All Chapters of Pag-ibig Ko'y Sayo Magpakailanman: Chapter 51 - Chapter 60
757 Chapters
Kabanata 52
Matiyagang nangusisa si Sean. “Bigyan mo ako ng dahilan.”"Gusto kong magpakasawa sa init ng pagmamahal, at malugod kong tatanggapin kahit peke lamang ito."Ito ay palaging naging ugat ng aking pagnanasa sa pagkakaroon ng romantikong relasyon.Umunat ang aming mga silweta sa walang hanggang kadiliman sa ilalim ng lamppost habang marahang tinapik ni Sean ang aking noo at ipinahayag niya nang nanghihinayang, “Loka-loka ka, papahalagahan kita nang walang ibang katulad pa kung gusto mo, ngunit patawarin mo sa kadahilanang hindi ako maaaring magkaroon ng romantikong relasyon sa’yo. Nais kong masuklian ang aking pag-ibig, ngunit walang lugar para sa akin sa iyong puso…”Si Sean ang aking parola ng pag-asa, ang inakala kong hindi ako tatanggihan. Gayunpaman, nawala na sa akin ang huli kong pag-asa–tinanggihan niya ako.Humugot siya palapit sa akin at dinaplis ang kanyang labi sa noo ko. "Ang tagal na nating magkakilala. Maaari kitang palayawin, mahalin, i-date, at kahit pakasalan. Pero kaya
Read more
Kabanata 53
May bakas ng kahinaan ang kuminang sa kanyang mga salita.Kasabay nito, dala ng kanyang mga salita ang kawalan ng pag-asa na sumakla sa kanya.Kung ang mga salitang ito ay binitaw sa nakaraang noong mahalaga pa ito, ako ay maaakit.Pinikit ko ang aking mga mata, hindi makagalaw, habang ang aming paligid ay tila nagyelo. Sinira ni Dixon ang katahimikan nang pakawalan niya ako at bumulong, "Anong kwarto ang tinutuluyan mo?"Sumimangot ako. "Mas magiging angkop kung kumuha ka ng sarili mong kwarto."Tumagos ang aking mga salita sa binging mga tainga habang pumasok siya sa hotel. Naghintay ako ng mahabang oras bago ako pumasok at sumakay ng elevator papuntang panglimang palapag. Lumabas ako sa elevator at pumasok sa aking kwarto.Nagmistulang akong patay nang lubos akong mapatigil sa aking mga hakbang. “Paano mo nalaman ang room number ko?”Hindi ko sinabi ang detalyeng ito kay Summer.Pinakawalan ni Dixon ang kanyang kurbata at malamig na tumugon, "Paumanhin kung nadismaya ka, ngunit nana
Read more
Kabanata 54
Tumayo ako at nangutya, "Bakit mo iniisip na tutulungan kita?"Tumayo si Dixon para pagmasdan sa may bintana ang munting mga alon sa ilog. Sumagot siya, na may mapanlinlang at banayad na boses, “Nais mong makahanap ng taong proprotektahan at mamahalin ka, isang responsibilidad na handa akong gawin, habang kailangan kong bawiin ang aking mga alala. Ito’y win-win na sitwasyon kung makakamit natin ito nang magkasama! Caroline, bigyan natin ng pagkakataon ang isa’t-isa.”Ang kanyang mga eksaktong salita na handa siyang gampanan ang mga responsibilidad na protektahan at mahalin ako….Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinangka niya akong mahalin, ngunit nawala siya sa aking mundo pagkatapos lamang ng ilang araw noong unang beses.Nang nagtagpo muli kami, handa siyang ipakulong ang aking kaibigan at walang pakialam sa aking mga pakikiusap.Ginamit ko pa ang aking yumaong sanggol bilang pangsumbat at pagsamo sa kanya. "Dixon, dalawang taon na ang nakalilipas, kinuha mo sa akin ang ana
Read more
Kabanata 55
