All Chapters of THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog): Chapter 11 - Chapter 20
36 Chapters
Chapter 10
TO DESTROY A WHITE LOTUS —10   Hindi naging maganda ang pagsalubong na natanggap ni Huseng. Mary Joy almost wished to return to the hospital. Walang tao sa kabahayan. Saktong pag-uwi niya, wala roon ang kaniyang ama't Tita Roselyn. Binisita ng mga ito ang Lola Mildred niya.Isang mensahe ang natanggap ni Huseng habang siya ay kumakain. Tamad niya iyong binasa't mabilis na ibinura. Dahil sa nangyari sa kaniya, marami ang naging ‘concerned’ na kaklase ang tumatawag at nangungumusta. May ibang totoong nakikisimpatya ngunit karamihan ay gusto lamang makiusyoso.Isa pang mensahe ang natanggap ni Huseng. Halos sumpain ni Mary Joy si Brian sa isip habang pinagbububura ang mga mensaheng natanggap. Ito ang nagbigay ng numero niya sa kaniyang mga kaklase. Akala yata nito ay ikatutuwa niya ang atensyon.‘Alam kong ikaw 'yon.’Napahinto si Mary Joy sa pagnguya ng kaniyang hapunan. Huminga siya nang malalim at kibit-balikat na ib
Read more
Chapter 11
TO DESTROY A WHITE LOTUS —11   Sa unang pagkakataon, hindi ininda ni Mary Joy ang titig ng mga tao. Mukhang kalat na kalat na ang balitang baka si Huseng nga ang nagnakaw sa mga alahas ng prinsipal. Hindi maintindihan ng ilan kung paanong nanakawan ni Huseng ang kwartong buong gabi ay bantay sarado ng matandang dalagang tinatawag nilang lahat na prinsipal gayong nasa ospital siya noon at nagpapagaling. Karamihan man ay hindi naniniwala, lahat gustong may masisi sa nangyaring nakawan. Mainit sa mga mata nila si Huseng kahit pa napakaimposible. Bakit magiging imposible? Sabi ni Giovanni ay grabe ang kasamaan niyang si Huseng!Iyon nga ang nangyari. Gamit ang mga salita ni Giovanni, si Huseng ang naging target.“Tsk! Sabi ko naman sa 'yo, dapat hindi ka na muna pumasok, e,” pangangaral ni Brian sa kaniya habang naglalakad sila papunta sa kanilang classroom. “Sa susunod dapat makinig ka rin sa 'kin, boss.”“Bakit?” Nilakasan n
Read more
Chapter 12
TO DESTROY A WHITE LOTUS —12   Malamig pa ang hangin at medyo madilim pa noong nagsimulang maglakad si Huseng papunta sa eskwela. Nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang nagising siya dahil sa lamig ng tubig na kaniyang ipinanligo kanina. Hindi. Ang totoo ay kahapon pa siya gising—hindi siya makatulog.Ito iyong pakiramdam na pinangakuan ka ng mga magulang mong ipapasyal kinabukasan. Puwede ring promenade niyo bukas at namomroblema ka dahil ang kapares mo ay iyong taong gusto mo.Medyo.Ngumiti nang kaunti si Huseng. Sana nga lang ay matuloy ang pangakong pagpasyal na iyon. Sana'y makarating siya sa promenade nang nasa oras. Sana matuloy ang bagay na gusto niyang mangyari sa araw na ito. Ayaw na ayaw niya sa pakiramdam na laging nadidismaya.“Boss naman, ang lamig lamig pa,” ungot ni Brian habang niyayakap ang sarili, “Kita mo anong sabi ng relo ko, boss? Alas sais. Naman, Huseng, dapat alas nueve na tayo pumasok
Read more
Chapter 13
