Lahat ng Kabanata ng The Illegitimate Daughter : Kabanata 11 - Kabanata 20
89 Kabanata
Chapter 10
  Sapo-sapo ko ang buong mukha ko ngayon habang nakatitig ako sa salamin. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang paghalik sa akin.   Inilagay ko sa tapat ng dibdib ko ang palad ko at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso. Umawang ang labi ko nang maramdaman na hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang kanyang pagtibok. Hindi ko alam kung ano ito pero kinakabahan ako.   Sinuklay ko ang aking buhok at pilit winala sa isip ko ang kanina. Hindi ko dapat iniisip iyon. Hindi pa man ako naka-experience ng pagjojowa, hindi naman ako masyadong tanga para sabihing mabait at ideal man lahat ng lalaki.   Judging from the way he moves, marami na siyang babaeng nakasalamuha. Kaya hindi dapat ako magpadala sa kanya.   Tinapos ko na ang pagsusuklay ko at akmang tatayo na sana ako nang may biglang kumatok sa pinto. Bumuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkauupo. Dumiretso ako sa may
Magbasa pa
Chapter 11
 Ilang araw ang nakalipas ay biglang nagbago ang lahat. Biglang bumait sa akin sina Tita Taliana at Arissa sa ’kin. Siguro magandang desisyon na hindi ako maikasal, para magkasundo rin kami. “You want to go with me?” maligayang tanong sa akin ni Arissa habang kumakain kami sa hapag. “Gagala kami sa bar ngayong gabi with friends! Maybe you want to come!” Siya lang ang maingay sa hapag at tahimik na ang iba. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtaas ng kilay ni Tita Taliana sa kanyang anak. Si Papa naman ay napaangat ng tingin kay Arissa. “It’s good that you are treating her as your sister, Arissa,” sambit ni Papa sabay baling sa ’kin. “Why don’t you go with her, Alexa?” “Of course, Daddy! She’s my sister after all…” Kumindat siya sa akin at binalingan si Papa. “By the way, Dad, kailan ta
Magbasa pa
Chapter 12
 Hindi ko maiwasan ang pagdudahan siya. Ang dali niya kasing sabihin na gusto niya ako, eh, isang linggo pa lang kaming magkakilala. Tinulak ko siya at kinuha ko ang baso na may alak sabay lagok. “Shit!” Agad niyang inagaw mula sa akin ang baso at dinaluhan ako. “I told you not to drink!” Pumikit ako at lasang-lasa ko ang pait sa lalamunan ko. Nagmulat ako ng tingin at lumayo sa kanya. “Lumayo ka nga sa ’kin!” inis kong sambit at sinamaan siya ng tingin. “Hindi ako naniniwala sa ’yo, bukod sa hindi kita gusto, bago pa lang tayo magkakilala, kaya isang tanga lang ang maniniwala sa ’yo!” “I have a crush on you, then,” aniya sabay hawak sa braso ko. “I have a crush on you. Is it acceptable enough to marry you?” Mabilis na kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi n
Magbasa pa
Chapter 13
    Sa pagpasok ko sa loob, bumungad sa akin ang malawak na sala ng kanyang condo. Ngayon ko lang na-realize na hindi ito basta-basta ordinaryo na condo unit.   Maybe he bedded his girls here. I wonder.   “You want to eat?” tanong niya at agad akong tumalikod nang bigla siyang maghubad sa sala.   Grabe naman ’to!   “Bakit ka ba bigla-biglang naghuhubad?” inis kong tanong habang nakatalikod pa rin. “Respeto naman, may babae kang kasama!”   He chuckled. “I’m sorry. I will change.”   Bumuntong-hininga ako at dumeretso sa salaming pintuan ng kanyang condo. Kitang-kita ang buong syudad ng Azura kaya naisampa ko ang dalawang kamay ko sa salamin.   Kinagat ko ang ibabang labi ko. Marami akong insecurities. Naiinggit ako sa mga kapatid ko sa totoo lang. Hindi lang dahil tanggap sila ni Papa, kundi nakukuha nila ang mga g
Magbasa pa
Chapter 14
  “Saan ka galing? Hindi kita nakitang kasama umuwi ng anak ko…”   Natigilan ako sa paglalakad patungo sa hagdan nang nakita ako ni Tita Taliana.  Nakahalukipkip siya habang suot pa rin ang pantulog na damit. Nagtaas siya ng kilay sa akin.   “Uh…” Naghanap agad ako ng dahilan. “Uhm…hindi ko kasi nakita si Arissa kagabi kaya umuwi ako sa amin.”   Kumunot ang noo niya. “By yourself?”   “Opo!” sagot ko agad.   “My daughter was worried last night at ikaw lang itong chill na chill!” Tumaas ang boses niya at agad-agad lumapit sa akin.   Napasinghap ako nang bigla niya akong sinampal. Napasinghap ang mya nakakitang kasambahay at ang iba ay napatakip pa sa kani-kanilang bibig.   Hinawakan ko ang kaliwang pisngi ko at gulat ko siyang tiningnan.   “T-Tita…”   “Tiniis lang talaga kita! Pero
