All Chapters of Bubbly: Chapter 21 - Chapter 30
39 Chapters
Chapter 20
  "GOOD evening, Gieselle," bati ng kaharap sa kanya. Tumayo ito at inilahad ang kamay. Tinitigan lamang ni Gieselle ang kamay ni Martin. Tila nag-aanyaya ang mahahabang daliri nito at magagandang kuko. Kalaunan, tinanggap niya rin ang pakikipag-kamay. Naisip niyang hindi naman tama kung papakitaan niya ng hindi maganda ang lalaki. Baka isipin pa nitong ang bitter niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on. "Good evening too," hindi mababakasan ng kasiyahan o kasabikan ang kanyang boses. "Have a sit, please." Pinaghila siya ng upoan sa katapat na silya nito. Mahinhin siyang umupo at inilagay ang handbag sa kanyang kandungan. Inayos ang buhok saka bahagyang binasa ang pang-ibabang labi. "Order muna tayo," nakangiting turan nito saka inilipat ang mata sa menu."Actually, nagmamadali ako kaya let's make this meeting brief and short."Natigilan ang lalaki at ibinaba ang hawak na menu. "Hindi ba pwedeng mag-dinner muna tayo bago pag-usapan ang condo u
Read more
Chapter 21
  MALALIM na ang gabi pero palakad-lakad pa rin si Gieselle sa loob ng kanyang unit. Parang hindi siya makapaniwala sa mga nangyari ngayong gabi. Nagkita at nagkausap sila ni Martin. Parang pilit pa rin silang pinagtatagpo ng mga taong nakapaligid sa kanila. Nasapo niya ang noo at namaywang. Humugot ng malalim na hininga saka pabugang pinakawalan ito. Dapat hindi na siya ganito kaapektado lalo't naka-moved on na siya. Pero nakalimut na nga ba talaga siya sa damdamin para sa lalaki? O pinipilit lang ang sarili niyang nakalimutan na ang lalaki kahit hindi pa? Nilunod niya ang sarili sa trabaho para hindi magkaroon ng oras na maisip pa si Martin. Ito lang ang natatanging paraan para maging payapa na ang kanyang isipan at dibdib. "Oo na, Mother. Papunta na ako riyan." Nagmamadali siyang pumasok sa elevator lalo’t late na siyang nagising kanina. Magsasara na sana ito nang may kamay na humarang at pumasok ang isang matangkad na lalaki. Muntik ng malaglag ang coat na nak
Read more
Chapter 22
  ILANG minuto nang nawala si Martin sa harapan ni Gieselle ngunit nanatili siyang nakatulala. Tila na-istatwa at nahihirapang gumalaw. Hinalikan lang naman siya ng binata. Hinalikan siya kahit wala silang relasyon. Lasing na nga ito at hindi niya alam kung matutuwa o magagalit sa inasta ng lalaki. Hindi na bago sa kanya ang ganito. Ilang beses na rin naman siyang nakipaghalikan dati kahit walang label. Pero dati 'yon. Noong hindi pa niya nakilala si Martin. After they broke up nagbago na ang pananaw niya sa buhay, lalo na sa usaping relasyon at pag-ibig. "Hoy! Nakikinig ka ba?" pukaw sa kanya ni Mother Chelsea. Nakapangalumbaba lang siya habang nagsasalita ito sa kanyang harapan. Nasa loob sila ng opisina nito para pag-usapan ang nalalapit niyang bakasyon. "Ang sabi ko next week pwede ka ng hindi pumasok. Humayo ka na sa leave mo." "Ga-ganoon po ba? Salamat, Mother," walang ganang sagot niya. Palaisipan pa rin sa kanya ang nangyari sa kanila ni Martin kaya para
Read more
Chapter 23
