Lahat ng Kabanata ng The Illegitimate Daughter : Kabanata 41 - Kabanata 50
89 Kabanata
Chapter 40
  Isang buwan ang nakalipas at naging maganda naman ang takbo ng buhay ko. Unti-unti ko na ring nakompirma ang nararamdaman ko sa kanya.Sino ba naman ang hindi ma-fall sa kanya? Halos lahat ng hinihiling ko ay nasa kanya na. Wala namang pagbabago at sweet at maalagaing asawa pa rin si Sheldon. Kahit busy siya ay hindi niya ako nakaligtaang i-text.Bumuga ako ng hangin habang nakatitig sa papel. May thesis kasi kami na ginagawa at  sa mabuting palad ay hindi kami magka-grupo ni Arissa. Mabuti at hindi niya rin ako inaaway, pero minsan ko na siyang nakita na iniirapan ako.“Hindi ka ba talaga puwede mag-over night, Alexa,” si Jam. “Hindi puwedeng pakiusapan ang asawa mo?”Malungkot akong umiling sa kanya. “Hindi,eh!“Hayst!” Tumango-tango si Jam. “Naintindihan namin. May asawa ka na, eh! Send mo na lang ang tulong mo sa gc.”Ngumiti ako sa kanila. Ang totoo a
Magbasa pa
Chapter 41
 Magdamag akong umiyak. Hindi kasi ako makapaniwala na sa isang iglap, magbabago ang lahat. Ano ba talaga ang nagawa ko kung bakit siya nagkagano’n? Pinalis ko ang luha sa aking mata at napatingin sa unan na nasa tabi.Kumirot ang puso ko nang nakita ko na hindi siya rito natulog. Ano ba talaga ang nangyari? Niyakap ko ang unan niya at saka inamoy. Nandoon pa rin ang amoy ni Sheldon.“S-Sheldon, b-bakit bigla kang naging gano’n? A-Ano ang n-nagawa ko?” umiiyak kong sabi at isinubsob ko sa unan ang mukha ko.Gusto kong maliwanagan. Gusto ko siyang intindihin. Kung bakit gano’n na lang ang pagtrato niya sa akin. Kung bakit kailangan kong tumigil sa pag-aaral.Malapit na ang birthday ko, at plano ko na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Ngunit mukhang hindi na matutuloy. Mukhang hindi ko na kayang sabihin.Wala na rin akong natanggap na bulaklak galing sa kanya kaya mas lalo lang sumikip ang dibdib ko. Ano
Magbasa pa
Chapter 41
 Magdamag akong umiyak. Hindi kasi ako makapaniwala na sa isang iglap, magbabago ang lahat. Ano ba talaga ang nagawa ko kung bakit siya nagkagano’n? Pinalis ko ang luha sa aking mata at napatingin sa unan na nasa tabi.Kumirot ang puso ko nang nakita ko na hindi siya rito natulog. Ano ba talaga ang nangyari? Niyakap ko ang unan niya at saka inamoy. Nandoon pa rin ang amoy ni Sheldon.“S-Sheldon, b-bakit bigla kang naging gano’n? A-Ano ang n-nagawa ko?” umiiyak kong sabi at isinubsob ko sa unan ang mukha ko.Gusto kong maliwanagan. Gusto ko siyang intindihin. Kung bakit gano’n na lang ang pagtrato niya sa akin. Kung bakit kailangan kong tumigil sa pag-aaral.Malapit na ang birthday ko, at plano ko na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Ngunit mukhang hindi na matutuloy. Mukhang hindi ko na kayang sabihin.Wala na rin akong natanggap na bulaklak galing sa kanya kaya mas lalo lang sumikip ang dibdib ko. Ano
Magbasa pa
Chapter 42
 “I’m sorry if I have to do this. Please don’t leave me, hmm? Please wait for me. I am doing this for you.”“I didn’t mean anything I said.”“I love you and I am always waiting for your response.”“Please forgive me. I am willing to kneel in front of you so just you could forgive me.:“Matatapos din ito. And after everything, we will run away.”“I love you always, my wife…” Napamulat ako sa aking mata nang naalala ko si Sheldon. Ramdam na ramdam ko ang kanyang mga salita. Sa panaginip ay umiiyak siya at sinasabi na hindi niya iyon sinasadya. Sa panaginip ay hinalikan niya ang aking noo. Napasapo tuloy ako sa aking noo at saka bumangon.Dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako rito sa guest room. Pinilig ko ang ulo ko at saka bumaba ang tingin sa karton. Muntik ko nang
Magbasa pa
Chapter 43
 Ilang araw ang nakalipas ay hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Tita Ruffa at Tito Antonio. Nilibot muna nila ang buong habang naghahanda naman ang mga kasambahay ng mga makakain.Si Sheldon ay busy sa kanyang laptop sa lamesa kaya tahimik akong naglakad patungo sa kanya.“Uhm, Sheldon,” tawag ko.Agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin at bumaba ang tingin niya sa suot ko. Ngayon ko lang napansin na naka-shorts lang ako at sando. Pero binalewala ko na lang ang kanyang tingin at saka tumikhim.“H-Huwag mo sanang sabihin sa mga magulang mo ang nangyari sa ating dalawa,” ani ko at bahagyang yumuko. “H-Huwag kang mag-alala, hindi ko rin naman sasabihin ang nangyari kaya sana ay makipag-cooperate ka.”Nang bahagyan akong nag-angat ng tingin ay titig na titig pa rin siya sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin at umakyat na lang patungo sa kwarto ko.Ito ang unang pagbisita nilang dalawa simul
Magbasa pa
Chapter 44
