Lahat ng Kabanata ng Ang Pulang Kuwintas: Kabanata 11 - Kabanata 20
61 Kabanata
Capitulo Diez: Arbol Triste
                 Natanaw ni Vahlia ang isang mayabong na puno ng narra, nag-iisa ito sa gitna ng bukirin na tanging mga damo at mga pananim na palay ang nakapaligid dito. Hindi na nakapagtataka kung bakit mayabong at mataba ang punong ito dahil walang ibang punong kaagaw sa sustansiya at sinag ng araw.   “Ang árbol triste,” sulpot ng isang boses sa kaniyang likuran. Mariing napapikit sa inis si Vahlia nang mapagtanto kung kanino galing ang tinig na iyon, “Sumunod ka pa talaga ah, sadyang iniinis mo ba ako?” aniya nang hindi man lang nililingon ang kausap.   “Hindi naman, nakatutuwa lamang na ika’y pagmasdan lalo na sa tuwing lumulukot ang iyong pagmumukha.”   “Tchh, wala ka talagang kwenta,” tanging sagot mula kay Vahlia, mas
Magbasa pa
Capitulo Once: Feliz Compleanos!
  “Señorita Victoria! Señorita!” nagkukumahog na tawag ng tagapagsilbing si Stella nang makapasok sa silid ni Vahlia. Kunot-noo naman siyang binalingan ng tingin ni Vahlia, “Ey? Bakit tila nagmamadali ka?” “May ipinadala pong liham si señorito Mateo, para raw ho sa inyo.” “Anong sabi?” “Hala, hindi ko naman ho binuksan. Kayo po ang magbabasa, Señorita.” Iniabot ng tagapagsilbi ang isang puting sobre na may kulay pulang rosas bilang selyo sa gitna nito. Madali naman itong nabuksan ni Vahlia at hinila palabas ang papel na nakapaloob.  “Sandali, sulat kamay ba talaga ito ni Mateo?” hindi makapaniw
Magbasa pa
Capitulo  Doce: Gumamela
               Napalingon ang lahat ng mga panauhing nasa malawak na hardin ng Mancion Villamarquez sa isang kalesang kararating pa lamang. Masisilip sa durungawan ang apat na katao na mapapansing galing sa alta sociedad dahil sa kanilang magarbong pananamit at sa kalesang hindi rin pangkaraniwan sa gawa at disenyo.               Naunang bumaba ang padre de pamilya ng mga Esperanza na si Don Gonzalo, suot ang mamahalin nitong abrigo at pantalong yari pa raw sa Espanya. Sunod ay si Doña Vivian sa magkatugmang kahel na pañuelo at camisa, kwintas na may disenyo ng bulaklak at ang kulay kahel rin nitong saya, nang makababa na sa kalesa ay ikinumpas pa nito ang kan'yang abaniko na gawa sa balahibo ng pabureal (peacock). 
Magbasa pa
Capitulo Trese: Pulang Kuwintas
  “Tinanong ko sa iyong ama ang tungkol sa paborito mong bagay, ngunit wala siyang nasabi kung ano. Kaya’t napag-isipan kong dalhin ka sa lugar na ito, sana—”               Hindi pa rin nawawaglit ang matamis na ngiti ng dalaga nang lingunin nito si Mateo at biglang yakapin nang napakahigpit, “Salamat… Maraming salamat,” tanging nasambit niya.   “Mukhang hindi ko na kailangang tanungin pa kung nagustuhan mo ang tanawing ito,” sambit na lamang ni Mateo nang makabawi sa hindi inaasahang pagyakap sa kaniya ng dalaga bago hayaang humakbang ito papalayo at libutin ang buong hardin.                 Sa landas na pinaliliwanag ng mga lampara, sa bawat tangkay ng mga palumpong ng gumamela
Magbasa pa
Capitulo Catorce: Ano nga ba?
 Ika-7 ng Abril, 1871 “Señorita, nakapag-ayos na po ba kayo?” tanong ng tagapagsilbi mula sa labas ng silid ni Vahlia. Araw ng lingo ngayon, umagang-umaga upang magsimba.  “Nakabihis na rin ba si ate Estrella?” patanong namang sagot ni Vahlia na ngayo’y kasalukuyang iniipit ang kan'yang buhok. “Kanina pa po, Señorita.”  “Papatapos na rin lang ako, magbihis ka’t sumama ka sa amin.” “Po?” hindi makapaniwalang tugon ni Stella habang nakatayo sa harapan ng pintuan sa labas.  “Oo nga, sasama ka sa amin. Wala namang masama roon, hindi ba?”