Maulap ang kalangitan na may mga patak ng ambon habang ang katubigan sa ilog ay dumadaloy sa ilalim ng kalat-kalat ng ulan. Nakakatakot na ipinapaalala ng Tong City ang Wu City, kung saan ang pagbagsak ng niyebe at pag-ulan ay sagana at ang himpapawid ay medyo mahamog.Sinabi sa’kin ni Dixon, “Caroline, sinasabi mong mahal mo si Lance.”“Oo, mahal ko si Lance, kaya ang clinginess mo ay medyo nakakaabala.”Tapos pinayuhan niya ako. "Manahimik ka, Caroline."Nakangisi kong sinabi, "Bakit? Hindi ko ba pwedeng banggitin si Lance? Hindi ko ba maaring ipahayag ang aking pag-ibig para sa kanya? Ang pamilyang Gregg ay nakaabot sa kasalukuyang katayuan nito gamit ang pamilyang Shaw bilang stepping stone, kaya sa palagay mo kanino ka may utang na loob? Nakuha mo ang gusto mo dahil ikaw ay nandaya. Sinira at isinantabi mo ang pag-ibig na hindi naman para sa’yo, kaya anong karapatan mong pumunta dito at sabihin na muling pakasalan kita?"Masyado akong nakatutok sa pagtataboy ng isang abala tulad n
Read more
Kabanata 56
Nais kong siya ay agad na mawala sa aking mundo.Naloko ako at walang kamalay-malay na si Dixon ay nagkukunwari lamang. Naalala niya ang aming nakaraan, at ang gatong ng pagmamahal na meron siya para sa akin ay nanatili.Ang kanyang pag-iinarte ay paraan niya upang kilalanin ako mula sa ibang pananaw.Ano ang naging reaksyon ko?!Pinaratangan ko siya bilang mandaraya.Tinanggihan ko ang kanyang halaga.Tinatahak niya ang parehong mga yapak ko, tinatago ang kanyang umaanod na mga emosyon para ipakita ang kalmado at buong harap habang nagpupumilit siyang lumapit sa taong mahal niya. Ang mga salita ng pagtanggi ay babaon nang mas malalim pa sa kutsilyo sa bawat oras, ngunit hinidi niya matiis na lumayo.Buo ang resolba ni Dixon, ang kanyang pag-ibig na ay hindi matitinag.…Tumangging umalis si Dixon, kaya kinaladkad ko ang suitcase ko at paalis na sana upang tahakin ang ulan ngunit hinawakan niya ang aking braso at magaang sinabing, “Dito ka lang, ako ang aalis.”Tulan ng pinangako, umal
Read more
Kabanata 57
Sa video, sumasayaw ako habang hinahalikan si Sean. Wala akong ideya kung sino ang kumuha nito, pero halatang meron itong negatibong epekto sa pamilyang Shaw. Mukhang kinakailangan kong gumawa ng pahayag na si Sean ang bago kong dine-date upang manahimik ang issue na ito.Ito lamang ang katanggap-tanggap na eksplanasyon para sa mga tao sa online.Nakaramdam ako ng kaunting inip at pagod. Hindi man ako naging artista, ngunit ang lahat ay nararamdaman na maaari nilang pagtsismisan ang tungkol sa personal kong buhay dahil lamang sa pinagmulan ng aking pamilya. Ang balita ng aking divorce ay naging isa din sa mga nauusong paksa sa online.Gayunpaman, wala akong masyadong pakialam sa kung paano makakaapekto ang video na ito sa aking pamilya. Sa halip, pinanood ko ito nang paulit-ulit, naaaliw sa hitsura naming dalawa ni Sean. Si Sean ay kadalasang mukhang mahigpit, ngunit sumayaw siya na parang walang bukas. Nakatutuwa na bahagya siyang napintasan sa video na ito. Hinulaan ko lang na baka d
Read more
Kabanata 58
"Anong dapat kong gawin sa kanya?" naguguluhan kong tanong."Sa palagay ko, nanatili siya para makausap ka."Sa paghusga mula sa hitsura ng mukha ni Jennifer Yale, sigurado ako na hindi mabuti ang kanyang intensyon.Humarap ako sa kanya at ngumisi. "Ilang taon ka na ba? 40 ka na no?"Mukha siyang labis na nasaktan, namumutla dahil sa galit. "Ang kapal ng mukha mo!"Nararamdaman kong nakakabagot na makitungo sa kanya, kaya sinabi ko sa aking assistant, "Halika na."Hindi ako nagpapanggap na rerespetuhin ko ang sinumang katulad niya. Simple lang na hindi ito nararapat para sa kanila.Nang makita niya na malapit na akong umalis, lumapit siya upang pigilan ako. Gayunpaman, pinigilan siya ng aking assistant sa paglapit. Kinuha ko sa kanya ang mga susi at dumiretso sa parking lot.Sa lalong madaling panahon, natagpuan ko ang aking Rolls-Royce. Ito ay napakadaling kilalanin na kotse kumpara sa iba. Hindi ko kailanman ipinagdadamot ang aking sarili. Palagi kong pinipili ang pinakainam pagdatin
