Lahat ng Kabanata ng Capturing The Bachelor: Kabanata 41 - Kabanata 50
79 Kabanata
Chapter 40
Sa ilalim ng liwanag ng mga bituin ay ang mapayapang gabi. Ito ang paborito kong oras. Kapag napalitan na ng buwan ang araw ay hudyat na ng pahinga para sa buong magdamag na pakikipaglaban natin sa buhay. Pero ang gabing ito ay iba. Lumingon ako kay Harrieth nang bitiwan niya ang braso ko at pinauna ako sa paglalakad patungo sa lamesa na nasa gitna ng roofdeck. Mayroong multo ng ngiti sa kan’yang mga labi at para bang excited siya sa kung saan ay wala akong ideya. Sinenyasan niya akong maglakad na, kaya kahit nag-aalangan ay iyon ang ginawa ko. Huminto ako sa tabi ng mesa na maganda ang set-up. Sa gitna nito ay mayroong isang bulaklak na nakalagay sa vase at kandilang nasa isang babasaging lalagyan. Kung mahangin lamang dito katulad nang nakaraang pagpunta ko ay baka natumba na ito. Para akong nasa isang romantikong lugar dahil napapalibutan ng dimlights na nakapaloob sa isang tila baso ang kinatatayuan ko ngayon.Walang ibang tao sa lugar kun’di kami
Magbasa pa
Chapter 41
Paano mo ba malalaman kung totoong inlove ka?Ang sabi sa nabasa ko, isa daw sa mga sintomas para malaman mo kung nagmamahal ka na ba ay hirap kang makatulog. ‘Yong tipong paulit-ulit na nagpi-play sa isipan mo ang mga sweet moments n’yo.“Hay! Gusto ko nang matulog,” ungot ko habang pagulong-gulong sa kama. Pasado alas-dos na ng umaga pero mulat na mulat pa din ang mga mata ko.Uminom na ako ng gatas at nakinig sa mga kantang pampatulog pero tila wala iyong sinabi sa kwintas na ibinigay ni Zid. Maramdaman ko lang iyon sa leeg ko ay wala na, siya na ulit ang naiisip ko. Ayoko din naman na hubarin iyon dahil natatakot akong baka ma-misplace ko.Ganito ba talaga pag-inlove?Napagpasyahan kong buksan ang social media account ko dahil baka mabaliw na ako sa kakaisip na boyfriend ko na si Zid. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Fredo kapag nalaman niya ito? Baka mamatay na siya sa kilig o ‘di kaya sa inggit.Napangiti
Magbasa pa
Chapter 42
Ang huling punta ko ng dagat ay noong bata pa ako. Buhay pa noon si lola at mayroong pa-swimming ang mayor ng bayan namin. Iyon ang huli. Hindi rin naman kasi ako isinasama noon ni Tiya Chona tuwing may outing sila dahil walang magbabantay sa bahay.Ginawa pa akong aso. Mabuti pa nga minsan ‘yong aso, isinasama ng may-ari kapag aalis sila dahil wala itong kasama sa bahay.Kapag naman may outing sa paaralan ay mas pinipili ko na lang na hindi sumama lalo na’t wala din naman akong maibabayad. Hindi din ako papayagan.Ipinulupot ni Zid ang kan’yang braso sa aking bewang. Hinagkan niya ang aking sintido habang pinagmamasdan namin ang papasibol pa lamang na araw sa Ginana Island. Apat na oras ang naging byahe namin patungo dito.“Do you like here?” tanong niya. Tumango ako. Iba talaga ang hatid na kapayapaan ng amoy ng dagat at tunog ng alon mula dito.Isinukbit niya sa aking leeg ang camera na madalas naming gamitin kapag
Magbasa pa
Chapter 43
