Lahat ng Kabanata ng Ang Pulang Kuwintas: Kabanata 41 - Kabanata 50
61 Kabanata
Capitulo Cuarenta: Misa de Gallo
  “ Tres (Tatlo,)” sagot ni doña Vivian sa tanong ng Anak.  “Sa halos limampung pagawaan at tindahan ay tanging tatlo pa lamang ang nagagawa nating ibalik,” dagdag naman ni Estrella.                   Marahang inilapag ni Vahlia ang baso ng tubig sa kaharap nilang lamesita. Pagkarating niya pa lamang kanina ay siyang pag-alis naman ng kalesang sinasakyan ni don Gonzalo. Napabuntong-hininga na lamang siya, talagang pagdating sa negosyo ng kanilang pamilyang hindi pa rin tuluyang naibabalik sa normal ay halos hatiin na ng Don ang sarili sa iba’t ibang bagay na inaasikaso.               &nb
Magbasa pa
Capitulo Cuarenta y Uno: Maligayang Pasko!
 “Feliz Navidad! (Maligayang Pasko!)” “¡Te deseo una feliz navidad! (Binabati kita ng maligayang Pasko!)” “Maligayang pasko!” “At manigong bagong taon!”                   Sari-saring mga pagbating maririnig mula sa iba’t ibang mga tao nang makalabas na ng simbahan. Makikita ang mga ngiti sa kani-kan'yang mga labi, masasayang mukhang hindi matatawaran ng kahit ano pa mang bagay. Panahon kung kailan halos nalilimutan na ang problema at ang tanging namumuo sa bawat puso ay ang diwa ng paskong ito.  “Feliz Navidad, mi Tigresa.”
Magbasa pa
Capitulo Cuarenta y Dos: Severino Cervantes
                 Walang anu-ano’y napatayo na rin si Vahlia at kumaripas ng takbo pababa kung saan nanggaling ang putok ng baril. Tila binagsakan siya ng napakalamig na tubig nang madatnan ang isang babaeng nakaluhod sa damuhang parte ng hardin. Hawak nito ang kaliwang parte ng tiyan niya. Sa suot niyang mapusyaw na kulay bughaw ay unti-unting kumakalat ang matingkad na pulang mantsa. Kaharap nito ang lalaking bukambibig niya nang huli silang magkausap.  “Handa akong kimkimin kahit ang pinakamatinik na baging, dahil hindi ko siya kayang bitawan. Kung tanging pagpapakasal lamang ang maibibigay niya sa akin, bakit pa ako tatanggi? Hilingin ko man ang puso niya ay batid kong iyon lamang ang bagay na hindi niya maibibigay sa akin.”    
Magbasa pa
Capitulo Cuarenta y Tres: Bunga
  “Ano ang ibig mong sabihin?” sulpot ng panibagong boses mula sa madilim na parte ng hardin. Suot nito ang puting uniporme na namamantsahan ng pulang dugo, parehong nasa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalan ang kamay niya. Magkahalong pagkagulumihanan at gulat ang nakapinta sa mukha nito. Gulo-gulo na rin ang buhok at bahagyang namumula ang paligid ng kaniyang mata.                      Napatigil sa paghikbi at unti-unti binitawan ang pagkakahawak sa kuwelyo ni Mateo. Namuo ang pagngisi sa kaniyang labi nang maaninag kung sino ang taong iyon. Dagli nitong pinahid ang kaniyang mga luha bago muling itinaas ang ulo at naglakad palapit sa Lalaking nakakunot ang noo sa kaniyang harapan, “Mabuti naman at nariyan ka pa.” 
Magbasa pa
Capitulo Cuarenta y Cuatro: Paratang
                         Ilang araw na rin ang lumipas, nakararating sa kaniya ang mga pangyayari sa labas ng mansiyon ng mga Esperanza. Ngunit walang kasagutan sa mga katanungan niyang bumubulabog sa kaniyang isipan. At maging si doña Vivian ay tanging iyon lang din ang isinasagot sa kaniya, ang napatunayang paratang na sila’y kasapi ng rebeldeng grupo na siyang sumalakay sa kuwartel at ilang kawani ng Govierno. Naging matibay ang paratang na iyon nang matagpuan sa kanilang pamamahay ang ilang mga mahahalagang dokumento at kasulatang hindi nararapat itago  kahit pa ng kanang-kamay ng Gobernadorcillo.                       Sumabog na lamang ang usaping wala nang mga tagapagsilbi
Magbasa pa
Capitulo Cuarenta y Cinco: Luna Atticus
 “Wala nga akong karapatang bigyan ka ng pamimilian, ngunit mayroon ako kakayahan, Victoria.” Itinapat nito ang hawak na punyal sa leeg ni Guadalupe na mas lalong ikinalakas ng pag-iyak nito. Nagpupumiglas mula sa pagkakatali at pagkakahawak ng guwardiya si Mateo at Cielo ngunit hindi ito pinansin ni Alvaro. Akmang hahakbang papalapit na sana si Vahlia nang muling magsalita ang Lalakeng iyon. “Isang hakbang pa at tuluyang tatarak ang punyal na ito sa kaniyang leeg.” “Subukan mo, babaon ang balang ito sa iyong ulo.” Nagtatangis ang kaniyang bagang na itinutok ang baril sa direksyon ni Alvaro. Dalawang kamay ang nakasuporta sa baril upang hindi mapansin ang panginginig nito, pinanatili ang tingin at tindig na tila walang kinatatakutan.  “Oh? Pangahas ka ngang talaga, tignan natin kung hanggang kailan mo magagawang
Magbasa pa
Capitulo Cuarenta y Seis: Bakit hindi?
