All Chapters of Breathing the Last Love: Chapter 51 - Chapter 60
137 Chapters
Chapter 50
Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan siyang kausap ang nasa kabilang linya. Umo-order ng kung anu-ano. Paulit-ulit niyang hinaplos ang kaniyang buhok at tumingin sa kawalan habang nakikinig sa sinasabi siguro ng kausap niya. Pinanood ko lamang siya hanggang sa ibaba niya ang telepono.  "Neal, kumain ka na muna," wika ko.  Hinagis niya ang telepono sa kama habang naglalakad palapit sa akin.  "A-Are you going to leave now? I ordered a lot of foods. Paano iyon?" He looked so worried. Ang mga mata niya ay punung-puno ng lumbay habang tinatanaw ako. Na tila ba sa oras na iwan ko siya rito ay mas masasaktan siya.  Kinagat ko ang labi ko at umiling.  "I'll stay, Neal." Ngumiti ako.  Tinitigan niya ako nang ilang sandali bago siya tumango. "Umupo ka na muna, Marwa. I'l
Read more
Chapter 51
Tumakbo ako hanggang sa makalabas ako ng bahay nina Neal. Hindi ako lumingon dahil sa takot. Pakiramdam ko ay anumang oras ay masusundan niya ako ngunit hindi iyon nangyari. Nakasalubong ko ang isang kasambahay. Nilagpasan ko lamang siya, hindi pinansin ang kaniyang sinabi at hindi ko rin naman naintindihan kung ano iyon dahil gulung-gulo ang isip ko. Hanggang sa makasakay ako ng taxi ay nanatiling naglalaro sa aking isipan ang ginawa niya sa akin. Walang humpay ang mga luha ko. Nanginginig ang aking mga labi pati na ang balikat ko. Tulala ako at hindi sigurado kung nasabi ko ba sa driver ang aking pupuntahan. Wala na akong pakialam kung saan man niya ako dalhin. Tuliro ang utak ko dahil sa nangyari. "Miss, tissue?" Dinig kong sinabi ni manong kaya sumulyap ako sa kaniya. Ngumiti ako at nagpasalamat nang kinuha ko ang inalok niyang tissue. Siguro ay nagtataka na ito kung bakit ako umiiyak. Wala siyan
Read more
Chapter 52
Naging normal ang mga sumunod na araw. Isang linggo na lang ay pasukan na. Nag-apply ako ng scholarship sa isang unibersidad. Kahapon lumabas ang resulta at salamat sa Diyos dahil naipasa ko iyon.  Naglalaro na ang mga bata sa feeding program. Kanina pa nagsimula ang programa at mag-aalas sais na ng hapon. Noong Biyernes ay tumulak si Hayes patungong Manila dahil may kailangan siyang asikasuhin doon.  "Sino rito si Marwa?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang kasambahay.  Sumulyap sa akin ang mga kasama ko sa mesa na sina Sania. Nagtataka ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Maging ako man ay nagtataka rin.  "A-Ako po," sagot ko.  Ngumiti sa akin ang kasambahay. Pumalakpak pa ito na para bang may nagawang maganda.  "Naku! Oo nga! Ikaw! Pinapatawag ka ni Donya Herenia. Nasa dining room siya ngayon, nagkakape." 
Read more
Chapter 53
He pressed his lips in a thin line. Titig na titig siya sa akin, mabibigat at madilim ang mga mata.  Sumisikip ang dibdib ko. Nag-iwas ako ng tingin. Walang saysay ang pagpahid ko sa mga luha ko dahil patuloy lang silang umaagos.  "You're not going to break up with me, Marwa," mahina niyang sinabi.  Sumulyap ako sa kaniya at nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. He leaned closer to me. Nanlambot ako nang abutin niya ang aking pisngi. He did not look at me when he gently wiped my tears away.  "You can't just cry like this while you are pushing me away," he whispered. Binaba niya ang kaniyang kamay at umayos ng upo.  Kitang-kita ko ang pag-angat-baba ng kaniyang dibdib na tila ba nahihirapan siyang huminga.  "T-Tingin ko ay mas mabuting ganoon, Hayes." Nanginig ang boses ko. Tila sa sinabi ko ay ako mismo ay hirap na hirap.&n
Read more
Chapter 54
Sa unang buwan ko bilang college student, normal naman ang lahat. Maraming mga pamilyar na mukha ang nakikita ko sa loob ng unibersidad na ito na nagmula rin sa paaralang pinasukan ko noon. Maayos ang lahat. Tama lang. Hindi masaya pero okay na. Iyong tipong ngumingiti ka pero hindi mo kayang tumawa. Iyong nabubuhay ka lang dahil hindi ka pa namamatay. Iyong tipong sumasabay ka na lang sa agos ng buhay.  Ganoon ang pakiramdam.  Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Payapa ang paligid dito sa malawak na field ng aming paaralan. Matatayog ang mga puno at masarap talagang tambayan sa tuwing may libreng oras. Nag-angat ako ng tingin kay Tyrell mula sa aking libro.  Hinihipan ng hangin ang kaniyang buhok. Umaabot iyon sa kaniyang kilay. Naamoy ko kaagad ang kaniyang mamahaling pabango. Agaw pansin din ang kaniyang diamond earrings.  "Mag-isa ka na naman?" Nag-angat siya ng kilay. Palip
Read more
Chapter 55
