The double iron bar gate opened as Luca drove his car inside the mansion's front yard. He stopped the car in front of the modern style mansion's main door. Hindi pa siya nakakababa ng kotse, may lumabas nang matandang lalaki mula sa main door. Akay-akay ito ng isang sexy at magandang babae—mukhang kaidad lang niya ang dalaga.
"Welcome home, son," bati ni Mr.Lindenhurst sa anak. Ngunit sa halip na batiin pabalik ang ama, sa kasama nitong babae nabaling ang atensyon ni Luca.
"And who the hell is this woman?" Patungkol niya sa babaeng nakayakap ang mga kamay sa braso ng kanyang ama.
"She's Samantha, your stepmother. I got married to her last month, and—"
"Seriously!? You got married again?" Luca exclaimed in disbelief. F*ck! Nagpakasal na naman pala ang daddy nila nang hindi nila nalalaman. "She's about my age, Daddy. How is that even possible?"
"Son. Nothing is impossible when you are in love!" Hinigit nito ang bagong asawa at inakbayan. "Samant
1 gem to keep this book going... ^^ Salamat po sa gems, Sir Ryan Ventura.
Wala sa mood si Luca nang bumaba ng sariling sasakyan. Pabagsak niyang sinara ang pinto ng kotse at mabilis ang kilos na tinungo ang main door ng mansion ng kanyang ama.Napakarami ng mga ginawa niya kanina. Sunod-sunod ang meeting na dinaluhan niya, may client pa sila for investment na bigla na lang umatras, bad trip tuloy siya dahil doon. Ilang oras siyang naghintay sa napag-usapan nilang location pero hindi ito nagpakita sa kanya. Nalaman na lang niya sa sekretarya ng ama na umatras ito dahil sa personal na dahilan. Tsk!Natutuwa siya dahil sa sobrang busy wala na siyang oras na isipin ang ibang bagay. Maging ang pagkain ay nakalimutan na niya minsan, wala ng puwang sa isipan niya si Carnation, sa trabaho na niya naibabaling ang buong atensyon. Gusto niya ang ganito, ngunit minsan nasusubrahan naman siya at naapektohan ang sariling kalusugan. Minsan naman ay ang mood niya, tulad na lang ngayon. Bad trip siya—sobrang bad trip!"Maaga ka ngayon, ah?" Nahi
Halos kapusin sa paghinga si Carnation nang pumasok sa underground parking ng Seven Sins Luxurious Hotel ang magarang sasakyan ni Wregan. Matunog ang naging paglunok niya nang lingon ang fiancéna focus lang sa pagmamaneho. "May usapan ba kayo ng mga kaibigan mo ngayon?" tanong niya kay Wregan at agad naman itong tumango. Ngayon lang ulit siya tumuntong ng Casa de Lujuria pagkatapos ma-terminate ng contract niya. "Sorry for not informing you of this sooner. Biglaan kasi. Gregory called and said we would be having a meeting at Luca's nightclub tonight," paliwanag agad ni Wregan. Pupunta kasi sila dapat ng Tagaytay ngayon para mag-celebrate ng kanilang 2nd monthsary. Ngunit sa halip na sa Tagaytay, dito siya dinala ng binata. Hindi na muling nagtanong si Carnation. Ayaw niyang kwestyunin ang lahat ng ginagawa at pasya ni Wregan. Kahit fiance na niya ang lalaki 'di niya nakakalimutan na bigyan ito ng privacy. Mapanganib ang mundong ginagalawan ng binata at ayaw n
Hindi nakatulog ng maayos si Carnation nang gabing iyon. Kinabukasan ay maaga siyang nagising dala pa rin sa isipan ang napakaraming tanong na 'di niya kayang bigyang kasagutan. Ang huling tagpo nila ni Luca sa opisina ng binata nang gabing iyon ay muling nagbalik sa kanya. Nagsisimula na namang maging magulo ang isip niya, naninikip na naman ang d****b niya sa tuwing naaalala ang binata, may damdamin na sumisibol sa puso niya na ayaw pangalan at tanggapin ni Carnation. Napasinghap siya ng malalim. Ano ba, hindi niya dapat iniisip si Luca. Hindi ba siya na kuntento na minsan niyang pinagtaksilan si Wregan? Na minsan niyang tinugon ang h***k ng ibang lalaki? Tumagilid siya at hinarap ang natutulog na fiance, at bago pa man niya naisip ang gagawin umangat na ang kanan niyang kamay para haplusin ang kaliwang pisngi ni Wregan. "Patawarin mo ako kung nagawa ko sayo ang bagay na 'yon," malungkot at sensero na sabi niya sa natutulog na finacé. "Ang totoo hindi ko rin alam k