“Pagkatapos kong pirmahan ang mga papel na ito, saan ni’yo sila dadalhin?”                   Matatalim na titig ang kanina pa ipinupukol ni Vahlia kay Alvaro magmula nang bumungad ito sa kanilang sala mayor pagkababa pa lamang niya. Limang magkakaparehong kopya ng isang kontrata umano ang nakalatag sa lamesa. Tulad nitong nakaraang mga araw, hindi na naabutan pa ni Vahlia ang kaniyang Ama. Magmula nang mawala si Estrella, nang tuluyang bumagsak ang pamilya Villamarquez na tila naglaho ang pangalang iyon sa buong bayan, nag-iba na rin ang pakikitungo ni don Gonzalo.  “Siyang kalakip ng ikatlong pahina. Malinaw na isinasaad ng mga nakatala riyan ang ating kasunduan, pumapayag kang burahin ang pangalan ng lalaking iyon kapalit ng kanilang buhay at kalayaan sa malayong
Magbasa pa
Capitulo Cuarenta y Siete: Ilusyon
 “Señorita, ipinapasabi po ni doña Vivian na bumaba na raw ho kayo sa ibaba upang mananghalian,” muling katok ng isa sa mga tagapagsilbing kanina pa nagpapabalik-balik sa kaniyang silid.                   Tulad ng kanina ay hindi siya sumagot at nanatiling nakadukmo sa lamesang nasa tabi ng bukas na bintana. Nakapikit ang mga mata ngunit gising na gising ang diwa, namumugto at namumula na rin ang paligid ng mga ito. Ilang araw nang ganito si Vahlia, lalabas na lamang tuwing batid niyang walang sasabulong at kakausap sa kaniya upang kumain at maligo, pagkatapos ay babalik muli sa kuwarto at magkukulong buong araw.                   Napapakapit siya nang mahigpit sa du
Magbasa pa
Capitulo Cuarenta y ocho: Bulong ng magkabilang panig
  “Marahil ay isa ito sa epekto, hangga’t hindi niya magawang tanggapin ang mga pangyayaring ito. Ako’y nangangambang mas mahihirapan siyang gumaling at makabalik sa dati.”                        Malalim na napabuntong hininga ang mag-asawa nang marinig ang sinabing iyon ng Doktor. Sa pagkakataong ito ay agad nang umalis si doktor Flaviano nang masuri si Vahlia. Mula kahapon ay hindi pa rin nagigising ang kanilang anak, mataas din ang lagnat nito at hindi pa rin bumabalik sa dati ang pangangatawan.   “Hindi ko magawang pigilan ang aking sariling manisi, Gonzalo. Sa susunod na lingo ang pinagkasunduang kasal ni Victoria at ng Alvaro na iyon. Nais kong tanungin kung ipagpapatuloy mo pa bang ipagkait sa ating anak ang natitirang kalayaang mayroon siya,” nanun
Magbasa pa
Capitulo Cuarenta y Nueve: Pighati ng nakaraan
  Vahlia’s POV                   Maingay, magulo at abalang-abala ang buong pamilihan. Mahinahon kong isinara ang bintana ng kalesang sinasakyan ko nang muling magbulungan ang mga taong nagkukumpulan, at hindi ko man tanungin ay batid kong ako ang pinapaksa nila. Magmula nang araw na lumaganap sa buong bayan ang pagkakasakdal at pagbibigay ng parusang kamatayan sa mga Villamarquez ay tila naging nakakadiring sakit ang pangalang Victoria Esperanza.                     Paksa ng bawat salitaan, na ang babaeng ito ay walang ibang pinili kundi ang kayamanan at kapangyarihan. Na ang babaeng ito ay hinayaang mamatay ang pamilya ng kaniyang unang asawa para lamang makuha ang mas malaking kaban ng ginto’t karangyaan sa piling
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status