All Chapters of SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog): Chapter 31 - Chapter 40
63 Chapters
CHAPTER 31: REVELATIONS
SHILOAH HANS’S POINT OF VIEW, Ito ang kinatatakot ko noong una pa lang na nakita ko si Historia, ang tanungin niya ako tungkol sa Kuya niya. Kilala ko siya dahil na rin kay Angelo, lagi siyang bukambibig ng kaniyang Kuya.Nakatitig lang ako sa napakalinaw na batis habang nakaupo sa isang bato habang katabi ang tahimik din na si Historia.“Ano ba ang nais mong malaman?” pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa.“Alam kong malapit ka sa Kuya Angelo ko,” paninimula niya. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil inaasahan ko na ito. Tama nga ang hula ko, tungkol ito kay Angelo.“Magkaibigan kami simula pagka—, ehem. I mean simula noong maging magkaklase kami noong first year pa lang kami.” Halos masuntok ko ang sarili ko sa pagiging hindi maingat sa mga salita ko.“Kung ganoon ay kilalang kilala mo na ang Kuya ko?” tanong niya sa akin. Tumango ako sa kaniya.“Lahat n
Read more
CHAPTER 32: CONFESSION
HISTORIA’S POINT OF VIEW, “Maraming salamat,” saad ko kay Gavin. “Aasahan kita Historia,” sagot niya sa akin gamit ang malalim nitong  boses at hinawi ang mga hibla ng buhok ko na nasa mukha ko.“Pinangako mong gagabayan mo ako,” malumanay kong saad sa kaniya.Kahit hindi ko makita ang buong mukha niya ay halata mong nakangiti siya dahil sa mga mata niya.“Aalis na ako, mag-iingat ka. Nandiyan lang ako sa paligid at ginagabayan ka,” muli niyang sagot. Niyakap niya ako at sandali lamang ay naglaho na siya sa harapan ko.“Kakaiba ang boses mo pagdating sa kaniya.” Napaigtad ako nang may magsalita sa likuran ko. Nandirito ako ngayon sa harapan ng dormitory naming mga babae. Dito ako hinatid ni Gavin gaya ng napag-usapan namin.“Anong ibig mong sabihin?” seryoso kong tanong sa kaniya.“Naiinis ako sa tono ng panan
Read more
CHAPTER 33: POEMS
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Dahan-dahan akong lumapit sa lamesa upang kumpirmahin ang hinala ko.“Historia?” patanong na tawag ni Kuya Shiloah sa pangalan ko pero hindi ko ito pinansin at tinuon lang ang pansin sa lamesa.Nang makalapit na ako roon ay sumalubong sa aking mga mata ang nakahelerang papel at ang mga libro na tungkol lahat sa Baybayin.“A-Ano iyang mga iyan?” nagtatakang tanong ni Kuya Shiloah.“Simula ba nang umalis si Kuya Angelo ay wala nang pumasok sa kwartong ito?” tanong ko sa kaniya.“Simula nang mawala si Kuya mo ay inanunsyo na ni Head Mistress Iris na isarado at huwag na huwag gagalawin ang kwarto ni Angelo. Ang binigay na dahilan sa amin ng Head Mistress kung bakit hindi na bumalik si Angelo ay dahil nakauwi na ito sa inyo. Kailangan daw si Angelo ng mga Snape dahil may malaking problemang kinahaharap ang pamilya ninyo,” mahabang paliwanag ni Kuya Shiloah.
Read more
CHAPTER 34: DARK EYES
HISTORIA'S POINT OF VIEW,Naglalakad ako sa Corridor ngayon patungo sa classroom namin, suot-suot ko ang uniform namin sa Mentor Club. Ito raw ang magiging uniform namin habang nasa Mentor Club pa kami. Habang naglalakad ako sa Corridor ay pinagtitingan ako ng mga nadaraanan kong mga kapwa ko estudyante.“Siya iyong rank five, hindi ba? Nalaman ko rin na kapatid siya ni Angelo,” narinig kong saad ng isang babae na nadaanan ko.“Halata naman sa apelyido niya, girl. Kaya pala sobrang close niya kina Levi, dahil siguro sa kaibigan ng Kuya niya ang mga officers,” sagot naman ng kausap niya.Pumikit ako ako nang mariin at saka nagmulat ng mga mata at nagpatuloy lang sa paglalakad, hindi sila tinapunan ng tingin. “Uy pre! Si Historia!” sambit naman ng tinig ng isang lalaki.“Ang ganda niya talaga, pre. Sana sa section natin siya mapadpad. Kung magiging mentor ko siya ay baka pwede na ako
Read more
CHAPTER 35: HER ANGER
PERSIA’S POINT OF VIEW, Pumunta ako sa harapan ni Historia upang pigilan siya pero agad akong napaurong nang makita ang mata niya na nababalot ng purong itim.“H-Historia,” “Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso na sampalin ako?” Sobrang dilim ng aura ni Historia ngayon, halos hindi ko na siya kilala. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kamay niya na nag-aapoy na, hindi ordinaryong apoy ang lumalabas sa kamay niya. Kulay itim ito imbes na kulay orange. A-Anong kapangyarihan ang nasasaksihan ko ngayon?Hindi ko na siya napigilan pa na lumapit sa pwesto nila Ashley dahil sa takot na bumabalot sa buong pagkatao ko.Biglang humangin ng malakas sa loob ng classroom, bawat sulok ng classroom ay napalilibutan ng umiikot na hangin na tila bumubuo ito ng isang ipo-ipo.Natakip ko ang braso ko sa mukha ko dahil sa sobrang hangin at nag-angatan na ang mga bagay dulot ng malaka
Read more
CHAPTER 36: MEDALLION
