Semua Bab Agent Ex-Lover: Bab 21 - Bab 30
34 Bab
Chapter Twenty One
AYAW naman sanang iwan ni Jeremy si Katrina pero kailangan niyang sundin ang sinasabi ng kanyang Chief. Kailangan siya nito sa ahensya at hindi niya ito kayang tanggihan. Ngunit, hindi ibig sabihin nu'n ay hindi niya magagawang ipakita ang inis dito. Inis nga niyang ibinagsak ang kanyang sarili sa sofa na nasa opisina nito. Ayaw niyang umupo sa silyang nasa harapan nito dahil gusto rin naman niyang maging kumportable. "Mukhang masama na ang loob mong binibigyan kita ng misyon, samantalang dati'y lahat ng delikadong trabaho ay kinukuha mo," wari'y hindi makapaniwalang sabi ni Chief Domingo Mercado. Gayunman, hindi nito magawang burahin ang ngisi. Para ngang tinutudyo pa siya nito kaya panay ang kindat nito sa kanya. "May asawa na ako ngayon," inis niyang sabi. Nais nga sana niyang mag-resign na dahil gusto niyang ituon na sa kanyang pamilya ang atensyon pero kailangan din niyang tapusin ang kanyang misyon tungkol sa mga Samonte. Marahang tawa ang pinawalan ni Chief Domingo na para
Baca selengkapnya
Chapter Twenty Two
INHALE-exhale, mariing utos ni Katrina sa sarili dahil sa biglang sabi ni Jeremy kanina na kailangan nitong umalis. Hindi naman niya tinanong kung saan ito pupunta. Natural, gusto niyang ito ang magsabi sa kanya kung bakit ito aalis at kung sino ang pupuntahan nito. Ngunit, wala siyang narinig kaya kung anuman ang gagawin nito'y talagang ipaglilihim sa kanya. Para tuloy kinurot ng pinung-pino ang kanyang puso. Para kasing pinatutunayan lang nito na ang pagiging mag-asawa nila ay sa papel lang. Kaya kahit gustung-gusto na niyang maniwala sa sinasabi nitong mahal siyang talaga parang may umaawat sa kanya. Parang may nagsasabi sa kanya na pinapaasa na naman siya ni Jeremy. higit pa ngang masakit ngayon dahil nalaman niya ang dahilan kung bakit pinakasan si ni Jeremy -- dahil sa Hacienda Rosales. Masarap ang umibig pero masakit ang umasa't mabigo. Ito ang kanyang napatunayan kaya nga nu'ng magdesisyon si Jeremy noon ay parang gusto niyang maloka. Hindi lang kas
Baca selengkapnya
Chapter Twenty Three
PARANG nangangati na ang mga daliri ni Katrina na i-text si Jeremy ngunit hindi niya magagawa. Natatakot kasi siya sa maaaring mangyari kapag nagpabigla-bigla siya sa pagdedesisyon. Saka, baka naman nang-aasar lang si Joshua. Dahil matapos nitong titigan ang kanyang tiyan ay umalis na. Gayunman, ang takot na naramdaman niya sa tingin at sinabi nito'y hindi pa rin mawala. Hindi niya tuloy napigilang tutupin ang kanyang dibdib na patuloy sa pagtibok. Sobra kasi siyang natakot. Gayunpaman, kailangan niyang magpakahinahon dahil alam niyang mas maaapektuhan ang kanyang anak kapag masyado siyang nagpadala sa takot na nararamdaman.Ayaw niyang isipin na may laman ang pagbabanta nito ngunit nakakaramdam siya ng takot sa titig nito. Alam niya kung gaano nito kinamumuhian si Jeremy kaya hindi imposible pati ang anak nila ay madamay. At tiyak niyang hindi hahayaan ni Jeremy na may mananakot sa kanya dahil sinabi niya sa asawa na bawal siyang ma-stress. Kaya nga
Baca selengkapnya
Chapter Twenty Four
KUNG inaakala ninyo na makakalimot ako sa kasalanan ninyo, nagkakamali kayo. Nandito lang ako at naghihintay ng tamang pagkakataon para gumanti. At sa pagkakataong ito, titiyakin ko na madudurog ko na ang mga puso ninyo. KAHIT na nakakaramdam na ng antok si Jeremy ay hindi pa rin niya magawang pumikit. Siyang-siya kasi siyang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Katrina na kampanteng-kampanteng nakasiksik sa kanyang dibdib habang mahigpit naman niya itong yakap. Kahit na nakailang beses silang nagtalik ay parang hindi pa rin iyon sapat para mawala ang pagnanasang nararamdaman niya para sa kanyang asawa.Kahit naman nu'ng nagkahiwalay sila o mas tamang sabihing noong hiniwalayan niya si Katrina ay wala siyang ibang babaeng gustong makasalo sa kama. Para sa kanya, si Katrina lang ang babae sa kanyang buhay. Mahal na mahal niya ito kaya kahit na masasaktan siya ay pinawalan niya ito noon para lang masiguro niya ang kaligtasan nito. Ngunit, tala
Baca selengkapnya
Chapter Twenty Five
