All Chapters of The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst): Chapter 21 - Chapter 30
116 Chapters
Chapter 17
Pagkatapos ng crazy confession ng boss niya. Tumayo ito mula sa buhangin at iniwan siyang mag-isang nakaupo sa baybayin. Carnation stayed there sitting alone on the sand.  She took a deep breath to calm herself. "Ang gulo namang kausap," nakasimangot na sabi niya sa sarili. Tinutukoy ang magaling na lalaking pagkatapos magtapat ay iniwan siyang mag-isa. "May nalalaman pa siyang, it doesn't matter? Paano naman hindi magma-matter 'yon? Crush ko kaya siya,  kung di lang siya pinaglihi sa babaeng may regla baka nga na-fall na ako sa kanya," himutok ni Carnation sa sarili. Naalala niya ang first encounter nila ni Luca sa hospital, wala sa sarili siyang natawa. Ang epic pala ng nangyari, imagine, binato niya ng sapatos ang kanyang boss. Lumapad ang ngiti niya nang may ma-realize.  "Iba pala ang beauty ng isang Carnation, pati woman hater kong boss may crush pala sa akin." Napailing siya sa sariling sinabi. Ngunit nanlaki ang mata niya nang ma
Read more
Chapter 18.1
"Wala ba kayong lakad ng nobyo mo ngayong araw?" Mula sa pagtutupi ng malinis na mga damit, nag-angat ng tingin si Carnation sa madrasta na hinahain ang dala niyang tanghalian sa maliit na lamesa sa sulok ng silid. “Wala po, busy si Wregan ngayon. May pictorial po siya sa Vigan at sa Lunes na marahil siya uuwi ng Maynila,” magalang na sagot niya at muling inatupag ang pagtutupi ng damit. “Ah, edi dito ka lang sa hospital ngayon.” Tumango siya bilang sagot sa madrasta, ang atensyon ay nasa pagtutupi pa rin. “Nga pala, nakausap ko ang doktor ng daddy mo. Pinayagan na niya ang daddy mo na umuwi at sa bahay na lang ipagpatuloy ang recovery niya. Maganda rin para hindi na mabigat sayo, wala na tayong hospital bills na iisipin, mga gamot na lang ng daddy mo. Nag-angat muli ng tingin si Carnation sa madrasta, ngunit sa pagkakataong ito ay kunot na ang kanyang noo. “Bakit siya uuwi? Mas mabuting dito muna si daddy para siguradong may susubaybay sa kondesyon niya, may
Read more
Chapter 18.2
"Bakit mo nga pala ako ipinatawag dito sa office mo Mr. Lust?" Naibalik ni Luca ang atensyon kay Carnation. Oo nga pala, may ibang dahilan siya sa pagpapapunta dito sa dalaga. "I know you're in a serious relationship with my friend." Tumikhim siya para alisin ang pait sa tinig. Hindi siya dapat maging bitter. Walang kasalanan ang mga ito sa pagiging brokenhearted niya. Siya itong duwag at walang ginawa para makuha ang puso ng dalaga. "Wregan talked to me. Gusto niyang ipawalang bisa ko ang kontrata mo dito sa Casa. Did he talk about this matter with you? Alam mo ba ang tungkol sa plano niya?" Tinanguan siya ng dalaga. "Then, can I ask you something?"  "Sige lang." Tumango siya. "Gusto ko lang malaman," he paused. Wala sa sariling kumuyom ang isang kamao niya sa ilalim ng mesa. "I don't have the right to ask, but I want to know. Do you perhaps love him?" Malutong ang naging paglunok niya, kinakabahan sa sagot ng dalaga. Yes, she told him that she
Read more
Chapter 19
