All Chapters of The Fall of the Queen: Chapter 61 - Chapter 70
103 Chapters
Ika-limampu't limang kabanata (ikalawang parte)
“Fajra, gising na.” Nangunot ang aking noo nang maramdaman ang pagyugyog sa akin ni Cyrus. Malinaw ang pagtawag niya sa akin at hindi niya tinitigilan na ugain ang balikat ko.Inangat ko ang aking kamay at inalis ang kamay niya sa balikat ko bago unti-unting minulat ang mata at tumingin sa kanya. Nakatayo na siya sa may gilid at mukhang maganda ang pagkakagising. Nakaayos din siya na hindi ko alam kung bakit.Lumingon ako sa may bintana at napakunot ang noo nang makitang hindi pa sobrang liwanag sa labas at mukhang papasikat pa lang ang araw. Magpapalit na ang araw nang pumasok kami kagabi kung kaya’t hindi ko alam kung bakit ganito niya ako kaaga ginising. Wala akong matandaan na may napag-usapang susunod na aktibidad na gagawin ng ganito kaaga.“Pinapatawag na ba tayo?” tanong ko sa kanya at bumangon mula sa pagkakahiga. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang daliri bago umiling sa akin at ngumiti.“Wala, pero
Read more
Ika-limampu't anim na kabanata
Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa nararamdaman ko. Tinitimbang ko kung may mararamdaman ba akong pagsisi sa aking naging desisyon na bigyan ng pagkakataon si Cyrus na iparamdam ang pagmamahal niya sa akin, ngunit wala akong makapa ni isa na pagsisisi o kung ano pa man doon. Pakiramdam ko ay tama lang ang ginawa ko dahil karapat-dapat siyang bigyan ng tyansa at alam kong totoo siya sa kanyang nararamdaman sa akin. Maaari rin na ang pagbibigay ko ng tyansa na iyon sa kanya ay ang magbigay linaw sa aking totoong nararamdaman at baka dalhin pa ako nito sa kalinawan ng misyon ko sa kanya… pero kapag sumasagi sa aking isipan na sa ginawa kong ito ay sinira ko ang paniniwala ko tungkol sa koneksyon ko sa aking nakatakdang kabiyak; na sa ginawa kong ito ay masisira ang koneksyon na mayroon kami ni Heinrich ay nababagabag ako at nakakaramdam ng lungkot. Naguguluhan na ako. Nagtatalo ang aking paniniwala, kagustuhan na matapos ang misyon, at ang damdamin. Alam ko
Read more
Ika-limampu't pitong kabanata
Ang oras ay mabilis na lumipas. Ang bakasyon namin ay agad ring natapos nang sumapit ang linggo dahil pagdating ng hapon ay umuuwi na kami. Noong umaga ng araw na iyon ay bumisita kami sa iba pang magagandang puntahan sa lugar na iyon tulad ng taniman ng ubas, ibang mga lugar kung saan magandang kumuha ng litrato, at sa mga pamilihan kung saan makakabili ka ng mga gamit at pagkain na sa bayan lang na iyon matatagpuan. Mabuti na lamang at matipid kaming pareho ni Cyrus noong mga nakaraan kaya may pera pa kaming naitabi noon at nagamit namin kahapon.Ibinili ko sila Aling Mirna ng mga prutas na mula roon at iba pang pagkain, habang si Mira naman ay binilan ko ng hinabing bag na mula sa bayan na iyon. Ilang pangdekorasyon sa bahay ni Cyrus at ilang kagamitan naman ang binili ko para sa amin. Dinamihan ko na ring bili ng ubas upang maibenta naming dito dahil mura iyon sa bayan na iyon. Hindi ko naman nilakihan ang patong ng presyo kung kaya’t mabilis ding naubos iyon. Sa ga
Read more
Ika-limampu't walong kabanata
