All Chapters of The Way I've Always Loved You: Chapter 21 - Chapter 30
98 Chapters
Chapter 20
NANG SA TINGIN ni Ice ay nai-luha na niya ang lahat, she switch on her phone at kaagad siyang nakatanggap ng mensahe mula sa mommy niya. Pinapauwi na siya nito at ng magkausap daw sila kasama ang kanyang ama.Kahit na may galit siya sa kanyang ama, ay nirerespeto pa rin niya ito. May mga pagkakataong sumasagot siya oo, ngunit may mga pagkakataon ding sinusunod niya ito kahit ayaw niya. Kagaya nalamang noong pilitin siyang maging boyfriend si Bastie. Muli ay may nalasahan siyang pait ng maalala ang binata.Ilang saglit pa ay nasa bahay na siya. Kaagad siyang sinalubong ng kanyang mommy at daddy. Kitang kita niya kung gaano kabalisa ang mga ito. Mukhang alalang alala ang mga ito sa kanya. At kung titingnan ng mabuti, mas balisa ang kanyang ama.Malungkot siyang tumingin sa ama.
Read more
Chapter 21
PUMUNTA NG boutique si Ice ng wala kahit anino ni Bastie. Her father insisted on having a driver/bodyguard for her own safety. Hindi na siya nakipag-argumento pa sa kanyang ama dahil nag-aalala lang ito sa kaligtasan niya.Naninibago siya buhat kaninang umaga. Kagabi nga halos hindi siya makatulog dahil hindi niya alam kung paano sisimulan na kausapin si Bastie. Kailangan niyang humingi ng tawad sa binata.Wala sa loob na napatingin siya sa sofa kung saan madalas umupo ang binata. She saw him waving at her and winked at her. Then he faded away. Mariin siyang napapikit.Hindi niya dapat iniisip ang binata. Gusto lang naman niyang mag-sorry dito. Iyon lang naman."Talaga ba te?"Siguro naninibago lang siya dahil siyam
Read more
Chapter 22
NASA ISANG ORAS ng naghihintay si Ice sa opisina ni Bastie. Wala pa raw ang binata. Tumingin siya sa wrist watch niya pasado alas diyes na ng umaga. Kaagad siyang pinatuloy ng receptionist at sekretarya ng binata sa opisina nito. Dahil iyon nga daw ang bilin nito dati. Hindi siya mapakali, hindi siya sanay sa ganito. Medyo kinakabahan din siya. Kanina pa siya nag-eensayo ng sasabihin. "Uhm.. look.. I'm sorry..." Bumuga siya ng malakas na hangin. "Ang pangit parang napipilitan lang ako." She cleared her throat. "Sorry na?" Napabuntong hininga siya. "Ang sagwa parang pabebe naman ako masyado." Patuloy na kausap niya sa sarili. Paano nga ba niya sisimulan ang paghingi ng tawad sa binata? Hindi rin siya sigurado kung gusto siyang makita ngayon ng binata, dahil sa mga nak
Read more
Chapter 23
NAPAGPASYAHAN NI ICE na dumaan ng Hanggang Ngayon Café nang araw na iyon. Kaagad siyang sinalubong ni Jade pagpasok palang niya ng café."Libre to ha." Biro niya sa kaibigan."Kailan ba kita pinagbayad?" She beamed."Kaya nga ayaw kong araw arawin baka sabihin mo nananamantala ako." Aniya rito."Nabayaran mo na nga at ako pa ngayon ang may utang dahil free ang gown ko." Ani Jade.Yeah, she was right. Libre lang ang gown na ginawa niya para sa kasal nito. It's one of her gifts to the couple.Pinagmasdan niyang mabuti ang kaibigan. Nag-go-glow ito. Halatang masaya ito sa buhay may asawa."O bakit mo ako tinitingnan ng ganya
Read more
Chapter 24
SI DARREN ANG driver nila papuntang Zambales. Ayon kay Jayden tutuloy sila sa bahay bakasyunan ng pinsan nito sa may Pundaquit. Wala siyang masyadong alam sa Zambales maliban sa nandoon ang famous na Mt. Pinatubo at masarap at mura ang mga mangga doon. Kaya ipinangako niyang bibili siya ng maraming hinog na mangga. Ripe mangoes are one of her favorites.Sina Erie, Jade at Bastie nalang ang hinihintay nila. Kasama na niya sina Jayden at Dean. Hindi maawat sa pag-a-asaran ang dalawa."Ice sino ang panalo sa OOTD ngayon? Si Dean o ako?" Pangungulit ni Jayden. Kanina tinatanong siya kung sinong mas gwapo tapos sinong mas hunk, ngayon naman outfit of the day!"Alam niyo kayong dalawa, pag-umpugin ko kaya mga ulo niyo?" Biro niya sa dalawa. "Ang KJ naman ng Diyosa na 'to
Read more
Chapter 25
