Semua Bab Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4): Bab 31 - Bab 40
76 Bab
Tainted Hearts 31
Para silang malalaking asin na nakadikit sa dingding. I feel like I entered the most amazing crystal cave in the world. Parehong kisame at sahig ng kuweba ay napaliligiran ng mga crystal. Karamihan ay puti subalit may ilan-ilan na iba't iba ang kulay.The vibrant color and the shape of the crystal fascinates me. Mayroon hagdan paakyat na kulay puting crystal. Perpektong hagdan ang pagkakahugis nito na sa palagay ko ay pinasadyang gawing hagdan para maging daanan papasok sa loob ng kuweba.Kulay puti ang hagdan na kakulay ng puting niyebe kaya naman para akong umaakyat sa yelong kastilyo sa bawat paghakbang ko. Isama pang malamig sa loob kahit na kulob.Nang makarating kami sa tuktok ng hagdan ay mayroon tulay na patawid sa kabilang dulo, papasok sa gitna ng kuweba. Bahagyang madilim ngunit dahil sa mga maliliit na ilaw sa bawat gilid na sinadyang patamain sa crystal, kumikinang ang paligid. They look like reachable stars. Para silang mga bituin na bumagsak at maaari kong mahawakan."Wh
Baca selengkapnya
Tainted Hearts 32
Tahimik ako at namumula hanggang sa makabalik kami sa hotel. Sa elevator, hindi ako makatingin sa mga kaibigan ni Lennox. When Enzo noticed that I was embarrassed, he said that he was just kidding. Hindi nga lang no'n nabawasan ang hiya ko. Lalo pang nangamatis ang pisngi ko."Don't be embarrass, it's okay," Si Lennox pagkapasok namin sa kuwarto niya.Nakasunod siya sa akin nang pumasok ako sa walk in closet niya't nagpalit ng damit panligo. Tahimik ako, nahihiya pa ring nakalimutan kong nandoon ang mga kaibigan niya."Are you going to swim?" He asked when he saw me changing."Sayang naman kung hindi natin gagamitin ang pool sa balcony mo," sabi ko.Napansin kong lahat ng kuwarto sa hotel na ito'y mayroong pool sa balcony kung saan tanaw ang dagat at ang mga tao sa ibaba. Nagkakaiba lang sa mga sizes ang bawat kuwarto at balcony. Ang kay Lennox ay mas malaki kaysa sa mga natanaw kong katabing kuwarto niya. Malamang na pinasadyang mas malaki ang sa kanila ng mga kaibigan niya."Okay. I'
Baca selengkapnya
Tainted Hearts 33
Maya't maya ang paghinga ko ng malalim habang mag-isa sa kuwarto. Iniwan sa akin ni Lennox ang phone niya at pinapasok ako sa website ng isang sikat na designer ng mga wedding gown. Naggagandahan ang mga puting gown doon. Makakita man ako ng simple'y nakakalula pa rin ang presyo.Hindi niya ako napapayag na magpakasal dito. Kahit na ganoon, pinapahanap na niya ako ng gown para kung sakali raw na magbago pa ang isip ko. Na may nakahanda na. Kung hindi raw magbago, puwede ko namang mai-suot iyon pagkatapos ng graduation.I was happy the day he proposed. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ngayon na pinag-uusapan na namin ang tungkol sa inaalok niyang kasal, napi-pressure ako. Siguro dahil nabibilisan ako sa mga desisyon niya. At ramdam kong parang pilit niya akong minamadali."Nakapili ka na?"Naabutan niya akong nakatulala. Nakababa ang phone niya sa mga hita ko. Nilapitan niya ako't kinuha ang phone na nasa hita ko."Ito ba?"Tinitigan niya ang gown na sumakto sa pagtigil sa pag-scro
Baca selengkapnya
Tainted Hearts 34
