Lahat ng Kabanata ng The Way I've Always Loved You: Kabanata 31 - Kabanata 40
98 Kabanata
Chapter 30
HALOS UMUSOK ang ilong ni Ice nang makita si Bastie na pina-pahiran ng Sunblock Cream si Maine sa mga braso. Kutong lupa na to! Kung totoo ang sinasabi nitong mahal siya nito, bakit ang bilis naman yatang mawala ng pagmamahal na sinasabi nito? Bakit ang bilis nitong makahanap ng iba? "May pa, I never stopped watching over you pa! Hmp! Tapos ngayon ibang babae ang tinitingnan!" Hindi maiwasang himutok niya. Lumapit siya sa mga ito. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Bastie kahit ng matapos ito sa ginagawa. "Gusto mo ng sunblock?" Tanong ni Maine sa kanya. Akmang sasagot siya ngunit binalingan ng dalaga si Bastie. "Pahiran mo rin si Ice nito." Nanlalaki ang kanyang mga mata at napatingin siya kay Maine. Kinindatan lang siya nito. Hindi niya ito maintindihan sa
Magbasa pa
Chapter 31
TATLONG ORAS NG naghihintay si Ice sa may reception ng opisina ni Bastie. Ayon sa sekretarya nito ay may mahalaga itong meeting. Noong una ay duda siya ngunit hinayaan siyang sumilip nito sa conference room at totoo ngang may ka-meeting ang binata.Nauubusan na talaga siya ng pasensiya. Pakiramdam niya ay sinasadya ng binatang patagalin ang meeting nito.Bumilang siya sa isip ng isa hanggang isang daan. Nang hindi pa rin lumabas ang binata ay walang pasubaling pumasok siya ng conference room.Nagulat ang lahat ng nasa conference room. Nakatutok lahat sa kanya ang tingin ng mga ito. Malapit na siyang panghinaan ng loob ng marinig ang tinig ni Bastie."Ice? Hindi ba ang instruction sa iyo ay, wait until I finished my meeting?" Tila iritadong salaysay ng binata.
Magbasa pa
Chapter 32
HINDI MAINTINDIHAN ni Ice kung bakit sa mansion ng mga Antonio siya dinala ni Bastie. Medyo nag-alangan tuloy siyang pumasok."C'mon muffin." Ani Bastie ng bigla siyang huminto."A-Anong gagawin natin dito?" Kinakabahan na tanong niya."I'll show you something private." Anito na tila excited. Kumunot ang noo niya. Hindi naman siguro malaswa ang ibig sabihin nito. Baka siya lang ang nag-iisip 'nun. Seryoso siyang tuparin ang pangako sa sarili na kasal muna bago 'honeymoon'. Ganoon ka sagrado ang paniniwala niya pagdating sa bagay na iyon. Ngunit sa tuwing hahalikan siya ng binata ay tila nawawala siya sa tamang huwisyo. Kaya nga hanggat maari siyang umiwas ay iiwas siya."Uhmmm, mag-date nalang kaya tayo?" Aniya at alang
Magbasa pa
Chapter 33
“WOW NAMAN! Ang tamis ha!” Tudyo ni Jayden“Sa sobrang tamis, pati langgam mahihiya.” Segunda ni Dean. Nang araw na iyon ay napag-pasyahan nilang magkakaibigan na mag-picnic sa may tabing ilog. Tinutudyo sila ni Bastie ng mga ito dahil iniumang ng binata ang hawak na hotdog sandwich sa kanyang bibig at kumagat siya ng kaunti sa sandwich. “Sus! Mamatay kayo sa inggit.” Biro ni Bastie sabay akbay sa kanya. “Naku pare, huwag kang gumanyan diyan dahil kung hindi sa amin ay baka hanggang ngayon ay pareho parin kayong “pabebe” na dalawa.” Paalala ni Dean. Minsan talaga ay parang bata ang mga ito kung mag-asaran. 
