All Chapters of Can I be Him?: Chapter 21 - Chapter 30
76 Chapters
Chapter 8.2
CHAPTER 8.2 “SO, it was really Ridge who gave your number to me, isn’t he?” Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Gian nang mapansin niya ang pagkadismaya sa boses ni Lyle. Sabi na nga ba, e. Kaya ayaw niyang sabihin dito na kay Ridge galing ang kalokohan, alam niya kasing malulungkot ang binata. Ayaw pa naman niyang ganoon dahil mabait itong si Lyle. Kaya ito siya ngayon, pilit na itinatago ang hiyang nadarama sa pamamagitan ng pag-aktong malakas. Ikinasisiya niya pa ang katotohanang hindi naman siya nakikita ni Lyle kung kaya malakas ang loob niyang umarte—hindi nito makikita na maging siya rin e nadidismaya. Gusto ni Lyle si Ridge, kaya sino ba ang hindi madidismaya kung iyong taong gusto mo, isi-set up ka sa iba? He, too, would feel upset if this also happened to him. Alas diyes na noon ng gabi at magkatawagan na lamang sila ngayon ni Lyle. Hindi na mabilang ni Gian kung gaan
Read more
Chapter 8.3
CHAPTER 8.3NOONG oras na matapos ang pag-uusap nilang dalawa ni Gian, bumagsak ang mga balikat ni Lyle. Gusto niyang matawa na ewan sa mga ganap sa buhay niya. Parang pinipiga ang puso niya bagamat ilang oras na ang lumipas mula noong makumpirma niyang si Ridge nga ang nag-set up sa kanilang dalawa ng binata. Sa totoo lang, lalong kumikirot ang dibdib niya sa tuwing maririnig ang boses ni Gian.Wala itong kasalanan, oo, pero hindi niya maiwasang masaktan lalo na at itinago rin nito ang katotohanan sa kanya. Kahit pa na siya lang din ang iniisip nito kaya ayaw nitong ipaalam ang totoo, medyo sumama ang loob niya kay Gian.Isang marahas na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Lyle bago niya dinala ang mga mata sa sketchbook. Ang dami niyang pending designs. Ni isa, wala siyang matapos-tapos. Kanina pa niya ito sinusubukang ayusin, e. Noong mga oras na magkausap sila ni Gian, sinusubukan niyang ibaling ang atensyon sa
Read more
Chapter 9.1
CHAPTER 9.1DAHIL nakapaglabas ng sama ng loob kay Keegan kagabi, kahit paano e pumasok ng trabaho si Lyle na magaan ang loob. Hindi na tulad kagabi na halos hindi niya maituon ang atensyon sa trabaho, ngayon e kahit paano, ganado siyang tapusin ang mga naiwang sketches na kagabi ay pinagkakatulalaan niya na lang."Sabi mo kagabi, pupunta ka na naman sa café no'ng kaibigan ni Ridge. Napapadalas ka ro'n, a."Natigilan si Lyle mula sa pag-eeksamina ng mga damit nang marinig ang pagpuna sa kanya ng kaibigang si Keegan. Binisita siya nito ngayon sa trabaho dahil naka-vacation leave ito sa gym. Pagod din daw ito sa trabaho kagabi ngunit ayaw na mabagot kaya siya kaagad ang unang pinuntahan. Aalis din daw ito bukas at may dadaluhang event sa Manila, hindi niya alam kung para saan pero ang sabi ni Keegan, para raw iyon sa mga katulad niya na mahilig sa anime at laro."Oo nga pala, binisita mo ako," natatawa niyang sabi dahil nakalimutan niya talaga ang presensya
Read more
Chapter 9.2
