Lahat ng Kabanata ng CRAVE (FILIPINO VERSION): Kabanata 31 - Kabanata 40
70 Kabanata
CHAPTER 31 "SO IN LOVE"
HABANG pinagmamasdan ni Jason ang maamo at napakagandang mukha na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi, hindi niya mapigilan ang kakaibang klase ng haplos ng kaligayahan sa kaniyang puso. Mahal na mahal niya si Jenny.  Higit kanino man, higit kay Ara na totoong binalak talaga niyang ligawan unang beses pa lang niyang nakita. Pero si Jenny, iba ang nangyari sa kaniya. Iba ang ginawa nito sa puso niya at ang lahat ng iyon hindi niya kayang ipaliwanag. Basta ang alam lang niya mahal niya ito at walang kahit sino ang pwedeng humigit sa dalaga dito sa kaniyang puso. Sa puntong iyon kumilos ang kamay niya saka ito masuyong hinaplos sa pisngi. Pagkatapos nang hindi makuntento ay saka niya ito niyuko at dinampian ng masuyong halik sa ulo saka sinamyo ang mabango nitong buhok. "Mahal na mahal kita," bulong pa niya bago ulit hinalikan ang dalaga pero sa pagkakataong iyon ay sa noo na nit
Magbasa pa
CHAPTER 32 "TORN"
LUMIPAS ang mga araw naging lubusan na nga ang kaligayahan ni Jenny sa piling ni Jason. At katulad na nga ng inasahan na niya simula pa lamang nang maging nobyo na niya ang binata, ang nangyari sa kanila ay naulit na nang naulit, sa hindi na niya halos mabilang na beses. Hanggang sa kung tutuusin nga para na silang mag-asawa, kulang nalang sa kanila kasal. Madalas mangyari iyon sa bahay nina Jason. Dahil nga wala naman itong kasama doon at isa pa doon sila madalas mag-stay. Ang totoo ang lahat ng nangyayari sa kaniya ay purely unintentional. Although sumasagi sa isipan niya na kapag nagpunta siya sa bahay ni Jason ay posibleng may mangyari na naman. Pero hindi iyon ang tipo na nagpupunta sila doon para gawin ang bagay na iyon. Siguro talagang mapusok lang si Jason. At siya naman ay mahina, kaya mabilis siya nitong napapabigay sa kahit anong gustuhin nito. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi parin nagbabago ang pagtingin niya
Magbasa pa
CHAPTER 33 "TEARDROPS IN THE RAIN"
AGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Jason nang nasa gate pa lamang siya ay nakita niyang bukas ang malaking pinto sa harapan ng kanilang bahay. Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang matinding takot at malakas na kabog sa kaniyang dibdib na bigla niyang naramdaman. Kanina bago siya lumabas para bumili ng meryenda ay tiniyak niyang nakakandado iyon. Nasa kaniya pa nga ang susi. Ayaw niyang isipin na pinasok ng kung sinong masaman loob ang bahay nila habang nasa kwarto at natutulog ang kaniyang nobyo. Noon malalaki ang mga hakbang niyang binagtas ang batuhang pathway matapos niyang wala sa loob na inihagis pasara ang gate na lumikha naman ng malakas na ingay. "Jenny? Jen?" nasa entrada pa lamang siya ng kabahayan ay iyon na ang magkakasunod at naging malakas na pagtawag niya sa pangalan ng nobya. Nang walang sumagot ay patakbo niyang tinungo ang silid kung saan niya ito iniwan na natutulog
Magbasa pa
CHAPTER 34 "PROPER CLOSURE"