  HINDI inaasahan ni Gieselle ang madadatnang bisita pagkagising niya. Mabuti na lang at naisipan niyang maghilamos at magsuklay bago lumabas ng kwarto. "Hi! Good morning, Gie. Pasensiya na sa maagang pag-abala namin sa'yo," mahiyaing wika ni Joy na kaibigan ni Martin. Kasama rin nito ang asawang si Paul na ngumiti sa kanya. "Ayos lang. Ako dapat ang humingi ng pasensiya kasi tinanghali ako ng gising. Ano nga palang atin?" deritsong tanong niya. "Nang mabalitaan namin kahapon na umuwi ka pala, nagpasya kaming personal kang imbetahan. Remember our son na bininyagan dati at dumalo kayo ni Martin? Magbi-birthday na naman kasi at gusto naming nandoon ka sa kaunting salo-salo na inihanda namin para sa kanya." Sa dami ng pwedeng ipaalala ang pinuntahan pa talaga nila ni Martin ang nabanggit. Hindi niya alam kung alam ng mag-asawa ang nangyaring hiwalayan nila o nagkunwari na lang na wala upang hindi nakakailang ang sitwasyon. "Kailan nga pala ang kaarawan niya?" tan
Read more
Chapter 24
INILAPAG niya sa lababo ang basong ginamit at naglakad palabas ng kusina. Lalagpasan na sana niya si Martin ngunit nagsalita ito. "Kumusta ang sugat sa tuhod mo?" tanong nito sa mababang boses. Kinilabutan siya nang marinig ang tinig nito. Samahan pa ng pabangong nanunuot sa kanyang ilong. "Ayos na," simpleng sagot niya at humakbang na palayo sa lalaki. Ngunit hindi natuloy dahil maagap nitong nahawakan ang kanyang siko. "Gie. . ." Tila napapaso siya sa mainit nitong palad. Napako ang mata niya roon. Dahan-dahan naman itong bumitaw.Nang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya’y nagmamadali siyang lumayo. Tila may humahabol sa kanya sa bilis ng paglalakad. Halatang kabado ang mukha nang umupo ulit. Kinagat niya ang labi upang hindi mahalata ang panginginig. Hindi niya kayang mapalapit kay Martin. Kung dahil ba sa saya, sakit, pagkasabik, ilang, hiya ay hindi niya mapangalanan.Hindi na niya masundan ang mga nangyayari. Lutang na siya hanggang sa isa-isang nagpaalam ang mga bisi
Read more
Chapter 25
  MUGTO ang mata ni Gieselle kinabukasan. Nakaharap siya sa salamin at tinitigan ang sariling repleksiyon. Gusto niyang sigawan ang sarili. Hindi niya inaasahang makikita ang sarili sa ganitong sitwasyon. Siya ang nang-iiwan. Siya ang iniiyakan. Siya ang nakikipaghiwalay. Pero nakilala niya lang si Martin ay biglang bumaliktad ang kanyang mundo. "Pangako, hinding-hindi na ako iiyak at magpapaapekto sa'yo, Martin," bulong niya. Hindi pinuputol ang titig sa sariling repleksiyon. Napagtanto niyang hindi niya kailangang baguhin ang sarili upang mahalin ng kahit na sino. Hindi niya kailangang magpanggap na ideal girl na kahit na sinong lalaki. Sinipat siya ni Ate Toyang habang inihanda ang kanilang agahan. Nakasuot siya ng crop top sleeveless blouse at skimpy shorts habang nagtitimpla ng kape. Umupo siya sa silya at humigop mula sa hawak na tasa. "Kung marunong lang akong sumipol, sinipulan na kita." "This is me, Ate Toyang. Nasanay akong ganito ang sinusuot
Read more
Chapter 26
  MAAGA pa lang ay abala na sila ni Ate Toyang. Ala-sais pa ng gabi ang oras ng rosaryo at pagkatapos nito ay ang kaunting salo-salo. Pero dahil mga senior citizen ang bisita nila, kailangang maghanda ng mas maaga dahil madalas ang matatanda ay conscious sa oras at laging mas maaga ang dating kaysa sa napag-usapan.Sa tantiya niya'y dapat alas-singko ng hapon ay nakahanda na ang lahat upang makasabay sila ni Ate Toyang sa rosaryo.Hindi nga siya nagkamali at bandang alas-singko ng hapon ay nagsidatingan na ang mga inimbeta.Naihandan na rin niya ang altar at nakalatag na ang banig at carpet para sa pagrorosaryo.Nakikipag-usap siya sa iilang mga bisita pero hindi maiwasang tapunan ng tingin ang labas. Kinakabahan siya sa pagdating ni Lola Pressy.Namuo ang pawis sa kanyang noo nang pumarada ang isang metallic silver na SUV sa labas. Kahit hindi pa niya nakikita ang sakay nito pero base sa pagtibok ng kanyang puso'y kilala na niya ang dumating.Kinakapos siya ng hang