DAHIL sa mahigpit na yakap ng asawa, nakampante si Katrina. Alam niyang walang makakapanakit sa kanya. Gayunpaman, ang takot ay ayaw mawala sa kanyang dibdib. Siguro dahil kahit alam niyang kayang-kaya siyang maipagtanggol ni Jeremy,  ay hindi naman nito magagawang kalabanin ang patay na at sa panaginip lang siya dinadalaw.  Bigla tuloy niyang naalala ang mga kuwento ng kayang Tita Eta. Sabi nito, ang mga galit na kaluluwa ay malulupit gumanti. Talagang bubulabugin ka. Maaaring hindi ka mahahawakan nito peropapasukin naman nito ang iyong panaginip at iyon ang ginawa ngayon sa kanya ni Flaviano. Maaari ngang unang pagkakataon pa lang naman ito pero ayaw na niya siyempreng may sumunod pa. Mas humigpit pa ang yakap niya kay Jeremy nang manumbalik sa isipan niya ang mga eksenang natandaan niya buhat sa kanyang panaginip...Matalim na matalim daw ang tingin sa kanya ni Flaviano nang lapitan siya. Mistulan itong mabangis na leon na handang ma
Baca selengkapnya
Chapter Twenty Six
ALAM man ni Katrina na isang masamang panaginip lang iyon pero ang kaba na nasa kanyang puso ay hindi mawala-wala.  Pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang mangyayari kaya ng mga sumunod na araw ay parang nawawala siya sa sarili. "Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano riyan," naiiritang sabi sa kanya ni Ysabelle nang tawagan niya ito. Gusto sana niya itong papuntahin pero baka masyado lang siyang nagiging OA saka hindi rin naman niya sariling bahay ito para mag-aya na lang palagi ng bisita. Kahit naman asawa siya ni Jeremy at dito rin mapupunta ang Rosales Mansion at Hacienda Rosales, hindi pa rin siya dapat laging nagyayaya ng bisita dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya na kaya siya pinakasalan ni Jeremy ay dahil sa mamanahin nito. "Alalahanin mo ay ang anak mo. Baka naman magmukhang monster 'yan kung wala kang ibang iniisip kundi si Flaviano.""Huwag ka ngang ganyan," gilalas ni
Baca selengkapnya
Chapter Twenty Seven
NANLAKI ang mga mata ni Katrina nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa may pinto ng banyo, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintuan. Hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi dahil sa takot na kanyang naramdaman, kundi dahil sa matinding pagnanasa na paulit-ulit niyang nararamdaman sa kanyang asawa. Hubad baro kasi ito at nakatapis lang ng asul na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya naman, nasisiguro niyang wala rin itong suot na panloob. Oh, para tuloy nanuyo ang lalamunan. Pakiramdam niya kasi'y kailangang-kailangan niya ito ng mga oras na iyon. Gusto niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang mapupusok nitong halik at ibig niyang maramdaman ang pag-angkin nito. "Anong totoo?" interesadong tanong nito. "That I'm in love with you," nahagilap niyang sabihin. Kahit naman nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa nakikita niya'y hinding-hindi pa rin niya gugustuhin na mabuking siya ni Jeremy. Hindi pa siya handang ip
Baca selengkapnya
Chapter Twenty Eight
PARANG gustong mahimatay ni Ysabelle nang mga sandaling iyon. Hindi niya kasi talaga akalain na muli niyang matatagpuan ang lalaking nakatalik niya. Alright, gusto rin naman niya itong makita pero hindi sa ganitong paraan. Para siyang pinaglalaruan ng tadhana gayung siya ang nagbalak na maglaro.  "Ehem..." wika ng kanyang ama na nagpalingon sa kanya.  Dahil sa dadalawa na lang naman sila ng kanyang ama sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay piniling makipaghiwalay na sa kanyang ama matapos ang mahigit sampung taong pagsasama ng mga ito sa isang bubong. Ani ng kanyang ina, kahit anong gawin nito ay talagang hindi makakayang mahalin ang kanyang ama.  Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang magmahal. Nangangamba siyang baka sa hiwalayan lang din naman sila mauwi. Kaya nga, itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pangangabayo. Isa siyang equestrian. Kaya lang, kahit na sumasali siya sa mga kompetisyon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Ku
Baca selengkapnya
Chapter Twenty Nine
KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala. Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano. "Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya. "Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan. "Ospita
Baca selengkapnya
Chapter Thirty
AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya. "Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina. Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito. "Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa. "Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina. "What?""Baka kasi iniisip mo na n
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
DMCA.com Protection Status