Lahat ng Kabanata ng Chasing Betsy: Kabanata 21 - Kabanata 30
40 Kabanata
Chapter 21
  “Saan ka ba kasi nagpunta, Betsy? Nawala ka na lang bigla sa palengke kanina ah,” naguguluhang tanong ng kanyang Tatang. Kasalukuyan silang nasa kusina at naglilinis ang kanyang ama  ng isda sa may lababo samantalang siya naman ay nakaupo sa silya at minamasahe ang sumasakit na paa. Naroon pa kaya si Devyn sa palengke? Siguro naman umalis na rin ito. Tiningnan na niya ang ama. “May kinausap lang ho ako,” pagsisinungaling niya. “Akala namin ni Gloria, eh nasa bahay ka na. Kaya umuwi na lang kami.” Dumapo ang tingin ni Betsy sa nakakaawang hitsura ng isda na hawak ng kanyang Tatang. “Tang, baka naman ho buto na ang matira sa tilapia niyong 'yan. Kulang na lang, eh sepilyuhin niyo.” Nilingon siya nito na nakabusangot ang mukha. “Alam mo naman na ayaw ko ng malansa.” Umirap siya at hindi na nagbigay ng komento pa. Hinayaan na lamang niya si Mang Kulas sa walang habas na pagto-torture sa tilapia. Maya
Magbasa pa
Chapter 22
  “Okay ka lang ba talaga?” Ito na yata ang pangsampong beses na tanong ni Pam kay Betsy. Hindi pa ito naging kontento kanina at inilapit pa talaga nito ang kinauupuang swivel chair sa kanya. “Okay nga lang ako,” giit ni Betsy. Kumurba paitaas ang isang kilay ni Pam. Mapagduda ang tingin nito na ipinupukol sa kanya. “Sigurado ka ba? Puwede ka naman kasing lumiban na lang.” Nagtaas ng isang kilay si Betsy at seryosong binalingan ng tingin ang kaibigan. “At sa anong rason, aber? Dahil sa brokenhearted ako gano'n?” “Oo! Valid reason naman ang emotional baggage, ah,” sagot naman nito. Ngayon ay may kakaibang talim na ang tingin ni Pam. “Gusto mo itumba ko 'yang si Wills?” Mahinang nailing si Betsy. “Tumigil ka nga at baka makumbinsi mo pa ako. At saka nandito na rin kaya ako sa opisina. Nakakatamad ng umuwi.” Pagod na nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Pam. “Paano kung pati rito sa opisina, eh, guluhin ka niya?”
Magbasa pa
Chapter 23
  Natigil si Betsy sa pagpupumiglas. Binasa niya ang ekspresyon sa mukha ni Devyn. May bahid  ito ng determinasyon. “Let me go, Devyn!” marahas niyang apila. “Just promise me you won't run away from me,” paninigurado naman nito. “Fine. I won't run.” Tinitigan siya ni Devyn ng ilang segundo. Siguro nakumbinsi niya rin ito kaya marahan ng binitiwan ni Devyn ang palapulsuhan niya. “Are you sure that you're going to tell me everything?” paninigurado niya. May pagdududa pa rin siyang nararamdaman sa sinasabi nito. “Yes.” Tumikhim siya at pagkatapos ay ngumuso. “What if I'm not interested anymore?” Ginulo ni Devyn ang sariling buhok at saka huminga nang malalim. “I'm still going to tell you everything.” Nagkibit ng balikat si Betsy at umastang parang wala lang ito sa kanya na ang totoo naman ay magkahalong kuryusidad at kaba ang nararamdan niya. Paano na lang kung hindi niya magugus
Magbasa pa
Chapter 24