 Hindi na ako nagpaalam kay Sheldon at sinabi ko na lang kay Manang Cencia na pupunta ako sa parents ko.At dahil marunong naman akong mag-drive, I drove my way to Azura. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa dalawa pero tingin ko ay tinatago ni Papa si Nanay. I don’t like the idea dahil kapag malaman ng mga tao ay baka si Nanay ang masira.But still, I know for sure that Nanay loves Papa at wala na akong magawa para pigilan iyon.Nang makarating ako ay sinalubong ako ng dalawang lalaki. Tingin ko ay tauhan ito ni Papa base sa mga suot nila. I gave them my key and went inside.Ngayon ko lang napansin na sobrang laki pala talaga ng bahay na ibinigay ni Papa kay Nanay. I wonder if Tita Taliana knows about this. Pero tingin ko ay hindi kasi kung alam niya ay baka sinugot na niya ang Nanay ko.Nang makapasok ako sa loob ay mainit na yakap ang sinalubong sa akin ni Nanay. Niyakap ko siya nang mahigpit bago ko siya hinalikan sa pisn
Magbasa pa
Chapter 45
 Hindi mawala sa isip ko iyon. May inis sa akin at galit. Namulat ako na anak ako sa labas ngunit sa isang iglap sasabihin sa iyo na ikaw ang kanyang tunay na anak.Nakakagalit ’no? Halos buong buhay ko tiniis ko ang mga panlalait ng mga pakialamerang tao.At si Tita Taliana, alam ba niya ang lahat ng ito? Malamang! Kaya siguro siya galit na galit sa akin dahil natatakot siya na malaman namin.Bakit noong nalaman na ni Papa ang lahat, hindi man lang siya gumawa ng action?Napamahal na siguro siya kina Arissa at Sofia. Naaawa siya kapag nalaman nila ang totoo. Nakakagalit na ako pa at si Nanay ang kailangan maghirap samantalang humihiga sa marangya ang mga iyon na hindi naman kanila.Sabog na sabog na ako sa mga pangyayari. Idagdag pa natin ang sitwasyon namin ngayon ni Sheldon. Ewan ko kung ano na ang nangyari sa amin. Umaasa pa rin ako na babalik siya sa dati pero sa ngayon, didistansya muna ako sa kanya.Bukas ang kaaraw
Magbasa pa
Chapter 46
 “Omg! Ang dali mong malasing!” tili ni Jelai nang halos mahiga na ako sa sofa.Hindi ko siya halos marinig dahil na rin sa tugtog pero napangiti na lamang ako. Parang nawala lahat ng mga problema ko nang uminom ako. My world is spinning but I don’t care. I am actually liking it.“What should we do, Jam?”“Hayaan mo muna! Hindi naman natin pababayaan! Let’s enjoy ourselves first!”Naging blurry na ang paningin ko at gusto ko na lang matulog. This is my birthday and I am happy.Happy Birthday, self! You made it! You actually made it. Life sucks! Ngumuso ako nang napadpad ang mata ko sa singsing ko.Bahagyan akong napangiti at saka tinanggal ang singsing sa daliri ko at saka nilagay sa bulsa.Pinilit ko ang sarili ko na bumangon at saka kinuha ang alak. Ininom ko ito at napakembot-kembot pa ako dahil sa tugtog. Narinig ko ang tawanan nina Jam at Jelai dahil sa ginawa ko.
Magbasa pa
Chapter 47
 Nagising ako na wala na si Sheldon sa tabi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili na umiyak.Para akong tanga. Ayaw na nga sa iyo ng tao, pinipilit pa rin ang sarili.Natawa na lang ako na naiiyak. Niyakap ko ang sarili ko at tahimik na umiyak. Huwag mo munang isipin si Sheldon, Alexa. Ang dami mo pang kailangang gawin.Akmang babangon na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Nang nakita ko na unregistered ito ay kumunot ang noo ko.Sino kaya ito? Babaliwalain ko sana pero masyadong kulit kaya sinagot ko na lang.“Hello,” bungad ko. “Sino ito?”“Ma’am, ikaw po ba ang anak ni Ma’am Alejandra?”Umawang ang labi ko at napaupo sa kama nang maayos.“Ako nga, bakit?”“Ma’am! Kailangan mong pumunta rito! Nagwawala si Ma’am Taliana!”Namilog ang mata ko at naihulog ko ang phone ko. Agad-agad akong b
Magbasa pa
Chapter 48
 Bumalik ako sa bahay na bigong-bigo. Hindi ko na lang pinahalata sa mga tao na naririto. Palaging nagp-play sa utak ko ang halikan nilang dalawa. Bigla akong nandiri at napayakap sa sarili.How could he do this to me? Parang kagabi lang ay may nangyari sa amin. Paulit-ulit pa nga. Paulit-ulit akong nagpakuha sa kanya.Pinalis ko ang luha sa mata ko. Baka naman talaga ay hindi sincere si Sheldon simula pa lang. Gusto ko siyang tanungin kapag umuwi na siya. Gusto kong tanungin sa kanya. Baka naman ay namamalikmata lang ako.Tumango-tango ako at saka humiga na lang muna sa kama. Kung alam ko na ganito pala ang kapalit ng lahat, sana hindi ko na lang tinanggap, unang-una pa lang.Iniisip ko na naman ang sinabi ni Papa sa akin. Paano kung sasama na lang ako sa kanila. Mamuhay kami sa ibang bansa. Iiwan namin ang mga tao rito. Kasi ako, pagod na pagod na akong pagtyagaan sila. Gusto kong lumayo. Gusto kong maging masaya.Akala ko ba ay hind
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status