TO DESTROY A WHITE LOTUS —13   Tumayo si Huseng mula sa kama at nag-isip kung mas maganda bang magsuot na ng damit at kumaripas ng takbo o maligo muna saka aalis. Kung titingnan sa malayo ay pareho ang mga iyon, pero sa totoo lang ay hindi.Inabot niya ang puting tuwalya't ipinulupot iyon sa kaniyang baywang. Kalmado siya, mas kalmado kaysa sa nakasanayan. Lahat ng buto niya sa katawan ay magaan. Ngumiti siya sa kawalan at kinonsola ang sarili, mabuti na rin dahil masarap sa pakiramdam.Isang linggo na ang nakakaraan matapos ang nangyari sa gate ng eskwelahan nina Huseng. Mahirap kumuha ng balita tungkol sa bidang si Giovanni dahil tila may isang batas sa eskwela na ipinagbabawal kahit banggitin man lang ang pangalang nito. Buti na lamang at nariyan si Si, inire-report lahat ng tumatakbo sa utak ng bida.Pinagbawalang pumasok muli sa eskwelahan nila ang binata. Kahit ang ibang eskwelahan ay nagdadalawang isip na siya ay ta
Read more
Chapter 14: II
TO PLAY THE ROLE OF AN UNDESIRABLE MATE [ABO]   Mary Joy has been watching the quiet scenery in front of her when Devlin's trusted aide came over with a sympathetic frown. Sumaglit ang mga mata ni Mary Joy rito bago lumihis sa magandang tanawin. Mukhang hindi pinakinggan ng ama ni Devlin ang pakiusap niya. She had expected it, yet it is still disappointing somehow.Ang ama ni Devlin ay malaki ang ambisyon sa buhay. Dahil sa ambisyon nito, sila ang nangungunang pamilya sa buong kaharian. Ngunit hindi pa rin iyon sapat. Valir wanted something that will have their names written in history. Ano pa ba ang pinakamagandang oportunidad upang makuha ang kagustuhang 'yon? Isn't offering your son to the King and name him consort, great? Baka para sa karamihan ay hindi. Ngunit simpleng tao lamang ang ama ni Devlin. Kung anong mayro'n ay tatanggapin nito.Ganoon nga ang nangyari noong idilat ni Mary Joy ang mga mata at natagpuan ang sarili sa kataw
Read more
Chapter 15
   Belial Tris is not entirely blameless throughout the story. Sa katunayan, ininsulto nito si Devlin. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw ni Devin magpakasal dito. Kahit na payag si Belial sa desisyon ng hari, hindi pa rin nito masikmura ang magpakasal sa isang kapwa Alpha. Kaya naman umarte itong mabait sa harap ng marami habang pinapatay naman sa mura si Devlin sa likod.Noong una gustong ipagpatuloy ni Devlin ang kasalang magaganap. Kahit may kagustuhan sa puso nito na kumawala sa diktador na ama, mahal niya ang bayang kinalakihan.Gayunpaman ang halaga ng pagmamahal na ito ay hindi singlaki ng pangangalaga ni Devlin sa sarili. Kaya siya isang villain ay dahil doon.Alam ni Belial na ‘pride’ at ‘insekyuridad’ ang nasa pinakagitna ng mga problema ni Devlin sa buhay.Hindi gaya ng ibang Alpha, nasa bahay lang siya at binigyan ng trabahong pang-opisina. Lahat ng kaniyang kamag-anak ay pinangangalagaan siya nang mabuti. Hindi
Read more
Chapter 16
   It turns out, Si's help wasn't a permanent one. Ipinaliwanag nito na habang tumatagal ay aabot sa puntong titigil na si Si sa pagbibigay ng cheat sheet sa kaniya. Magiging mas mahirap ang lahat hanggang sa ang mga panahong iilaw ito ay upang ibiga ang orihinal na takbo ng storya o magbigay o kumuha ng puntos.Mary Joy wasn't impressed by this. Tumayo siya sa mula sa pagkakaupo sa kama at naglakad paalis ng kaniyang silid. Dumoble ang dami ng kaniyang mga tagabantay. Kung dati sa bahay nila ma tatlo lamang siya, ngayon ay domoble ang bilang ng mga ito.Alam ni Mary Joy na karamihan sa mga ito ay inutusan ni Belial na bantayan lahat ng kaniyang magiging kilos. Hindi nagdalawang isip si Mary Joy nang paalisin niya lahat ng tagapagsilbi maliban lang kay Tee.“'Yong inutos ko?”“Nakahanap ng heneral ang inyong tagapaglingkod,” sagot ni Tee sa mahinang boses, “nakahanda na po ang lahat.”Tumango si Devlin bago hinagisan
