All Chapters of Breathing the Last Love: Chapter 41 - Chapter 50
137 Chapters
Chapter 40
Hindi ko alam na magkakilala pala ang dalawa. Hindi na nakapagtataka. She's a patrician who makes herself busy with fashionable social circles. Tipikal na mga babaeng pwedeng-pwede para sa isang tulad ni Hayes.  Unti-unting bumaliktad ang aking sikmura. Hindi ako tanga para hindi matanto kung anong nangyayari. Hindi ako tanga para magbulag-bulagan pa sa mga nakikita. Hindi ko na namalayan ang pagdaloy ng mga mapangahas kong mga luha. At mas lalo akong nawalan ng hininga nang magtagpo ang mga tingin namin. He was not shocked neither surprised to see me here... crying silently... begging for his touch.  Nanatiling seryoso ang kaniyang mukha habang tinatanaw ako.  Gustung-gusto ko nang tumakbo at lumayo mula sa mga mata niya. Ngunit bakit hindi ko iyon magawa. I'm fucking sure he noticed how miserable I am right now. He didn't even move an inch. P
Read more
Chapter 41
"A-Anong sinasabi mo?" nanghihina kong bulong.  Umiling ako habang nakatanaw sa kaniya. Nanatiling madilim ang kaniyang mukha. Tumiim ang kaniyang bagang.  "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Hayes. Hindi ako... humalik ng iba." Nanginig ang aking boses.  Kumunot ang kaniyang noo matapos marinig ang aking sinabi. He looked away and licked his lower lip.  Inulan ng maraming katanungan ang isipan ko. Hindi ko mahagilap ang ibig niyang sabihin. Hindi ko alam kung saang lupalop niya kinukuha ang mga salita niya.  Lasing lang ba talaga ako kaya hindi ko siga maintindihan?  Tila ba napipilitan siya nang lingunin ako. Sumiklab ang iritasyon sa kaniya.  His eyes were inflamed and dreadful. His jaw clenched repeatedly. Tila ba hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Na para bang may ginawa akong mali. Hindi ko al
Read more
Chapter 42
Sinigurado kong mahigpit ang pagkakatali ng aking suot na roba.   "Ito ba ang ipasusuot mo sa 'kin?" Tinuro ko ang mga damit.  Nanatili siyang nasa pintuan, tila natigilan sa aking bungad sa kaniya.  Nag-angat siya ng kilay. "Yeah, why? Hindi mo nagustuhan? My secretary chose that. I'm gonna call him to buy another set if you don't like it," seryoso ang kaniyang tono.  Pumikit ako nang mariin. "Hayes, hindi. Bakit kailangang Louis Vuitton pa? Ang mahal niyan! Dapat sa ukay na lang siya bumili. Ayos lang naman iyon sa akin. Tsaka hindi ko 'yan kayang bayaran!" Kumilos siya at sinara ang pintuan sa kaniyang likuran. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Anong bayaran? Wala kang babayaran. Why would you even think that?" "E, ang mamahal ng mga 'yan! Hindi ko naman kailangan ng mahal!" katwiran ko at napaatras nang hum
Read more
Chapter 43
Nanatili lamang akong nakaupo rito sa dining area nang magpaalam si Hayes upang magpalit ng damit dahil ihahatid niya ako at pagkatapos ay diretso na siya sa trabaho. Kitang-kita ko ang pagiging kuryoso ng ilang kasambahay na pumapasok. Naaasiwa ako at tuluyan nang hindi naging kumportable.  Mas lalo akong inatake ng kaba nang makita ang pagpasok ni Donya Herenia na naka-itim na mahabang roba. Umangat ang kaniyang kilay nang matanaw ako.  Nanginig ang mga tuhod ko nang tumayo ako upang magbigay galang sa kaniyang pagdating.  "G-Good morning po, Donya Herenia." Nanuyo ang aking lalamunan. Umasa ako ng kahit na tipid na ngiti mula sa kaniya ngunit nanatili lamang malamig ang kaniyang ekspresyon. Umupo siya sa kabisera na para bang hindi narinig ang aking bati. Nilubayan ako ng aking kaluluwa.  "Morning," aniya nang hindi ako sinusulyapan bago inutos ang isang ka
Read more
Chapter 44
Naabutan ko si Tita Margaret na nagkakape sa aming kusina. Hindi ko na pinatuloy si Hayes dahil alam kong may trabaho pa siya.  Kitang-kita ko ang mapanuring mga mata ng tiyahin ko nang lumapit ako sa kaniya upang magmano.  "Kailan mo makukuha ang mana?" Iyon ang kaniyang unang bungad sa akin.  Kinunotan ko siya ng noo.  Paulit-ulit ang tiyahin ko sa bagay na ito. Halos araw-araw yata ay ganito ang sinasabi niya sa akin. Hindi niya man lang tinanong kung saan ako nanggaling. Kung bakit hindi ako rito natulog. Kung bakit ngayon lang ako nakauwi.  Humugot ako ng malalim na hininga at mabagal na umupo sa kaniyang tabi.  "Hindi ko po alam. Hindi na po iyon mahalaga, Tita."  Kitang-kita ko ang mabilis na pagsiklab ng iritasyon niya. Nag-iwas ako ng tingin. Alam ko na ganito ang magiging r
Read more
Chapter 45
