Share

Chapter 52

Naging normal ang mga sumunod na araw. Isang linggo na lang ay pasukan na. Nag-apply ako ng scholarship sa isang unibersidad. Kahapon lumabas ang resulta at salamat sa Diyos dahil naipasa ko iyon. 

Naglalaro na ang mga bata sa feeding program. Kanina pa nagsimula ang programa at mag-aalas sais na ng hapon. Noong Biyernes ay tumulak si Hayes patungong Manila dahil may kailangan siyang asikasuhin doon. 

"Sino rito si Marwa?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang kasambahay. 

Sumulyap sa akin ang mga kasama ko sa mesa na sina Sania. Nagtataka ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Maging ako man ay nagtataka rin. 

"A-Ako po," sagot ko. 

Ngumiti sa akin ang kasambahay. Pumalakpak pa ito na para bang may nagawang maganda. 

"Naku! Oo nga! Ikaw! Pinapatawag ka ni Donya Herenia. Nasa dining room siya ngayon, nagkakape." 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status