Lahat ng Kabanata ng CRAVE (FILIPINO VERSION): Kabanata 21 - Kabanata 30
70 Kabanata
CHAPTER 21 "JEALOUS 1"
ISANG magandang balita ang sumunod nilang nalaman mula kina Daniel at Ara. Officially dating na ang dalawa at bilang mga tunay na kaibigan ay tama lang na maging masaya silang dalawa ni Jason para sa mga ito. Lalo na siya, alam naman kasi niya kung ano ang totoong nararamdaman ni Ara para kay Daniel kahit kung tutuusin ay sa paggiging mortal na magkaaway ang naging simula ng kwento ng mga ito."Jenny, pwede ba kitang yayaing mag-meryenda mamaya?" si Leo iyon nang palabas na sila ng pintuan ng kanilang classroom para sa kanilang lunch break."A-Ah, a-ano kasi..." hindi na naituloy pa ni Jenny ang iba pa niyang gustong sabihin nang marinig niya ang biglang pagtunog ng kaniyang cellphone. "Wait lang ah," aniyang binasa muna ang text message.Galing iyon kay Jason at nagsasabing hindi raw ito makakasabay ng lunch sa kaniya dahil kasama raw nitong manananghalian sa canteen ang bago nitong girlfriend.&nb
Magbasa pa
CHAPTER 22 "JEALOUS 2"
"TUMAHAN ka na, bahala ka mahahalata ka niyang umiyak kapag nakita niyang namamaga ang mga mata mo mamaya," si Ara iyon habang pandalaas ang hagod sa likuran niya.Nakabalik na sila sa kanilang classroom, nag-alisan nga lang ang mga kaklase nila dahil hindi sa absent ang teacher nila para sana sa subject nilang iyon."Napakasalbahe niya, biruin mo ang saya-saya niyang makipaglandian sa mga babae niya tapos ako iniiwan lang niya ng ganoon nalang? Hayop talaga siya, hindi ko siya papansinin, manigas siyang lintik siya!" si Jenny sa galit nitong tono saka pinilit na kontrolin ang patuloy na pag-agos ng kaniyang mga luha."Gusto mo bang kausapin ko na siya? Alam mo kasi ayokong nakikita kang nagkakaganyan, nasasaktan ako."Naramdaman niya sa tono ng pananalita ni Ara ang sinseridad sa sinabi nito. Dahilan kaya hindi na nga niya napigilan ang sarili niyang tuluyang mapangiti. Pagkatapos noon ay tuluyan n
Magbasa pa
CHAPTER 23 "CONFESSION KISS IN THE RAIN"
ILANG beses naring nagplano si Jason na tawagan o kahit i-text man lang si Jenny pero sa huli ay nawawalan parin siya ng lakas ng loob ituloy iyon. Alam naman kasi niyang kasalanan niya, aminado siya doon pero hindi niya maiwasan ang hindi mapikon lalo at parang ipinakikita sa kaniya ng dalaga na hindi ito apektado sa galit niya.Naka-duty siya noon sa baggage counter at sandali nalang ay magsisimula na ang last period nila kasama si Daniel. Kapag ganoong oras ay wala nang masyadong pumapasok sa library. Ang iba kasi sa mga estudyante ay nakauwi na at ang iba naman ay nasa kani-kanilang mga klase.Noon tumunog ang cellphone niya. Si Cathy iyon, ang babaeng kasalukuyan niyang idine-date. Tinatanong nito kung pwede ba niya itong isabay sa pag-uwi. Noon siya napailing. One week pa lang sila ni Cathy pero bakit ganito na ang nararamdaman niya? Parang sawa na siya agad? Dahil ang totoo mas gusto niyang ihatid si J
Magbasa pa
CHAPTER 24 "FIRST BOYFRIEND"
DAHIL nga parehong basa ng ulan ay minabuti na muna ni Jenny na patuluyin si Jason sa loob ng bahay nila. Pinahiram niya ito ng pamalit niyang t-shirt saka kinuha ang polo at panloob nitong white shirt na nabasa ng ulan. "Bukas ko nalang ibibigay sa iyon iyong damit mo, sa school, lalabhan ko muna saka ida-dryer," aniya sa binata nang ilapag niya sa center table ang tinimpla niya kape para rito. Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Jason bago ito nagpasalamat sa kaniya dahil sa kape. "Ang Tita Weng?" tanong nito sa kaniyang pagkuwan."Nasa kwarto, nagpapahinga na. Alam mo naman iyon palaging maaga kung magising dahil nga sa bakery namin," sagot niya. "Sa susunod nalang kita ipakikilala sa kanya bilang boyfriend ko, okay lang ba iyon sa'yo?"Tumango si Jason saka inabot ang kamay niya at hinalikan. "Okay lang, kung kailan ka ready," sagot nito sa nakakaunawang tono.
