All Chapters of Stranger's Promises:A Contract: Chapter 11 - Chapter 20
21 Chapters
Chapter 7: Part 2
  Celina's Point of View  Tila may magnet sa aking kinauupuan na humihila sa akin para 'di makagalaw.  Ngunit kahit na gano'n ay may isang bagay akong nagawa at iyon ay ang pagmasdan kung paano prinotektahan ni Darwin si Diane mula sa malakas na pagbuhos ng tubig. Walang nakakaalam kung saan at kung paano iyon nangyari dahil sa biglang pagsara ng mga ilaw. Katulad ng mga madalas nating makita sa mga palabas, dumating ang isang lalaki para sagipin at tulungan ang bidang babae habang ang isang kasama niya ay walang nagawa kun'di titigan sila. Kung titingnan ang mga nangyayari ay maihahalintulad ito sa isang impromptu na stage play. Nakakulong sa mga bisig ni Darwin si Diane at mahigpit itong yakap. Lahat ay nakanganga at tulala dahil sa kanilang nakita. Itinulak ni Diane si Darwin upang kumawala sa pagkakayakap nito. Nang makadistansya siya ay malakas niyang sinampal si Darwin na nanatiling tahimik. Unti-unting bumalik ang ingay s
Read more
Chapter 8
Celina's Point of View "So, saan mo ba talaga ako dadalhin Darwin? Akala ko ba iuuwi mo ako?" Sumuko ako sa kan'yang pamimilit. Masakit siya sa mata kaya wala na akong magawa kun'di hayaan siya ang besides mas makakatipid ako ng energy. Ngunit saang lupalop ng mundo niya ba ako balak dalhin? Nginitian niya lang ako, as he usually do at saka nabalik sa kalsada ang tingin. "Wait and see," sagot niya. "Kapag malungkot ka, yakapin mo lang si Happy. Mapapakalma ka niya. Kapag hindi mo matagpuan si Happy, tawagin mo lang ako. Okay? Ako ang magpapasaya sa'yo, munti kong prinsesa."  "Mama, mama, mama!" Sa pagkakaalala ko, nakangiti kong tinawag ang pangalan niya. Kita ko ang saya sa mga ngiti niya. Pero iyon ang huling beses na nagpakita siya kahit ilang beses ko siyang tawagin. Pasasayahin ba kamo? Kasinungalingan! At saka, bakit ba sumagi sa utak ko ang mga alaalang 'yon? Halos 15 years na din siyang nawala, wala na rin nam
Read more
Chapter 9
Darwin's Point of View "G-Glisea?" Iyon ang unang beses kong narinig na tinawag ni Celina ang sarili niyang ina gamit ang pangalan nito. Alam kong mangyayari ang bagay na katulad nito pero pinilit ko siyang pumasok kahit na alam ko rin na pagagalitan ako ni Tita Glisea na dinala ko siya dito ng walang pasabi. Ito lang ang naiisip kong pagkakataon na makatulong! Dahil alam ko din ang pangungulila niya sa ina sa mahabang panahon na nagkawalay sila at alam kong mapapatawad niya ito.  Hindi ko hahayaang hindi sila magkaayos ngayong araw. Alam kong hindi ako ang kailangan ni Celina para mabawasan ang sakit na dinadala niya. Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na 'yon! Hindi ako makatingin ng diretso sa mga titig ni Tita Glisea na gulat din sa mga nangyayari.  "Celina..." Kitang-kita ang pagkalito at inis sa mga tingin ni Celina. Sinubukang lumapit ni Tita sa kan'ya ngunit mas lalo lang bumibilis ang hakbang niya paatras, palayo sa bis
Read more
Chapter 10