Pagkatapos ng klase ko ay diretso kami ni Vrela palabas ng classroom. Sinusundo siya ng driver nila kaya sa huli ay ako lang ding mag-isa ang lumalabas ng eskwelahan. Halos pasalamatan ko ang lahat ng sinasamba nang walang Tyrell na nakaabang. Siguro ay may klase pa iyon. Madalas kasi kapag alam niyang tugma ang uwian namin ay nakaabang na iyon sa labas ng classroom.  Maaga akong natulog sa gabing ito dahil bukas na ang kasal nina Trixi at Royd. Hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ang dalawang iyon. At magkakaanak na!  Kulay asul ang gown ng mga kababaihan sa kasal. Nagsisimula na ang seremonya at tahimik na ang lahat. Hindi ko mapigilang maluha habang nakikinig sa pagpapalitan nila ng pangako.  Kung iisipin, hindi naman sinadya ang lahat sa kanila. They were not totally in a relationship. Nagbunga ang isang gabi nila dahil sa kalasingan. Who would have thought that in just one night of being drunk
Read more
Chapter 56
"Huh? Hindi nga raw. Tanong mo sakaniya." dinig kong wika ni Vrela. Kausap niya ang nasa tabi niyang si Jerson. Nagbubulungan ang dalawa ngunit dahil katabi ko si Vrela ay mas naririnig ko siya.  Kumunot ang noo ko at siniko siya. Nagdidiscuss ang professor namin sa harapan tungkol sa subject namin na Furniture Design and Construction. Nilingon niya lang ako bago tumingin sa harapan. Nang mag-lunch break ay diretso kami ni Vrela sa cafeteria. Luminga ako sa paligid habang nasa pilahan. Umangat ang kilay ko nang matanaw si Tyrell na tila may hinahanap. Iniwas ko ang tingin sakaniya. Humalukipkip ako habang naghihintay sa aking pwesto. Tumango ako habang nakikinig sa kwento ni Vrela na nasa aking harapan. Ang lakas ng boses niya pero mukhang wala siyang pakealam. Ilang sandali pa nang makita ko si Tyrell na papalapit at nakangiti ngayon sa akin. Kinunotan ko lang
Read more
Chapter 57
Tulala ako habang nasa loob ng sasakyan ni Tyrell. Binigay niya sa akin ang burger at sundae na kaniyang inorder nang mag-drive thru sa isang fast food. Tinanggap ko ang mga iyon ngunit hindi kinain.  "Gusto mo bang mag-mall? I'll buy you clothes and... whatever you want." kaswal niyang sinabi kaya napabaling ako sakaniya. Matalim ang mga mata ko. Ngumuso siya ng mapansin ang aking reaksyon.  "Anong tingin mo sa akin? Buy me clothes? Seryoso ka ba, Tyrell?" umirap ako at hindi ko talaga maiwasang mairita sakaniyang sinabi.  "Alright! Fine! I'm sorry. I just want to..." umiling siya at humugot ng malalim na hininga. Nakatutok sa kalsada ang mga mata niya.  Hindi ko na siya nilingon pa at inabala nalang ang sarili sa bintana.  Hindi ko alam kung iimbitahan ko ba siyang pumasok sa bahay pagdating namin. Ngunit nang siya na mismo ang nags
Read more
Chapter 58
Naramdaman kong sumunod siya sa akin ngunit wala na rin akong narinig na apila niya. Natanaw ko si Vrela sa dance floor na may kasayaw na isang matangkad na lalaki.  Ang maingay na musika ay tila nagsilbing kalayaan sa mga taong sumasayaw. Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa tugtog. Tumawa ako nang makita si Tyrell sa aking harapan na para bang hindi malaman ang gagawin. Inabot ko ang kaniyang batok. Pumikit ako at naramdaman ang braso niya sa aking baywang.  "Ang swerte ko at ako ang kasayaw mo." he chucked.  Dumilat ako at hinarap siya. Titig na titig siya sa akin. He looked very manly in his inner white shirt and black woolen jacket. Ang buhok ay nasa magulong ayos ngayon. He licked his lower lip. Kitang-kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa aking labi.  Then without a word, he brushed his lips against mine. I wasn't even shocked. Wala akong naramdaman. Hinayaan kong halikan
Read more
Chapter 59
Ilang minuto pa akong nanatiling ganoon. Pumikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung nahihilo ba ako o ano.    Naputol lamang ang pag-iisip ko nang makitang lumabas na siya sa banyo. Naaninag ko lamang na pinupunasan niya ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya. He's topless and I think he's just wearing a sweatpants!   Pairap akong nag-iwas ng tingin kahit paniguradong hindi niya iyon nakikita dahil madilim dito sa kwarto niya.   "Anong gagawin ko rito? Dapat ay inuwi mo nalang ako." maarte kong sinabi.   Hindi siya sumagot. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumiwanag ang paligid. Masungit ang kaniyang mukha nang tinignan ako. Naglakad siya patungo sa akin at halos umatras ako dahil doon.   My brows furrowed despite of my unexplainable nervousness when he squatted in front of me. Umawang ang labi ko sa gulat nang marahan niyang inangat ang aking isang paa at pinatong iyon s
Read more
PREV
1
...
45678
...
14
DMCA.com Protection Status