All Chapters of Bubbly: Chapter 11 - Chapter 20
39 Chapters
Chapter 10
  "GANOON BA?" mahinang usal ni Gieselle nang marinig ang dahilan kung bakit hindi makapupunta si Mico sa kaarawan ng isang kaibigan nila."That's why your coming with me," hindi iyon anyaya, utos iyon na hindi pwedeng baliin."Pag-iisipan ko pa." Sinadya niyang tingalain ang mukha ni Martin upang malaman kung ano ang magiging reaksiyon nito."What? Bakit mo naman pag-iisipan? You're safe kapag ako ang kasama mo."Iyon nga ang inaalala niya. Masyado itong maginoo na halos hindi na marunong lumandi."Saan ba gaganapin ang birthday celebaration ni Adrian?""Sa isang inland resort. Kaya nga sumama ka na para hindi ka na magtanong."Ito pa ang nag-aya pero ito pa ang nayayamot. Nagkibit-balikat siya bilang tugon sa lalaki."Is it a yes then?" paninigurado nito.Tumaas ang kanyang dalawang kilay. Kung kailan umiiwas na siya sa lalaki ay saka naman ito lumalapit. Ayaw niyang mag-assume dahil baka nga-nga naman pala siya sa bandang huli. Pero pangako niya sa sarili'y hu
Read more
Chapter 11
  SINALUBONG ni Martin si Gieselle nang lumabas na ito ng kwarto. Sabado na at kagaya ng napag-usapan nila'y pupunta sila sa kaarawan ni Adrian. Kinuha kaagad ng lalaki ang dala niyang bag lalo't may kabigatan ito. "Ingat kayo mga apo," kumakaway na sabi ni Lola Carmen nang ihatid sila sa labas. Hindi na niya kailangang pilitin ito upang payagan siya sa dadaluhang kaarawan lalo't si Martin naman ang kanyang kasama. "Pwede kang matulog habang nasa biyahe pa tayo," sabi ng binata nang medyo nag-preno ito sa may rotonda. Disiplinadong driver iyon ang napansin niya sa lalaki. Dahan-dahan namang pinausad nito ang sasakyan at sobrang gwapo lang nito habang nagmamaneho. Naka-itim na fit T-shirt at cargo shorts, pinarisan ng topsider shoes. Itinatago ng suot na rayban ang mapilantik na pilik-mata pero kitang-kita niya ito mula sa inuupoang passenger seat. Napakapit tuloy siya ng mahigpit sa seatbelt dahil baka masunggaban niya ito. "No. Ang unfair naman kung tutulugan
Read more
Chapter 12
  HUMAHANGOS si Gieselle na sumunod kay Martin. Hindi ito nagsalita at tuloy-tuloy na pumasok sa kanilang kwarto saka iniligpit ang kanilang mga gamit."Martin, I need to change first," paalala niya rito nang akmang lalabas na sana ito ng kwarto."Really? May paki-alam ka pa pala sa hitsura mo? Nakita mo na ang nangyari? Nabastos ka ni Mico dahil diyan sa suot mo!" Tila nandidiri ang tingin nito sa kanya at nasasaktan siya.Inilapag nito ulit ang kanyang bag kaya kumuha siya ng damit. Halos mapaiyak siya nang titigan ang mukha sa salamin ng banyo pagkatapos magbihis. Nagulat pa siya dahil sa sunod-sunod na pagkatok ni Martin mula sa labas. "Hurry, Gieselle!" bossy na sigaw nito. Napalunok na lang siya't tila umurong ang dila. Hindi na-activate ang kanyang maldita mode. Nakatingin lang sina Joy sa kanila nang papunta na sila sa parking lot. Gusto niyang magpaalam ng maayos pero sa kilos ni Martin, alam niyang hindi na niya magagawa 'yon. Matulin ang pagpapatak
Read more
Chapter 13
