All Chapters of The Fall of the Queen: Chapter 81 - Chapter 90
103 Chapters
Ika-pitumpu't dalawang kabanata
Nakatanggap kami ng hudyat na nasa kanya-kanya nang posisyon ang lahat, kung kaya’t hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at magkakasamang humalo sa hangin. Dito kami napunta sa pwesto na malapit sa kastilyo, kung saan dito rin kami unang dumaan noong kinuha namin ang aking espada at kasulatan. Katulad ng ginawa namin noon, ginamit ni Heinrich ang kanyang kapangyarihan upang palooban ng itim na kapangyarihan ang mga nagbabantay, na nagdulot ng pagkablangko ng kanilang isip. Agad ko rin silang kinulong sa itim na harang upang magbigay ng kasiguraduhan na hindi sila tuluyang makakalabas. Lumapit kaming magkakasama sa harang na ginawa ng mga kalaban. Hindi tulad noong una ay dumoble ang harang na iyon. “Para tuluyan tayong makapasok ay kailangan naming palooban ng bagong harang ang mundo ninyo, pero sa pagkakataong ito ay tayo na ang makakapasok. Ang mga mamamayan lamang ang makakalabas, at makukulong ang mga kalaban. Hindi nila malalaman na napalitan na ang haran
Read more
Ika-pitumpu't tatlong kabanata
Masyadong mabilis at nakakabigla ang nangyari. Ang nilalang na sinaksak ko at sumasakal kay Ina ay hindi si Arthur kung hindi ang nilalang na binuhay ko. Sa palagay ko ay kinontrol siya ni Arthur at pinalabas na kawangis niya. Walang nakatingin sa kanilang pwesto dahil ang lahat ay may kanya-kanyang kaharap kung kaya’t ang pagkakataon na iyon ay kinuha niya. Napahakbang ako paatras at napatulala. Nabitawan ko rin ang aking espada at napatingin kay Ina na bumagsak sa sahig. Hinahabol niya ang kanyang paghinga at napatingin sa akin, pero gano’n na lang ang pagtataka ko nang manlaki ang kanyang mata. “Fajra! Si Arthur!” Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na napalingon sa likod ko nang marinig ang boses na iyon. Masyadong mabilis ang pangyayari at huli na para sa akin. Sa pagharap ko ay ang nakangising mukha ni Arthur ang bumungad sa akin, at nakitang hawak niya ang aking espada kahit tumutulo na ang dugo mula sa kamay niya mula sa pagkasunog. Napapikit na lam
Read more
Ika-pitumpu't apat na kabanata
“N-nangako si C-Cyrus sa akin n-na hindi ka n-niya s-sasaktan, k-kaya s-siya na ang bahala sa i-iyo. M-mahal kita, F-Fajra… M-mahal na m-mahal, at h-hindi ako n-nagsisisi na ginawa ko i-ito...” Napaawang ang labi ko at hindi na napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha dahil nasaksikan ko kung paano unti-unting pinikit ni Heinrich ang mga mata niya. Ang kanya ring hawak sa akin ay unti-unting lumuwag, hanggang ang paghinga ay tuluyang napugto. “H-hindi… Heinrich!” “HEINRICH! HINDI! HEINRICH!” Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga, pero gano’n na lamang ang pagdaing ko sa sakit at paghawak ko sa may tapat ng puso ko nang ang naramdaman ko ang sakit doon na hindi napapatid. Para pa rin itong pinipiga at nasusunog mula sa huli kong naalalang sakit na naramdaman, at idagdag pa na may mahapdi sa parte na iyon. “Fajra! Anong nangyari?! Saan ang masakit?!” Kaagad na nilingon ko ang nagsalitang iyon at nakita ang nag-aalalang mukha ni Cy
Read more
Ika-pitumpu't limang kabanata
