Yesterday I was pressured but today I am genuinely happy. My love for him was like a roller coaster. Simple lang sa una. Kabado sa simula pero nang umandar na'y natutunan kong mag-enjoy. Habang nasa itaas ay kabado na naman at takot bumagsak. Pero nang tuluyan nang bumulusok paibaba'y nagawa ko pang sumigaw sa sobrang tuwa.I may be just waiting for him to say that he loves me. Kaya siguro ako natakot dahil ang tagal bago niya nasabi. Pero minsan kung ano ang hindi madalas sabihin ay iyon pa ang totoo. He really loves me. I can feel it. Maaaring natagalan ngunit ang importante ay mahal niya ako."Two days? How about tomorrow?" He scratched the bridge of his nose then glanced at me.Kausap niya ang magkakasal sa amin at ang pinag-aasikaso niya ng mga papel para madala rito."Mamaya na yan!" Reklamo ko. "Sabi mo maliligo tayo?"Lumapit siya sa upuan na nasa tabi ng dingding na salamin kung nasaan ako. Kinagat ko ang labi ko nang yumuko siya para magpantay ang tingin namin. He let out a h
Tulog na siya at nakayakap mula sa likod ko. Dahil sa pananahimik niya kanina ay lalo akong napapa-isip. I know his friends, pero may tao ba na walang kapamilya kahit isa? He's like a riddle. The more I think about the answer, the more complicated it becomes.I played with the manly hair on his arms while I'm thinking. What's your reason, Lennox? Why do you feel like you're running out of time and want to get married right away? Is it because you loved me or you have another reason?Mukhang naramdaman niya ang haplos ko sa braso niya dahil tumigil ang mahinang hilik niya at humigpit ang yakap. Dumantay sa binti ko ang binti niya na animo'y wala akong balak na pakawalan. I smiled and closed my eyes to sleep. Any reason isn't important. He told me he loves me so I am marrying him now.Kinabukasan, iniwasan ko nang isipin iyon. Nag-pokus ako sa pag-iisip na ikakasal na kami bukas. Marami ulit siyang kausap kanina pero hindi naman siya lumalabas. Subalit napansin ko na itong huling tumawag
"Bakit hindi mo sinabi?!"Naiwan na nakabukas ang pintuan dahil sa pagmamadali niya na lumapit. "Kanina ko lang nalaman—""Kanina! Kahapon! Ngayon! Kahit ano doon, Lennox, sana sinabi mo! Kapatid ko iyon!" Malakas kong sigaw. Wala nang pakialam kahit pa marinig kami sa labas."I don't want you to worry about it because it's our wedding day today," he explained and tried to touch me but I stepped back."You don't want me to get worried? What do you want us to do? We will happily get married while my brother is in the hospital? What do you think I will feel after I know that? Nasa hospital ang kapatid ko habang nagsasaya ako rito dahil wala akong kaalam-alam?!" Mabilis ang paghinga ko dahil sa pagpipigil na masampal siya."Xena—""Uuwi ako," may pinalidad na putol ko.Napalunok siya at bahagyang nataranta."Paano ang kasal natin?""Uuwi ako!" Mas malakas na ulit ko.Kabado siyang lumapit at pilit na hinawakan ang aking kamay."Can't we just get married first? Just a minute and after tha
Hindi siya makatingin sa akin pagkalabas namin sa hospital. Nasa loob kami ng sasakyan niya. Nasa parking lot lang kami at hindi na kami lumayo para mag-usap."We don't have to break up. Not all couple quarrels, break up is the solution."Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa paunang sinabi niya hindi pa man ako nagsisimula sa gusto kong pag-usapan namin."Kung ayaw mong magpakasal, hindi na kita pipilitin. Hindi ako papayag na makipaghiwalay."Hindi ako umimik. Kinagat ko lang ang ibabang labi ko ng mariin. Salubong ang kilay niya nang hinarap niya ako."Why are you not talking? Akala ko ba mag-uusap tayo?"Napalabi ako at saka ibinaling ang mukha sa bintana ng sasakyan. Ang daming nangyari ngayong araw. Inabot na ng gabi. Kung hindi ko pa nakausap si mama hindi ako maliliwanagan. Mahal ko siya pero hindi pa ako handa na magpakasal sa kanya. Naakit niya ako sa magagandang mga salita niya kaya't napapayag niya ako sa isla. Hindi pala ako dapat nagd-desisyon o nakikinig sa bugso ng da