PRESENT DAY..."I-I'M sorry," ang tanging nasambit ni Jenny saka maingat na binawi ang sarili niyang braso mula kay Jason. "Papayag ka ba na kausapin ako ngayon?" ang mahinahon na tanong sa kaniya ng binata ilang sandali pagkatapos.Tumango siya. "Pero over dinner dapat at hindi dito sa kwarto mo," aniyang inayos ang sarili saka na lumabas ng kwarto.Pareho silang tahimik ng binata habang kumakain. Naiilang si Jenny pero ayaw niyang ipahalata. Natapos ang hapunan at hindi sila nakapag-usap. Iyon ang dahilan na nakita niya kaya siya niyaya ni Jason na mag-stay muna sa terrace at doon magpahangin. Hindi naman siya tumanggi."Jen?" ang binata nang manatili siyang tahimik at nakatanaw lang sa madilim na kalangitan."Yes?" aniyang hindi tiningnan ang binata."Wala na si Ara," anito.Sa sinabing iyon ni Jason ay mabilis siyang napalingon sa katabi."Anong ibig mong sabihin na wala na si
Magbasa pa
CHAPTER 35 "NEW BEGINNING"
"MATUTULOG na ako, salamat sa pag-i-insist ng usapan, mas okay na ang pakiramdam ko ngayon," nang ihatid siya ni Jason sa kaniyang cabin ay iyon ang sinabi niya sa binata.  Tumango si Jason habang nakangiti. "Ibig sabihin ba nito okay na tayo? Hindi ka na galit sa akin?" tanong ng binata sa kanya. Noon nakangiting tumango si Jenny. "Matagal na iyon, sampung taon na, siguro kaya hinayaan ng Diyos na magkita ulit tayo kasi gusto Niya na magkaroon tayo ng maayos na closure katulad ng ginawa natin kanina. Hindi naman kasi tayo magiging totoong masaya kung hindi natin aalisin sa mga puso natin ang galit at kahit anong negative vibes, hindi ba?"  "Tama ka. Salamat din at pinatawad mo ako, bukas gusto mo bang sumabay sa akin sa almusal?" si Jason sa karaniwan na nitong mabait na tono. "Naku hindi na muna siguro. Plano ko kasing maglakad-lakad muna bukas ng umaga," tanggi niya. "Ganoon ba? E di samahan nalang kita? Samahan kitang maglakad ka
Magbasa pa
CHAPTER 36 "YOU CANNOT AVOID ME"
"ABA, maaga ah," si Jenny iyon nang puntahan niya ang dalaga sa cabin nito na tamang nakita niyang palabas narin. "Syempre ba, ayoko yatang maiwan sa first date natin," sagot niyang inakbayan ang dalaga pero mabilis nitong tinabig ang braso niya. Tumawa lang ng mahina doon si Jason saka sa humahangang sinuyod ng tingin si Jenny mula ulo hanggang paa. As usual dahil malamig sa Baguio at naka hoodie jacket ito na kulay pula, hapit na pantalong maong at rubber shoes. "Oh, bakit ganyan kang makatingin?" halata man sa boses at tono ng pananalita ng dalaga ang matinding pagkailang dahil sa ginagawa niyang lantarang oberbasyon rito ay hindi parin siya nagpapigil. "Wala, ang ganda mo parin kasi, at sexy pa," ginawa niyang mapanukso at makahulugan ang huling adjective na ginamit niya kaya na sa tingin naman niya ay nakuha ng dalaga ang ibig sabihin kaya mabilis itong pinamulahan ng mukha. "Tumigil ka nga, ang aga-aga mo kung mang-asar,
Magbasa pa
CHAPTER 37 "BIRTHDAY CELEBRATION"
SUMAPIT ang araw ng kaarawan ng ina ni Jason. At katulad ng naipangako niya ay siya na ang nag-ayos ng lahat ng kailangang ayusin para sa isang espesyal na hapunan na kung tutuusin ay apat lang silang magsasalu-salo. "Hindi ka ba pumapasok sa trabaho? Bakit parang ilang araw ka nang nandito sa Baguio?" naitanong niya kay Jason.  Nasa supermarket sila noon para mamili ng mga kakailanganin sa lulutuin niyang mga putahe. Habang si Aling Malou nalang ang inutusan ni Mama Loida na mamalengke para sa mga iba pang mas mainam na bilhin doon. "Nagsabi naman ako sa kaibigan ko, baka natatandaan mo si Paul?" tanong ni Jason habang itinutulak ang cart. Sandaling tumahimik si Jenny saka inalala ang sinabing pangalan ni Jason pagkatapos ay tinitigan lang niya ito saka magkakasunod na umiling. "Bukod kay Daniel may iba ka pa bang naging kaibigan?" naitanong niya. Nakita niyang tila ba nag-alangan si Jason na sagutin ang tanong niyang iyon kaya maagap na