  “Pikit!” “Matagal pa ba?” nayayamot na tanong ni Pam kay Ashley. “Hindi ka gaganda 'pag yamot ka. Pakiabot nga 'yang pang-contour, Betsy.” Mabilis niyang iniabot ang pang-contour kay Ashley. “Thanks! Pakikuha na rin 'yong brush.” “Hanggang anong oras pa ba kayo rito?” tanong ni Betsy habang iniaabot ang brush kay Ashley. Kasalukuyan nitong mini-make up-an si Pam. “Dito kami matutulog,” pasimpleng sagot ni Pam. “Ano? Eh maaga ang flight namin ni De—Jack bukas,” angal niya. Muntik pang madulas ang dila. “Mauna ka na lang matulog,”ani Ashley na focus na focus sa ginagawa. “Paano naman ako makakatulog eh nandito kayo sa kuwarto ko nagmemake up session?” pangangatwiran niya. “Padespedida party namin ito sa'yo bago ang alis mo,” usal ni Pam na nagmumukha ng rebolto dahil sa makapal na contours. “Iba na talaga 'pag may pogi and mayamang boyfriend. Always ka na dapat talagang magpa-sexy sa
Magbasa pa
Chapter 25
  Hindi na si Betsy aalis sa bathtub na ito ni Devyn. Buo na ang pasya niya. Dito na siya titira. Paano ba naman kasi, ubod ng laki at lakas makasosyal. Ang sarap din sa pakiramdam ang maligamgam na tubig na bumabalot sa katawan niya. Napakabango rin ng mukhang mamahaling sabon. Habang naglalakbay ang isipan niya sa pagkamangha sa lugar ay napadilat siya nang may narinig na katok mula sa pinto ng banyo. “Betsy? Are you done there? Come out now. Let's have dinner.” Boses ni Devyn. “Yes! Give me five more minutes!” sigaw niya na gumagawa pa ng mumunting bubbles. Naaaliw siya sa kanina pang ginagawa “You said that about an hour ago.” Batid ni Betsy ang ngiti na bumalot sa boses ni Devyn. “Okay. Uh . . . two minutes?” pagbawi niya sabay ihip sa bubbles. Feel na feel niya talaga ang moment. Kailangan niyang lubos-lubusin ang pagkakataon ngayon dahil wala naman siyang bathtub sa Pilipinas. Dinig niya mula sa likod ng pinto ang m
Magbasa pa
Chapter 26
  Gamit ang ekspertong mga kamay ay tuluyan na ngang tinanggal ni Devyn ang natitirang saplot ni Betsy sa katawan. Umawang ang labi ni Betsy nang makita ang unti-unting pagtatanggal na rin ni Devyn ng suot nitong boxers. Mabigat siyang napalunok nang makita ito ng buong-buo. Muli siyang kinubawan ni Devyn at ipinagpatuloy ang naudlot na pagpapalandas nito ng maiinit na halik sa kanyang tiyan. Hindi nagtagal at hinalikan na nga siya ni Devyn sa maselang parte.   Hindi magpirmi ang katawan ni Betsy sa nakaliliyong natatamasa niya sa ginagawa ni Devyn. Napakabihasa ng dila nito sa ginagawa sa kanya. Namuo ang pinagsamahang ungol nilang dalawa sa buong silid. Humigpit ang kapit niya sa buhok ni Devyn. “Devyn, p-please. . .” halinghing niya. May pilit na inaabot na rurok. Tila ba nakuha ni Devyn ang hinihiling niya kaya mas pinag-igihan pa nito ang ginagawa. Mistulang may biglang nahugot mula sa puson ni Betsy at tuluyan ng lumabas. Habol
Magbasa pa
Chapter 27
  Nagsiklop pa rin ang dalawang kamay nila ni Devyn hanggang pagpasok sa loob ng kanilang bahay. Pag-apak pa lang nila sa marmol na sahig ay pinagtitinginan na sila. Hinigpitan niya ang pagkahawak sa kamay nito upang doon kumuha ng lakas ng loob. Agad silang sinalubong ng isang magandang babae na may malaking ngiti. “You're late as usual!” bungad nito sa kanila. “Happy birthday, Mom,” bati ni Devyn sabay beso. Ay, iba ang hitsura ng nanay ni Devyn sa personal. Mas bumagets pa ito sa suot na red dress na may slit sa gilid. Niyakap nila ang isa't-isa. Matapos nito ay ibinaling ng ina ni Devyn ang atensyon kay Betsy. “You must be Betsy! Devyn has told me so much about you.” “Er . . . Hi. Happy birthday, ma'am!” “Oh thanks, sweetie. But please call me Suze,” anito sabay tawa at iniangkla pa ang dalawa nilang bisig na parang close na talaga sila ni Betsy. Nakakatuwa. “Come. Join us for dinner. We're just gettin
