All Chapters of I Made Her Heartless: Chapter 11 - Chapter 20
137 Chapters
Kabanata 5.1
Tumayo ako sa kinauupuan ko dahil dun. Pagagalitan niya nanaman yung nag-OOJT. Tsss"Sir hindi mo naman kailangang sigawan yung tao kung nagkamali." Sabi ko dito pero tiningnan lang ako sa mga mata ko ng matatalim na tingin."Pwede ba Keisha, huwag mo akong dinidiktahan kung paano ko dinidisiplina ang mga empleyado ko dito." Ani niya sakin."Hindi naman sa dinidiktahan kita Sir. Ang gusto ko lang pakisamahan mo sila ng maayos. Kung hindi sila maturuan ng mga kasamahan nila sa department nila edi ikaw ang magturo.""Hindi ako teacher para turuan ko sila! Marami na akong ginagawa at ayaw ko ng dagdagan ko pa ang gagawin ko at bigyan sila ng panahon para turuan. Kung hindi kayang gawin huwag tanggapin at ang mga regular employee ko ang gagawa!" napahawak na lang din ako sa sintido ko dahil ang hirap niyang kausapin."Fine, kung kaya kong gawin gagawin ko. Iutos niyo na lang sila sakin kapag may mali. Baka sakaling kaya kong gawin." Kinuha ko ang mga p
Read more
Kabanata 5.2
"Naku Sir ok lang po. Magcocommute na lang po ako sa labas." Pagtatanggi ko pero hindi siya pumayag."Hindi ko na rin kasi namalayan ang oras kaya hatid na kita.""Lagi ka bang late umuwi Sir?" kuryuso kong tanong dahil paano kung iniiwan ko na siya sa opisina niya at nauwi na ako."Sometimes." Maikli niyang sagot. Sumakay na ako sa kotse niya at inihatid niya na ako sa bahay."Maraming salamat po Sir. Nag-abala pa kayo." Sabi ko ng makababa ako ng kotse niya. Tinanguan niya lang ako at umalis din agad.-- "Hey pretty." Rinig kong sigaw mula sa likod ko pero hindi ko na pinansin dahil baka yung ibang kasama kong naglalakad ang tinatawag."Yah." Napahinto na lang ako sa paglalakad ko ng harangin ako ng isang lalaki."Kanina pa ako tawag ng tawag sayo hindi mo ako pinapansin." Ani niya. Si Sir Louie pala ang pinsan ni Sir Kyler."Tinawag mo ba ako sa pangalan ko?" tanong ko sa kaniya na inilingan niya naman. Naman pala eh.
Read more
Kabanata 6.1
Maaga akong pumasok ngayon para iprint na lahat ng mga ginawa kong business plan. Wala pa masyadong tao sa building na ito dahil gaya nga ng sabi ko maaga pa. Natapos kong iprint ang business plan at inilagay na sa folder.“Ayos na ito pwede ko namang ulitin kong may mali man ako.” Sambit ko sa sarili ko habang binubuklat at binabasa ang business plan.Nakailang ulit na ba akong basa dito? Dahil maaga pa naman pwede muna siguro akong umidlip. Pinagpuyatan ko talaga yun kagabi para maaga kong matapos at maipasa ko na sa kaniya ngayon.“GOOD MORNING” nagising ako dahil sa sigaw sa office. Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko para makaaninag agad ako ng malinaw.“Ay nagising ba kita Pretty?” tiningnan ko ang nagsalitang iyun at si Sir Louie nanaman pala. Nakita ko ring nandun na rin pala si Sir Kyler na nakatingin sakin. Mabilis kong inayos ang sarili ko dahil mukhang napasarap ata tulog ko at hindi ko namalayan ang
Read more
Kabanata 6.2
“Hindi niyo ba alam kung anong pwedeng mangyari kung hindi siya naagaran ng lunas?”“Pero kasi secretary, day off niya ngayong araw kaya hindi sagot ng kompanya ang nangyari sa kaniya.” –Sir Joel“Pero Sir nasa oras siya ng trabaho ng mangyari ang aksidente!”“Oo alam ko pero kasi day off niya ngayon.”“Paanong nangyaring day off niya pero nagtatrabaho dito? Panong nangyari yun Sir Joel.” Napapakuyom ko na lamang ang mga kamao ko dahil sa frustration.“Nagkaroon kasi ng emergency si Rome kaya nakiusap siyang pumalit muna ako.” Nanghihinang saad ni Mang Isko. Masyado na siyang nanghihina pero hindi pa rin siya nadadala sa Hospital.“Papatayin nyo ba tatay namin?!”sigaw ng isang dalaga samin.“Dalhin na natin siya sa Hospital Sir Joel.”“Pero kasi iha.”“No more buts Sir. Mas lalo tayong maaagrabyad
Read more
Kabanata 7.1
"Sir may aattendan po kayong party ngayong gabi." Paalala ko sa kaniya ng makita ko ang schedule niya."I want you to come with me." nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bakit naman sana ako sasama sa party na yun."Sasamahan mo ako. Understand?""Pero Sir wala po akong alam sa mga ganiyang party.""Basta sumunod ka lang kung san ako pupunta." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Ano kaya isusuot ko dun? Sinipat ko ang suot ko pero sa tingin ko hindi ito papasa. Eh ano ngang gagawin ko? San ako mangunguha ng damit para maisuot. Hinayaan ko na lang iyun, bahala na mamaya.Mabilis na lumipas ang oras at alas singko na. Alas syete ang party. San ko kaya pupuntahan si Sir mamaya."Let's go." Nilingon ko si Sir Kyler na nakatayo na ngayon kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kaniya.Napahinto ako sa paglalakad ng tawagin niya ako. Umiba na kasi ako ng direksyon ng makita ko siyang papunta ng basement."And where are
Read more
Kabanata 7.2
