All Chapters of Capturing The Bachelor: Chapter 71 - Chapter 79
79 Chapters
Chapter 69
Isang gabi pa lang na hindi kami okay ni Zid ay hirap na hirap na akong matulog. Sinabayan pa ito nang labis kong pag-aalala para sa kapatid. Tama si Zid pinuntirya nga ng mga tao si Harrieth. Tinawag na kabit si Orca Lapuz at hindi rin daw malabo na maging ganoon siya. Marami nga ang nagsabi na mabuti raw na walang kapatid na babae sina Zid dahil baka agawin rin ni Harrieth ang nobyo nito. Napagpasyahan ko siyang bisitahin sa ospital kinaumagahan. Bumili ako ng prutas at paborito niyang milk tea at cookies. Sana lang ay hindi ko maabutan si Orca Lapuz doon. Mas lalong titindi ang kan’yang galit kapag nalaman niyang ako ang nasa likod ng pagkuha sa mainit nilang eksena ni Senator Newis. Lumapit ako sa nurse station at binasa ag pangalan ng nurse sa nameplate. “Nurse Mabel, saan po dito ang room ni Harrieth Sena?” “Room 27 po,” aniya bago itinuro ang hallway kung nasaan ang kwarto. Tumango ako at nagpasalamat dito. Hindi pa man ako naka
Read more
Chapter 70
Zid's POV If there's one thing I'm regretful for, it's kissing and having sex with several women. Kung alam ko lang na darating si Kai sa buhay ko ay mas pipiliin kong sa kan'ya ko rin gawin lahat ng una ko.  I am her first boyfriend, first hug, first dance, first holding hands, first kiss and I want to be the last. At first, I was upset when she declined my offer in exchange of the video that will ruin Chloe's carreer, the celebrity that destroyed my beloved sister's reputation in her school. Lahat ng tao na hinihingian ko ng pabor, mabilis kong napapa-oo, pero iba siya. Kinailangan ko pa'ng dumating sa punto na mang-kidnap. I was challenged by her toughness but seeing her sleeping on the cold pavement next to Tere, whom I thought her girlfriend that time, I was touched with sympathy. Para ba'ng ayoko na siyang ibalik sa lugar na iyon.  Aaminin ko, sa bawat araw na kasama ko siya sa hideout ay nawalan na ako ng gana na ipaghiganti a
Read more
Chapter 71
Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang masilaw mula sa liwanag na nanggagaling sa labas. Sinubukan kong ilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto at nakitang walang ibang tao bukod sa akin.  Kinapa ko ang aking cellphone subalit wala ito sa aking bulsa o saan man sa paligid. Huli kong naalala ang pagsagot ko sa tawag ni Zid hanggang sa mayroong bagay na itinusok sa aking balikat dahilan upang mawalan ako nang malay. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na semento upang makapaghanap ng malalabasan. Wala akong ideya kung bakit ako nandito at kung sino ang nagdala sa akin dito pero alam kong kailangan ko nang tumakas habang wala pang tao. Ngunit bigo akong makahanap ng pinto o bintana. Gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy ang kwarto at kailangan ko ng pamukpok upang makagawa ng butas. Naghanap ako ng matigas na bagay sa loob pero walang ibang gamit doon. Sumilip ako sa mga butas upang makita kung mayroong
Read more
Chapter 72
"What do you want to eat?"  Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya. Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi.  Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain. Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon?  Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity? Sa dam
Read more
Chapter 73
Zid Kai's blood stain on my hands stabs my heart a million times. Paano ko hinayaan na mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? How can I doubt her? Siya na handang itaya ang buhay para sa akin. Ano'ng sumagi sa isip ko para pagdudahan siya? I should be the first one to believe her, dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili nang mga panahon na mag-isa siya. I promised myself to be the person who will stand up for her. Ang taong hindi siya lilisanin kahit iwanan na siya ng mundo. Pero ano'ng ginawa ko? Kung sana'y hindi ko siya iniwan. Kung sana kahit nalilito ang isip ko'y pinanatili ko lang siya sa aking tabi ay hindi ganito ang sasapitin niya. Alam kong hindi na mababago ng 'sorry' ko ang mga nangyari pero sana ay huwag ilagay sa panganib ang kan'yang buhay dahil hindi ko kakayanin. "Zid, maupo ka muna." Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room at kanina pa din ako pinapaka
Read more
Chapter 74
Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd
Read more
Chapter 75
"Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot." Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis. Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.Hi
Read more
Epilogue
I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman. Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas
Read more
Special Chapter
Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet."  Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa.  Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status