Nag-usap kami sandali nina Josh at Minerva pagkatapos ng huling klase dahil pare-pareho kaming maaga ang naging labasan. Nagpaalam din ako kaagad at inisip na kung wala pa si Lennox sa parking lot dahil maaga pa'y maghihintay na lang ako roon."That's all I have! I'm telling the truth!"Pagkarating sa parking lot, nahinto ang mga paa ko sa gulat dahil nandoon na naman si Addisson. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. Hindi kagaya nang una na nagtago ako. Ngayon, nag-diretso ako at lumapit sa kanila ni Lennox."Make sure you don't have any other copy! Alam mo kung ano ang kaya kong gawin sa 'yo!" Galit na sigaw ni Lennox.Hindi niya siguro naisip na maaga akong lalabas kaya't hindi niya agaran na itinaboy si Addisson."Lennox," tawag ko bago pa makalapit.Napatingin ako sa kamay niya nang mabilis niyang itago iyon sa bulsa niya. Lumapit siya sa akin. Humalik siya sa pisngi ko at kinuha ang bag at libro na dala-dala ko. Umirap ang babae nang makita ang ginawa ni Lennox. Masama ang tin
Puno ng missed call ni Lennox ang phone ko pagkasilip ko. Naka-silent kasi ito tuwing mayroong klase kaya hindi ko naririnig. Kinalikot ko ang phone. Balak ko na siyang tawagan ngunit bago pa iyon, malakas nang bumukas ang pintuan ng classroom sa huling klase ko at mula roon ay iniluwa siya.Nagkatinginan kami. Hinihingal siya at parang kanina pa ako hinahanap. Nakalabas na ang mga estudyante kaya't ilan-ilan na lalaki na lang ang naiwan dito. Abala ang mga naiwan kaya tanging ako lang ang pumansin sa humagis na pinto.Lumabas ulit si Lennox nang mamataan ako. Hinintay niya na lumabas ang mga natirang estudyante bago siya pumasok ulit sa loob ng classroom. Mabagal kong sinikop ang mga gamit ko habang patingin-tingin sa kanya."Bakit ganiyan ang ayos mo?" Puna ko sa magulo niyang buhok at damit."Iniwanan mo ako sa hospital!" Reklamo niya sabay dampot sa bag ko."Ako nang magdadala!" Inagaw ko muli ang gamit ko nang kinuha niya iyon.Kung lalabas kami rito at makita ng mga mag-aaral na
Binalik ko sa simula at pinanood ng mabuti dahil baka nagkamali lang ako. Nanginginig na ang mga kamay ko nang inabot ko iyon.Sa simula ng video ay sumasayaw ako sa club. Tumalon iyon sa unit ni Lennox. Nasa kama ako habang nasa ibabaw ko siya. Mahaba ang video at sigurado na mula sa simula hanggang sa natapos kami ay nandoon sa video lahat.May takip ang mukha ni Lennox at tanging ingay ko lang ang maririnig. Sa tuwing tinatawag ko ang pangalan niya ay nawawala ang boses ko. Para bang sinadya na alisin iyon para hindi makilala kung sino ang kaniig ko."Totoo ba iyan, Xena? O kamukha mo lang? O kaya baka pinalitan ng mukha mo 'yung totoong babae na nasa video?"Pamumuo ng luha sa mga mata ang naisagot ko. Napasinghap siya. Napatakip siya ng kamay sa bibig. May napagtanto siya nang hindi ko iyon itanggi at sa halip ay umiyak lang ako."Ikaw iyan? Nasa katinuan ka ba niyan? Iisa lang ang lalaki sa tatlong video na nasa site, Xena!"Malabo ang paningin ko pero nagawa ko pa siyang tingnan
"What plan? He can't do that to me! Sinisiraan mo siya sa akin dahil gusto mo na magalit ako sa kanya at bumalik siya sa 'yo!"Ang dalawang video ni Lennox na mayroon kasama na ibang babae, baka gawa-gawa niya lang din dahil nababaliw na siya!"Tama ka. Gusto ko na bumalik siya. Pero, totoo na sa simula pa lang niloloko ka na niya."Itinapat niya ang screen ng hawak niya na phone sa mukha ko habang mahigpit ang hawak niya sa braso ko upang hindi ko maitulak ang phone at hindi ako makapalag."Did you see that? You are not his first victim! You are his third! Bago ko pa siya makilala mayroon nang nauna na dalawa sa 'yo!" Tumawa siya nang makita na nakatitig ako sa ipinapakita niya.Dalawang magkaibang babae ang nasa magkasunod na video. Maikli lang iyon. Nakatakip ang mukha ng lalaki habang gumagalaw sa ibabaw ng dalawang magkaiba na babae…katulad nang nasa video ko.Kahit hindi nakikita ang mukha, ang bawat galaw, bawat butil ng pawis, bawat ugat na naglalabasan sa kanyang mga braso at