Lahat ng Kabanata ng Pag-ibig Ko'y Sayo Magpakailanman: Kabanata 41 - Kabanata 50
757 Kabanata
Kabanata 41
Bakit pakiramdam ko na sinusubukan ni Dixon na manghingi ng pabor sa’kin?Inalis ko ang kamay ko sa kanya at umupo ulit sa kama. Sa sandaling ito, ang aking phone ay tumunog. Si Henry ang nagpapadala sa akin ng mensahe.“Kailangan mo ba ng tulong?” tanong niya.Nalaman niya siguro ang pagpunta ko sa istasyon ng pulisya…Mabilis akong sumagot, “Hindi na kailangan.”May kakayahan pa rin akong labanan si Gwen Worth.Nakikita ko mula sa screen ng aking phone na natanggal na ang makeup ko.Ang aking maputla, pinong, at may peklat na mukha ay lumitaw sa harap ko.Nahihiya akong tumingin sa kanya at tinanong, “Tinanggal mo ba ang makeup ko?”Lumapit si Dixon at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong ang mga daliri niya sa’kin, sinabi nang marahan sa mahinang at malalim na tono, "Oo, nag-aalala ako na hindi ka maging kumportable habang natutulog ka."Labis akong hindi nasiyahan sa mga kilos niya. Inalis ko ang aking kamay mula sa kanya at binalaan siya, "Ayoko ng mga taong
Magbasa pa
Kabanata 42
"Dalawang buwan na ang nakakaraan, sa araw ng iyong libing."Hindi ko naisipang kalabanin si Dixon para sa anumang dahilan nang bumalik ako sa Wu City. Gayunpaman, ginagamit niya ang Shaw Corporations upang atakehin ang mga Cook... Alam niya na hindi ko papayagan ang mga Cook at mga Shaw na kalabanin ang isa’t isa at natitiyak niya na babawiin ko ang Shaw Corporations. Inaasahan niya ito at sadyang hindi kinuha ang dokumento na sumasang-ayon sa share transfer. Mukhang sadyang ibinalik niya sa akin ang Shaw Corporations.Matagal nang ninanais ng mga Gregg ang Shaw Corporations. Maabot na nila sana ito, ngunit sinusukuan na nila ngayon.Ano nga ba ang dahilan ni Dixon para gawin ito?!Matagal ko itong pinag-isipan ngunit hindi ko ito maintindihan. Umiling ako, tumangging isipin ang tungkol sa nakakabahalang bagay na ito. Kinuha ko ang aking mga susi at bumaba ng kotse, bumalik sa villa. Pagdating ko sa sala, nakita ko ang beige na scarf na naiwan ko sa sofa kagabi.Ilang buwan na ang nak
Magbasa pa
Kabanata 43
Nang maabot ko ang pintuan, nagpalit ako ng isang pares ng puting kaswal na sapatos at kinuha ang aking mga susi sa garahe. Pumili ako ng isang hindi kapansin-pansin na itim na sports car at nagmaneho papunta sa opisina. Pagdating ko doon, nakita ko ang aking assistant na naghihintay sa akin sa ibaba.Inabot ko sa kanya ang aking mga susi ng kotse at tinanong, "Naasikaso mo na ba ‘yong kay Gwen?"Kinuha niya ang aking mga susi at tumango, sinasabing, "Naasikaso ko na ang mga bagay sa istasyon ng pulisya. Ngunit... President Shaw, meron isang video sa online na kumakalat na parang apoy na dapat mong makita."Inabot niya sa akin ang phone. Sinilip ko lang ito bago ibinalik sa kanya.Masungit kong sinabi, "Itong maliliit na pakulo lang ang alam niya."Ang video ay kinunan nang hinawakan ko ang mga braso ni Gwen kagabi.Ang nangyari rito, binitawan ko siya at sinadya niyang ihulog ang kanyang sarili sa lupa.Mula sa anggulo na ito, mukhang sinaktan ko siya.Tama ako kagabi na may taong tum
Magbasa pa
Kabanata 44