NAGMULAT NG MATA si Ice at nag-inat. Nanghikab siya at muling pumikit at humilig kung saan siya nakahilig kanina. Isiniksik niya ang mukha sa may katigasan na bagay na iyon ngunit nakakahalina ang mabangong amoy. Nanonoot sa ilong niya ang pamilyar na bangong iyon. She inhale, then inhale and another inhale atsaka palang siya nag-exhale. Ang sarap kasing amuyin, nakaka-relax. May ngiti sa kanyang labi habang patuloy na sinasamyo ang amoy na iyon.  "Baka naman ako na ang masinghot mo niyan." Anang baritonong boses na kilalang kilala niya. Mabilis siyang dumilat at nanlaki ang mga mata ng mapag-tantong nakahilig siya sa matipunong pangangatawan ni Bastie! Wala sa sariling itinungkod niya ang dalawang palad sa dibdib nito at tumingala upang makita ang mukha ng bina
Read more
Chapter 26
TATAWA-TAWA PA SILANG dalawa ni Dean nang buksan nila ang pintuan ng rest house."Baliw kang talaga." Aniya rito."Mas baliw ka kase nakikinig ka sa mga jokes ko." Anito."Where have you been?"Sabay silang napabaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Tinig iyon ni Bastie na nakatayo sa may sala ng rest house. At mukhang signal number five na naman ang pagmumukha nito. Anong problema nito? Nakita niyang nasa sala din ang mga kaibigan nila."Bawal bang mamasyal?" Sarkastikong balik na tanong niya rito imbes na sagutin ang tanong nito. "I've been calling you! For God sake!" Bahagya pa siyang napapitlag sa lakas ng boses nit
Read more
Chapter 27
NANG SUMAPIT ang gabi napagpasyahan nilang kumain sa may tabi ng dagat. Naglatag sila ng mga banig sa tabi ng dalampasigan at gumawa ng bonfire. Si Erie ay may dalang gitara at panaka-nakang tumutugtog. This is really a best way to relax. Yun nga lang medyo na-i-stress ang puso niya sa tuwing nakikita niya kung gaano ka asikaso si Bastie pagdating kay Maine. Dati kase siya ang inaasikaso ng binata. "Dati yun te." Tudyo ng kanyang isipan.  Biglang napatingin si Bastie sa kanya. Wala siyang lakas para magbaba ng tingin. Nakipag-titigan siya sa binata. Hindi niya maipaliwanag ang emosyon na lumukob sa kanya. Alam niyang sa bawat araw ay nangungulila siya sa binata. She missed him. The way he talks to her, the way he cares for her, the way he protects her and the w
Read more
Chapter 28
HINDI ALAM ni Ice kung ilang minuto na siyang nakapikit habang nakahiga sa buhanginan. Hindi niya alintana ang lamig dahil sanay naman siya. She actually likes cold weather. Palaisipan pa rin sa kanya kung bakit biglang umalis si Bastie. Hindi din niya alam kung bakit pa-iba-iba ito ng mood. Minsan masungit at minsan naman ay okay. Ang gulo lang talaga!Dumilat siya ng maramdamang may kung anong bumalot sa pang itaas niyang katawan. Pag-dilat niya ay nakita niyang makapal na tuwalya iyon. Pagkatapos ay binalingan niya ang lalaking tumabi sa kanya sa pagkaka-higa. Walang iba kung hindi si Bastie! Biglang parang tinambol ang puso niya. He did not leave her after all."Oo hindi kita iniwan." Anito na parang narinig ang iniisip niya. "Kumuha lang ako ng towel, baka kase magkasakit ka— well pangalawang rason
Read more
Chapter 29
KINA-UMAGAHAN AY nagpasya silang maglakad lakad ni Jade sa tabing dagat. Napakasarap ng simoy ng hangin. Nakakatuwang panoorin ang bawat paghampas ng alon sa may dalampasigan. Huminga siya ng malalim at tumingin sa karagatan."What is it?" Tanong ni Jade sa kanya."Ha?" Wala sa sariling baling niya sa kaibigan."Bestie, hindi ka okay. Kanina kapa hinga ng hinga ng malalim diyan. So something is bothering you." Wika nito. "Si Bastie no?" Usisa nito ng hindi siya sumagot."Ewan ko ba, ang hirap magpakatotoo sa nararamdaman ko sa kanya bestie." Aniya at tumigil sila pansamantala sa paglalakad at pinanood ang mga alon na humahampas sa dalampasigan."Nag-usap ba kayo kagabi? Kasi hindi na kayo bumalik. Tapos nakatulog na ako at la
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status