All Chapters of Moonlight Serenade : Chapter 51 - Chapter 60
91 Chapters
Chapter 39.1
It was an awkward morning. Pagmulat niya kasi ay kulay abo ang kisame ng kuwarto. May malapad na study table sa gilid, may abuhing aparador, at may nakatayo sa paanan ng kama. Nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa kaniya. Si Gideon.Mabilis siyang nagtalukbong pero may humila sa kumot kaya nawala ang nakatabon sa kaniya. Pikit-mata siyang umupo saka ngumuso. Nagmulat siya at tumitig kay Gideon. "Why are you here in my room?"Hindi siya sanay makipag-usap sa isang tao nang hindi pa naghihilamos ng mukha. Wala pa naman siyang nakitang salamin sa werdong kuwartong kinalalagyan niya. Paano nalang kung may ano sa mukha niya?"Good morning, Jewel." Sinuksok ni Gideon ang mga kamay sa bulsa ng pantalon nito. "But we have something to talk about."Pinasadahan niya ng tingin si Gideon. Bahagyang basa ang buhok nito, nakasuot ng T-shirt saka pantalon. Mukhang katatapos lang nito maligo. Umikhim siya. "Wait, let me freshen up." Lumunok siya at nag-iwas n
Read more
Chapter 39.2
Mabilis niyang tinapos ang pagliligo. Inabot niya ang tumalya sa gilid ng pinto at itinapis sa katawan niya. Lumabas siya nang banyo. "Oh shocks, Gideon!" bulalas niya nang makita niya itong nakatungong nakaupo sa paanan ng kama. "I thought you'll wait outside?"Nag-angat ito ng ulo at kunot-noong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Mabilis naman niyang pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Bumuntong-hinga si Gideon at tumayo. "Nasa kama ang damit mo. Mag-usap nalang tayo sa ibaba." Humakbang ito palapit sa pinto."Sandali!" pigil niya. Huminto ito sa paghakbang pero hindi lumingon sa gawi niya. Huminga siya nang malalim. "Walang hidden cameras itong kuwarto mo, right?""Silly. Just wear your dress and come outside." Tuluyan na itong nakalabas ng kuwarto.Humawak si Jewel sa dibdib at impit na tumili. Kahit hindi niya nakita ang mukha nito ay alam niyang nakangiti ang asawa habang sinasabi 'yon. And she's happy that she makes Gideon smile. Even t
Read more
Chapter 39.3
Nagpatuloy siya sa paghakbang paakyat sa hagdan. Nagbingi-bingihan siya. Gideon can't force her. Hindi ba nag-confess ito na mahal siya nito? Sure, he will give her what she wants."Jewel," malakas na ang boses si Gideon. That was a warning, yet Jewel didn't listen."Jewel Laine Hernandez!" She's now sure that Gideon is mad. Binilisan niya ang paghakbang paakyat sa hagdan, pero ang bigat ng box ang nagpapabagal sa kaniya."Bring that box here or else I'll punish you!"Punishment? Nakagat niya ang labi at marahang ngumiti. "What punishment? You'll force me to sleep with you?""Jewel Laine!" Gideon is really mad.Patakbo na niyang inakyat ang natitirang baitang ng hagdan. Lakad-takbo ang ginawa niya para marating ang sariling kuwarto. Binaba niya ang box sa harap ng pintuan."I'll lock you here, babies. I'll read you next time," bulong niya saka pinihit ang seradura.Pero ayaw pumihit. Sinubukan niya. Walang nangyari. Natigilan lang siya
Read more
Chapter 40.1