“So, ano na? Kayo na? Sinagot mo na siya?” nasasabik na tanong sa akin ni Mira habang nagsasandok siya ng niluto kong pasta sa kanyang plato. Lunes ngayong araw at naisipan kong magluto ng pasta dahil ginamit ko ang natirang ham mula sa inulam namin kaninang almusal ni Cyrus. Eksakto rin naman na wala palang pasok si Mira kaya inanyayahan ko siya ngayon para makapagmiryenda.Ibinaba ko sa mesa ang ginawa kong garlic bread bago nagsandok ng aking pagkain at umiling ako sa kanya bilang sagot sa kanyang tanong. Agad namang napakunot ang kanyang noo at napatigil sa pagsubo ng pagkain.“Hindi? Bakit? Ayaw mo ba kay Cyrus? Hindi ba siya consistent? Ilang linggo na ba siyang nanliligaw?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. Napasandal naman ako sa aking kinauupuan bago inabot ang tinidor at napabuntong hininga.“Araw-araw ipinaparamdam sa akin ni Cyrus na mahal niya ako at wala naman akong mahihiling pa mula sa kanya dahil bukod sa likas si
Read more
Ika-limampu't siyam na kabanata (unang parte)
Ika-limampu’t apat na araw sa mundo ng mga tao; ika-dalawampu ng Oktubre; at ang ika-tatlumpung kaarawan ni Cyrus. Ang araw na ito ay mahalaga kay Cyrus dahil ngayon ang simula ng panibagong kabanata ng kanyang buhay, panibagong taon, at panibagong mga kahaharapin. Sa araw na ito ay dapat may malaking selebrasyon na magaganap, ngunit dahil para bang sumpa ang araw na ito sa kanya dahil parati na lamang siyang nagkakasakit. Hindi ito dahil sa panahon at pagkakataon, mayroong rason sa likod nito na hindi ko alam kung ano, at wala akong oras upang alamin iyon dahil mas kailangan kong intindihin ang lagay niya.Magdamag ko siyang binantayan kagabi dahil hindi bumuti ang lagay niya. Mas tumaas ang kanyang lagnat at mas nanakit ang ulo at katawan kaya oras-oras akong nakabantay sa kanya, pinupunasan siya, at pinapainom ng gamot kapag kailangan. Hindi na ako nagpahinga dahil naging tutuok ako sa pagbabantay sa kanya. Wala lang din naman iyon sa akin dahil mas importante ang pa
Read more
Ika-limampu't siyam na kabanata (ikalawang parte)
Mabilis na lumipas ang buong maghapon. Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay kumuha na kami ng litrato ni Cyrus bago namin pinagsandok ng pagkain sila Mira at ang iba pa. Ako na ang naghatid ng pagkain kina Mira at nagpatulong sa kanya na ibigay ang iba pang pinabalot ni Cyrus para sa iba pang mga taga rito. Lahat naman sila ay nagpasalamat at pinabati si Cyrus. Ang iba ay may regalo pang inabot na pinasalamatan ko. Pagkabalik ko sa bahay ni Cyrus ay kumain na kami. Bumalik ang sigla niya sa pagkain kung kaya’t hinayaan ko siyang kainin ang lahat ng gusto niya pero ang softdrinks ang nilimitahan ko. Kahit paborito niya ito ay hindi pa rin ‘to masustansya. Mabuti na lang at nakinig siya sa akin at ang mga ibinibigay ko ang inuubos. Ang akala ko’y didiretso na sa pagbuti ang lagay niya dahil simula pagkagising niya ay mas umayos na ang pakiramdam niya hanggang sa buong hapon, pero nabigla ako nang pumatak ang gabi ay bumalik na naman ang init ng temperatura ng kata
Read more
Ika-animnapung kabanata
“Ngayong nagising mo na ang totoo niyang pagkatao, ay ang susunod na kailangan mong gawin ay ipakilala sa kanya kung sino siya at kung paano mamuhay kagaya natin. Siya ay kailangan mong sanayin sa pakikipaglaban dahil sa oras ng pagbabalik mo sa ating mundo ay kasama na siya. Tandaan mo mahal na reyna, siya ang nakatakda mong kabiyak at ang magiging susunod na hari kung kaya’t nakadepende sa iyo kung paano ang gagawin mong pagtuturo. Sa iyo siya kukuha ng lakas at dedepende lalo na’t kaya siya napunta sa sitwasyon na iyan ay dahil na rin sa iyo.” Iyon ang mga huling kataga na binitawan ng bampirang nagligtas sa akin, nagbibigay ng mga gagawin, at ng mga kasagutan at kalinawan sa aking misyon, bago humalo sa hangin at hindi na nagpakitang muli. Iniwan niya kami kanina ni Cyrus sa may ilog na para bang iyon ang pagtatapos ng kanyang gawain sa araw na ito. Matapos niyang ituro sa akin ang gagawin upang iligtas sa Cyrus ay nagbigay ulit siya ng sunod na gagawin. Alam k