Magbasa pa
Capitulo Quince: Ligaw na Usa
                Sa loob ng mansiyon ng pamilya Villamarquez, naroon sa malawak na hapag-kainan ang dalawang pamilya at sama-samang kumakain ng tanghalian. Sa pinakagitna ay ang paella na may mga hipon, tahong at itlog, nakalapag din ang putaheng pochero na sinahugan ng karne ng baboy, saba at kamatis, naroon din ang malinamnam na adobo. Siyempre, hindi mawawaglit ang kanin at mga prutas gaya ng saging, mansanas, ang mamahaling presa at pakwan.                 Pinag-uusapan ang mga bagay patungol sa kasunduan ng kanilang pamilya, isang kasalang magaganap sa pagitan ng dalawa sa mga tanyag na pamilya sa buong Isla Oriente. Ang Villamarquez  at ang Esperanza.   “Ano nga ba ang magiging takdang petsa ng kanilang pag-iisang
Magbasa pa
Capitulo Dieceseis: Pansamantala   
      “Mateo, hijo! Magandang umaga,” bungad ni señora Vivian nang makita ang kararating lamang na si Mateo sakay ng kabayo nitong si Manolo.  “Magandang umaga rin po sa inyo, Señora. Ibig ko po sanang ipagpaalam ang inyong anak upang mamasyal,” sagot naman ng lalaki nang makababa sa kan'yang kabayo.               Malungkot na napabuntong hininga ang Señora bago muling harapin si Mateo, “Tungkol nga pala sa nangyari noong nakaraang lingo, humihingi ako ng pasiyensiya sa iniasal ng aking anak.” “Naiintindihan ko po iyon, Señora. Nakausap ko naman po si binibining Victoria patungkol sa bagay na iyon. Marahil ay ma
Magbasa pa
Capitulo Diecisiete: Panibagong Laro
  “Hindi nga, ngunit isang kapangahasan pa rin ang iyong ginawa.” Patuloy sa pag-atras ang lalaki at ganoon din sa pag-abante si Vahlia.   “Sorry na… hindi ko naman—”   “Sinasadya? Hindi mo sinasadya ngunit kusa mong hinablot ang aking kuwelyo at ginawa ang karumal-dumal na gawain ng isang mapangahas at mapansamantalang Binibini.”   “Sorry na kasi, at saka pwede ba tigilan mo nang umatras? Konting-konti na lang talaga ay itutulak na kita,” banta ni Vahlia nang makita ang punong-kahoy na nasa bandang likuran ni Mateo. Bahagyang nanlaki naman ang kan'yang mga mata sa panibagong kalokohang pumasok sa kan'yang isip.   “Itutulak saan? Mapansamantala kang talaga! Sinasabi ko na nga ba’t nagkamali ako ng pinili, dapat sana’y—”
Magbasa pa
Capitulo Dieceotso: Kasal
             Lumipas na nga ang tatlong araw, walang komunikasyon o pagkikitang naganap sa pagitan nila ni Mateo. Hindi rin lumabas o gumala si Vahlia at nakatuon na lamang sa pagtugtog ng mga instrumentong nakatambak sa sala ang buong atensiyon niya. Minsan ay sinasabayan siya ng kan'yang ate na siyang kasa-kasama niya sa buong magdamag dahil sa pagiging abala ng kan'yang mga magulang sa pag-aayos ng kasal.            Tulala siyang nakatingin sa salaaming nasa kan'yang harapan habang inaayusan siya ni Carlotta, magaling siya sa paglapat ng iba’t ibang mga pampaganda mula Europa at pag-aayos na rin ng buhok.  “Naalala mo ba noong unang beses kang isama ni ginoong Mateo sa aming tirahan ni Teodoro?” nakangiti niyang tanong habang iniipit a
Magbasa pa
Capitulo Diecenueve: Dalawampung taon sa Buhay
                Kasabay ng pagmulat ng kan'yang mga mata ay ang pagsalubong sa kan'ya ng isang napakatamis na ngiti mula sa lalaking isinisigaw ng kan'yang puso. Sa araw na ito ay ganap na nga silang mag-asawa.                 Pagkalabas nila mula sa simbahan ay sabay-sabay na naghagis ang mga tao ng ilang butil ng bigas, barya at mga talulot ng puting bulaklak. Isang napakasayang kaganapan ng kahit na sinong hahantong sa puntong ito.                 Sinalubong sila ng mga pagbati at mga bilin mula sa mga bisita, lalo na nang makabalik sila sa hacienda Esperanza kung saan idaraos ang piging. Maririnig ang mga musika at nagbubunying mga taong nagsidalo sa kanila
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status