Все главы Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino): Глава 11 - Глава 20
35
Chapter Ten: Couch
Mula sa pagkakatayo sa veranda na konektado sa master suite at sa guest room na inookupa, nakita ni Sean ang paglabas ni Thera sa main door ng villa.Sinundan niya ng tingin ang paglalakad nito patungo sa porch hanggang sa gilid ng swimming pool. Pagkatapos suyurin ng tingin ang langit na hitik sa nagkikislapang bituin, naupo ito sa isa sa mga rattan lounge chair. Pasandal na naupo roon.It was already past ten in the evening. At kagaya siguro niya, hindi rin ito makatulog.Nagduda si Sean kung totoong may amnesia nga si Thera nang banggitin nito kanina ang tungkol sa mama niya. But what happened hours ago made him think otherwise. He saw the guilt, disbelief, and pain in her eyes. Those emotions were real and genuine. Na para bang hindi ito makapaniwala na ang sarili ang napapanood na nananakit.Malalim ang hiningang pinakawalan niya nang makitang niyakap ni Thera ang sarili. When she rubbed her arms using the palm of her hands, gusto ni
Читайте больше
Chapter Eleven : Diary
October 23, 2019Baguio City, Philippines  Alas-siyete na ng umaga nang magising si Thera. Nanakit ang likod niya sa magdamag na paghiga sa sofa pero nakapagtatakang mahimbing ang naging tulog niya.Nag-inat siya ng katawan habang bumabangon sa pagkakahiga. Sumisilip na ang araw sa glass window ng kuwarto. Nakalimutan niyang ibaba ang blinds bago matulog.Naghikab siya habang humahakbang papunta sa maluwang na bathroom. Binuksan niya ang shower nang makapasok sa loob ng multi-water jet shower enclosure. Nangigkig sa lamig na napaatras siya palabas nang umagos ang malamig na tubig at matilamsikan ang mga paa niya.Nang hindi makaipon ng tibay ng dibdib para maligo pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa binuksang dutsa, pinihit uli niya pasara ang shower, saka lumabas.Itinali ni Thera ang buhok, saka bumaba para tingnan at tulungan na rin si Fely na maghanda para sa almus
Читайте больше
Chapter Twelve: Bathtub 2
October 23, 2019Baguio City, Philippines  Nakita ni Thera na bumukas ang ilaw sa katabing kuwarto. Dumating na si Sean. Sinulyapan niya ang oras sa wall clock. Ten minutes to seven.Mahigit sampung oras nawala si Sean, sa loob ng mga oras na iyon ay hindi man lang nito naisipang tumawag para kumustahin siya. Alam niya, dahil pagdating nila kanina ni Fely mula sa bahay ni Tito Jaime ay nagtanong siya kay Manang Ising.Alam ni Thera, si Sean lang ang makakasagot sa mga tanong niya. Habang tunatagal, lalo lang kasi siyang naguguluhan. Patay na si Tito Jaime, inilihim iyon sa kanya ni Sean. Nag-aalala ba si Sean sa magiging reaksiyon niya kaya pinili nitong huwag munang sabihin sa kanya?Bakit naman ito mag-aalala sa mararamdaman niya? Unang-una, hindi naman ito naniniwalang wala siyang maalala.Nalilito siya. Obviously, hindi na siya nito mahal but why was h
Читайте больше
Chapter Thirteen: Bag
October 23, 2019Baguio City, Philippines  Ikinurap ni Thera ang mga mata nang makarinig ng tikhim. Sapat na iyon para mahila siya pabalik sa kasalukuyan mula sa alaala limang taon na ang nakararaan. Lumunok siya nang makitang bahagyang nakakunot ang noo ni Sean sa pagkakatitig sa kanya.“Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong nito sa mahinang boses na sandali pa niyang inisip kung talaga bang nakaringgan niya ng kaunting tenderness at concern.Inakala ni Thera na aabutin siya ni Sean para salatin ang kanyang leeg. Pero nanatili ang asawa sa pagkakatayo sa harap niya, kuyom ang mga kamay na para bang nagpipigil itong abutin siya.O baka nag-i-imagine lang siya dahil nadadala pa rin siya ng intimacy mula sa kapiraso ng alaala kanina?She never pictured herself taking that bold steps toward any man. Parang gusto niyang hilinging bumuka na lang ang lupa at lamunin s
Читайте больше
Chapter Fourteen: Bag 2
Numipis ang mga labi ni Thera kasabay ng paniningkit ng mga mata nang makita ang babaeng sadya. Saktong kakaparada pa lang ng kotse niya sa harap ng mall nang makita niya ang pagpasok ni Kisses sa loob ng The Palace.Sinundan niya ng tingin ang paghakbang nito papasok sa isang sikat na boutique shop. Hindi pa rin ito nagbabago kahit pagkatapos ng halos isang taong pananatili sa ibang bansa. Pareho pa rin ang fashion brand at style. Kinopya sa kanya.Huminto si Thera sa entrada, hindi man lang sinulyapan ang mga staff ng boutique na nagkukumahog na batiin siya.Nakita niya na natuon ang tingin ni Kisses sa isang pulang handbag. She walked towards her. Nang makitang akmang kukunin ni Kisses ang bag, sinunggaban din niya iyon agad. Nag-angat ng tingin sa kanya ang babae. Sinuklian niya ng ngisi ang pagkunot ng noo nito. Hinigpitan niya ang hawak sa handle ng bag, ganoon din ang ginawa nito sa parteng haw