Magbasa pa
Chapter 15
Hindi ko na lang dinaramdam ang sinabi ni Tita Taliana sa akin. Hangga’t maaari ay hindi ko dapat siya ginagalit. Gusto ko kunin ang loob ng kapatid ko. Alam ko na matatanggap din ako ni Papa. Kailangan ko lang maghintay sa tamang oras. Habang naglalakad ako sa hardin ay biglang tumunog ang phone ko. Kumunot ang noo ko nang sinilip ko ito. Ngayon ko lang napansin na maraming text si Sheldon sa akin. Bakit niya ba ako tine-text? Sheldon:Hi, how’s your day? Sheldon:Let’s meet again, hmm? Sheldon:Why aren’t you replying? Napairap na lang ako. Malamang hindi ako magre-reply kasi ubos na ang load ko. Binalik ko na lang sa bulsa ko ang phone ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Kung hindi man matuloy ang plano ni Papa para sa akin, sana naman ay tanggapin niya na ako. Sana naman ay bigyan niya ako ng karapatan. Oo, in
Magbasa pa
Chapter 16
 “Mommy, I think ako ’yong nililigawan ni Sheldon!” tumitili na sambit ni Arissa habang kami ay nasa hapag. Tahimik lamang kami bukod sa kanya. Si Papa ay nakatitig sa akin kaya nagtataka ko siyang nilingon. “You are not going to attend Arissa’s birthday party, Alexa,” si Papa na nagpatigil sa lahat. “What, Rodrigo?” Ramdam na ramdam ko ang galak sa boses ni Tita Taliana sa narinig. “Bakit naman? I think Alexa is excited for Arissa’s party. Right, Alexa?” Ngumiti siya sa akin. Kumirot ang puso ko at niyuko ang ulo. Alam ko naman sa una pa lang ay ayaw akong isali ni Tita Taliana, pero ang marinig mula kay Papa ito ay mas masakit pa. “B-Bakit p-po?” hindi ko mapigilan ang magtanong. Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. “Wala pang nakakaalam na anak  kita
Magbasa pa
Chapter 17
“Omg, bagay na bagay talaga sa akin ang singsing!” tumitili na sambit ni Arissa habang nakaangat ang kanyang isang kamay. Sinusuotan at inaayusan siya ngayon ng make up artist. Tita Keya is with us. Kuryoso ang kanyang mata sa akin bago ibinalik ang tingin kay Arissa. “Who gave you that, Arissa? It looks expensive!” si Tita Keya. Nasa gilid lang ako ni Arissa, dala-dala ang suot niya kanina. Naabutan kasi ako ni Tita Taliana kaya inutusan niya ako. “Well…” Sinulyapan ako ni Arissa saglit bago niya binalingan si Tita Keya. “Sheldon gave this to me!” Umawang ang labi ko sa kanyang sagot. Ngumiti lang siya bago niya ibinaba ang kanyang kamay. Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi. Obviously, inagaw niya iyon sa akin. Mabuti at hinubad ko ang bigay ni Sheldon kagabi. Ayokong magkagulo na naman.&nbs
Magbasa pa
Chapter 18
Today is Arissa’s birthday, but Sheldon is with me. Hindi ko akalain na narito ako ngayon sa sasakyan nila. “Miss, malayo ba ang sa inyo?” tanong ni Dominic habang nagmamaneho. Nakaupo ako ngayon sa backseat, samantalang silang dalawa ay nasa front seat. “M-Medyo,” nag-aalinlangan ko na sagot. Nang binalingan ako ni Sheldon ay nag-iwas ako ng tingin. Sa oras na ito, alam ko sa sarili ko na wala na akong planong bumalik sa mansyon na iyon. I have enough. Kung sisingilin man ako ni Papa tungkol sa operasyon ni Nanay ay maghahanap ako ng paraan para mabayaran iyon. Balak ko ring isauli sa kanya ang singsing na ibinigay niya sa akin. Wala na akong balak bumalik doon at puputulin ko na rin ang koneksyon ko sa kanila. “Dito lang,” sambit ko nang nakita ko ang eskinita. “You lived here?” hind
Magbasa pa
Chapter 19
“What are you doing here, Rodrigo?” narinig kong tanong ni Tita Ruffa habang bumababa ako ng kanilang hagdan. Nakahawak si Sheldon sa braso ko habang pababa kami. Napasinghap ako nang makita ko si Papa na kasama si Arissa na galit na galit na sa akin. Napalunok ako. “I am here to get my daughter, Ruffa,” malamig na sambit ni Papa sabay baling sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. “She’s mine now, Tito Rodrigo,” si Sheldon. “You made a promise to me before.” “Arissa can be your bride. You don’t have to take Alexa—” “Why are you so concern, Mr. Monteverde?” Pumormal ang boses ni Sheldon habang mahigpit ang kanyang kapit sa akin. “She’s your illegitimate daughter, right? You said it to yourself before that you don’t want her and you are ashamed to have a
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status