Magbasa pa
Chapter 34
“IT’S RAINING!!!” Halos sabay sabay pa na hiyaw nilang lahat na magkakaibigan. Mabilis nilang pinagkukuha ang mga kagamitan nila at pagkain at pagkatapos ay tumakbo sila ng mabilis sa van na dala nila.  May kalayuan pa naman kung saan nila ginarahe ang kanilang sasakyan. Umagapay si Bastie sa kanya, tinanggal ng kasintahan ang suot na t-shirt at ipinatong iyon sa ulo niya. Parang may humaplos sa kanyang puso sa ginawang iyon ng kasintahan. “Gentleman as ever.” Hiyaw ng kanyang isipan. Bawat pagtakbo nila ay lalong lumalakas ang mga patak ng ulan, kaya naman nang mailagay na nila ang kanilang mga gamit at pagkain sa kanilang sasakyan ay basang basa na rin sila. “Maligo
Magbasa pa
Chapter 35
MASAKIT ANG pakiramdam ni Ice ngunit kailangan niyang pumunta sa kanyang boutique ng araw na iyon. May mga naka-schedule siya na mga client meetings na hindi niya pwedeng ipagpaliban.  “Are you sure you are okay?” Tanong ni Bastie na sampung beses na yata nitong tinanong buhat kanina.  Sinundo siya ng binata mula sa kanyang bahay kagaya ng naka-ugalian nito at ngayon nga ay nasa harapan na sila ng kanyang boutique.  “I am okay.” Aniya na sinikap ngumiti. Ayaw niyang makadagdag sa mga alalahanin nito ngayong araw.  “You don’t look okay to me.” Anito na may kalakip na pag-aalala.  “I am okay. Stop worrying.” Masuyong sagot niya sa kasintahan. “I can’t
Magbasa pa
Chapter 36
SINIKAP TAPUSIN ni Ice ang lahat ng meetings niya kaninang umaga. Napaka-bigat ng kanyang pakiramdam. Ala una na pero wala pa rin siyang ganang kumain. Nilalamig siya actually. Nagsabi siya sa kanyang mga assistants na magpapahinga muna siya sa kanyang opisina at ayaw muna niyang magambala kung hindi rin naman importante. Humiga siya sa malambot at mahabang sofa sa loob ng kanyang opisina. Hinihila siya ng antok. Tila gusto nalang niyang matulog baka sakaling maibsan ang kanyang hindi magandang nararamdaman.Kanina pa nag-palingon lingon si Ice, noong una ay hindi niya matiyak kung nasaan siya. Ngunit ng naglaon ay natitiyak niya na nasa isang kagubatan siya. Anong ginagawa niya sa gitna ng kagubatan? Sinubukan niyang isigaw ang pangalan ni
Magbasa pa
Chapter 37
NANONOOT SA Ilong ni Ice ang mabangong amoy na iyon. Kasabay niyon ang pagkalam ng kanyang sikmura. “That’s one proof na gutom ka at wala kapang kinain magbuhat kanina.” Napatingin siya sa may ari ng pamilyar na boses na iyon. Nakaupo si Bastie sa gilid ng kanyang kama at tila binabantayan siya nito habang natutulog. Hindi niya namalayan na muli siyang nakatulog. She saw some food on her bedside table. Doon nanggagaling ang mabangong amoy.“Alam ko gutom kana pero kailangan ko munang initin ang pagkain mo.” Ani Bastie.Kumunot ang kanyang noo. Kanina pa ito nakapagdala ng pagkain?“Again, I don’t have the heart to wake yo
Magbasa pa
Chapter 38
NAGISING SI ICE na nararamdaman ang mainit na yakap mula kay Bastie. Last night was really wonderful. Hindi na niya matandaan kung naka ilang pelikula sila. May comedy, romance, action at horror. Patuloy lang sila sa panonood at nagpapalitan ng mga komento sa kanilang pinapanood. She wants to call it a ‘movie date night’. Napangiti siya sa kanyang naisip.Sinubukan niyang damhin ang kanyang noo at ang kanyang leeg, wala na siyang lagnat. And she felt better than yesterday. What can she say? She has a good nurse after all.Tinitigan niya ang gwapong mukha ni Bastie. Napaka-lapit ng mukha nito sa kanyang mukha. Malaya niyang tinitigan ito dahil mukhang himbing na himbing pa ito sa pagtulog.She caressed his face. Banayad niyang hinawi ang mga buhok nito n
Magbasa pa
Chapter 39
NANG ARAW NA IYON ay niyaya ni Jade si Ice na magpa-spa. Tatanggi sana siya ngunit nangungulit si Jade at sinabing libre daw ang lahat.Makakatanggi ba siya kay Jade? Natural hindi! That’s why here they are now pampering themselves. “Ano namang naisip mo at nagpa-spa ka ngayon?” Tanong niya sa kaibigan.“Wala naman,para naman ma-relax relax tayo.” Ani Jade.Kung sabagay, mainam na rin ito. Kailangan din niya ito sa ngayon. Ilang araw na rin siyang pagod sa kanyang trabaho. She needs this kind of break.Pagkatapos nilang mag pa spa ay sa salon naman siya dinala ni Jade. “Anong meron Bestie?” Hindi mapigilan na tanong niya rito.
Magbasa pa
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status