  "MANLILIGAW ka na ba?" parang maiihi si Gieselle sa kilig. May munting ngiti sa labi ni Martin at mataman siyang tiningnan."Oo, sana," sagot nito sa namumungay na mata.Inipit ni Gieselle labi para pigilan ang impit na sigaw. Huminga siya ng malalim dahil kinakapos ng hangin. Pinipilipit niya ang mga daliri para masaktan ang sarili at hindi matalo ng kilig pero nangibabaw pa rin ang huli."Sige, we will see," kunyaring pakipot niya."Thank you for giving me a chance. Pumasok ka na sa loob." Sumulyap ito sa bahay.Tumango siya bago tumalima. "Ingat ka sa pag-uwi." Halos ayaw pa niyang lumisan doon."I will. Dapat lang talaga na mag-ingat kasi may liligawan pa ako," sabay kindat nito.Parang uod na binudburan ng asin si Gieselle pagkapasok sa sariling kwarto. Napasandal siya sa pintuan at dumausdos pababa saka nagbuga ng hangin.Nagsasaya ang kanyang kalooban. Sino nga ba ang hindi sasaya kung liligawan ng taonggusto mo?Pakiramdam niya'y parang first t
Read more
Chapter 14
  PARANG timang si Gieselle na nananaginip ng gising sa kanyang kwarto. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nobyo na niya si Martin. Ang kanyang ultimate at pinakamatagal na crush, bago naging boyfriend.Nagulat pa siya nang tumunog ang cellphone dahil sa isang tawag."Hello?" nai-excite na sagot niya kay Paloma."Mukhang masaya ah. Kumusta?""Ito, nakamit ang ilang buwan ko ng pangarap." Parang bata na namimilipit ang paa sa kilig."Talaga? Anong pangarap 'yan? Or shall I say sino?" Nahahawa si Paloma sa kanyang kasiyahan."Ang crush ko kasi, finally naging jowa ko na." Kulang na lang ay tumalon siya sa tuwa. "Talaga? May aasahan na ba kaming wedding invitation?""Naku, wala pa. Ilang araw pa lang naman eh. Saka na siguro ang kasal kapag hulog na hulog na siya sa 'kin."Wow! Magpapakasal ka na, not now but soon. It's a good sign, Gie. Akala ko talaga wala kang balak mag-settle down at magkapamilya."Bahagya siyang nag-isip pagkatapos ng pag-uus
Read more
Chapter 15
  PILIT iwinaglit ni Gieselle sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Ma'am Dina. Gusto niyang tanungin si Martin tungkol dito pero mas pinili niyang huwag na lang. Baka isipin ng lalaki na wala siyang tiwala at maging mitsa pa iyon ng kanilang pagtatalo.Unang beses itong ayaw niyang makipagtalo. Dati’y gustong-gusto niyang nang-aaway ng boyfriend lalo na kung sinasapian ng tupak. Pero ngayon ay umiiwas na siya. "Paano mo nga pala nalaman na mahilig ako sa minatamis na saging?" pagbubukas ng lalaki sa usapan. "Nabanggit lang ni Ate Toyang," simpleng sagot niya at tumahimik ulit. "Bili muna tayo ng softdrinks." Inihinto ng lalaki ang sasakyan sa labas ng convenience store. Bumaba na rin siya at sinamahan ito sa loob. Pagkatapos kunin ang sadya, pumila na sila sa counter. "Mauna ka na sa sasakyan, ako na ang pipila," alok niya sa lalaki. "Sigurado ka?" Tinanguan niya ito. Napapansin rin niya ang simpleng sulyap ng mga cashier sa kanyang kasama kaya gusto niyang
Read more
Chapter 16
  PINATAKAN pa siya ni Martin ng isang munting halik nang maghiwalay ang kanilang mga labi.Kahit nakaupo’y nanghihina pa rin ang mga tuhod ni Gieselle. "Sana’y malinaw ang usapan natin, Gie. Walang two timing na mangyayari. Sisiguraduhin kong ako at ako lang ang hahanapin mo." "O-oo." Parang bata siyang napatango."Pumasok ka na sa bahay. Baka matukso ako at saan pa tayo umabot." Hinalikan siya sa noo at sa labi ulit.Hindi na niya matandaan kung paano siya nakapasok sa kwarto dahil para siyang lumulutang. Daig pa ang naglalakad habang nananaginip."Talaga? As in? Nag-kiss na kayo?" Gusto niyang sungalngalin ang nguso ni Katarina dahil sa naging reaksiyon nito pagkatapos niyang i-kwento ang lahat-lahat."Gumamit ka na lang ng mega phone para marinig ng lahat total hindi naman kilala ang lalaking pinag-uusapan natin." Pinanlakihan niya ng mata ang pinsan. Nasa loob sila ng isang coffee shop at sinamantala ang araw ng Sabado para lumabas."Sino ba naman kasi ang