"Look at them, Lennox!" Parang batang turo ko sa kanya sa mga dolphin na tumatalon.He laughed at my reaction while he's driving a boat. Minutes ago, I was just excited when he told me that we are going to visit the heart-shaped island. Now, I think I am already smitten with these dolphins. "Later, baby. Come here first!" He shouted.Saglit ko pang tinitigan ang mga dolphin na sumasabay sa sinasakyan namin bago lumapit kay Lennox."Come here," sabay hila sa kamay ko papunta sa harap ng manibela. "I'll teach you," he whispered behind me.Mabilis akong umiling. Hindi pa nga ako sanay magmaneho ng sasakyan 'tapos ngayon ito naman?"It's alright. You'll be fine. I'm right here behind you," I was standing in front of him. I could even smell his breath when he talked.Inilapat niya ang mga kamay ko roon at ibinubulong kung paano ang gagawin ko para mai-ayos ang pagtakbo."Wait! Don't!" I shrieked in panic when he let me drive it alone.Natawa siya at marahan na inalis ang kamay sa manibela
Baca selengkapnya
Tainted Hearts 35
Yesterday I was pressured but today I am genuinely happy. My love for him was like a roller coaster. Simple lang sa una. Kabado sa simula pero nang umandar na'y natutunan kong mag-enjoy. Habang nasa itaas ay kabado na naman at takot bumagsak. Pero nang tuluyan nang bumulusok paibaba'y nagawa ko pang sumigaw sa sobrang tuwa.I may be just waiting for him to say that he loves me. Kaya siguro ako natakot dahil ang tagal bago niya nasabi. Pero minsan kung ano ang hindi madalas sabihin ay iyon pa ang totoo. He really loves me. I can feel it. Maaaring natagalan ngunit ang importante ay mahal niya ako."Two days? How about tomorrow?" He scratched the bridge of his nose then glanced at me.Kausap niya ang magkakasal sa amin at ang pinag-aasikaso niya ng mga papel para madala rito."Mamaya na yan!" Reklamo ko. "Sabi mo maliligo tayo?"Lumapit siya sa upuan na nasa tabi ng dingding na salamin kung nasaan ako. Kinagat ko ang labi ko nang yumuko siya para magpantay ang tingin namin. He let out a h
Baca selengkapnya
Tainted Hearts 36
Tulog na siya at nakayakap mula sa likod ko. Dahil sa pananahimik niya kanina ay lalo akong napapa-isip. I know his friends, pero may tao ba na walang kapamilya kahit isa? He's like a riddle. The more I think about the answer, the more complicated it becomes.I played with the manly hair on his arms while I'm thinking. What's your reason, Lennox? Why do you feel like you're running out of time and want to get married right away? Is it because you loved me or you have another reason?Mukhang naramdaman niya ang haplos ko sa braso niya dahil tumigil ang mahinang hilik niya at humigpit ang yakap. Dumantay sa binti ko ang binti niya na animo'y wala akong balak na pakawalan. I smiled and closed my eyes to sleep. Any reason isn't important. He told me he loves me so I am marrying him now.Kinabukasan, iniwasan ko nang isipin iyon. Nag-pokus ako sa pag-iisip na ikakasal na kami bukas. Marami ulit siyang kausap kanina pero hindi naman siya lumalabas. Subalit napansin ko na itong huling tumawag
Baca selengkapnya
Tainted Hearts 37
"Bakit hindi mo sinabi?!"Naiwan na nakabukas ang pintuan dahil sa pagmamadali niya na lumapit. "Kanina ko lang nalaman—""Kanina! Kahapon! Ngayon! Kahit ano doon, Lennox, sana sinabi mo! Kapatid ko iyon!" Malakas kong sigaw. Wala nang pakialam kahit pa marinig kami sa labas."I don't want you to worry about it because it's our wedding day today," he explained and tried to touch me but I stepped back."You don't want me to get worried? What do you want us to do? We will happily get married while my brother is in the hospital? What do you think I will feel after I know that? Nasa hospital ang kapatid ko habang nagsasaya ako rito dahil wala akong kaalam-alam?!" Mabilis ang paghinga ko dahil sa pagpipigil na masampal siya."Xena—""Uuwi ako," may pinalidad na putol ko.Napalunok siya at bahagyang nataranta."Paano ang kasal natin?""Uuwi ako!" Mas malakas na ulit ko.Kabado siyang lumapit at pilit na hinawakan ang aking kamay."Can't we just get married first? Just a minute and after tha
