Sa pagpasok sa BISU, hindi inaasahan nina Ashley at Zanjoe ang eksenang bubungad sa kanila. Sa may gate pa lamang, nagsisiksikan na ang ilang press people, may dala-dalang cameras at boom mic habang ang iba'y hawak ang cellphone at mukhang naka-live stream. Sa kabila ng araw, tila may bagyong paparating sa dami ng taong nagnanais lang makuha ang kanyang pahayag.“Ayan siya! Si Ashley Quintin!”“Ms. Ashley, ano po ang totoo? Totoo po bang sinugod ninyo si Kristel Almabis?”“Ms. Quintin, is it true na obsessed ka kay Hugh?”Puno ng ingay ang paligid, at ramdam ni Ashley ang muling pagbilis ng tibok ng puso niya. Napalapit siya kay Zanjoe na tila awtomatikong iniakma ang katawan sa pagtatanggol sa kanya. Agad nitong pinihit ang manibela.“Gate 2 tayo,” ani Zan, nanatiling kalmado ngunit bakas ang pangamba sa mga mata.Pero pagdating nila sa Gate 2, nandoon na rin ang media. May mga nagpapalipad pa ng drone sa itaas, sinisigurong kahit saan siya dumaan, walang ligtas.“Ash.. you better go.
 Last Updated : 2021-05-27
Last Updated : 2021-05-27