Sa bawat pagsubok na aking kinakaharap, at kahit gaano ko man kwestyunin ang lahat ng nangyari sa aking buhay ay hindi nawawala sa puso at sa isip ko ang idulog lahat sa may Lumikha. Kahit ilang beses ko silang kinuwestiyon, kasama ang tadhana, ay hindi no’n maaalis ang pananalig ko at pagtitiwala. Kahit hindi man maganda ang kinakalabasan ng mga paghihirap ko, at kahit ilang impyerno pa ang sinusuong ko ay nananatili akong nakakapit sa kanya, dahil hindi maaalis ng mga pagsubok na iyon ang katotohanan na kahit anong gawin ko ay ang lahat ng mayroon ako, lalo na ang buhay ko at ang mga nilalang na malalapit sa akin ay hindi mapaparito kung hindi dahil sa kanya. Sa gaano katagal ang mga paghihirap at sakripisyo; at kahit masakit makita at isipin ang mga nagbubuwis ng buhay ay kahit kailan’y hindi ko siya tinalikuran. Kahit mahirap tanggapin ay palagi kong itinatatak sa aking isip na ang lahat ng nangyayari ay may rason. Ang pagkabuhay ko sa mundong ito bilang isang imortal at
Read more
Ika-pitumpu't anim na kabanata (unang parte)
Ang kaba ni Cyrus kagabi ay napalitan ng kasabikan nang sumapit na ang umaga. Mas nauna pa siyang gumising sa akin at naabutan kong nakasilip sa bintana kanina at tinatawan ang ayos sa bayan. Ayon sa kanya, kung hindi man daw siya agad na matanggap ng mga mamamayan ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang ang magiging kanyang pamumuno ay maging maayos. Handa na si Cyrus, at kaunting hintay na lang sa oras at pagtatapos ng kanyang pag-eensayo ay malapit na siyang maging hari. Patago ko nang kinakausap ang aking ina pati na rin si Danie para sa kanyang koronasyon. Sinimulan namin ang araw sa sabay-sabay na pagkain ng almusalan kasama ang iba naming mga kaibigan narito na sa kastilyo para sa kasiyahan. Lahat sila ay kahapon pa lang ay narito na, at sinabing ang iba ay susunod na lamang sa mismong araw ng kasiyahan. Sinundan ang pagtatapos ng almusalan na iyon ng pag-aayos para sa gaganaping kasiyahan dahil mamaya lang ay lalabas na kami upang maglibot sa mga bayan.
Read more
Ika-pitumpu't anim na kabanata (ikalawang parte)
Nandito ako ngayon at nakatayo sa mababang entablado na ginawa at nakatingin sa lahat ng nandito sa loob ng bulwagan. Si Cyrus na aking ipapakilala ay nasa may baba kasama ng iba, at nakita ko sa kanyang mukha na para bang kinakabahan siya, kung kaya’t ngumiti ako sa kanya. Alam kong kahit gusto niyang alisin ang kaba sa mga oras na ito ay hindi iyon gano’n kadali, dahil miski ako ay nararamdaman iyon. “Bukod sa posisyon ng mga konseho ay mayroon pang pwesto na nablangko, at iyon ay ang pwesto para sa ating hari. Katulad ng aming ipinaliwanag noong nakaraan, ang anak ng dating pinuno ng konseho na si Adam Venderheel ay ni minsan ay hindi naging hari at hindi totoong naikasal sa akin. Ang kasal at pagkokorona sa kanya ay isa lamang akto at parte ng aking plano dahil iyon ay ang aking naging paraan upang malaman at ibunyag ang kanilang masamang hangarin,” panimula ko. “Simula ng mawala ang aking amang hari, at simula ng ako ang mamuno sa ating mundo ay hindi tayo nagka
Read more
Ika-pitumpu't pitong kabanata
“Mahal na hari, may gusto lang akong itanong at linawin. Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako at hindi kumpyansado kung makakagaya ko bang pagtagumpayan ang pagsubok bukas. Sa totoo lang ay nahihirapan akong kabisaduhin ang lahat ng batas sa ating mundo, at mas lalong nalilimutan iyon dahil bukas na ang eksaminasyon para ro’n. Sa palagay ko ay baka mabigo ko lamang ang Mahal na reyna na pumili sa akin. At naiisip ko pa lang iyon ay nilulukuban na ako ng hiya.” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na iyon. Papunta ako ngayon sa aklatan dahil may kailangan akong kuhanin na libro nang madaan ako rito sa may isang silid. Sa pagkakaalam ko ay ito ang nakalaang silid para sa mga nag-eensayo at nag-aaral na maging susunod na konseho ng aming mundo, at base sa narinig ko ay ang isa sa kanila ay kausap si Cyrus. Humakbang ako palapit sa pintong nakasara upang mas malinaw na mapakinggan ang pag-uusap nila na iyon. “Huwag kang mag-alala at manatili