Read more
Ika-animnapu't isang kabanata
“Mahal na reyna…” Nagpalingon-lingon ako sa paligid at hinanap ang boses na tumawag sa akin. Ang boses na hindi ko kilala, ngunit alam kong galing sa isang nilalang na may malaking parte sa akin dahil iba ang dulot na saya no’n na may kasamang lungkot sa aking puso. “Fajra, anak ko…” Sa muling paglingon ko sa aking likod at sa madilim na lugar na ito ay napatulala ako nang makita ang isang nilalang na tanging ang mga mata lang ang kaibahan sa aking wangis. Ang buhok niya na kapareho ng akin, ang hugis ng ilong, mata, labi at katawan ay magkapareho. “I-Ina?” tawag ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin kung kaya’t iyon ang naging hudyat ko upang tumakbo papalapit sa kanya, ngunit sa kahit anong bilis ang gawin ko ay tila ba’y hindi ako umuusad. Napuno ng pagkabahala ang puso ko. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang makita ng malapitan at yakapin dahil ngayon ko lang siya makakasama. Ilang taon kong hinihintay na kahit sa panaginip ko ay magpakita
Read more
Ika-animnapu't dalawang kabanata
“Talas ng pandama. Iyan ang unang bagay na dapat mong matutunan dahil ang mga kalaban ay patagong kumilos at may mga taglay na bilis at kayang sumabay sa hangin. Bago ka nila matamaan ay kailangan mo na agad malaman kung nasaan sila upang maiwasan iyon at makadepensa. Kailangan mong salagin ang lahat ng pag-atake na gagawin ko at alamin kung nasaan ako nakapwesto. Magagawa mo ba?” tanong ko sa kanya habang nilalagyan ng piring ang kanyang mata. Nang matapos ko iyong ilagay sa kanya at siniguradong wala siyang nakikita ay tumayo ako sa kanyang harapan.“Seryoso ka talaga, Fajra? Gan’to agad? Hindi muna mga suntukan? Basic attack skills, gano’n?” tanong niya na ikinataas ng kilay ko.“Oo, dahil ang mga sinasabi mo ay mabilis mo na lang matutunan, at lakas at estilo lang ang kailangan. Kahit na mortal ay makakaya iyon,” sagot ko sa kanya at kinuha ang patpat na nasa gilid bago naglakad paikot sa kanya.“Handa ka
Read more
Ika-animnapu't tatlong kabanata
Labing-isang araw at sampung gabi ang mabilis na lumipas ng gano’n-gano’n na lang. Walang gabi ang aming pinalampas ni Cyrus para sa pag-eensayo dahil ang pagtuturo sa pagkontrol ng espesyal niyang kapangyarihan ay hindi gano’n kadali, ‘di tulad ng mga kakayahan ng mga bampira na natural at kayang-kaya kong ituro sa kanya.Sa ikalawang araw ng pag-eensayo niya ay nagpakita sa amin ang bampirang nagligtas sa akin. Nagpakilala siya kay Cyrus ngunit ang totoong pagkakakilanlan ay tago pa rin. Ipinaliwanag niya sa amin ang kapangyarihan ni Cyrus at nagbigay ng mga dapat gawin upang mapalabas iyon at magamay. Wala akong alam tungkol sa kakayahan niya at binabase ang pagtuturo sa sinabi sa amin kung kaya’t hindi iyon naging madali. Bukod rin sa pagbibigay niyang muli ng tulong ay ipinakita niya sa amin ang kasalukuyang nagaganap sa aming mundo at ang impormasyon na alam na ng mga kasamahan ko na buhay ako at malapit nang makabalik.
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status