Kung maaari lang pumili ng pamilya ay pipiliin ko ang mga taong kasama ko ngayon. Naging matagumpay ang ginawa namin na surpresa para kay Manang Delia. Doon ay nakilala ko ang dalawa niyang anak at apo. Malaki ang pasasalamat nila sa pag-aaruga namin sa kanilang ina kahit na ang totoo ay kami ang inaalagaan ni Manang Delia. “Nag-enjoy ka ba?” tanong sa akin ni Zid habang nasa byahe kami pauwi. Masaya akong tumango sa kan’ya. Marahan niyang hinalikan ang kamay kong hawak niya. Binawi ko din iyon kaagad dahil nagmamaneho siya. Dalawang oras pa ang ibabyahe namin kaya sinusubukan kong huwag matulog. Kawawa naman kasi si Zid. “Come’on love, matulog ka na.” Simula pag-alis namin sa resort ay iyon na ang bukambibig niya. Dinapuan tuloy ako ng antok dahil sa paulit-ulit niyang pagbanggit nito. Nagising na lamang ako nang maramdaman ko na parang hindi na umaandar ang kotseng sinasakyan namin. Pagmulat ko ng mata ay hinanap ko kaagad si
Magbasa pa
Chapter 44
Ang magical talaga ng love. Nagagawa nitong pagtagpuin ang dalawang pusong magkalayo ng estado sa buhay, katulad namin ni Zid.Pinagmasdan ko ang bawat picture frame na nasa lamesa sa gilid ng opisina. Wala siya dahil kailangan niyang um-attend ng meeting sa accounting department. Isang oras lang daw naman iyon.Nilibang ko na lamang ang sarili sa pagbabasa ng mga magazine na nandoon. Napangiti ako nang mapadako sa feature section ng isang sikat na magazine, The Bachelor. Larawan ni Zid ang naroon suot ang kan’yang three piece suit.Sa unang pahina ay ang personal background ni Zid at ang kabataan niya. Hindi na ako nagtataka na madalas siyang maisali sa mga pageant noon sa paaralan nila. Sa gwapo niya ba naman, paniguradong hindi iyon papalagpasin ng mga guro at kamag-aral niya.Napatigil ako nang love story niya na ang topic. Tinanong siya kung ilan na ba ang naging girlfriend niya at sinabi niyang wala. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang p
Magbasa pa
Chapter 45
"Kaileen?" ulit na pagtawag sa akin ni Tiya Chona nang hindi ako sumagot.Hindi katulad sa asawa niya na matindi ang takot na nararamdaman ko, sa kan'ya ay may kaunting respeto pa. Pinakain at pinag-aral niya pa din naman ako kahit pa araw-araw niya akong inaalila. Inintindi ko iyon dahil malaki raw ang kasalanan na ginawa sa kanila ng tunay kong ina.Kung bakit ako ang kailangang magbayad ay hindi ko maunawaan.Ang hindi ko lang kayang matanggap ay nagawa niya pang kampihan ang masamang ginawa ng asawa niya laban sa akin.Hinawakan ni Zid ang kamay ko at iniharang ang sarili sa pagitan namin ni Tiya Chona."Kaileen, ipinakulong ng taong ito ang tiyuhin mo. Ikaw ba ang nagsolsol sa kan'ya para gawin iyon?" Alam kong pinipigilan lang niya ang pagtaasan ako ng boses dahil bakas ko na ang pagtitimpi niya.Wala akong ideya kung ano ang nangyari sa pagpunta ni Zid sa police sta
Magbasa pa
Chapter 46
Nang maging myembro ako ng The Veracity ay sinabi kong hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon upang makilala ang tunay kong mga magulang. Gusto ko nang makuntento sa buhay na mayroon ako ngayon.Pero malaki ang impact na nagawa sa akin ng mga salitang binitiwan ni Tiya Chona. Mas lalo kong naramdaman ang pagkamuhi niya sa akin.Tatlo silang magkakapatid at lahat ay babae. Ang bunso ay si Tiya Cynthia. Hindi ko na siya naabutan dahil ayon kay lola ay namatay ito bago pa ako ipinanganak. Kung ano ang ikinamatay niya ay hindi ko alam."Kai?" Napabalik ako sa ulirat nang tawagin ni Apollo ang pangalan ko.Nasa isang photoshoot kami para sa isang magazine. Saglit kaming nag-breaktime habang inaayusan ang mga modelo."Sorry," sabi ko nang mapagtantong tila kanina niya pa ako tinatawag."Mukhang malalim yata ang iniisip mo," aniya.Marahil ay oo dahil kanina pa kami nandito pero pakiramdam ko'y lumilipad ang isipan ko."Wala, hindi la
