "Talagang nasisiyahan ka?" Natawa siya. "Seeing me like this doesn't bother you? What kind of husband are you?"Marahang ngumiti si Gideon at lumapit sa kaniya. Pinatong nito ang kamay sa tuktok ng ulo niya pero inis niya 'yong tinabig."Wala akong sinabing ganiyan. I am happy to know that my wife is not a warfreak student. Lapitin lang talaga ng gulo," sabi ni Gideon.Umismid siya. "Si Sheena lang naman ang may galit sa akin."Tumango-tango si Gideon. "And why would she be?"Bago pa man siya makaimik ay nakita niya ang nurse na papalapit sa kanila. Tinikom niya ang bibig."Deon, inaaway mo ba ang pasyente ko?" tanong ni Nurse Julie.Kumunot ang noo ni Gideon. "Hindi.
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status