Hindi na ako nagpaalam kay Sheldon at sinabi ko na lang kay Manang Cencia na pupunta ako sa parents ko.
At dahil marunong naman akong mag-drive, I drove my way to Azura. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa dalawa pero tingin ko ay tinatago ni Papa si Nanay. I don’t like the idea dahil kapag malaman ng mga tao ay baka si Nanay ang masira.
But still, I know for sure that Nanay loves Papa at wala na akong magawa para pigilan iyon.
Nang makarating ako ay sinalubong ako ng dalawang lalaki. Tingin ko ay tauhan ito ni Papa base sa mga suot nila. I gave them my key and went inside.
Ngayon ko lang napansin na sobrang laki pala talaga ng bahay na ibinigay ni Papa kay Nanay. I wonder if Tita Taliana knows about this. Pero tingin ko ay hindi kasi kung alam niya ay baka sinugot na niya ang Nanay ko.
Nang makapasok ako sa loob ay mainit na yakap ang sinalubong sa akin ni Nanay. Niyakap ko siya nang mahigpit bago ko siya hinalikan sa pisn
Hindi mawala sa isip ko iyon. May inis sa akin at galit. Namulat ako na anak ako sa labas ngunit sa isang iglap sasabihin sa iyo na ikaw ang kanyang tunay na anak.Nakakagalit ’no? Halos buong buhay ko tiniis ko ang mga panlalait ng mga pakialamerang tao.At si Tita Taliana, alam ba niya ang lahat ng ito? Malamang! Kaya siguro siya galit na galit sa akin dahil natatakot siya na malaman namin.Bakit noong nalaman na ni Papa ang lahat, hindi man lang siya gumawa ng action?Napamahal na siguro siya kina Arissa at Sofia. Naaawa siya kapag nalaman nila ang totoo. Nakakagalit na ako pa at si Nanay ang kailangan maghirap samantalang humihiga sa marangya ang mga iyon na hindi naman kanila.Sabog na sabog na ako sa mga pangyayari. Idagdag pa natin ang sitwasyon namin ngayon ni Sheldon. Ewan ko kung ano na ang nangyari sa amin. Umaasa pa rin ako na babalik siya sa dati pero sa ngayon, didistansya muna ako sa kanya.Bukas ang kaaraw
“Omg! Ang dali mong malasing!” tili ni Jelai nang halos mahiga na ako sa sofa.Hindi ko siya halos marinig dahil na rin sa tugtog pero napangiti na lamang ako. Parang nawala lahat ng mga problema ko nang uminom ako. My world is spinning but I don’t care. I am actually liking it.“What should we do, Jam?”“Hayaan mo muna! Hindi naman natin pababayaan! Let’s enjoy ourselves first!”Naging blurry na ang paningin ko at gusto ko na lang matulog. This is my birthday and I am happy.Happy Birthday, self! You made it! You actually made it. Life sucks! Ngumuso ako nang napadpad ang mata ko sa singsing ko.Bahagyan akong napangiti at saka tinanggal ang singsing sa daliri ko at saka nilagay sa bulsa.Pinilit ko ang sarili ko na bumangon at saka kinuha ang alak. Ininom ko ito at napakembot-kembot pa ako dahil sa tugtog. Narinig ko ang tawanan nina Jam at Jelai dahil sa ginawa ko.
Nagising ako na wala na si Sheldon sa tabi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili na umiyak.Para akong tanga. Ayaw na nga sa iyo ng tao, pinipilit pa rin ang sarili.Natawa na lang ako na naiiyak. Niyakap ko ang sarili ko at tahimik na umiyak. Huwag mo munang isipin si Sheldon, Alexa. Ang dami mo pang kailangang gawin.Akmang babangon na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Nang nakita ko na unregistered ito ay kumunot ang noo ko.Sino kaya ito? Babaliwalain ko sana pero masyadong kulit kaya sinagot ko na lang.“Hello,” bungad ko. “Sino ito?”“Ma’am, ikaw po ba ang anak ni Ma’am Alejandra?”Umawang ang labi ko at napaupo sa kama nang maayos.“Ako nga, bakit?”“Ma’am! Kailangan mong pumunta rito! Nagwawala si Ma’am Taliana!”Namilog ang mata ko at naihulog ko ang phone ko. Agad-agad akong b