Celina's Point of View Rinig na rinig ko ang pagkabog ng aking puso, ramdam ko ang pagkatuyo ng aking lalamunan, dama ko ang pangingilig ng aking tuhod at halos habulin ko na ang aking hininga pero hindi ko magawang tumigil sa pagtakbo. Isa lang ang dahilan, wala akong balak na tumigil at ayokong ibalik ang nakaraan. Mas bumibigat lang lalo ang aking pakiramdam at hindi ko alam ang dapat kong gawin. Tumigil ako sa pagtakbo nang matagpuan ang malaking batong malapit sa may ilog at mukhang magandang pahingahan. Hindi ko na matanaw pa ang aking pinanggalingan at sigurado akong hindi na nila ako masusundan papunta rito. Pinunasan ko ang natuyong luha sa aking pisngi at saka inakyat ang itaas ng bato. Naibsan ang init na nararamdaman ko dahil sa dalang lamig ng nagmumula sa kinauupuan ko. Nasa lilim kasi ito ng isang puno kaya hindi nakapagtataka na hindi ito gaanong naiinitan. Maliban pa roon, matatanaw rin ang mga kabahayan sa kabilang banda ng ilog na hindi mas
Read more
Chapter 11
Celina's Point of View"Miss, nandito na tayo." Napamulat ako sa marahang pagyugyog sa aking balikat. Nakarating na pala kami sa terminal. Madilim na ang paligid ngunit buhay na buhay ang kalsada dahil sa mga taong nagtitinda ng pasalubong at kakanin at mga pasaherong uuwi galing sa trabaho. Sunod-sunod na umaalis ang iba at ang iba naman ay naghihintay pa. Nabaling ang tingin ko kay kuyang driver na nakatayo sa 'di kalayuan habang bumibili ng maiinom. Ngunit mabilis ko ring binalik ang aking atensiyon at itinuon sa nakapilang mga sasakyan."Saan ako sasakay?" bulong ko sa aking sarili at isa-isang sinilip ang mga plaka sa unahan kung saan nakasulat ang lugar na pupuntahan nila."Mama," saad ni Miki na mahimbing na natutulog sa aking hita at mahigpit na hawak ang aking damit. Hindi ko napigilang haplusin ang kan'yang buhok at pasimpleng nangiti."Wait ka lang baby, makakasama mo rin ang Mama mo." Marahan kong iniangat ang katawan ni Miki sa a
Read more
Chapter 12
Darwin's Point of ViewPatuloy kong nilakad ang madilim na pasilyo papunta sa isang pamilyar na kwarto. Tanging mga yapak ko lang ang maririnig sa buong lugar, walang tao o ni kung anong bagay na maaaring lumikha ng ingay. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa bintana ay matatanaw ang isang malaking tarangkahan papasok sa isang ileganteng lugar kung saan naroon ang misteryosong tao, at  hinihintay nito ang pagdating ko. Ngunit mukha hindi lang ako ang ipinatawag doon dahil  mukhang may nauna na sa akin.Napahinga ako ng malalim at malakas na itinulak ang pinto upang ipaalam ang pagdating ko. Napa-ismid na lang ako nang mapagtanto na si Diane o mas kilala ko bilang Neone ang unang dumating kaysa sa'kin."Nicollo." Matalim na tingin niya ang bumungad sa akin, na para bang kayang-kaya niya akong kainin ng buhay. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil ako lang naman ang nagsisilbing balakid sa kan'yang kagustuhan."Kanina ka pa namin hinihintay,
Read more
Chapter 13
Darwin's Point of ViewKinain ng katahimikan ang buong paligid. Marami akong gustong itanong ngunit walang nagsasalita para magpaliwanag. Alam kong marami na akong nilabag na rules ngunit hindi ko pa nararanasan ang pag- abandona sa ibinigay na trabaho sa akin. At kung magkataon nga na mangyari ang bagay na 'yon, para na rin akong nagpatalo sa laban namin ni Neone.Iniisip ko pa lang ang magiging itsura ni Celina kapag nalaman niyang iba na ang tutupad sa mga gusto niya, nag-aalala na ako. Pero kung sabagay, tama lang siguro ito  mas lalo na't nasaktan ko siya. Sa pagkakatanda ko, sinabi niyang hindi na niya ako kailangan.Napabuntong hininga na lang ako habang silang dalawa ay tahimik pa rin sa kanilang kinauupuan. Wala yata talaga silang balak ipaliwanag ang nangyayari."Sinasabi ko na nga ba, e. Hindi ka talaga nakikinig mula pa nung umpisa, hindi ba?" dismayadong banggit ni Boss. Napahawak siya sa kan'yang sentido at saka ako masamang tinitigan.
