Share

CHAPTER 5 “BREAKFAST INVITE”

SA matalinong paraan ay pinili ni Jenny na pakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ni Jason. At hindi naman siya nahirapan na gawin iyon dahil nang maramdaman marahil ni Daniel ang pagtatangka niya ay kusa namang lumuwag ang pagkakayapos nito sa kaniya. 

“Kumusta ka na?” ang agad na itinanong sa kaniya ni Jason nang magtagpo ang paningin nilang dalawa. Hinawakan nito ang kamay niya sa paraan na tila ba ayaw pa nitong bitiwan iyon. 

Nahihiya ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Jenny. Pero sa kabila ng nararamdaman niyang iyon ay ang kakatwang kaba na unti-unting binubuhay ng binata sa kaniya simula pa kanina. 

“I’m good,” ang tipid niyang sagot saka binawi ang kamay niyang nanatiling hawak parin nito. 

Nangingislap ang mga mata ni Jason sa labis na kasiyahan.  

Sa ibang pagkakataon, marahil kung walang nangyaring hindi maganda sa kaniya at kung wala ring nangyaring hindi mag

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status