All Chapters of Heart's Desire: Chapter 81 - Chapter 90
107 Chapters
Captive of Luxury - Chapter 8
Tila nabasa ng lalaki ang iniisip niya. "Dinidigahan kita, Paulina. Hindi ko nagawa 'yan noon. Puwede pa akong humabol."Namilog ang mga mata ni Paulina. "Nanliligaw ka?" Hindi siya makapaniwala."Bakit? Ayaw mo ba?""Uhm, gusto ko, siyempre." Lalo pa nga siyang napapaibig sa lalaki. "Pero nalilito ako dahil kagabi ay--""I was being foolish last night." Hinagkan nito ang bibig niya. "Ang akala ko'y--never mind. Please, forget it."Naghahain ng bagong simula ang lalaki. Ngunit hindi makalimutan ni Paulina ang nasaksihang tagpo sa airport at ang naulinigang pag-uusap nina Max at Josie."What about, er, Josie?""Josie?" Tila tunay ang pagkabigla at pagtataka ng lalaki. "P'ano siya nasali dito?"Gusto na niyang umatras pero hindi puwedeng iwan ang binuksang paksa. Minabuti niyang aminin na ang lahat."I see," sambit ni Max pagkatapos niyang magtapat. "Nakita mo pala siya sa airport. Ang akala ko'y hindi, kaya hindi ko na si
Read more
Captive of Luxury - Chapter 9
"Tsk! tsk! Nothing is free in this materialistic world, Paulina.""H-hindi ko pinangarap na maging kerida, sir.""I know that. I plan to marry you.""Marry me?""Yes. Pakakasalan kita, Paulina."Natatandaan niyang napatigagal siya noon. Napatulala dahil hindi makapaniwalang natupad na nga ang kahilingan niya mula nang magdalaga: ang makabingwit ng malaking isda!Di-naglipat linggo, sinagot niya ang lalaki.Ngunit hindi siya naniniwalang tatanggapin niya ang proposal kung naging matandang hukluban na si Max Valdez.Makalipas ang dalawang araw, ikinasal sila sa huwes."We'll have a church wedding next month," pangako ni Max. Hindi ikinubli ang matinding pagkasabik na maangkin na siya. "I don't think I can wait any longer for you, Paulina. I want to possess you, every inch of you, as soon as possible!"Mapait sa pakiramdam ang marinig na pagnanasa lang ang iniuukol ng lalaking pakakasalan para sa kanya. At lalo pa si
Read more
Captive of Luxury - Chapter 10
Unang pagkakataon marahil iyon.Isinenyas niya kay Delay ang overnight case na inimpake niya para sa asawa. Maliksing inilapit iyon ng katulong."Puwede na kayong umuwi, Delay, Mang Kanor. Tatawag na lang ho ako kung may kakailanganin kami dito.""Umuwi ka na rin, Paulina," sabad ni Max. Mahina pero pagigil ang pagsasalita. "Hindi kita kailangan dito!" dagdag pa, paasik.Kunwa'y walang narinig si Paulina. Itinago niya ang sakit ng kalooban. Nagtagumpay pa nga siyang ngitian ang lalaki habang humahakbang palapit."May dala akong mga personal na gamit mo, Max. I'm sure, mas magiging comfortable ka kung makakapagpalit ka ng damit." Binuksan niya ang munting maleta. "Dala ko rin ang razor at aftershave lotion. Pati ang paborito mong pabango.""Mang Kanor, isama mo na si Paulina," utos ni Max sa matandang lalaki.Nangislap ang determinasyon sa mga mata ni Paulina. Tinitigan niya ng tuwid ang asawa."Uuwi lang ako kung kaya mo akong
Read more
Captive of Luxury - Chapter 11