Baca selengkapnya
Tainted Hearts 38
Hindi siya makatingin sa akin pagkalabas namin sa hospital. Nasa loob kami ng sasakyan niya. Nasa parking lot lang kami at hindi na kami lumayo para mag-usap."We don't have to break up. Not all couple quarrels, break up is the solution."Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa paunang sinabi niya hindi pa man ako nagsisimula sa gusto kong pag-usapan namin."Kung ayaw mong magpakasal, hindi na kita pipilitin. Hindi ako papayag na makipaghiwalay."Hindi ako umimik. Kinagat ko lang ang ibabang labi ko ng mariin. Salubong ang kilay niya nang hinarap niya ako."Why are you not talking? Akala ko ba mag-uusap tayo?"Napalabi ako at saka ibinaling ang mukha sa bintana ng sasakyan. Ang daming nangyari ngayong araw. Inabot na ng gabi. Kung hindi ko pa nakausap si mama hindi ako maliliwanagan. Mahal ko siya pero hindi pa ako handa na magpakasal sa kanya. Naakit niya ako sa magagandang mga salita niya kaya't napapayag niya ako sa isla. Hindi pala ako dapat nagd-desisyon o nakikinig sa bugso ng da
Baca selengkapnya
Tainted Hearts 39
Nag-usap kami sandali nina Josh at Minerva pagkatapos ng huling klase dahil pare-pareho kaming maaga ang naging labasan. Nagpaalam din ako kaagad at inisip na kung wala pa si Lennox sa parking lot dahil maaga pa'y maghihintay na lang ako roon."That's all I have! I'm telling the truth!"Pagkarating sa parking lot, nahinto ang mga paa ko sa gulat dahil nandoon na naman si Addisson. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. Hindi kagaya nang una na nagtago ako. Ngayon, nag-diretso ako at lumapit sa kanila ni Lennox."Make sure you don't have any other copy! Alam mo kung ano ang kaya kong gawin sa 'yo!" Galit na sigaw ni Lennox.Hindi niya siguro naisip na maaga akong lalabas kaya't hindi niya agaran na itinaboy si Addisson."Lennox," tawag ko bago pa makalapit.Napatingin ako sa kamay niya nang mabilis niyang itago iyon sa bulsa niya. Lumapit siya sa akin. Humalik siya sa pisngi ko at kinuha ang bag at libro na dala-dala ko. Umirap ang babae nang makita ang ginawa ni Lennox. Masama ang tin
Baca selengkapnya
Tainted Hearts 40
Puno ng missed call ni Lennox ang phone ko pagkasilip ko. Naka-silent kasi ito tuwing mayroong klase kaya hindi ko naririnig. Kinalikot ko ang phone. Balak ko na siyang tawagan ngunit bago pa iyon, malakas nang bumukas ang pintuan ng classroom sa huling klase ko at mula roon ay iniluwa siya.Nagkatinginan kami. Hinihingal siya at parang kanina pa ako hinahanap. Nakalabas na ang mga estudyante kaya't ilan-ilan na lalaki na lang ang naiwan dito. Abala ang mga naiwan kaya tanging ako lang ang pumansin sa humagis na pinto.Lumabas ulit si Lennox nang mamataan ako. Hinintay niya na lumabas ang mga natirang estudyante bago siya pumasok ulit sa loob ng classroom. Mabagal kong sinikop ang mga gamit ko habang patingin-tingin sa kanya."Bakit ganiyan ang ayos mo?" Puna ko sa magulo niyang buhok at damit."Iniwanan mo ako sa hospital!" Reklamo niya sabay dampot sa bag ko."Ako nang magdadala!" Inagaw ko muli ang gamit ko nang kinuha niya iyon.Kung lalabas kami rito at makita ng mga mag-aaral na
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234568
DMCA.com Protection Status