Kahit sa gitna ng kaniyang pagmamaneho ay hindi pa rin maalis ang pagiging suplado niya. Kunot ang kaniyang noo habang tutok sa tahimik na kalsada.  Ala una na ng madaling araw. Maluwag na ang kalsada at halos wala na akong makitang sasakyan sa daan.  Ngumuso ako habang pinagmamasdan siya.  "Itsura mo?" Humalakhak ako. Mas lalo yata siyang nagsungit sa ginawa kong pagtawa. Sumulyap lang siya sa akin at hindi ako pinansin. Kinagat ko ang labi ko, natatawa pa rin. Lumingon na lamang ako sa bintana.  "How did you even end up in that club? That place is not safe for you. Don't you know that?" may diin niyang sinabi.  Napabaling ako sa kaniya. Kitang-kita ko ang pananatili ng kaniyang iritasyon. Diretso lamang ang tingin niya at hindi ko siya makitaan ng anumang reaksiyon. Tanging pagka-irita lamang talaga.  "Hayes naman. Ano bang pro
Read more
Chapter 46
Kinagat ko ang labi ko at marahas na pinalis ang luha na kanina pa nagbabadya. Hindi ko alam ngunit sobrang apektado ako sa mga narinig mula kay Zanila. Bawat salita ay tagos sa puso ko na nagsilbing bala para makaramdam ako ng pagdurugo.  Dala-dala ko ang pag-uusap namin ni Zanila hanggang sa mga sumunod na araw. Kahit anong gawin ko ay hindi iyon mabura sa utak ko.  "Ba't hindi mo ibenta 'yang mga painting mo nang mapakinabangan naman natin. Sayang naman kung 'tong kwarto mo lang ang nakakakita!" si Tita Margaret.  Binaba ko ang kamay ko mula sa canvas. Sumulyap ako sa kaniya at ngumuso. "Ayaw ko naman pong ibenta kung hindi ako satisfied sa mga ito. Tsaka may kulang pa." Nagkibit-balikat ako at tinuloy ang pagdampi ng paint brush sa canvas. "Ano ka ba! Ang galing mo kayang magpinta. Kahit ako na hindi mahilig sa ganiyan ay namamangha pa rin
Read more
Chapter 47
"Bakit ka may singsing?" Nag-angat ako ng tingin kay Tita Margaret. Titig na titig siya sa kamay kong may hawak ng tasa ng kape. Binaba niya ang kaniyang kubyertos at tinaasan ako ng kilay.  Hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyari kagabi. Magdamag lang akong tulala sa kisame at pakiramdam ko, panaginip lang ang lahat. O isang masaklap na bangungot. Hindi ko alam. Napakasarap sa pakiramdam, sa puntong kinukurot na ang puso ko. Hindi ko akalain na posible pala iyon. Na maging masaya ngunit masakit sa puso.  Akmang ibababa ko ang aking kamay nang mabilis niya iyong hinablot.  Kinagat ko ang labi ko. Pinagmasdan ko siyang kinikilatis ang singsing. Kunot ang kaniyang noo habang sinusuri iyon.  "Tangina... ang ganda. Bigay ba 'yan ni Hayes?" Halos bulong lamang iyon. Pinakawalan niya ang kamay ko at tinitigan ako nang mabuti. Hindi ko siya halo
Read more
Chapter 48
Kitang-kita ko ang matalim niyang titig sa akin bago bumaling kay Hayes. Napakurap-kurap ako at lumunok. Nilingon ko si Hayes na nanatiling nakatingin sa akin, ni hindi naapektuhan sa pagdating ni Zanila. Umigting ang kaniyang panga bago sumulyap dito. "I wouldn't know that you're here kung hindi lang sinabi sa akin ng maid ninyo. Lola Herenia is waiting for us in the dining. Shall we go now?" malambing ang kaniyang tono. Tumaas ang altapresyon ko sa narinig. Nanginig ang kalamnan ko sa galit. Kinagat ko ang labi ko at pinilit na kinalma ang sarili. "I'm sorry, Zanila. I still have to drive Marwa home. I might ditch the dinner. Just tell Lola about it," pormal na sinabi ni Hayes. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baywang at hinapit ako palapit sa kaniya.  "Baby, let's go?" bulong niya. Umawang ang mga labi ko at nilingon si Zanil
Read more
Chapter 49
Nalaglag ang panga ni Zanila at nanatili sa kaliwa ang mukha niya matapos ng aking sampal. "Zanila! Oh my god!" Dinig ko ang singhap ni Minerva at mabilis na dinaluhan ang kaniyang anak.  Nanginginig ang kamay ko habang tinatanaw siya. Sukdulan na ang galit ko sa bibig niyang puro kasiraan ang lumalabas. Hawak niya ang kaniyang pisngi at mas lalong tumalim ang mga mata niya nang bumaling sa akin.  "Bitch!" sigaw niya at akmang susugurin ako nang tinulak siya ni Tita Margaret.  Nanatili lamang akong nakatayo, matalim ang titig sa mag-ina dahil sa matinding galit at pagkasuklam sa kanila. "Huwag mong ma-bitch bitch ang pamangkin ko, bruha ka! Umalis na nga kayo rito! Gulo lang palagi ang dala niyong mag-ina! Mga salot!" Nanlalaking mga matang sigaw ng aking tiyahin.  Kinagat ko ang labi ko at humugot ng malalim na hining
Read more
PREV
1
...
34567
...
14
DMCA.com Protection Status