Read more
Chapter 17
   Mary Joy fell into a troubled sleep. Hindi siya mapakali habang inaalala si Si. Ngayon ay handa siyang makipagpalit ng puntos, bumalik lang ito sa dati. Kung alam niya lang na limited offer ang pagbibigay nito ng cheat sheet sa kaniya, sana sinagad na niya mula sa unang mundo pa lamang.Nagising siya noong makaramdam ng lamig. Giniginaw siyang nagtago sa ilalim ng kumot. Hindi nawala ang panlalamig na kaniyang nadarama. Saglit siyang sumimangot bago dumilat nang tuluyan.The female lead's gawking was not what she expected the most.Narinig ni Mary Joy kung paano nito nahigit ang paghinga. Pinakatitigan niya ang babae, hinihintay ang susunod nitong gagawin. Nang makitang nakatulala pa rin ito sa kaniyang harapan, halos magpasya na lamang siyang sipain ito.Hinalughog ni Mary Joy ang isip kung may nabanggit ba si Si sa kaniya patungkol dito ngunit wala siyang maalala. She almost choked when she noticed that even Si's report wh
Read more
Chapter 18
   “Tee, anong sitwasyon ni Heneral Isle?” Ikinumpas ni Devlin ang mga kamay. Mabilis na yumukod ang babaeng tagapagsilbi upang punuin ng tsaa ang kaniyang baso. “Tatlong araw na ang nakalipas. Wala pa rin akong liham na natatanggap.”Hindi interesado si Mary Joy sa magiging tugon ng kuya ni Devlin. Alam niyang busy ito sa sitwasyon ng Danari Pass. Noong una'y minaliit ng mga opisyal ang mga bandidong galing sa lumubog na bayan ng Capiz. Pinabayaan nila ito hanggang sa lumobo ang problema.May hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dating pinuno nito at ng ama ni Belial kaya naman noong humingi ng tulong ang Capiz sa gitna ng pagkakasakop, umaktong bingi ang hari. Ngayon nagpupumilit pumasok sa kanilang kaharian ang mga nakaligtas na mga sundalo't mangangalakal mula sa gyera. Hindi ang kaharian nina Belial ang pinakamalapit sa mga ito ngunit may delusyon ang mga taong iyon na may atraso sa kanila ang hari kaya dapat lamang silang papasukin
Read more
Chapter 19
   Huminga nang malalim si Mary Joy at isinara ang librong kabubuklat pa lamang—wala siyang maintindihan. Lahat ng libro rito ay nakasulat sa hindi matukoy na lengwahe. Sigurado siya na kahit ang mga tao rito ay hindi binabasa ang mga ito, sa limang oras na inilagi niya sa silid-aklatan ng palasyo ay iilan lang ang mga hanay ng librong may espasyo sa pagitan.Nabuburo na siya nang husto. Noong una'y namamangha siya sa kakaibang sulat na iyon. Samahan pa ng mga larawang hindi niya pa nakita noon. Makalipas ang iilang oras, gusto niyang sunugin lahat ng librong nandito. Kaunti lang ang mga librong kaya niyang basahin. Napagtanto niyang hindi mahilig sa libro si Devlin. Ayos lang 'yon sa kaniya. Hindi siya umaasang puro ‘love story’ ang mga narito.Nangalumbaba si Devlin sa mahabang mesa at tiningnan ang tahimik na si Tee. “Saan nagpunta si Prinsepe Belial ngayong umaga?”“Pagkatapos ng pulong kaninang umaga ay nagpunta ang prinsepe
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status