Tumalikod ako, lumakad, sinalubong ang banayad na titig ng lalaki. Nang tumingin ako nang malalim sa kanyang mga mata, nakikita ko ang mga ito ay sobrang lamig at madistansya din.Tama si Dixon, pareho silang malamig at madistansyang lalaki.Nagbitiw ako ng sumasang-ayon na boses at sinabing, "Kakatapos ko lang kumain."Ngumiti si Loraine at sinabi, "Kung alam ko lang na nandito ka, sana sabay na tayo kumain."Binuka ko ang aking mga labi at ipinaliwanag, sinasabing, "Katatapos ko lang ng ilang trabaho sa opisina. Hindi ko sinasadyang takasan ka."Gusto ko na siyang takasan ngayon pero ito na ata ang pinakanakakahiyang pagkakataon simula noong una naming pagkikita. Sa totoo lang, hindi ko nais na takasan siya, pero hindi ko lang talaga alam kung paano harapin si Lance.Biglang hinawakan ni Loraine ang aking braso at pinuri ako, sinasabing, "Ate Caroline, ang ganda mo talaga. Mukha ka talagang dalaga sa makeup mong bituin. Ilang taon ka na, Ate Caroline?"Sa pagbanggit ni Loraine na mag
Magbasa pa
Kabanata 45
Nakikita ko ang tuwid at malungkot na likuran ni Lance mula sa rearview mirror. Pinikit ko ang aking mga mata at ibinulong sa aking sarili, “Kahit na hindi na mabuti ang kalusugan ko, wala ka sa lugar para maawa ka sa’kin.”Kahit sino ay maaring maawa sa’kin maliban sa kanya!At nandiyan pa si Dixon!Gabing-gabi na pagkabalik ko sa Shaw villa. Naligo ako at umupo sa kama, binabasa ang headlines ng mga chismis sa aking phone.Agad kong nakita ang video na inilagay ng Shaw Corporations sa official website. Ang mensaheng nakalagay sa ilalim ay, “Nasaktan ko na siya. Kailangan ko pa ba ng dahilan?”Ito ang unang pagkakataong hindi ako nagpaliwanag at deretsehang tumugon sa mga ganitong klaseng bagay sa aking buhay. Ang pag-uugali ko ay napakatatag.Pinindot ko ang parehong video na tahimik na ni-repost ng mga Cook. Iniligay rin nila ang parehong komentong sinabi ko.Ganito rin ang ginawa ng ilang maliliit na korporasyon.Dahil inihayag na ng mga Shaw at mga Cook ang kanilang mga pananaw sa
Magbasa pa
Kabanata 46
Gayunpaman, pinakita rin niya na may malasakit siya para sa akin.Ang taong ito ay maaaring maituring na isang mabuting tao.Kung sana hindi lang ako nagkamali noon, kung si Lance ang napangasawa ko at nakilala ko ang isang mapagmalasakit na biyenan...Naging masaya sana ang kasal ko.Nakakahinayang na ang daming ‘kung sana’.“Ayos lang. Matatapos din ‘to.”Laging malakas ang loob ko at bihira ko lang ipakita ang kahinaan ko. Mukhang naintindihan ito ni Director Gregg sapagkat hindi na muli siya nagtanong tungkol sa nasabing insidente. Bumuntong-hininga siya at binago ang usapin, “Nagpakonsulta sa psychiatrist si Dixon ngayon.”Tinanong ko bigla, “Ano?”“Tinanong ko ang doktor nang pribado. Ang kanyang kundisyon ngayon ay medyo hindi maayos. Paano ko ba ito sasabihin? Wala ka sa mga alaala niya ngunit sinasabi ng lahat sa kanya na ang kanyang nakaraan ay puno ng mga alaalang kasama ka.. Siya ay takot na takot at ninanais na mabawi ang kanyang mga alaala. Gayunpaman, hindi siya makahana
Magbasa pa
Kabanata 47 & 48
Mabilis akong bumangon at sinuot ang aking pajamas. Tumayo ako sa may kama at tinitigan ang lalaki na mukhang kalmado. Si Dixon lamang ang maaaring gumawa ng ganitong klaseng walang kahihiyan.Hinding-hindi ito magagawa ni Lance.Kumunot ang kanyang noo at tinanong, “Hindi ba ako welcome dito?”Ang kanyang tono ay para bang dapat bukas-palad ko siyang sinalubong.Pinilit kong tinaboy ang pagkamuhing naramdaman ko at huminga nang malalim. Tapos, tinanong ko siya, “Hindi ba’t nakalimutan mo na ako? Bakit naaalala mo pa ang passcode sa bahay ko?”Bumangon si Dixon at lumakad papunta sa akin. Umatras ako at sinabing, “Sabihin mo.”Tumayo nang tuwid si Dixon at sinabing, “Maalam ako sa mga numero. Hindi ko basta-basta nalilimutan sa oras na malaman ko ang mga ito. Bukod dito, ikaw lang ang hindi ko maalala, hindi ang iyong passcode. At 1227 ang kaarawan ng kapatid kong si Lance.”Parang wala siyang pakialam pagkabanggit niya kay Lance. Hindi ako nasiyahan at sinabing, “Wag ka maghinuha. Wal