Read more
Chapter 17
  PAGBALIK ni Martin sa kwarto ay nakabihis na si Gieselle. Inayos na niya ang sarili bago pa man mapunta sa kung saan ang kanilang kapusukan. "Delivery boy lang pala. Akala niya ito ang bahay na hinahanap niya, hindi pala. Inistorbo lang tayo." "Ah, I think kailangan ko ng umuwi. Ba-baka kasi gabihin ako at magalit si Lola," palusot niya. Kahit pa ang totoo’y iniiwasan niyang maulit ang nangyari kanina. Dahil pagdating kay Martin, nawawala siya sa sariling katinuan. "Nagsisisi ka ba sa nangyari kanina?" tanong ng lalaki nang makarating na sila sa bahay ni Lola Carmen. Umiling siya bilang sagot. Wala naman siyang naramdamang pagsisisi pero mayroong takot. Natatakot siya dahil kapag si Martin ang nagsabi, wala siyang lakas na tumutol. Halos hindi na siya makapag-isip ng mabuti. Kung tutuusin ay bago pa lang ang kanilang relasyon pero hulog na hulog na siya. Natatakot siyang baka sa huli, mabigo siya't masaktan. "Then why are you acting like that? Na parang may gi
Read more
Chapter 18
  PAGOD na hinubad ni Gieselle ang suot na stiletto pagpasok niya sa sariling condo unit. Nanlalanta niyang ibinagsak ang katawan sa sofang nasa sala at inilapag ang bag sa center table. Hindi na siya nag-abalang buksan ang ilaw at nagkasya na lamang sa liwanag ng mga katabing gusali na tumatagos sa salaming bintana. Bumuntong-hininga siya habang minamasahe ang noo. Nasa ganoong posisyon siya nang tumunog ang cellphone kaya pagod niyang kinalkal ang bag para sagutin kung sinuman ang tumatawag. "Hi, Mom," halata sa boses niya ang pagod nang sagutin niya ang kanyang mommy. "Kumusta na, 'nak? Alam kong pagod ka at siguro'y kakauwi pa lang mula sa trabaho. Pasensiya na't wala kami riyan para maalagaan ka. Pumunta ka na kasi rito sa Canada at nang magsama-sama na tayo," saad ng kanyang mommy."Tungkol nga pala kay Tiya Carmen, malapit na ang second death anniversary niya, uuwi ka ba roon?" Halata ang kalungkutan sa boses ng kanyang mommy. Matagal siyang nanahimik bago
Read more
Chapter 19
  MAAGANG nagising si Gieselle dahil sa pambubulabog ng kung sinong tumatawag sa kanya. Kahit nakapikit pa ang mata’y kinapa niya ang cellphone sa ilalim ng unan at hindi na tiningnan ang caller at deritsong sinagot iyon. "Hello," inaantok niyang sabi. "Gie? Gising ka na ba o nananaginip pa?" tanong ni Ate Toyang sa kabilang linya. "Gising na po ngayon dahil sa tawag mo," halos bulong na lang 'yon."Kasi naman nakakabagot dito. Ako lang mag-isa. Kailan ka ba uuwi rito at nang may makasama na ako?" "Sa lalong madaling panahon, Ate. Naghahanap pa ako ng bibili ng condo unit ko," paliwanag niya. "May balita nga pala ako sa'yo," mas sumigla pa ang boses nito. "Magandang balita?" "Siguro. Alam mo bang may darating ngayong buwan. May uuwi!" Mababakas ang sobrang kasiyahan sa boses ni Ate Toyang. "Pinoy Henyo na ba tayo, Ate?" walang ganang tugon niya. "Si Martin! Uuwi si Martin!!" Kulang na lang ay tumalon ito sa sobrang tuwa. Matagal siyang hindi naka-imik
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status