Wala siyang lakas ng loob para dalhin ang isang box ng erotica sa mansiyon. Kahit labag sa kalooban niya ay pumayag siyang sunugin ang lahat ng libro. Wala siyang pagsidlan ng mga 'yon. Walang lugar ang erotica sa mansiyon o kaya sa bahay ni Gideon.And it hurt a lot. Her babies were rejected and she felt like being rejected also by both parties. Mahal na mahal niya ang mga librong 'yon and yet she is now outside Gideon's house, watching a box of erotica being eaten by fire. Luhaan siya. Hindi niya lubos akalaing napapayag siya ni Gideon. That jerk is the cause of this mess! But she don't have power to dominate him!Para ngang hindi totoo ang confession nito sa kaniya kagabi. Tumalas ang tingin niya kay Gideon na nasa entrada ng bahay at kausap si Tang. Wala si Dalya at Pedro sa labas. Kumuyom ang mga kamao niya. That controlling beast! Pumasok sa loob ng bahay si Tang habang naglakad naman palapit sa kaniya si Gideon. Panaka-naka nitong tiningnan
Read more
Chapter 40.2
Mula sa araw na 'yon ay bumalik sa dati ang buhay niya. 'Yong buhay na wala si Gideon. 'Yong tahimik. Mas tahimik lang sa ngayon dahil wala sina Dalya at Pedro, wala na ring makakausap na Hazel, Gabbi, at Tiara. Sa katunayan, bilang lang sa daliri ang pag-imik niya.  Sa Unibersidad, nawala na ang bulungan sa tuwing dumadaan siya. Pero hindi pa tuluyang nawala ang mga matang nakasunod sa kaniya. Hinayaan na lang niya dahil hanggang tingin lang naman at hindi siya kinukuyog ng mga ito.At ang araw na 'yon ay isa lang ordinaryong araw para kay Jewel. Dumadaan at nakakalimutan din pagkaraan. Ang bawat kilos at lugar ay para lang ng kahapon. Bahay man o mapa-Unibersidad, magkakapareho lang. "Miss Mangubat?" Huminto siya sa paghakbang at inipit ang nagulong hibla ng buhok nang dumaan ang hangin. Lumingon siya sa tumawag. Isang Professor na hindi pamilyar sa kaniya. Umikhim siya. "Yes?"Ngumiti ito at nilahad ang kamay sa harap niya. "I'm Pro
Read more
Chapter 40.3
Umupo si Gabbi sa tabi ni Jasmine at humalukipkip. Hindi ito sumagot sa tanong niya. Umikhim ang Director. "Miss Mangubat, we are deeply sorry for the issue brought by that article.""So this is all about that," bulong niya.Tumango ang Direktor. "We have found the culprit. We already discussed this with your parents but I still have to summon them. They will be here ---" Nahinto sa pagsasalita ang Direktor nang may umalingawngaw na mga yabag sa buong kuwarto. Niluwa ng pinto ng divider ang mga magulang niya. Napatayo ang Direktor. "It's nice to have you here, Mister and Missus Mangubat."Isang tango ang sinagot ng ama niya habang hindi naman bumati ang ina niya. Naupo ang mga ito sa magkabilang tabi niya. Ngumiti nalang ang Direktor at naupo sa upuan nito.Maya-maya pa'y may pumasok na isang babae. Ang Guidance Counselor ng Department niya. Naupo ito sa kabilang tabi ni Jasmine ay naunawaan niyang guardian ito ng blockmate niya. Nang tingnan niya
Read more
Chapter 40.4
"Mister Mangubat ---"Tumalim ang tingin ng Don. "Hindi lang patakaran ng Unibersidad ang nilabag ng dalawa. Isang cybercrime ang nangyari. Kumupit ng password. Sa katunayan nga, patong-patong na kaso ang gusto kong isampa sa dalawang babaeng sumira sa pangalan ni Jewel Laine.""Mr. Sebastian Mangubat," luhaang saad ni Jasmine. "I'm sorry. I'm very sorry, Sir. Okay lang po sa akin na ma-suspend o ma-expel pero 'wag niyo po akong i-demanda. Inaamin ko na pong nagnakaw ako ng confidential files sa desk ni Mama pero pinagsisihan ko na po ang nangyari." Suminghot si Jasmine at tumingin sa kaniya. "J-Jewel... I'm sorry..."Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Jasmine just admitted that she did it. But... of all people, why it has to be Jasmine? Inakala niyang si Tiara ang nagpakalat. Kaya nga tumahimik na siya't hindi na hinabol ang may kagagawan dahil ayaw niya rin namang ma-suspend si Tiara, for the sake of their fallen friendship.Magtatanong sana siya pero na