Magbasa pa
Kabanata 49
“Hindi na kita gusto.”Matapos kong ipadala ang mensahe, pakiramdam ko parang pinalaya ako. Ayoko nang isipin ang mga magugulong bagay o kaya ikulong ang aking sarili sa nakaraan. Gusto ko maghanap ng pwedeng i-date pansamantala.Hindi na mahalaga kung naaawa lang siya sa’kin.Hangga’t pinapahalagahan niya ako at hangga't ipiniparamdam niya sa akin ang pag-ibig, wala nang iba pang mahalaga.Itinabi ko ang aking phone at naglibot sa lumang bayan hanggang sa pagsapit ng gabi. Medyo malayo sa kabihasnan ang bayang ito, kaya sobrang dilim kapag gabi. Kaunting tao lamang ang nasa kalye at medyo nakakatakot maglakad nang mag-isa.Nagmadali akong pumara ng taxi at umalis. Tinawagan ako ni Sean habang nasa biyahe.Marahan niya akong tinanong, “Nasaan ka, darling?”Kahit na hindi kami madalas mag-usap ni Sean, siya ay isang lalaking alam kung paano pasiyahin ang isang babae. Noong magkasama pa kami, pinaramdam niya sa akin na kaya niya akong alagaan. Ito ang dahilan kung bakit siya ang aking un
Magbasa pa
Kabanata 50
Ipinagbuksan ako ng pintuan ng kotse ni Sean. Umupo ako at tinanong, “Saan tayo pupunta?”Ngumiti siya at sinabing, “Hulaan mo.”Nagkibit-balikat ako at tinanong siya, "Paano ko naman mahuhulaan?"Sinara ni Sean ang pinto at naglakad papunta sa upuan ng drayber. Tapos, yumuko siya papunta sa akin at tinulungan akong ilagay ang aking seatbelt. Bigla siyang bumuntong hininga at sinabing, “Tinakot ng Dad ko ang isa sa mga babae ko kamakailan lang.”Binigyang-diin ko ang katotohanan, “Hindi mo pa rin naman papakasalan ang babaeng iyon kahit hindi siya tinakot ng Dad mo.”Si Sean ay hindi nagkulang sa kababaihan at malumanay niyang tinarato ang lahat. Gayunpaman, siya rin ang pinakamalamig at pinakamalupit. Sinumang ikasal sa kanya ay mabilis na maisasantabi kahit na sobrang lambing nila isang sigundo ang nakakalipas.Kumunot ang noo ni Sean at tinanong ako, “Anong punto ng pagpapakasal?”Sumagot ako sa kanya nang di namamalayan, “Makabuluhan ang makapagsimula ng sariling pamilya…”Sumulyap
Magbasa pa
Kabanata 51
Magaan, magaan ang kanyang halik.Gulat na tinitigan ko siya at nais kong tanungin kung handa ba siyang i-date ako, pahalagahan ako, at mahalin ako.Siyempre, sa huli, maari niya rin akong tratuhin kung paano niya tinatrato ang ibang mga babae at iwan ako anumang oras.Gayunpaman, sa sandaling tatanungin ko na dapat siya, lumalim ang kanyang paghalik. Natagpuan niya ang isang piraso ng naaanod na kahoy na maaari niyang ihinto pansamantala sa malawak na karagatang ito.Bigla niya akong binitawan at tinitigan ako na parang seductive spirit. Ang kanyang mga mata’y nagliliyab sa apoy. Tumingin ako sa kanya at tumawa. Hinawakan niya ang mukha ko at tinanong ako, "Anong lasa ng alkohol?"Ngumiti ako at sinabi sa kanya, “Hindi naman parang hindi pa ako nakakainom ng alak.”Ngumiti si Sean at walang sinabi. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ko at inakay ako palabas ng bar.Nakita niya kung gaano ako hindi mapakali sa sasakyan. Sinimulan niya ang makina at sinabi nang nakangiti, "Tignan mo,
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
76
DMCA.com Protection Status