Read more
Chapter 14
Celina's Point of View"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Cel?" muling tanong ni Mia. Imbis na sagutin siya ay niyakap ko na lang ang aking tuhod at inilubog ang aking mukha doon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang nabanggit ang bagay na 'yon at nakailang paliwanag na rin ako pero parang hindi pa rin nila ako naiintindihan.Syempre desidido na ako sa gagawin ko pero hindi ibigsabihin no'n na pinapatawad ko na siya sa mga nangyari. Kapag nagkaharap na kami, sisiguraduhin kong ipapaliwanag ko sa kan'ya na hindi kasama sa trabaho niya ang ayusin ang relasyon ko sa aking pamilya. Ang kailangan niya lang gawin ay ang tulungan akong pagselosin si Renz. Kailangan ko ng magmadali, kun'di baka tuluyan ng matapos ang lahat. Kailangan kong makuha ang atensiyon ni Renz at tulungan siyang bumalik sa akin sa mas madaling panahon. Itutuloy ko ang nasimulan namin, at matututunan niya akong mahalin ulit. "Intindihin mo na lang kaya 'yang sarili mo
Read more
Chapter 15
Celina's Point of View Hindi ko magawang maka-pokus sa trabaho dahil sa mga sinabi ni Darwin. Patuloy kasi nitong binabagabag ang aking isipan. Madami akong tanong na hindi pa nabibigyan ng kasagutan at isa na do'n ay ang kung bakit alam niya na kapatid ko si Ayana. Isang misteryo pa rin sa akin ang katauhan niya, ni wala akong alam tungkol sa pamilya o mga magulang niya o kung sino ang mga kaibigan niya. Pero bakit ang dami niyang alam tungkol sa akin? Is he really just a stranger? Inalok niya ako ng tulong na siyang tinanggap ko, pero hanggang do'n lang ba talaga ang pakay niya?  Napatingin ako sa dako kung nasaan si Darwin, abala siya sa pag-aasikaso ng ibang papeles na ang kailangan nalang ay pirma ko.  Iba't-ibang tanong ang nabuo sa aking isipan habang pinagmamasdan ko siya pero hindi ko makita ang sarili kong itinatanong ang mga bagay na 'yon sa kan'ya.  Mahina kong kinurot ang aking braso upang matigil na ang aking pago-
Read more
Chapter 16
Darwin's Point of View "Opps! 'Yan, okay na po sir," nakangiting saad ng babaeng naghanda ng mga pagkain na pinabili sa akin ni Celina. Punong-puno siya ng energy kahit mukhang abalang-abala sila sa pagluluto dahil may kalakihan din ang cafeteria ng building na 'to. "Thank you Miss...Miss Rea," masaya kong tugon sa kan'ya habang nakatitig sa kan'yang suot na name tag. Mag-iisang buwan na ako rito ngunit hindi ko pa rin masyadong kilala ang bawat staff sa dami nilang nagkalat sa bawat palapag. Ngayon lang rin ulit ako bumili dito dahil madalas kaming lumabas ni Celina. "You're welcome, sir." Ngumiti siya ngunit sa biglang pag-angat ko ng pagkain ay napalitan ng pag-aalinlangan ang tingin niya. "Sure po ba kayong hindi niyo kailangan ng tulong? May ilang staff po na maaari kong tawagin para tulungan kayo," dagdag niya. "Hindi na. 'Wag niyo na akong alalahanin. Sisiguraduhin kong makakarating ito sa office ng hindi natataktak," pabiro kong tugon na ikinatawa niya rin. "Salamat ulit,
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status