PERSIA'S POINT OF VIEW,Kitang-kita ko pa rin ang takot at ang pagkabalisa ng mga kaklase ko dahil sa nangyari.Kahit labag sa akin na iwan ang mga kaklase ko sa ganitong sitwasyon ay kailangan ko pa rin silang iwanan, kailangan kong sumunod sa uto ng Head Mistress.Nauna nang lumabas sina Kuya Levi at Kuya Howard na lumabas ng classroom dala-dala sina Historia at Ashley sa laboratory.Sumunod na rin ako sa mga officer at sa Head Mistress na kasabay maglakad si Sir Lincoln. Kasabay kong maglakas si Xylem na tahimik lang at halatang may malalim na iniisip.Ano kaya ang ibig sabihin ni Sir Lincoln sa ‘tama nga ang hinala namin’? Hinala saan? May kakaiba bang nangyari? Konektado ba iyon sa nangyari kina Historia at Ashley?Habang patungo kami sa office ay kaniya-kaniyang tingin sa amin ang mga nadaraanan naming estudyante na nasa loob ng classroom nila. Marahil ay alam na nila kung bakit naririto ang mga officer at ang
Read more
CHAPTER 37: BETRAYED
HISTORIA'S POINT OF VIEW,Minulat ko ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng isang napakalawak na puting kwarto.Sinubukan kong bumangon pero agad rin akong tumumba nang tinangka ko. Ginalaw ko ang mga kamay ko pero nakaramdam ako ng mabigat na bagay sa mga kamay at paa ko.Sinuri ko ang buong sarili ko at ngayon ko lang napagtanto na nakakadena ang mga kamay at paa ko. Nakasuot ako ng isang puting bestida at kung may anong bagay ang nakalagay sa ulo ko.Sinong may gawa nito akin? Anong nangyari, bakit wala akong maalala? Anong ginagawa ko rito?Nakahiga ako sa sahig habang nakakadena ang mga kamay at paa. Hindi ko rin magalaw ng ayos ang buo kong katawan, animo’y bugbog sarado.Pinilit kong tumayo kahit na hinang hina pa ang katawan ko.Sinubukan kong higitin ang mga kadena na nasa kamay ko ngunit masyadong mahina ang katawan ko at nanglalambot.Hindi ko rin maramdaman ang buo kong kapangyarihan sa kwart
Read more
CHAPTER 38: PROPHECY
LEVI CRUISE’S POINT OF VIEW,Nakatitig lang ako sa maamong mukha ni Historia. Tulog ito pero nakalutang ang katawan niya habang nasa loob ng isang bilog na ginawa mula sa mga ugat ng puno— ang Cirroo Tester.Ang Cirroo Tester ay isang uri ng ugat ng mga puno na ginawang pabilog. Galing ang mga ugat sa puno ng Atrilium na may kakayahan kalkulahin ang kapangyarihan ng isang tao.Nakasuot si Historia ng puting bestida at may koronang ginto sa ulo. Napakaganda ng prinsesa ko.Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nalaman na niya ang lahat. Natatakot akong tuluyan na siyang mawala sa akin.Natatakot ako sa maaring mangyari kung sakaling malaman niya ang nakaraan niya at kung bakit siya ganito ngayon.Natatakot akong kamuhian niya ako sa nagawa ko sa kaniya, natatakot ako na baka tuluyan ng gumuho ang natitira kong pag-asa.“Ginugulo ka na ba ng konsensya mo?” Napalingon ako sa nagsalita, hindi ko napansin na nas
Read more
CHAPTER 39: CRESTRIA
PERSIA'S POINT OF VIEW,“Nagkaroon ng away ang dalawang magkapatid na nauwi sa isang matinding duwelo. Walang nagawa ang dalagang si Crestria dahil hindi siya pinayagan ni Moowan na umakyat sa langit upang makita ang pakikipagduwelo nito sa kapatid. Lumikha ang duwelo ng magkapatid ng malalakas na kulog at kidlat sa langit.” Bumukas na ang libro ng propesiya, ito na ba ang senyales ng nalalapit na pagbabalik ni Goddess Crestria?Tahimik lang akong nakatitig sa libro na naglalahad ng nangyari sa Diyos at Diyosa ng Parallel Dimension. “Ngunit agad ring natigil ang duwelo ng magkapatid nang dumating ang isa pa nilang kapatid na si Sunria— ang prinsesa at ang diyosa ng kagandahan at kabusilakan. Malambot ang puso ng bunsong kapatid kung kaya’t hindi nila magawang saktan ang damdamin nito. Naging maginhawa ang pakiramdam ng dalagang si Crestria nang mabalitaan na hindi na natuloy pa ang mapaminsalang duwelo ng dalawang
Read more
CHAPTER 40: PAST
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Pumasok ako sa isang mall kahit na ganito ang suot ko. Nakapagtataka lang na walang pumapansin sa akin. Kahit ang guard ay hindi ako sinita. Malapit ko ng isipin na walang nakakikita sa akin.Naagaw ang pansin ko ng isang babae na nakatalikod sa akin, hindi ganoon kalayo sa pwesto ko. Likod pa lang ay halata mo ng sexy ito at mayaman dahil sa magara niyang damit at bag.Lumapit ako sa babaeng iyon at mahina siyang kinalabit.“Miss?” pagtawag ko sa kaniya. Napakunot ang noo ko nang hindi ako nito pansinin at palinga-linga lang siya sa paligid na halata mong may hinahanap.“Miss?” pag-ulit ko pero wala talaga itong balak na pansinin ako. Napabuntong-hininga ako at tatalikod na sana nang bigla itong sumigaw.“Sebastian!” sigaw niya at kumaway sa direksyon sa harapan niya. Napalingon ako sa kinawayan niya at nanlaki ang mga mata ko sa nakikita.“D-Daddy?” bula
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status