Magbasa pa
CHAPTER 25 "HOUSE VISIT"
KINABUKASAN katulad ng inasahan ay pumasok siya sa eskwelahan kasabay si Jason dahil katulad narin ng sinabi nito ay sinundo siya ng binata. Nang araw naring iyon ay ipinakilala niya ito sa kanyang ina bilang boyfriend niya. At dahil alam naman niya noon pa man na gusto ni Rowena si Jason para sa kanya ay naging masayang-masaya ito.Ganoon rin ang naging reaksyon ni Ara at pati narin si Daniel nang ipagtapat nila sa mga ito ang tungkol sa tunay na estado na ng kanilang relasyon. Pero hindi rin naman niya napigilan ang makaramdam ng awa kay Leo nang sabihin niya sa kaniyang kaklase ang totoo."Kaya pala ganoon nalang ang pagbabantay niya sa'yo, kahit mahal ka niya. Tapos mahal mo rin siya?" anito sa naghihinanakit na tono. "Alam mo Jenny, gusto rin kita eh, nahuli lang talaga ako," bakas sa tono nito ang panghihinayang kaya lalo siyang nahabag sa binata."Alam ko may makikilala ka pa na mas higit sa akin na talagang mamahalin mo," iyon lang ang naisip niyang pwedeng sabihin.Katatapos l
Magbasa pa
CHAPTER 26 "FEARLESS KISSES"
HALOS pangapusan na ng kaniyang hininga si Jenny dahil sa labis na kapusukan ng kaniyang nobyo nang mga sandaling iyon.Pero sa kabila ng lahat alam ng dalaga na hindi niya gustong itigil ni Jason ang ginagawa nito dahil gusto rin naman niya iyon."Jenny, mahal na mahal kita," anas ng binata sa kaniya nang pakawalan nito ang kaniyang mga labi kaya siya nagkaroon ng pagkakataong humihinga at sumagap ng kahit."Mahal na mahal kita at baliw na baliw ako sa'yo," anitong hinagod ng tingin ang kaniyang mukha bago siya muling siniil ng isang na namang mariin at maalab na halik.At katulad kanina ay ganoon na naman ang naging reaksyon niya. Mabilis siyang nawala sa sarili niyang katinuan. Pero sa pagkakataong ito ay tila ba nagkaroon na siya ng sapat na lakas ng loob para tugunin sa paraan na alam niya ang ginagawang malalim na paghalik sa kaniya ni Jason.Alam niyang naramdaman ni Jason ang ginawa niyang iy
Magbasa pa
CHAPTER 27 "FIRST MONTHSARY"
NAGING napakasaya at makulay ng mundo at buhay ni Jenny simula nang araw na iyon. Dama niya ang labis na pagmamahal sa kaniya ni Jason at ganoon rin naman siya dito. At ang lahat ng iyon ang nagbigay sa kaniya ng dahilan para maging mas inspired sa pag-aaral niya.  Alam naman kasi niya na kahit sabihing magkasintahan na silang dalawa ay marami paring mga babae sa eskwelahan nila ang naghahangad na katulad ng ibang mga naging nobya noon ni Jason ay mauuwi rin sa hiwalayan ang lahat sa kanila. Bagay na ilang beses rin namang sinabi ang ipinangako sa kaniya ng nobyo na hindi mangyayari sa kanila. First monthsary nila nang regaluhan siya ni Jason ng isang maganda pero simpleng pares ng white gold na hikaw. Habang siya naman ay stainless Parker Rollerball Pen ang binili niya at pina-engrave-an pa niya iyon ng pangalan ng kaniyang nobyo para hindi iyon mawala. At dahil Sabado at walang pasok sa school hindi siya tumanggi nang yay
