Share

Chapter 23

 

 

HINDI inaasahan ni Gieselle ang madadatnang bisita pagkagising niya.

Mabuti na lang at naisipan niyang maghilamos at magsuklay bago lumabas ng kwarto.

"Hi! Good morning, Gie. Pasensiya na sa maagang pag-abala namin sa'yo," mahiyaing wika ni Joy na kaibigan ni Martin. Kasama rin nito ang asawang si Paul na ngumiti sa kanya.

"Ayos lang. Ako dapat ang humingi ng pasensiya kasi tinanghali ako ng gising. Ano nga palang atin?" deritsong tanong niya.

"Nang mabalitaan namin kahapon na umuwi ka pala, nagpasya kaming personal kang imbetahan. Remember our son na bininyagan dati at dumalo kayo ni Martin? Magbi-birthday na naman kasi at gusto naming nandoon ka sa kaunting salo-salo na inihanda namin para sa kanya."

Sa dami ng pwedeng ipaalala ang pinuntahan pa talaga nila ni Martin ang nabanggit. Hindi niya alam kung alam ng mag-asawa ang nangyaring hiwalayan nila o nagkunwari na lang na wala upang hindi nakakailang ang sitwasyon.

"Kailan nga pala ang kaarawan niya?" tan
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status