CHAPTER 9.2 NAKANGIWING pinagmasdan ni Lyle si Keegan, hindi makapaniwala sa kapal ng mukha nitong umarteng close rin sila ni Gian. Hindi ba nito nakikitang natatakot sa kanya iyong isa? Mas malaki si Gian in terms of height pero kung usapang katawan e mas malaman ng kaunti kaysa rito si Keegan. Paniguradong ang iniisip noong isa e baka itapon siya nitong si Keegan na puro yabang lang din ang alam. "Anong itatanong? Tumigil ka nga. Para kang mambubugbog sa itsura mo." "Sa hirap ng buhay ko, tingin mo ba talaga e afford kong makulong? May itatanong lang ako sa kaibigan mo. Harmless iyon!" Imbes na pansinin ang kaibigan, hinarap ni Lyle si Gian at alanganin itong nginitian. It was an apologetic smile and the taller male seemed to have caught on, which is why he received a quick nod from the other. Naawa si Lyle sa binata noong oras na mapansin niyang sapo ni Gian ang dibdib. Lihim din siyang bumuntong hininga—ewan niya pero sa pakiramdam ni Lyle, mayroo
Read more
Chapter 9.3
CHAPTER 9.3"Anong sinabi mo kay Gian?" Galit niyang tanong sa binata.Napangiwi ang kaibigan bago nito tinapik-tapik ng daliri ang lamesa. Umiwas ito ng tingin at ngumuso ngunit nanatiling tikom ang bibig, wala ni isang salita ang lumalabas upang ipaliwanag kung ano ba ang nangyari noong wala siya."Tinakot mo ba si Gian? Sinabi ko naman sa 'yong mahiyain 'yon."Lalong humaba ang pagkakanguso ng binata. "Anong tinatakot ang sinasabi mo? Ako ang natakot sa sama ng tingin niya sa 'kin kanina!"Napaismid si Lyle bago ipinagkrus ang mga braso. Kung talagang ginawa iyon ni Gian kay Keegan, edi maganda. Deserba nitong kabarkada niyang masungitan at iba ang tabas ng dila nito. Baka mamaya, noong wala siya e may nabanggit na hindi kaaya-aya roon kay Gian kaya umalis na nakabusangot at hindi natutuwa."Ba't parang ayaw mong maniwala?""Ako? Naniniwala akong tinign
Read more
Chapter 10.1
CHAPTER 10.1HINDI maalala ni Lyle kung kailan ba niya naging kaibigan sa Facebook ang dating captain ng basketball team. Hindi iyong si Zachariel Chastain ang tinutukoy niya, kung hindi iyong captain nila bago naipasa ang posisyon kay Zachariel. Hindi naman sila malapit sa isa't isa noong dati nilang captain, kaya nga nakakapagtakang nang buksan niya ang messenger, naroon ang pangalan nito na siyang ikinagulat niya.Alexander Cruz:Lyle, uy! Balita ko nasa Pinas kana ulit?Ilang beses niyang pinasadahan ng tingin ang mensahe nito. Binabasa iyon at baka mamaya, may hidden message, mahirap na. Paulit-ulit din siyang nakikiramdam. Inaalala nga niya kung mayroon ba siyang atraso sa isang ito noon, e. Hindi naman din sa hindi siya marunong magpautang pero malinaw sa isipan niyang isa ito sa mga nakisama sa pangungutya sa kanya. Porket sayang daw ang talento niya sa pagba-basketball dahil sa pag-amin niya tungk
Read more
Chapter 10.2
CHAPTER 10.2MABILIS na lumipad ang mga mata niya sa hindi kalayuan ng court, hinahanap ang nagma-may ari ng boses na pumukaw ng atensyon nilang lahat. Noong mahanap na, roon niya napagtantong palapit na rin pala si Alexander sa direksyon niya, ito ang dati nilang kapitan sa basketball noong high school—iyong captain nila bago naipasa ang posisyon kay Zachariel.Habang pinanonood itong lumapit, hindi nakatakas sa mga mata ni Lyle ang isa pang pigura na nakasunod sa likuran ni Alexander ngunit hindi siya nag-abalang pinagtuunan ng pansin. May kung ano kasi siyang nararamdaman na masamang balita na nakadikit sa taong iyon bagamat hindi niya kinikilala."Kanina ka pa dumating?" Tanong ng dati nilang kapitan bago tumigil sa harap niya at pinunasan ang pawis na nasa noo nito.Pagak na tumawa si Lyle bago umiling. "'Di naman. Halos kararating ko lang din.""Ah, buti naman. Pasensya na, nagsimula na kami. Pampainit ba."Ayos lamang sa kanya. Huli n