Gamit ang napaka matalim na kutsilyo, walang awa na tinabas ni Luca ang leeg ng kanyang biktima. Sumirit ang dugo nito sa tiled sink, ang ilang dugo ay tumalsik sa kanyang suot na plastic apron at basahang damit. Nangisay ang kawawa niyang bigtima, ilang sandali pa'y tuluyan itong binawian ng buhay. Mula sa lagayan ng tools, kinuha ni Luca ang isang electric meat saw at muling hinarap ang biktima. Nang hindi na umagos ang napakaraming dugo sa leeg nito, saka lang niya sinimulang lagariin ang leeg ng biktima. Umagos muli ang napakaraming dugo mula sa wala ng ulo na biktima. Sunod niyang hiniwa ang tiyan nito upang alisin ang laman loob, pero hindi pa siya tapos sa ginagawa nang may sunod-sunod na kumatok sa stainless door ng silid na kinaroroonan niya. Tinalikuran ni Luca ang ginagawa at nayayamot na binuksan ang pinto. "What!?" asik niya. Wala siyang pakialam kung puno ng dugo ang kanyang katawan at mukha, o kung malansa ang amoy niya. "P*tang*na!" Nagulantan
Read more
Chapter 20
Marahas na bumukas ang pinto ng opisina ni Luca, pumasok doon ang galit na galit niyang nakababatang kapatid na si Farkas. Diretso itong nagtungo sa harap ng office table niya at malakas na hinampas ng dalawang kamay ang ibabaw ng lamesa. "What the f*ck are you thinking!?" galit na sigaw nito sa pagmumukha niya. Bahagyan nakapangalumbaba ang kapatid dahil mababa ang kinauupuan niya swivel chair. Walang emosyon na nag-angat si Luca ng tingin sa kapatid.  "What are you doing here, Fast?" "Ate Mistina told me, ipapasa mo raw sa 'kin ang pamamahala ng Casa de Lujuria. What the hell, bro? Ang sabi niya pa aalis ka, and where the f*ck are you going?” "Yeah, plano kong tanggapin ang alok ni Dad," kalmado niyang sagot sa kapatid. Muli niyang binalik ang atensyon sa binabasang reports. Kailangan niyang mailagay sa ayos ang lahat bago umalis patungong New York. "What!? Are you out of your mind? Nakalimutan mo na ba kung bakit kami nag-decide ni ate
Read more
Chapter 21
The double iron bar gate opened as Luca drove his car inside the mansion's front yard. He stopped the car in front of the modern style mansion's main door. Hindi pa siya nakakababa ng kotse, may lumabas nang matandang lalaki mula sa main door. Akay-akay ito ng isang sexy at magandang babae—mukhang kaidad lang niya ang dalaga. "Welcome home, son," bati ni Mr.Lindenhurst sa anak. Ngunit sa halip na batiin pabalik ang ama, sa kasama nitong babae nabaling ang atensyon ni Luca. "And who the hell is this woman?" Patungkol niya sa babaeng nakayakap ang mga kamay sa braso ng kanyang ama. "She's Samantha, your stepmother. I got married to her last month, and—" "Seriously!? You got married again?" Luca exclaimed in disbelief. F*ck! Nagpakasal na naman pala ang daddy nila nang hindi nila nalalaman. "She's about my age, Daddy. How is that even possible?" "Son. Nothing is impossible when you are in love!" Hinigit nito ang bagong asawa at inakbayan. "Samant
Read more
Chapter 22
Wala sa mood si Luca nang bumaba ng sariling sasakyan. Pabagsak niyang sinara ang pinto ng kotse at mabilis ang kilos na tinungo ang main door ng mansion ng kanyang ama.Napakarami ng mga ginawa niya kanina. Sunod-sunod ang meeting na dinaluhan niya, may client pa sila for investment na bigla na lang umatras, bad trip tuloy siya dahil doon. Ilang oras siyang naghintay sa napag-usapan nilang location pero hindi ito nagpakita sa kanya. Nalaman na lang niya sa sekretarya ng ama na umatras ito dahil sa personal na dahilan. Tsk!Natutuwa siya dahil sa sobrang busy wala na siyang oras na isipin ang ibang bagay. Maging ang pagkain ay nakalimutan na niya minsan, wala ng puwang sa isipan niya si Carnation, sa trabaho na niya naibabaling ang buong atensyon. Gusto niya ang ganito, ngunit minsan nasusubrahan naman siya at naapektohan ang sariling kalusugan. Minsan naman ay ang mood niya, tulad na lang ngayon. Bad trip siya—sobrang bad trip!"Maaga ka ngayon, ah?" Nahi