Gusto sana niyang gamitin ang katagang 'pagmamahal' ngunit baka mailang si Max. Nag-iingat siya nang husto. Masyadong delikante ang balanse ng mga emosyon na puwedeng ilakip sa kanilang relasyon.Bagama't hindi na pagnanasa lang ang iniuukol ni Max sa kanya, ayaw niyang magpadalus-dalos. Palagi niyang pinipigil ang pagbugso ng damdamin."'Yan din ang sinabi sa akin ni Doktora. She advised us to have a two-year spacing between every child we'll have.""So, balik na naman tayo sa unang tanong. Ilan ba ang gusto mong maging anak?""Three would be ideal.""Or five, maybe?""Ayokong mahirapan ka lagi, Paulina."Muntik na namang nawala ang boses niya. Pinilit niyang manatiling kaswal. "I won't mind. Gusto ko ng maraming anak--kung gusto mo rin?""Of course."Nagsimulang mangusap ang mga kislap sa mga mata ni Max nang muli silang magkatitigan."Siyanga pala, mayr'on pa akong itinanong kay Doktora," anas nito habang marah
Read more
Fascinated by the Enemy - Chapter 1
Fascinated by the EnemySYNOPSISAng paghihiganti ay palaging mapait... Ganito ang natuklasan ni Zander nang pairalin niya ang poot niya kaya buong balasik na nagplano ng paghihiganti. Sa kasamaang-palad, isang inosenteng dalaga ang naging biktima – si Kate.Ang palaso raw ni Kupido ay walang pinipiling patamaan basta't puso lang ang palaging target. Kahit na nakatikim ng kalupitan sa kamay ng isang estranghero, nakuha pa ring umusbong ng pag-ibig sa puso ni Kate para kay Zander.*     *     *Fascinated by the Enemy - Chapter 1Humagikhik ang isa sa dalawang aninong papatalilis."Ssh!" saway naman ng kasama nito. "Huwag kang maingay! Kanina ka pa tawa nang tawa. Gusto mo bang mahuli nila tayo?""I'm sorry. Ngayon lang kasi ako gagawa nang ganito ka-daring na bagay," paliwanag ng babae. "Kaya mo ba talagang paliparin ang eroplanong 'yan kahit na madilim?"Agad namang napawi a
Read more
Fascinated by the Enemy - Chapter 2
"Wala akong ginagawang masama sa 'yo, Saldivia," pakli niya. Kontrolado na ang matigas na tinig. "Bakit tinarantado mo ako?""Mali ka diyan, Soriano. Inagaw mo ang kabuhayang dapat ay mamanahin ko!""Wala akong inaagaw sa inyo! At hindi ko kasalanan kung nawaldas ang kayamanan ninyo. Kayo lang ang humahawak ng inyong salapi, kaya kayo lang nagpakawala sa mga iyon.""Aaah! Kahit na ano pang sabihin mo, ikaw ang dahilan ng lahat ng mga paghihirap ko! Wala kang karapatang tumuntong sa lupang tinutungtungan ko. Isa ka lang busabos na hampaslupa!"Kinalma uli ni Zander ang sarili. "Ano'ng kailangan mo sa akin, Saldivia?" Binago niya ang direksiyon ng usapan nila."Ha! ha! Nakuha mo rin, Soriano! Kahit na ubod nang purol n'yang utak mo!" Ininsulto muna siya ni Jeremy bago tinugon ang tanong niya. "Pera ang kailangan ko, Soriano. Tutubusin mo sa akin si Sonia."Dahan-dahang nag-inat ang malalapad na balikat. Nagbawas ng tensiyon si Zander para lumi
Read more
Fascinated by the Enemy - Chapter 3
"Ngunit hindi mo pa rin nakakalimutan," Zander pointed out."Buhay pa ang ina ni Jeremy n'ong namasukan ako sa kanila bilang hardinero," umpisa ng matanda.Bahagyang nakahukot ang payat na balikat habang naaalala ang nakaraan. Para bang umiiwas na sa sakit na mararamdaman."Napakaganda ni Senyora Saldivia. Parang diyosa," patuloy nito. "Sinamba ko siya. Inibig ko nang lihim..."Hindi na nadatnan ni Zander ang babaeng nasa kuwento ni Majordomo."Nagpakita ng giliw sa akin ang senyora kaya lalo akong nahibang. Agad akong bumigay nang akitin niya." Pumikit ang nagsasalaysay.Matamang nakikinig ang binatang amo."Iyon na ang pinakamaligayang sandali ng buhay ko, master. Nang muntik ko nang masilip ang langit."Nabitin si Zander. "Ano'ng nangyari, Majordomo?""Nahuli kami ni Senyor Geron. Ipinabugbog ako sa mga tauhan nila. At ipinatapon sa basurahan."Zander winced. "Sinabi n'yong muntik na. Nasaan ba kayo? Bakit hind