Read more
Chapter 40.5
Mas lalo lang nangunot ang noo ni Jewel. Jasmine sounds desperate. Paano kung na-frame up lang si Gabbi? Paano kung gawa-gawa lang ni Jasmine ang kuwento? Hindi pa rin naman nagsasalita si Gabbi kaya malamang ay may dahilan kung bakit sobrang desperado si Jasmine na mapaniwala siya. "And you expect me to believe your accusation, Jasmine?" Naningkit ang mga mata niya. Napalunok si Jasmine at nagpalipat-lipat ng tingin mula sa kaniya at tungo sa mga magulang niya. "Y-Yes! Hindi ba pinutol mo na ang ugnayan niyo? She's no longer your friend! Isa pa, we're classmates since grade eleven kaya alam mo kung nagsasabi ako ng totoo!"Hilaw siyang natawa. "We're only classmates, not bestfriends. How will I know if you're telling the truth?"Napasinghap si Jasmine. "J-Jewel Laine..." Humalukipkip siya at sumulyap kay Gabbi. Still the girl is not saying a thing so there must be something wrong here. "Pa'no kayo nagkakilala ni Gabbi?"Lumunok
Read more
Chapter 40.6
"Sir," sabat ni Gabbi. Napatingin siya rito. Kuyom ang kamao nito at nakatungo pa rin. "Ginawa ko po lahat ng 'yon. Totoo po ang binibintang ni Jasmine.""See? I told you!" hysteria ni Jasmine. Agad naman nitong pinatahimik ng Guidance Counselor.Nag-angat ng tingin si Gabbi. Namumula ang mga mata nito dahil sa pagpipigil ng luha. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Mapait na ngumiti si Gabbi. "Ginawa ko lahat ng 'yon para protektahan ang pangalan ko at masira ko ang pangalan ni Jewel."Napakurap siya. "W-What?""Yan! Lumabas na rin ang tunay mong kulay! Isa kang masamang anak! Totoo ngang pinalaki ka ng masasamang magulang!" sigaw ng ina niya.Nagtagis ang bagang ni Gabbi at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Wala ho kayong karapatan para husgahan ang mga magulang ko. Kahit mayaman kayo ay wala pa rin kayong karapatan!""Walang respito!" ani ng ama niya. Nagitla si Jasmine sa sigaw kaya napatakip ito ng tainga. Hinawakan naman niya ang bras
Read more
Chapter 40.7
"Maang-maangan ka pa?" Humalakhak na naman si Gabbi at inis na sinabunutan ang sarili. "Akala mo hindi ko malalaman kung anong sikreto mo?" Dinukot nito ang sariling cellphone sa bulsa. May binuksan itong app at pinakita sa kaniya.Nangunot ang noo niya nang makita ang puro dilim, tapos biglang lumiwanag. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sarili at si Joseph na naghahalikan. Maya-maya pa'y unti-unti siyang hinubaran ni Joseph. Doon naputol ang video. "Dahil sa videong ito kaya hindi ka na tinigilan ni Jasmine." Ngumisi si Gabbi. "Pero alam mo ba kung saan 'to galing? Hehe. Doon lang naman sa cellphone ng pinakamamahal mong Hazel."Natahimik ang buong silid na halos marinig na niya ang sariling paghinga. Paulit-ulit siyang lumunok. Naging tuod siya sa kinauupuan. Ayaw niyang bumaling sa mga magulang na nakaupo sa magkabilang gilid niya. Natatakot siya kung anong makikita niyang reaksyon ng mga ito.Umikhim siya. "T-That's not me.""Talaga,
Read more
PREV
1
...
45678
...
10
DMCA.com Protection Status