"Hindi niyo pa ba napag-usapan ni Wregan ang kasal?" pag-usisa ni Leonora na nanonood sa paglalagay ni Carnation ng icing sa baked cupcakes. Gawa niya iyon, nag-request kasi si Carlgem ng pastries na siya mismo ang nag-bake. Tumunog ang oven kaya tinalikuran niya saglit ang madrasta upang kunin ang luto ng cookies. Ipinatong niya ang baking pan sa rack at muling hinarap ang madrasta. "Hindi pa namin napag-uusapan 'yan tita. 'Di ko nga alam kong legit ba ang proposal niya sa akin, wala naman kasing ibinigay na sing-sing si Wregan." Hindi na itago ni Carnation ang disappointment. They're in the middle of love making when Wregan proposed to her. 'Di niya alam kung biro lang ba nito iyon, basta sumagot siya ng, "yes!" "Ano ka ba," panimula ng madrasta niya na hindi agad naka-imik sa rebelasyon niya. "Hindi naman sa sing-sing binabase 'yan, kundi sa nararamdaman ninyo ng kasintahan mo para sa isa't-isa." "Kahit na tita, iba pa rin talaga ang may sing-sing,
"Are you alright?" Ilang beses na napakurap si Carnation sa tanong na iyon ng fiancé. Mula sa kanyang pagkain, nag-angat siya ng tingin kay Wregan. "O-oo naman. Bakit mo na itanong?" "You've been like that since last night. Tahimik ka lang at hindi nagsasalita. May problema ba?" Alam ni Carnation na kagabi pa napapansin ni Wregan ang bigla niyang pananahimik, ngunit ngayon lang naglakas loob ang binata na magtanong. Siguradong naghihintay lang ito na siya mismo ang magsabi, ngunit hindi na nakatiis pa. Napasinghap siya ng malalim. "Ayos lang ako. Siguro ay pagod lang, buong araw kasi akong nag-alaga kay daddy," dahilan niya at tumango naman sa kanya ang binata. "How's your dad?" "He's getting better and better. Thanks to you, Wregan." Nginitian niya ang fiancé ngunit taimtim lang na tumitig sa kanya ang binata. "Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Umiling ang binata bilang sagot at saka lang gumanti ng ngiti. "Let's visit your dad
"Carnation, right?" Kinakabahan man pilit ngumiti si Carnation sa ina ni Wregan. Para siyang ewan, ramdam na ramdam niya ang panginginig ng labi sa ngiti niyang iyon. "Opo," magalang niyang sagot. "I'm Francoise Leath, Wregan's mother." Lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya na parang lalabas na ito sa katawan niya. Lumunok ng malaki si Carnation. Ang babaeng ito sa harap niya ay ang ina ng fiancé niya. . . sobrang ganda nito at— talagang nakakatakot. "I-I'm very pleased to meet you po Ma'am." Walang ginagawa ang mommy ni Wregan. Nakatingin lang ito sa kanya na parang pati kaluluwa niya ay sinusuri. 'Di niya mapigilan ang sarili na matakot. Nakakakaba ito kung tumingin, nasaan na ba si Wregan? Hindi niya alam kung hanggang saan siya tatagal kasama ng ina ni Wregan. "Pasok ka hija. . ." Ngumiti sa kanya ang ina ng fiancé, pero hindi man lang nabawasan ang kaba sa dibdib ni Carnation. "Come in, dito ka muna sa living area habang hinihin
Nang dinner na, binalita ng mommy ni Wregan sa kanila na hindi raw makakarating ang daddy ng fiancé niya. Ang sabi ay may importante raw itong gagawin. Biglaan kaya hindi nito na ipaalam sa ina ni Wregan, tuloy ay apat lang silang nagsalo sa malaking dining table. Katabi ni Carnation ang fiance, ang mommy naman ng binata ay nasa unahan— sa kaliwa ni Wregan— at si Kara naman ay mag-isang nakaupo sa kabilang bahagi ng dining table— sa mismong harap ni Wregan.“Wala pa rin bang balak ang Daddy Brian mo na bumisita ng Pilipinas?” tanong ng ginang kay Kara habang kumakain silang apat.“I don’t know tita. Dad and I never talk like we usually did before. After what happened to the twins hindi na tulad ng dati si daddy. He’s different.” Sunod-sunod na tumango ang mommy ni Wregan.“I see. Hindi pa rin pala siya nakaka-move on sa nangyari sa mga kapatid mo.”“What happened wa
“What do you mean you’re the legal son?”Pakiramdam ni Carnation tumigil sa pagtibok ang puso niya sa sinabi ni Wren. Narinig niya na tinawag nitong bastardo si Wregan, pero hindi niya akalain na gano'n nga ang ibig nitong sabihin.“Unfortunately, Wregan’s mother is my father’s mistress.” He took a deep breath. “They had an affair and things happened and. . . boom! Nagkaroon ng Wregan behind my mom's back," he tells between chuckles. Hindi alam ni Carnation kung seryoso ba ito sa mga sinabi kasi parang wala lang kay Wren na niloko ng daddy nito ang kanyang mommy. Parang hindi kwento ng pamilya nito ang ibinahagi ng binata sa kanya dahil napaka kaswal lang nitong i-kwento sa kanya."I didn’t know how my dad manage to hide his other family. Basta nang malaman ni mommy ang tungkol sa mommy ni Wregan. The kid is almost five.” Pinausad nito ang sasakyan dahil nag-green light na. “Imagine! Dalawan