Read more
Chapter 10.3
CHAPTER 10.3HINDI maalis ang mga mata ni Gian sa direksyon nina Zachariel, Leon, at Lyle. Paano ba naman kasi, bigla siyang nagsisi na ka-team niya ang maloloko niyang barkada. Dapat nag-shuffle sila, e! Kaso ang nangyari sa pag-a-arrange ng team, siya at si Lyle lang talaga ang nag-switch. Kabado bente tuloy siya at baka may masabing hindi makatotohanan itong mga kaibigan niya. Babatukan niya sila!'Ano kayang pinag-uusapan nila?' Iyan ang tanong niya sa sarili dahil bigla na lamang humina ang boses ni Zachariel noong oras na lapitan nito si Lyle. Sa mga ganyan siya kinakabahan, e. Para kasing mayroong ibinubulong ang demonyo rito kay Lyle, kampon pa naman ni Satanas iyang si Zachariel. 'Sana naman, walang nasasabi na 'di maganda sina Leon?'Nakaramdam ng pagkauhaw si Gian nang maisip na baka ang pinag-uusapan nina Zachariel na may gusto siya kay Lyle kahit na wala naman. Kinuha niya ang tumblr niya na nakalapag sa semento at binuksan iyon nang makainom. Nag-a
Read more
Chapter 11.1
CHAPTER 11.1 ILANG oras na ang lumipas magmula nang magsimula silang maglaro ng basketball, damang-dama ni Lyle ang pagkabuhay ng dugo at diwa. Hindi masukat ang tuwang nararamdaman niya. Hindi siya sigurado kung dahil ba na-miss niyang maglaro ng basketball, dahil masayang kalaro ang mga kasama niya sa kabila ng pag-alis ni Henry, o dahil kaharap niya ngayon si Gian. Hindi imposibleng ang binata ang susi sa mga katanungan niya. Kung bakit nabuhay muli ang nahihimlay na manlalaro sa kalooban niya. Akala niya, matagal na iyong namatay pero ito iyon ngayon at bigla na lamang hinukay ang sarili mula sa libingan. Si Lyle ang may hawak ng bola ngayon. Maingat niya iyong idini-dribble, sinisigurong walang makakakuha noon mula sa mga kamay niya, walang balak na magbukas ng kakaramput na oportunidad upang maagaw sa kanya iyon, siya rin ang drayber tadhana nilang lima ngayon. Si Gian ang point guard niya. Saman
Read more
Chapter 11.2
CHAPTER 11.2 NAMUTAWI ang katahimikan sa pagitan nila ang lumabas sa bibig ni Lyle ang sagot na tila hindi inaasahan ni Gian na marinig mula sa mga labi nito. Tanging pag-ihip lamang ng banayad na hangin ang naririnig, maging ang pagtilaok ng mga tandang sa parkeng malapit sa kanila. Sa hindi rin kalayuan, naririnig nila ang malayong pag-ulyaw ng mga kaibigan. Palibhasa, iilang hakbang lang ang tindahang tinutukoy ng mga ito at tanaw naman iyon mula sa kinapupwestuhan nila ni Gian. Nabasag lamang ang katahimikan noong tumikhim ang binata. "Saka, magiging okay lang naman sina Ridge at Zamiel. Magbabati rin sila kaagad. 'Nga pala, pagtapos ba nating magmiryenda, uuwi ka na ba?" Kumunot ang noo ni Lyle habang tinititigan ang noo'y muli na namang mahiyaing si Gian. Kanina, ayos naman ito pero ngayon e muli na namang nauutal. Halos daigin din nito ang kamatis sa labis na pamumula ng mga pisngi. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya bagamat nag-aalala kay
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status