Bumalik ako sa bahay na bigong-bigo. Hindi ko na lang pinahalata sa mga tao na naririto. Palaging nagp-play sa utak ko ang halikan nilang dalawa. Bigla akong nandiri at napayakap sa sarili.How could he do this to me? Parang kagabi lang ay may nangyari sa amin. Paulit-ulit pa nga. Paulit-ulit akong nagpakuha sa kanya.Pinalis ko ang luha sa mata ko. Baka naman talaga ay hindi sincere si Sheldon simula pa lang. Gusto ko siyang tanungin kapag umuwi na siya. Gusto kong tanungin sa kanya. Baka naman ay namamalikmata lang ako.Tumango-tango ako at saka humiga na lang muna sa kama. Kung alam ko na ganito pala ang kapalit ng lahat, sana hindi ko na lang tinanggap, unang-una pa lang.Iniisip ko na naman ang sinabi ni Papa sa akin. Paano kung sasama na lang ako sa kanila. Mamuhay kami sa ibang bansa. Iiwan namin ang mga tao rito. Kasi ako, pagod na pagod na akong pagtyagaan sila. Gusto kong lumayo. Gusto kong maging masaya.Akala ko ba ay hind
Tulala ako habang nakatingin sa kawalan. Hirap na hirap ko na paniwalaan na buntis ako.Ayaw na nga niya sa akin, binuntis niya pa ako.Ngayong araw ay sasamahan ako ni Nanay sa ospital para magpa-check-up. Nasa isip ko na baka masama lang talaga ang pakiramdam ko at hindi buntis.Pero nang nakarating kami sa Ospital ay halos himatayin ako sa nalaman.“You’re pregnant, Mrs.Del Real.”Paulit-ulit iyong mag-play sa utak ko. Hindi ako makapaniwala. So ano ’yong ininom ko na pills, expire? Natulala na lang ako habang nakaupo sa hospital bed.“Anak…” Lumapit si Nanay sa akin.“Nay, paano ko ito bubuhayin?” Nanginig ang boses ko. “Hindi pa ako handa.”Niyakap niya ako. “Tahan na, hindi naman kita papabayaan. Aalagaan natin ang magiging baby mo.”Natahimik ako.“Wala ka bang balak sabihin sa asawa mo?”Agad ako
Hindi agad ako nakagalaw nang narinig ko iyon. Parang gumuho lahat ng kinarga ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Panaginip lang ba iyon? Baka naman hindi totoo itong narinig ko? Baka naman ay nagjo-joke lamang si Nanay?“Alexa!” Niyugyog ako ni Nanay. “Anak!”Tumulo ang luha sa aking mata at binalingan si Nanay na ngayon ay lumuluha na. Nanginig ang buong katawan ko nang nakita kong lumuluha si Nanay.“Nay…” Nanginig ang boses ko. “Si Papa… Hindi totoo iyon, ’di ba?”“Anak, puntahan natin ang Papa mo,” si Nanay.Agad akong tumango. Kailangan kami ni Papa ngayon. Hindi ko alam kung maayos ba ang lagay niya ngayon. May dumalo ba sa kanya? Dinala ba siya agad sa ospital? O baka naman ay pinabayaan lang siya ng hindi totoo niyang pamilya? Sari-sari ang nararamdaman ko. Tuluyan ko nang nakalimutan kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Muntik ko na rin nakalimutan na
Naging balita sa buong Azura ang pagkawala ni Papa. Marami ang nakiramay at marami ring gustong makibalita tungkol sa nangyari. Gusto kong tanungin si Tita Taliana kung bakit inataki si Papa. Siguro minsan aatakihin ka na lang talaga nang walang dahilan. Pero hindi ako mapapanatag.Maraming mga media ang nakikialam, kung ano ang nangyari at kung bakit biglaan? Hindi sila sumasagot sa mga tanong ng mga taga media. Siguro ay nagdadalamhati pa rin sila. Gusto kong malaman ng tao na ang kanilang matagal na hinahangaan na pamilya ay isang peke lamang. Gusto kong malaman nila na hindi totoo ang lahat. Kami ang totoo at kami ang dapat na nasa pwesto ngayon.“Anak, huwag kang masyadong magpapagod. Buntis ka,” paalala sa akin ni Nanay.Narito pa rin kami sa mansyon at wala akong pakialam sa mga sasabihin ng iba. Karapatan ko na naririto dahil anak ako ni Papa.“Bakit nandito pa rin kayo?” si Arissa habang masama ang tingin sa akin. Naramdam
Nagkagulo na ang lahat. Marami silang tanong at para silang natraydor sa nalaman. Buong nanonood ang nakaalam sa rebelasyon. Ang kanilang hinahangaan na pamilya ay isang peke at hindi totoo.“Misis Del Real…”Napasinghap ako at napaatras nang hinarangan ako ng isang reporter. Siya lang mag-isa ngunit nang nakuha ng atensyon ng iba ay nagsilapitan sila sa akin. Sa takot na baka ako’y maipit ay napaatras ako. Nagpalinga-linga ako upang mahanap ng malulusutan. Ngunit bago ko pa iyon magawa ay may isang malamig na kamay ang humawak sa braso ko at hinila ako.Napasinghap ako at napatingala. Umusbong ang galit sa aking dibdib nang nakita ko na si Sheldon iyon. Hindi na tuluyan nakalapit sa akin ang iba pa dahil hinarangan na sila ng mga tauhan ni Sheldon.“Bitiwan mo nga ako!” galit kong sinabi at saka pilit ihila papalayo sa kanya ang aking kamay.“Shut up!” galit niyang sinabi pabalik na nagpagulat sa ak