Magbasa pa
CHAPTER 38 "STRANGERS IN THE NIGHT 1"
"NAKU ngayon pa lang sasabihin ko na ang totoo, maswerte ang lalaking mapapangasawa mo dahil napakasarap mong magluto!" si Aling Malou iyon nang magkakaharap na silang kumakain ng hapunan. Sa sinabing iyon ng ginang ay nagulat na lamang siya nang bigla ay magkakasunod na umubo si Jason. Hindi nagtagal ay inabot nito ang baso ng tubig saka uminom. Bahagya pa siyang nagulat nang biglang mag-angat ng tingin ang binata saka nito sinalubong ang mga titig niya nang may amusement sa mga mata.  "Talagang maswerte," si Mama Loida iyon na sinagot ang sinabi ni Aling Malou. Nahihiyang ngumiti lang si Jenny at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang tahimik na pagkain.  Kanina sa kusina habang nagluluto siya ay mas pinili niyang huwag nang masyadong kibuin si Jason. Naiinis kasi siya sa inasal nito kanina tungkol sa planong pag-imbita ni Mama Loida kay Leo sa birthday nito. Dati na kasing naging ganito sa Jason sa kaniya noong nasa kole
Magbasa pa
CHAPTER 39 "STRANGERS IN THE NIGHT 2"
KUNG kailan siya tinitigilang halikan ni Jason para magkaroon ng pagkakataong huminga, hindi alam ni Jenny. Dahil ang totoo pinakawalan lang ng binata ang mga labi niya pero hindi parin tumigil sa pananalakay ang nakakapaso nitong mga labi sa kaniya nang bumaba ang mga iyon sa leeg niya hanggang sa balikat niyang kanina pa nakabilad sa harapan nito. "Napakabango mo," anas ng binata saka walang kahirap-hirap na ibinaba ang kabilang bahagi ng roba niya na naiwang nakasabit sa kaniyang balikat. "Jason, please habang maaga pa, tumigil ka na," muli nang parang bahagyang bumalik sa tamang huwisyo at direksyon ang isipan niya ay iyon ang nanulas sa mga labi niya Jenny pero sa paanas na paraan. Narinig niya ang mahinang tawa na naglandas sa lalamunan ng binata bago nito hinawakan ang mukha niya saka iniharap rito kaya nagtagpo ang kanilang paningin.  "No," anitong hinalikan siya sandali bago nagmamadali ang mga kilos na tuluyan inalis an
Magbasa pa
CHAPTER 40 "STRANGERS IN THE NIGHT 3"
MAHABANG  daing ang itinugon ni Jenny sa ginawang pagtrato ni Jason sa kaniyang pagkababae lalo nang magsimulang gumalaw sa mas mabilis na ritmo ang daliri nito doon. Lalong nagtumindi hindi lang ang init na nararamdaman niya kundi pati narin ang panginginig ng buong katawan niya. Isang malamig na gabi kung tutuusin lalo at nasa Summer Capital na lugar sila ng Pilipinas, ang Baguio City. Pero iba ang nangyayari sa kaniya ngayon. Pakiwari niya ay nagliliyab ang kabuuan ng silid dahil sa hindi pa man pero matinding pananalasa na ni Jason sa kaniyang pagkababae habang hindi rin nito nilulubayan ng napakapusok na halik ang kaniyang bibig. Agad siyang nanghina nang dahil sa matinding sensasyon na makailang beses na gumuhit sa katawan niya habang ramdam na ramdam niya ang bawat paghugot at pagpasok ni Jason sa loob niya ng daliri nito. "Oh, my god!" ang agad na kumawala sa bibig niya nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya at saka siya tinitigan sa paraan na
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status