Read more
Ika-pitumpu't walong kabanata
Bukod sa mga pag-eensayo, mga dapat tandaan patungkol sa kung paano maging mabuting pinuno, paano magdesisyon ng tama, at kung paano maging matatag ay hindi nawawala sa paalala sa akin ni Ama noon na maging wais pagdating sa pag-ibig. Oo, ang bawat nilalang ay mayroon nakatakdang kabiyak, ngunit hindi naman ibig sabihin no’n ay basta mo na lang hahayaan ang lahat. Kailangan mo pa rin maging wais sa pagdedesisyon, at kung paano aayusin, at papalalimin ang inyong relasyon upang hindi mauwi sa pagtalikod, pagtataksil, at sakitan. Ilang beses pinapaalala sa akin iyon ni Ama dahil alam niyang sa aspetong iyon ay palagi kaming bigo. Isinumpa bilang kapalit ng pagiging makapangyarihan at paglabag sa batas noon na hindi maaaring maging isa ang isang Demon at Vampire. Iyon ay kanyang naranasan, at alam kong kaya niya ipinapaalala iyon ay hindi niya gustong mangyari sa akin, lalo na’t pagdating sa emosyonal na aspeto ay sobra na ang sakit na madudulot no’n. Parati niyang sinas
Read more
Ika-pitumpu't siyam na kabanata
Sa dalawampu’t pitong taon ko sa mundong ito na pasan ang mabigat na responsibilidad ay ito ang pangalawang beses na nakatulog ako nang mahimbing. Ang una ay noong nasa mundo ako ng mga mortal habang kasama si Cyrus, at ang sumunod ay ngayon, na siya pa rin ang aking katabi na ngayong mas napagtibay na at mas nabigyan ng linaw ang aming koneksyon. Naramdaman ko na para bang may sumusuklay sa aking buhok na nakapagpagising sa akin. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Cyrus na nakangiti. Awtomatiko ring gumuhit ang isang ngiti sa aking labi dahil doon. “Magandang umaga,” bati niya sa akin, at ipinagpatuloy ang ginagawa niyang pagsuklay sa aking buhok. “Magandang umaga rin,” bati ko sa kanya pabalik. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at kinintilan ako ng halik sa labi, bago ako hinila pasiksik sa kanyang katawan. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan dahil dikit na dikit ang aming m
Read more
Ika-walumpung kabanata
“Dan, malayo pa ba kayo?” naiinip na tanong ko kay Dan sa aking isip. Pabalik-balik akong naglalakad rito sa loob ng aklatan dahil kanina ko pa hinihintay ang pagbabalik nila. Hindi ko na natapos ang pagbabasa dahil sa inip sa paghihintay sa kanilang pagbabalik. Hindi ko mailagay ang buong atensyon ko sa binabasa ko dahil pati ang isip ko ay sumunod ata sa kanilang pag-alis kanina. “Fajra, kakatanong mo lang niyang sampung segundo lang ang nakakaraan. Ano bang nangyayari sa iyo?” sagot ni Dan sa aking isip na aking ikinahinto sa paglalakad. Sampung segundo pa lang ba ang nagdaraan? Wala si Dan dito sa kastilyo at kasama niya si Cyrus at ang ibang kawal. Umalis sila kanina dahit ito ang araw ng kanilang takdang paglilibot sa mga hangganan ng aming mundo upang alamin ang lagay roon at kuhanin ang mga ulat. Kahit wala na kaming kalaban ay hindi pa rin naman nawawala ang mga maliliit na nanggugulo at nakakalampas kung kaya’t ang pagbabantay sa mga lugar na iyon
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status