Magbasa pa
CHAPTER 28 "SWEET SURRENDER 1"
SI Jason ang unang nobyo niya kaya ito ang unang lalaking nagpaparanas sa kaniya ng ganito. Pero sa kabila niyon aware din naman siya na ang pagpayag niyang iyon ang tanging hinihintay ng binata mula sa kaniya upang magkaroon ito ng sapat na lakas ng loob na gawin ang kung anumang naisin nito kung sakali. Muli siyang hinalikan ng binata. Pero gaano man iyon kapusok ay pinilit parin ni Jenny na gawin ang lahat ng kaniyang magagawa upang kahit papaano ay matugunan ang maiinit na halik sa kaniya ng kasintahan.  Hindi nagtagal at naramdaman na niyang bumaba ang maiinit na labi ni Jason sa kaniyang leeg at nagpatuloy sa kaniyang balikat na sa kalaunan ay naramdaman narin niyang dumampi sa kaniyang punong dibdib. Noon hindi napigilan ni Jenny ang mapaungol dahil sa matinding init na naramdaman niyang gumuhit sa kaniyang katawan. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay nilalamon ng malaking sunog ang kabuuan ng silid kaya siya
Magbasa pa
CHAPTER 29 "SWEET SURRENDER 2"
DAHIL nga sa katotohanang half naked siya ay inasahan na niya ang pagbaba ng mga halik ni Jason sa kaniyang leeg na nagtuloy sa kaniyang balikat.  Mabilis na nagtaas-baba ang dibdib ng dalaga dahil sa malakas na boltahe ng kuryenteng mabilis niyang naramdaman dahil sa ginawang iyon ng kaniyang nobyo. Pinigil niya ang huwag magpakawala ng ungol pero nabigo siya.  Hindi naman iyon sa katotohanan na iyon ang unang beses na naranasan niya ang ganoon klase ng pagpapadama ni Jason sa kaniya ng pagmamahal pero talagang tila ba may baga ang mga labi nito na nagiging dahilan ng bawat singhap at ungol na kumakawala sa mga labi niya. "Jason," anas niya habang pikit ang mga matang itinaas ang kaniyang ulo dahil sa matinding alab ng damdamin at masarap na klase ng sensasyon na nararamaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi nagsalita ang binata at sa halip ay ipinagpatuloy nito ang pa
Magbasa pa
CHAPTER 30 "SWEET SURRENDER 3"
IBA ang Jason na nakikita niya ngayon sa nobyo niyang masasabi niyang palaging malambing at mabait sa kaniya mula nang magsimula silang mag-date. Hindi rin naman niya tiyak kung dahil ba iyon sa katotohanan na iyon ang unang beses na gagawin niya iyon at naranasan niya ang lahat ng ginagawa ng kaniyang nobyo pero may palagay siyang hindi na iyon mahalaga.  Hindi man mahalaga o mas tamang sabihin na tila ba nawawalan na ng kakayang mag-function ng tama ang utak niya dahil sa maalab na pakiramdam na ibinibigay sa kaniya ng katalik. Nang muling kumilos ang kaniyang nobyo pati narin ang mga labi nito pababa sa kaniyang tiyan ay mabilis na naalarma si Jenny.  Hindi iyon dahil sa gusto niyang patigilin ang binata sa ginagawa nito sa kaniya kundi dahil iyon sa matinding sensasyon na biglang gumuhit sa katawan niya nang dahil sa ikinilos ng kaniyang nobyo. "J-Jason, a-anong gagawin mo?" ang kinakabahan niyang
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status