Read more
Chapter 27
  MAG-ISANG pumunta sa supermarket si Gieselle ngayon upang mag-grocery. Hindi na niya isinama si Ate Toyang dahil marami itong labahin. Kung magkakanya-kanya sila ng gawain mas marami silang matatapos.May kahabaan na ang pila sa counter at ilang minuto pa ang kanyang hihintayin. May pumila rin sa kanyang likod kaya nilingon niya kung sino iyon.Natigilan siya nang makita na mommy ito ni Martin. Ang liit-liit ng kanilang mundo at madalas na silang nagkikita.Bahagyang ngumiti ang ginang ngunit hindi na niya ito sinuklian pa. Iniwas ang tingin at tahimik na nakatayo sa kanyang puwesto.Na-conscious siya at gustong humarap sa salamin. Pero napagtanto rin kaagad kung bakit naman niya gagawin 'yon? Naalala niya ang pakiusap nito noon na lumayo kay Martin at natupad naman niya 'yon. Wala siyang pagkukulang at choice na niya ngayon na hindi pansinin o kilalanin ito.Tumikhim ang ginang pero hindi niya pa rin nilingon."Hi, Gieselle. Kumusta?"Kinilabutan siya nang m
Read more
Chapter 28
  MARAMI na ang nainom ni Gieselle at medyo lumalabo na ang paningin. May inilapag na isang kaha ng sigarilyo si Aaron sa mesa at kumuha ng isang stick si Adrian. Nagpaalam siyang hihingi ng isa at nagulat si Aaron pero tumango rin. Mabilis siyang kumuha ng isang piraso at inipit sa kanya labi bago sinindihan. Nakatitig lang ang mga kasama nila sa kanya pero inignora iyon. Nagbuga siya ng manipis na usok at tinapunan ng tingin si Martin na katapat niya. Gumalaw ang panga nito at nanliit ang mata. Kahit naka-dim ang mga ilaw, iwan kung bakit naaaninag niya pa rin ang mukha nito, maging kay Mari na katabi niya.Halos masamid naman si Joy sa iniinom habang nakamata lang sa kanya. Si Paul naman ay may mapaglarong ngiti at tinitingnan ang reaksiyon ni Martin."See that guy over there?" Ngumuso si Joy sa lalaking tinutukoy na nasa kabilang mesa at sinundan niya naman 'yon ng tingin. "Kursunada ka yata. In fairness ang hot niya rin. Huwag kang maingay kay Paul baka magal
Read more
Chapter 29
  ILANG beses nagdagdag ng inumin sina Paul at lahat ng alak na inilapag sa mesa ay tinutungga niya. Pagkatapos ng sagutan nila ni Martin ay hindi na ito nagtangkang kausapin pa siya ulit. Aminado siyang sa mga oras na ito'y lasing na siya. Pero gusto pa niyang uminom upang doon ibuhos ang galit at pagkabigo na ilang taon na niyang inaalagaan sa dibdib. Galit at pagkabigong hatid ni Martin sa kanya. "Hinay-hinay lang, Gie. Magda-drive ka pa pauwi." Pinigilan ni Joy ang kanyang kamay nang lalagukin na sana niya ang isang basong champagne. "Ayos lang ako. Sanay na naman akong ganito ang ginagawa and believe me nakaka-uwi pa rin ako, safe and sound." Pagyayabang niya. Pero ang totoo'y matagal na siyang hindi nalasing ng ganito. Sana hindi na lang pala siya nagdala ng sasakyan para hindi na kailangang magmaneho. Dinampot na naman niya ang isang bote ng beer na inilapag ni Adrian pero maagap ang kamay ni Martin at pinigilan siya. "Your drunk, Gieselle," anito sa maba
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status