Read more
Kabanata 59
Alam ni Loraine na nagkaroon ako ng kumplikadong relasyon sa lalaking minamahal niya. Gayunpaman, gumawa pa rin siya ng pagkukusang lapitan ako. Nasaktan ko siya sa mga tanong kong mapangusisa, ngunit siya ay palakaibigan at mabait pa rin sa’kin.Pinaramdam sa akin ng reaksyon niya na mali ang pagtrato ko sa kanya.Sana pinigilan ko na lang ang sarili ko na tanungin ang mga bagay na iyon...Binago ko ang usapin. “Kumain na tayo.”Hindi apektado si Loraine sa nakakahiyang sitwasyon na idinulot ko. Ang dami niyang in-order at sinabing, “Matagal na simula noong huli akong nilibre ni Ate Summer ng hapunan. Pagsasamantalahin ko na ang pagkakataon ko ngayong gabi. Maariba akong kumuha ng alak?”Ngumiti si Summer at sinabing, “Ikaw bahala. Si Carol na lang pababayarin ko ‘pag nagkulang ang pera ko. Siya naman ang mayaman dito.”Sinabi ko nang nakangiti, “Pero akala ko libre mo ‘to.”“Manghihiram lang ako ng pera sa’yo. Hindi naman parang hindi na kita babayaran, no.”Mukhang kaswal si Summer
Read more
Kabanata 60
Sa totoo lang, wala talaga akong ideya kung bakit kinansela nila ang kontrata…Pagkatapos ng isang sandaling katahimikan, sinabi ng assisant ko, "May sabi-sabi na si Wendy Yale na ang gumagawa ng lahat ng desisyon ngayon."“Ibig mo bang sabihin na siya na ang namumuno sa pamilyang Yale?” sumimangot ako.Umiling siya. "Hindi, pero may edad na si President Yale at si Wendy Yale ay nag-iisang anak ng pamilya. Kahit na hindi pa siya pumalit, tiyak na mangyayari rin naman ito sa huli."“Desisyon ba niya na palitan tayo ng pamilya Connor?" Nag-isip ako sandali at sinabi, "Kung sakali, malamang mananaig ang kanyang desisyon. Hindi niya tayo masyadong kilala, at ang pamilyang Connor ay suportado ng pamilyang Gregg. Ang dalagang tulad niya ay maaaring madaling maimpluwensyahan ng iba.”Meron lamang ilang mga kilalang pamilya sa Wu City. Nang ipinahiwatig ni Dixon ang kanyang sarili bilang pabor sa pamilyang Connor, madaling mapaniwala si Wendy. Hindi man lang siya nangamba sa posibilidad na put
Read more
Kabanata 61
“Street Where Wind Resides”–Sa totoo lang, ang hangin ay hindi kailanman nanirahan dito o kahit nanatili man lang. Dumaan lang ito noong pareho pa kaming bata. Tinangay nito ang oras ng aming kabataan. Umalis ka ng ganoon-ganoon lang kasunod ng hangin, habang ako ay patuloy na naghihintay doon, ngunit naglaho na pala ang hangin.Siyam na taon akong naghintay. Ang panahon ng pagkadalaga at ang pagibig na pinaniwalaan ko ay biro na lang lahat ngayon.Maling tao ang minahal ko. Ang buong buhay ko ay ganap na biro.May pamilyar na tono ang tumunog sa aking mga tenga, iniikutan ako na para bang nananaginip ako. Bumuntong-hininga ako at tumayo.Sa sandaling tumayo ako, tumigil ang musika. Dumaan ang mga mata ng lalaki sa maraming tao tapos napunta ito sa’kin. Malinaw ang mga mata na ‘yon. Kahit papaano, talagang nakita ko ang awa na binanggit ni Dixon sa pares ng kanyang mga mata.Kalmado akong ngumiti. Sa sandaling ‘yon, tinitigan ako nang may bahid nang pag-aalinlangan nina Summer at Lora
Read more
PREV
1
...
45678
...
76
DMCA.com Protection Status