Read more
Fascinated by the Enemy - Chapter 4
"What is it?" Itinaas ni Kate ang perpektong kurba ng mga kilay habang nakatingin nang diretso sa hotel employee.Napakamot sa ulo ang matangkad na lalaki. May hitsura ito ngunit walang dating kay Kate ang mga tipong torpe."W-wala po, ma'am. Ang ganda mo kasi, ma'am."Kate gave him a haughty look. She didn't welcome any kind of flattery. Wala siyang gaanong pagpapahalaga sa appearance niya. Although she could afford to be casual and off-hand with her flawless complexion and patrician features.Her beauty regimen consisted only of a simple nightcream before going to sleep, some herbal shampoo, a herbal soap and sunscreen lotion. A compact pressed powder and a light-coloured lipstick embodied her make-up kit.Ordinaryo ang tangos ng ilong niya. Pangkaraniwan ang bibig at mga mata niya.Paano siya magkaka-ilusyon na nakakatulala ang kanyang ganda?Iiling-iling ang dalaga habang nagsasalin ng kape sa puswelo. Madali niyang naiwaksi ang w
Read more
Fascinated by the Enemy - Chapter 5
"Dapat ko bang buksan ang bag na hindi akin?" tanong ni Kate sa repleksiyon na nasa salamin.Kusang gumalaw ang mga daliri niya. Binuksan ang zipper ng bag at inilabas ang katernong wallet. Pati ang passport.Dorothy Saldivia, 23 years old, Tourist.Kumunot ang noo ni Kate. Mapapagkamalang Pilipina ang kausap niya kanina, maliban na lang kapag nagsalita.She felt guilty. Ngayon lang siya nakialam ng personal na gamit ng iba. Nataranta siya nang tumulak pabukas ang pinto ng comfort room.Akala niya, si Dorothy Saldivia na ang pumasok."Me tao ba dito, ineng?" tanong ng matandang babaeng may karay-karay na bata.Umiling si Kate. "W-wala po," tugon niya.Humalukipkip siya habang isinasandig ang balakang sa counter. She prepared herself for waiting. After fifteen minutes, her shoes were tapping on the tiled floor impatiently.Inip na inip na siya!Nag-aalangan siyang lumabas para sundan ang babae dahil ang white under
Read more
Fascinated by the Enemy - Chapter 6
"Para hindi ka makatakas."Napakurap si Kate nang magsimulang rumagasa pabalik sa diwa ang mga nangyari bago siya nawalan ng ulirat. Nilunok niya ang takot na nagpapasikip sa kanyang lalamunan."D-dinukot n'yo ba ako para--para ipatubos?"Uso rin ang kidnapping for ransom sa Zamboanga, kungsaan matatagpuan ang Rancho Benavidez.Tinitigan niya ang kaharap.Hindi ito kasama sa tatlong lalaking nakasalubong sa hagdan."You could say that," tugon ng tinanong niya.She was unnerved when his dark eyes stared at her avidly. Para bang hinuhubaran siya."M-maaari bang uminom?" hiling niya nang mahirapan na siyang lumunok.Tumango ng isa ang lalaki. Nakatitig pa rin sa kanya. "Of course. Maaari ka na ngang kumain, kung gusto mo."Kumalam ang sikmura ni Kate nang maamoy ang bagong lutong pagkain, matapos alisin ng lalaki ang mga takip na alumino ng mga bandehadong malalim."H-hindi mo ba aalisin ang pagkakaposas ko?"
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status