Читайте больше
Chapter Fifteen: Trouser and Hoodie jacket
October 23, 2019 Baguio City, Philippines  Wala sa loob na dinala ni Thera ang kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib. May kirot siyang nararamdaman sa bahaging iyon ng alaala. She was almost there, ramdam niya. Marami pang alaalang nagkukumawala sa kanyang isip pero pakiramdam niya, sasabog ang utak niya kung pipilitin ang sariling makaalala.Unti-unti, bumabalik ang mga nawawalang alaala at sa bawat bumabalik na bahagi, lalo niyang napapatunayan kung gaano niya kamahal si Sean.Isang katunayan iyong naipit sa pinto ng kotse niya ang daliri nito. She was evidently trying so hard to be cold and mean towards him pero sa dulo, umiyak siya nang makitang dahil sa kanya ay nasaktan ito.Iyong eksena sa bathtub, she was clearly begging Sean for a second chance. Pero bakit naging kasinlamig na ng yelo ang trato niya sa asawa sa flash ng alaala kanina?What made h
Читайте больше
Chapter Sixteen: Cheesecake
 October 29, 2019Baguio City, Philippines Naglakad si Thera palabas ng looban para mag-abang ng taxi pabalik ng villa. Iyon ang pangatlong beses na bumalik siya sa bahay ng pamilya ni Kisses para magbaka-sakaling may tao na siyang maaabutan.Bumalik siya kahapon at naghintay sa loob ng mahigit kalahating oras pero kagaya noong una, walang nagbukas ng gate sa kanya.Nang araw na iyon, sinubukan uli niyang pumunta. Hindi niya kilala ang matandang lalaking nagbukas sa kanya ng gate ng bahay na renovated.Bumagsak ang mga balikat niya nang malamang may apat na taon na ang nakararaan nang ibenta ng tatay ni Kisses ang property.“Bumabalik pa ho ba sila rito sa Baguio?” naitanong niya.“Naku, hindi ako sigurado pero malamang ay hindi na. Sinuwerte ‘yong bunso nilang anak na babae na nakabingwit ng mayamang negosyanteng taga-Maynil
Читайте больше
Chapter Seventeen: Wife
October 29, 2019Quezon City, Philippines  “Sa tingin mo ba okay lang si Madam? Parang ang lungkot ng mga mata niya kahit nakangiti siya.” Si Laida ang nagtanong. Nakadukwang ito sa desk ni Yumi, parehong nakatingin sa monitor ng computer kung saan nagpe-play ang video na ipinadala ng imbestigador na inupahan ng dalawa para sundan at bantayan si Thera.Nasa loob ng isang restaurant sa Baguio ang amo, mag-isang nakaupo sa pandalawahang mesa. The usual sight, mag-isang kumakain. The only difference was that the Thera they knew was confident and proud, seryoso at mukhang ready lagi makipagpatayan habang ang nasa video, nakangiti, inosente, at mukhang hindi makabasag-pinggan.“Hindi ba talaga natin siya puwedeng makita? O bisitahin kaya?”“Kailangan nating sundin ang utos ni Sir Sean, Laida,” sagot ni Yumi. Kunot na kunot ang noo n
Читайте больше
Chapter Eighteen: Their Silly Hearts
October 30, 2019Baguio City, Philippines Nagdilat ng mga mata si Thera. Ilang saglit siyang tumitig sa puting kisame, pinapakiramdaman ang puson na nananakit.Nang maramdamang mas tumitindi ang pananakit, natutop niya ang puson, saka bumaluktot sa pagkakahiga sa couch. Nakangiwing ipinikit niya ang mga mata.It was the first time na makaramdam siya ng ganoong sakit, well, as far as she could remember.Kahapon, pinilit niyang iwasang isipin ang nalaman tungkol sa naging gulo nila ng empleyado sa Sean and Tan’s noon. Pero paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga sinabi nito nang mapag-isa siya kagabi sa maluwang na kuwartong iyon.Ayaw muna sana niyang mag-isip, gusto niyang pahingahin ang utak. Pero parang nang-aasar, gusto pang sumabay ng ulo niya sa pananakit ng kanyang puson. May mga alaala pang nagpupumilit na makawala mula sa pagkakakulong sa isip niya.
Читайте больше
Chapter Nineteen: Rushed
Tatlong magkakasunod na katok na walang sagot mula sa loob ang ginawa ni Sean bago pinihit at itinulak ang pinto ng master suite. Dumeretso ang tingin niya sa kama pero agad na kumunot ang noo nang makitang wala roon ang sadya. Lumipad ang tingin niya sa couch.Bumuntong-hininga si Sean. Naroon si Thera. Nakabaluktot sa pagkakahiga, hawak ang tiyan, at may nakatakip na face towel sa mukha. Lumakad siya palapit sa kinahihigaan nito.Tumikhim siya. Pero hindi ito tuminag man lang kahit ginawa niyang obvious ang presensiya.“Stop starving yourself. May nakahandang pagkain sa ibaba.”Mahinang ungol lang ang isinagot nito.“I can pretend I did not hear what you said yesterday. There’s no need to be embarrassed.” Bumuntong-hininga si Sean nang hindi pa rin kumibo ang babae. “Were you that upset? Kapag bumalik na ang lahat ng alaala mo, maiintindihan mo na para sa ikabubuti mo ang ginawa ko.”
Читайте больше
Предыдущий
1234
DMCA.com Protection Status