Magbasa pa
Chapter 47
Hindi ako nasundo kinabukasan ni Zid. Naiitindihan ko na may pinagkakaabalahan siya pero may parte sa isip ko na gustong malaman kung ano iyon. Sinundo na lamang ako ni Apollo sa condo dahil along the way naman daw iyon sa location namin. "Good morning," bati niya sa akin pagpasok ko ng kotse. Kaagad niyang iniabot ang kape mula sa isang sikat na coffee shop nang makaupo ako. "Thank you," sabi ko at kinuha iyon. May pa-kape pa siya. Nagsimula na siyang magmaneho habang nagtataka kong binubuksan ang note na nakadikit doon. 'Hi babe, have a great day. I love you'  Iyon ang nakasulat. Magkasalubong ang kilay na binalingan ko siya ng tingin. Gwapo, matipuno at mabait si Apollo. Imposible na walang magkakagusto sa kan'ya. Ang mga modelo nga namin minsan ay panay ang pa-cute kapag siya ang kumukuha ng litrato sa kanila. "Yes?" tanong niya nang mahalatang nakatitig ako sa kan'ya. Umiling ako kahit nagtatak
Magbasa pa
Chapter 48
Isinalaysay sa akin ni Zid lahat ng ginawa nilang lima upang makalikom nang mas marami pang ebidensya laban sa tiyuhin ko. Nabura lahat ng lungkot at tampo na nararamdaman ko dahil sa effort niyang iyon. Pinaimbestigahan nila ang tiyuhin ko at napag-alaman na mas lalo pala itong nalulong sa droga at alak sa mga lumipas na taon. Napatunayan din na ilan nang babae ang nagreklamo ng panghihipo subalit umaatras dahil natatakot sa pagbabanta ng tiyuhin ko at mga kaibigan nito. Bukas daw ay handa nang magsampa ng kaso ang mga biktima. Mayroon na din silang sapat na ebidensya na magdidiin sa paggamit at pagbenta nito ng droga. "Love, galit ka pa ba?" masuyo niyang tanong nang hindi ko maiwasang idiin ang pagdampi ng cotton na mayroong betadine sa kan'yang galos. Matalim ko siyang tiningnan. Masama pa din ang loob ko kahit pa para sa akin naman ang rason nang pagkawala niya nitong mga nakaraang araw. Ayoko lang kasi na hindi niya sinasabi sa akin ang
Magbasa pa
Chapter 49
Anumang klase ng sugat ay nag-iiwan nang marka, pisikal man o emosyonal. Subalit sa tuwing tinititigan ko si Harrieth ay tila napakainosente niyang tao, 'ni walang hirap na pinagdaanan. Malayong-malayo sa mga naikwento sa akin ni Zid. "Kuya, bakit walang 18 roses?" nagtatampong tanong ni Harrieth kay Zid nang makita ang draft ng invitation na ginagawa namin ngayon sa condo. "Mayroon naman 'di ba?" balik tanong ni Zid na itinuturo pa sa papel ang nasa program. Nakabusangot na tumingin sa akin si Harrieth. Parang katulad nang kay Blue, humihingi ng back up.  "Zid, ang 18 roses na tinutukoy sa debut ni Harrieth ay may kasamang sayaw sa 18 din na lalaking malapit sa kan'ya," paglilinaw ko dito. Ang inilagay niya lang kasi doon ay sila lamang tatlo ng daddy at kapatid niya ang sasayaw kay Harrieth. Mabilis na napangiti si Harrieth at matalim na tinitigan ang kuya niya na binibigyan naman ako nang makahulugang mga tingin. 
Magbasa pa
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status