Magbasa pa
Chapter 28
  Biglang natahimik ang lahat. Tanging tunog ng nahulog na kubyertos sa sahig lamang ang umalingawngaw sa hapagkainan. Hindi alam ni Betsy kung ano ang reaksiyon nila sapagkat nakabaling ang buong atensyon niya sa ama ni Devyn. Napanganga ang ama ni Devyn ngunit mabilis din itong nakabawi. “What did you say, young lady?” Unti-unti siyang tumayo. Itinukod niya ang dalawang palad sa mesa at tiningnan ito nang deretso sa mga mata. “You're as cold as ice,” giit ni Betsy. “Sweetie, I think this is not the right time to—” “I'm sorry, Suze but I have to do this,” pagputol niya sa ina ni Devyn na halatang balisa na dahil sa biglang inaasta niya. Nanatiling nasa ama ni Devyn ang mapanghamong tingin ni Betsy, hindi nagpapatinag. “Devyn is a very talented artist and a successful one. As a father, you should be supporting him.” Sabay na napasinghap ang tatlong babae. Samantalang si Devyn ay nakayuko lamang at parang rebolto da
Magbasa pa
Chapter 29
  “I know, buddy.” Si Devyn na nasa tabi ni Betsy ang sumagot sa marahang boses. Pabalik-balik ang tingin ni Betsy sa kanilang dalawa. Unti-unti niyang napagtanto na ang lalaking nakatayo malapit sa malaking bintana ay walang iba kundi ang kakambal ni Devyn na si Jack. Magkamukhang-magkamukha kasi sila.   Humakbang si Jack patungo sa kinatatayuan nila. Nang makarating malapit sa kanila ay huminto ito. Tinitigan ni Betsy ang mukha ni Jack. Napansin niya ang maliit na peklat sa kaliwang pisngi nito. Sa malapitan ay nakita niya ang medyo kaibahan din ng mukha nito kay Devyn. Medyo matulis ng kaunti ang baba ni Jack at may pagkapayat ang pangangatawan. Hindi gaanong kulay asul ang mga mata nito. Naguguluhan ang ekspresyon ni Jack pagkabaling ng tingin kay Betsy. “Who is she?” “Her name is Betsy. She's my girlfriend,” sagot ni Devyn. Hindi na pinansin pa ni Jack si Betsy at nilapitan ang kakambal. Hinawakan nito ang braso
Magbasa pa
Chapter 30
  “Don’t you have any plans of going home?” bulong ni Betsy. Nakayakap sa kanya mula sa likod si Devyn habang kasalukuyan silang nakahiga sa kama sa apartment ni Betsy. Dalawang araw na simula noong makabalik silang dalawa ni Devyn sa Pilipinas. “I want to stay here a little longer,” malambing na saad naman ni Devyn at mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya. “I miss you.” Hindi na napigilan pa ni Betsy ang sarili at sumilay na ang ngiti sa mga labi niya. “How can you miss me? We were together in New York.” “That was a different country. A different place,”paliwanag naman nito. Ilang minuto silang natahimik na dalawa. Tanging tunog ng pagtibok ng puso lang ang naririnig sa buong silid. “Why don’t you just live with me?” bigla na lamang tanong ni Devyn. “I can buy a condo if you are more comfortable with it.” Natigilan si Betsy. Biglaan naman yata itong naging alok ni Devyn sa kanya. At saka mag . . . li-live in the sila? “
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status