"Don't be scared I'm here." Ani ni Sir kaya huminga na akong malalim saka naglakad palapit sa kaniya. Inilahad sakin ni Sir ang braso niya at nag-aalinlangan ko pang hinawakan ito. Akala ko ba sasamahan ko lang siya pero bakit may paganito. Habang naglalakad kami hindi ko mapigilan ang pag-nginig ng kalamnan ko dahil bawat pagpasok ng mga guest ay siyang pagclick ng camera."Just walk." Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok ng marinig ko ang bulong ni Sir sa tenga ko. Sinubukan kong naglakad ng maayos pero hindi pa rin nawala ang panginginig ko. Huminto kami sa entrance ng event at nagclick lang ang camera saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Kita ko ang dami ng tao sa loob ng event. Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Sir na siyang ikinatingin sakin."Mr. Stanford buti nakadalo ka." Bati ng isang matandang may dalang wine."May kasama ka palang magandang dilag. That's new Mr. Stanford." Nakangising sambit ng matanda. Napaiwas ang tingin ko sa kanila dahil naiil
Read more
Kabanata 8.1
“Hoy mga baklita alam niyo na ba yung news?” nangingibabaw ang boses ni Angelo dito sa department nila. Hindi ko na lang pinansin ang tanong niya sa kabilang cubicle na katrabaho niya. “Anong news nanaman ba bakla ka?” rinig kong tanong din ng isang babae.  Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko pero natigil ang ginagawa ko ng marinig ang sinasabing news ni bakla. “Yung girl na muse ni Sir kagabi. Kyaaaaah.” Napahawak na lang ako sa tenga ko dahil sa lakas ng tili niya. “Ay oo nakita ko na yun number one search yun ngayon grabe ang swerte ni Girl.” Nilingon ko silang nag-uusap. “Uiy Keisha, secretary ka ni Sir kaya alam kong alam mo ang bawat galaw niya. Nakalagay ba sa schedule ni Sir kung sino yung muse niya kagabi?” panandalian akong napatigil at hindi alam kung anong isasagot. Ganun ba talaga kagrabe yung transformation na ginawa ni bakla at hindi ako makilala kahit ng mga katrabaho ko? “Hoy Keisha?” “HA? ah ano,
Read more
Kabanata 8.2
“Magtitimpla po sana ako ng kape natin Sir eh hindi ko naman alam na wala na pa lang ilaw dito. Ayaw ko sa dilim.” Nakayuko at nahihiya kong sabi sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na pabalik ng office. “Sana sinabi mo, hindi naman kita inutusang magtimpla ng kape eh saka nasa office na ang dispenser at may mga kape na dun. Nagtanong ka muna sana bago ka lumabas.” Nakahinga ako ng maluwag at pakiramdam ko safe na safe ako dahil sa kamay ni Sir na nakahawak sakin. Nakabalik kami ng office at nakita ko ang dispenser na nakasaksak sa likuran ko at katabi nito ang iba’t ibang uri ng kape. Ang tanga mo naman Keisha bakit ba hindi mo pa nakita yan eh ang laki laki na nga lang. “Bakit ang daming kape Sir? Dalawa lang naman tayo.” Sabi ko sa kaniya habang nangunguha na ng baso. “Hindi ko alam ang gusto mong kape kaya bumili nako ng marami. Puro ang sakin walang asukal.” Sabi niya kinuha ko naman na ang Nescafe na nakalagay sa maliit na plastic at inilag
Read more
Kabanata 9.1
Kita ko ang bawat hikab ni Sir at ang mga luhang namumuo sa mata niya dahil sa paghikab niya.“Sir pahinga po muna kayo.” Sabi ko sa kaniya at nilingon niya ako.“No I’m okay.” Ani nito at inayos ang sarili. Lumabas na kami ng conference room at naghiwalay na kami ni Sir ng lunch niya. Pagkatapos kong kumain ay pumasok na ulit ako ng office at wala dun si Sir siguro naglalunch pa. Paupo pa lang ako ng upuan ko ng biglang pumasok si Sir ng office niya.“Let’s go Keisha may pupuntahan tayo.” Sabi niya at lumabas din agad ng office. Sinundan ko na lang siya at sumakay ng kotse niya. Hindi na lang ako nagtanong kung san ba kami pupunta. Nagpatuloy ang byahe namin at nakalipas na ang isang oras ay hindi pa rin kami nakakarating.Parang palabas na kami ng metro manila dahil sa tagal namin eh. Nagpatuloy  kami sa isang lugar kung saan parang medyo malayo sa kabihasnan. Ipinasok pa ni Sir Kyler ang kotse niya s
Read more
Kabanata 9.2
Kumulo ang bigas na niluluto ko ganun na rin ang nilaga kong hita ng manok. Nang maluto na ang lugaw na kanin ay hinimay himay ko na sa maliliit ang manok at iginisa na ang luya. Nang maluto ang luya ay inilagay ko na rin ang lugaw at inilagay ang hinamay himay kong manok. Nang matimplahan ko na ito at ayos na sa panlasa ko. Naghiwa naman ako ng dahon ng sibuyas at iniligay sa loob. Nang matapos ako ay sumubo lang ako ng kaunti sa lugaw at hinugasan ang mga ginamit ko.Naabutan kong mahimbing na natutulog si Sir Kyler.“Sir gising po. Sir” panggigising ko sa kaniya gumalaw naman siya at unti unting iminulat ang mga mata.“Kain po muna kayo tapos inom kayo ng gamot bago matulog.” Tinulungan ko siyang tumayo at isinandal sa higaan niya.“Ok lang nam-“ hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya.“Ok lang po Sir hindi ko naman kayang iwan kang sina
Read more
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status