Read more
Chapter 23
Halos kapusin sa paghinga si Carnation nang pumasok sa underground parking ng Seven Sins Luxurious Hotel ang magarang sasakyan ni Wregan. Matunog ang naging paglunok niya nang lingon ang fiancéna focus lang sa pagmamaneho. "May usapan ba kayo ng mga kaibigan mo ngayon?" tanong niya kay Wregan at agad naman itong tumango. Ngayon lang ulit siya tumuntong ng Casa de Lujuria pagkatapos ma-terminate ng contract niya. "Sorry for not informing you of this sooner. Biglaan kasi. Gregory called and said we would be having a meeting at Luca's nightclub tonight," paliwanag agad ni Wregan. Pupunta kasi sila dapat ng Tagaytay ngayon para mag-celebrate ng kanilang 2nd monthsary. Ngunit sa halip na sa Tagaytay, dito siya dinala ng binata. Hindi na muling nagtanong si Carnation. Ayaw niyang kwestyunin ang lahat ng ginagawa at pasya ni Wregan. Kahit fiance na niya ang lalaki 'di niya nakakalimutan na bigyan ito ng privacy. Mapanganib ang mundong ginagalawan ng binata at ayaw n
Read more
Chapter 24
Hindi nakatulog ng maayos si Carnation nang gabing iyon. Kinabukasan ay maaga siyang nagising dala pa rin sa isipan ang napakaraming tanong na 'di niya kayang bigyang kasagutan. Ang huling tagpo nila ni Luca sa opisina ng binata nang gabing iyon ay muling nagbalik sa kanya. Nagsisimula na namang maging magulo ang isip niya, naninikip na naman ang d****b niya sa tuwing naaalala ang binata, may damdamin na sumisibol sa puso niya na ayaw pangalan at tanggapin ni Carnation. Napasinghap siya ng malalim. Ano ba, hindi niya dapat iniisip si Luca. Hindi ba siya na kuntento na minsan niyang pinagtaksilan si Wregan? Na minsan niyang tinugon ang h***k ng ibang lalaki? Tumagilid siya at hinarap ang natutulog na fiance, at bago pa man niya naisip ang gagawin umangat na ang kanan niyang kamay para haplusin ang kaliwang pisngi ni Wregan. "Patawarin mo ako kung nagawa ko sayo ang bagay na 'yon," malungkot at sensero na sabi niya sa natutulog na finacé. "Ang totoo hindi ko rin alam k
Read more
Chapter 25
"Hindi niyo pa ba napag-usapan ni Wregan ang kasal?" pag-usisa ni Leonora na nanonood sa paglalagay ni Carnation ng icing sa baked cupcakes. Gawa niya iyon, nag-request kasi si Carlgem ng pastries na siya mismo ang nag-bake. Tumunog ang oven kaya tinalikuran niya saglit ang madrasta upang kunin ang luto ng cookies. Ipinatong niya ang baking pan sa rack at muling hinarap ang madrasta. "Hindi pa namin napag-uusapan 'yan tita. 'Di ko nga alam kong legit ba ang proposal niya sa akin, wala naman kasing ibinigay na sing-sing si Wregan." Hindi na itago ni Carnation ang disappointment. They're in the middle of love making when Wregan proposed to her. 'Di niya alam kung biro lang ba nito iyon, basta sumagot siya ng, "yes!" "Ano ka ba," panimula ng madrasta niya na hindi agad naka-imik sa rebelasyon niya. "Hindi naman sa sing-sing binabase 'yan, kundi sa nararamdaman ninyo ng kasintahan mo para sa isa't-isa." "Kahit na tita, iba pa rin talaga ang may sing-sing,
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status